You are on page 1of 7

MGA BAHAGI

NG KUWENTO
SIMULA, KASUKDULAN AT KATAPUSAN
Ang kuwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning
magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
Nagiiwan ito ng kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

Maraming uri ang maikling kuwento ngunit iisa lamang ang


naidudlot nito sa mga mambabasa at iyon ay ang makapagbigay ng
mabuting aral na maaaring gamitin ng mambabasa sa kanyang
buhay.
MGA BAHAGI NG KUWENTO
1. Simula – ito ay nagsasaad ng unang pangyayari o paano nagsisimula ang kuwento.
Ito ang pangyayaring unang nagaganap sa kuwento o bilang panimula ng isang
kuwento. Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin.

2. Kasukdulan – pagkamit sa katuparan o kasawian ng tauhan. Ito ang bagahi kung


saan nabibigyang solusyon ang kanilang nagging suliranin o probloema.

3. Katapusan – ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng


kuwento mula sa mataas na emosyon ng pangyayari sa kasukdulan. Sa bahaging ito
mababasa ang resulta ng kuwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o
panalo.
HALIMBAWA
SIMULA:
Noong unang panahon, sa isang napakalayong lupain.

KASUKDULAN:
Naging maayos ang paghihiwalay ng magkaibigan.

KATAPUSAN:
Habang buhay na silang nagging magkasama.
BASAHIN ANG MGA DETALYE MULA SA IBA’T IBANG
KUWENTO. ISULAT SA PATLANG KUNG ANG DETALYE SA
KUWENTO AY BAHAGING SIMULA, KASUKDULAN O
KATAPUSAN.
A. Kwento ni Pagong at ni Matsing

______ Noong unang panahon may magkaibigang pagong at matsing. Si Pagong


ay mabait at maunawain, samantalang si Matsing ay tuso at madamot.
______ Naging sakim si Matsing, kinain niya ang lahat ng saging. Sa galit ni
Pagong, nilagyan niya ng tinik ang ilalim ng puno ng saging. Gumanti si
Matsing at itinapon sa ilog si Pagong.
______ Nagbago si Matsing nang naramdaman niya na masakit pala ang
maisahan ng isang kaibigan.
BASAHIN ANG MGA DETALYE MULA SA IBA’T IBANG
KUWENTO. ISULAT SA PATLANG KUNG ANG DETALYE SA
KUWENTO AY BAHAGING SIMULA, KASUKDULAN O
KATAPUSAN.
B. Kwento ni Cinderella

______ Naging tunay na prinsesa si Cinderella, dahil siya ay pinakasalan ng


kaniyang minamahal na prinsipe.
______ Kahit pinagbawalan siya ng kaniyang madrasta at mga kapatid, siya ay
dumalo pa din sa sayawan upang makita ang prinsipe.
______ Si Cinderella ay may mabuting puso. Siya ay may dalawang kapatid na
anak ng kanyang madrasta.
BASAHIN ANG MGA DETALYE MULA SA IBA’T IBANG
KUWENTO. ISULAT SA PATLANG KUNG ANG DETALYE SA
KUWENTO AY BAHAGING SIMULA, KASUKDULAN O
KATAPUSAN.
C. Kuwento ni Pinocchio

______ Nagsinungaling si Pinocchio sa kanyang ama kaya sinumpa siya ng


diwata. Sa tuwing siya ay magsisinungaling humahaba ang kanyang ilong.
______ May isang matandang lalaki na gumagawa ng laruan, dahil siya ay may
mabuting puso, tinupad ng isang diwata ang kanyang hiling na magkaroon ng
isang anak.
______ Sa huli ay pinagsisihan ni Pinocchio ang lahat ng kanyang ginawang
kasinungalingan.

You might also like