You are on page 1of 28

FRONT COVER

Mamâ Para!
Para kay Máma

*Paalala para sa Illustrator: Iguhit sa bahaging ito ang isang tipikal na batang

Pilipinong mag-aaral na nasa ikalawang baitang. Nakatalikod ang bata.

Pinagmamasdan niya ang kaniyang paaralan. Isang malaking ulap naman ang nasa

itaas ng paaralan na hugis babae. Ito ang kaniyang Mama (nanay). Samantalang sa

gitna makikita ang kalsada na kinaroroonan ng isang pampasaherong dyip. Sa dyip,

nakalimbag ang pamagat ng kuwento. Sa kabuuan, makikita ang bata na tatawid

papuntang paaralan.

1
INSIDE FRONT COVER

*Paalala sa Illustrator: Iguguhit sa two-page spread (page 2 at page 3) ang isang

malaking dyip na kinalulunanan ng mga pasaherong nabanggit sa kuwento.

2
ENDPAPER 1

F2-PB-IIc-2.2
Nakasusunod sa nakasulat na panutong may 2-3 hakbang.

F2-KP-IIb-8
Natutukoy ang mga salitang magkakatugma.

F2-KP-IVc-i-9 / F2-KP-IVb-i-1.3
Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma.

EsP2PKP-Ic-9
Napahahalagahan ang saya o tuwang dulot ng pagbabahagi ng anumang kakayahan o talento.

3
COPYRIGHT PAGE

4
TITLE PAGE

Mamâ Para!
Para kay Máma

5
STORY PANEL / SEQUENCE

May lagnat si Mama. Naulanan kasi siya noong makalawa.

Umalis naman nang maaga si Papa papunta sa trabaho niya.

Wala pa si Kuya, may tinatapos na proyekto kasama ang mga ka-eskuwela.

Puyat naman si Ate galing sa mahabang biyahe sa probinsya.

Tik. Tak. Tik. Tak. Oras na nang pagpasok ko sa paaralan.

Kaya ko na kayang pumasok mag-isa?

6
STORY PANEL / SEQUENCE

Illustration Guide for Illustration 1: (for pages 6 and 7)

Option 2: For each panel sequence (two-page spread), text and illustrations may be

placed together to facilitate a visually comprehensible story reading.

Iguhit ang mga kasama ng bata sa bahay na parang nakahati sa apat na bahagi.

Ang kaniyang mama na nakahiga at may sakit. Ang kaniyang papa na papunta sa

trabaho. Ang kaniyang kuya na may ginagawang proyekto. Ang kaniyang ate na

tulog na tulog at hindi na nakapagpalit ng damit dahil sa sobrang pagod.

7
STORY PANEL / SEQUENCE

“Una mong gawin Jojo, karatula’y basahin.

Tandaan mo rin, kulay ng dyip ay green,” paalala ni Mama.

Mag-aabang.

Magbabasa.

Mabilis ang mata.

Iniunat ang kamay, saka ikinaway.

8
STORY PANEL / SEQUENCE

Illustration Guide for Illustration 2: (for pages 8 and 9)

Option 2: For each panel sequence (two-page spread), text and illustrations may be

placed together to facilitate a visually comprehensible story reading.

Iguhit ang bata na nag-aabang ng dyip sa kalsada. Sa malayo may paparating na

green na dyip. May nakasulat na karatula. Isulat sa karatula ang salitang Sta. Cruz.

Gumuhit din ng papasikat na araw. Ang tagpuan ay makikitang mala-probinsya. May

kalabaw at may taniman.

9
STORY PANEL / SEQUENCE

Huminto ang dyip sa aking harapan.

Kaya ko kayang makipagsiksikan?

“Pasok boy, maluwag pa ‘yan,” sabi ng mamang tsuper.

Hindi pa man humahakbang puso ko’y kumakabog.

Nagdadalawang-isip na baka ako’y mahulog.

Buti na lang naaalala ko si Mama sa kaniyang ibinulong.

10
STORY PANEL / SEQUENCE

Illustration Guide for Illustration 3: (for pages 10 and 11)

Option 2: For each panel sequence (two-page spread), text and illustrations may be

placed together to facilitate a visually comprehensible story reading.

Sa pagkakataong ito, iguhit ang isang malaking dyip na ang mga pasahero ay

parang mga anino. Halata sa mga anino na iba’t ibang klase ng pasahero ang

naroroon sa loob. Ang bata naman ay nag-aalangan, tila pinagpapawisan ang

hitsura. Masaya naman ang mukha ng mamang tsuper.

11
STORY PANEL / SEQUENCE

“Ikalawa mong gawin Jojo, baitang ng dyip ay hakbangin,

sa estribo’y humawak nang madiin,

maghanap ng upuan at kung ika’y nasisikipan,

‘makikiusog po’ ganyan mo sila pakiusapan.”

Sabay-sabay na gumalaw ang mga tao sa dyip.

Umusog-usog.

Kumembot-kembot.

Ang bawat pasaherong nasa loob.

Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa

Hayun, may bakante sa gitna.

12
STORY PANEL / SEQUENCE

Illustration Guide for Illustration 4: (for pages 12 and 13)

Option 2: For each panel sequence (two-page spread), text and illustrations may be

placed together to facilitate a visually comprehensible story reading.

Iguhit ang loob ng dyip. Puro hita ng mga pasahero ang makikita. Bird’s eyeview ang

pagkakaguhit. Tila nakikita ng bata ang bawat pasahero. May bakante sa gitna ng

dyip. Ulo lamang ng bata ang makikita sa bandang gitna ng two-page spread. Ang

text naman ay nasa bandang itaas.

13
STORY PANEL / SEQUENCE

Sa wakas, nakaupo na ako.

Pinagmamasdan ang bawat pasahero.

Nasa kanan ko ang matandang may baston.

Sa gawing kaliwa naman, isang mamang maton.

Nasa harap ko ang babaeng may karga-kargang bata.

Naalala ko na naman si Mama, kumusta na kaya siya?

14
STORY PANEL / SEQUENCE

Illustration Guide for Illustration 5: (for pages 14 and 15)

Option 2: For each panel sequence (two-page spread), text and illustrations may be

placed together to facilitate a visually comprehensible story reading.

Iguhit ang bata na nakaupo na sa loob ng dyip. Nasa kanan niya ang matandang

may baston. Sa kaliwa niya ang mamang maton. Nasa harap naman niya ang isang

babaeng may karga-kargang bata.

15
STORY PANEL / SEQUENCE

“Manong, bayad po,” sabi ng lalaking nakakurbata.

“Heto rin po ang bayad,” sabi naman ng aleng nakakamiseta.

Bayad doon, bayad dito.

Oo nga pala, magbabayad din ako.

“Ikatlo mong gawin Jojo, bulsa mo‘y kapkapin,

pamasahe mo’y huwag kalilimutang bilangin,

‘bayad po’ malakas mong sabihin,

‘estudyante po’ idugtong mo na rin,” bigla kong naalala.

“Heto po ang bayad, estudyante po,” sigaw ko sa mamang tsuper.

16
STORY PANEL / SEQUENCE

Illustration Guide for Illustration 6: (for pages 16 and 17)

Option 2: For each panel sequence (two-page spread), text and illustrations may be

placed together to facilitate a visually comprehensible story reading.

Iguhit ang bata na nagbibilang ng kaniyang pamasahe habang ang bawat pasahero

ay nagsasalita ng ‘bayad po’.

17
STORY PANEL / SEQUENCE

Natanaw ko na ang aming paaralan,

pati na ang mga kaklase kong nasa gilid ng daan.

Sabik na sabik na akong bumaba sa dyip.

Ganito pala ang bumiyahe mag-isa, nakaiinip.

Si Mama, muli ko siyang naisip.

18
STORY PANEL / SEQUENCE

Illustration Guide for Illustration 7: (for pages 18 and 19)

Option 2: For each panel sequence (two-page spread), text and illustrations may be

placed together to facilitate a visually comprehensible story reading.

Iguhit ang bata na masayang nakadungaw sa bintana ng dyip. Mamamasdan niya

ang kanilang paaralan sa hindi kalayuan. Makikita niya rin ang kaniyang mga

kaklase sa gilid ng daan.

19
STORY PANEL / SEQUENCE

“Jojo, ang huli kong ipagagawa,

sumigaw ka ng ‘Mamâ, para!’

Hintayin mong huminto, itatabi sa gilid ng kalsada,

saka ka bumaba at tumungo na sa eskuwela.

Oo nga pala, Jojo, mag-iingat ka.

Tandaan mong mahal na mahal kita.”

20
STORY PANEL / SEQUENCE

Illustration Guide for Illustration 8: (for pages 20 and 21)

Option 2: For each panel sequence (two-page spread), text and illustrations may be

placed together to facilitate a visually comprehensible story reading.

Iguhit ang mukha ng kaniyang ina sa ulap. Kitang-kita niya ang kaniyang ina na tila

kinakausap siya. Nasa background pa rin ang paaralan at ang kaniyang mga

kaklase sa daan.

21
STORY PANEL / SEQUENCE

“Mamâ, para!”

Agad akong bumaba at napangiti nang bahagya.

Salamat mama sa iyong mga paalala.

Ako’y handa nang pumasok sa eskuwela

para kay Papa, Ate at Kuya

at siyempre para sa’yo Mama.

22
STORY PANEL / SEQUENCE

Illustration Guide for Illustration 9: (for pages 22 and 23)

Option 2: For each panel sequence (two-page spread), text and illustrations may be

placed together to facilitate a visually comprehensible story reading.

Iguhit sa bahaging ito ang isang tipikal na batang Pilipinong mag-aaral na nasa

ikalawang baitang. Nakatalikod ang bata. Pinagmamasdan niya ang kaniyang

paaralan. Isang malaking ulap naman ang nasa itaas ng paaralan na hugis babae.

Ito ang kaniyang Mama (nanay). Samantalang sa gitna makikita ang kalsada na

kinaroroonan ng isang pampasaherong dyip. Sa dyip, nakalimbag ang pamagat ng

kuwento. Sa kabuuan, makikita ang bata na tatawid papuntang paaralan.

23
STORY PANEL / SEQUENCE

Ngayon, kaya ko na nga

ang pumasok sa paaralan nang mag-isa.

Ikaw kaya mo na rin ba?

24
END OF STORY

Illustration Guide for Illustration 10: (for page 25)

Iguhit ang isang batang mag-aaral na masayang masaya ang mukha. Bakas ang

tiwala sa sarili. Background ang kaniyang Mama, Papa, Ate at Kuya.

25
END PAPER

26
END PAPER

Tungkol sa May-akda:

27
BACK COVER PAGE

Ano kaya ang pakiramdam ng pumasok sa paaralan nang mag-isa?

Kakayanin kaya ng isang batang gaya ni Jojo na pumasok sa paaralan kahit hindi

niya kasama ang kaniyang Mama, Papa, Ate at Kuya? Paano kaya siya

makapapasok sa paaralan?

28

You might also like