You are on page 1of 1

Name: SAMSON DANIEL M.

Subject: OLHFIL
Section: A003 Teacher: Ms, Raquel C Bayuta

REPLEKSYON SA IBONG ADARNA

Ang Ibong Adarna ay isang epikong Pilipino. Ito ay tungkol sa isang ibon na nagngangalang
Adarna. Ang Ibong Adarna ay may taglay na engkanto na nakakapagpagaling ng anumang
karamdaman at sakit sa pamamagitan ng kanyang magandang tinig. Mahirap mahuli ito
sapagkat nakaaantok ang kanyang tinig at nagiging bato ang sinumang matamaan ng
kanyang ipot. Maraming mga aral na importante sa buhay ng bawat tao ang matutunan sa
pagbabasa ng Ibong Adarna. Ang kwento ay tungkol sa isang matapang na Prinsipe.
gagawin ang kahit ano para sa kanyang pamilya. Dito mapapatunayan kung hanggang saan
at ano ang kaya mong gawin para sa sa taong iyong minamahal. Handa kang masaktan at
masugatan mapasaya mo lamang ang minamahal mo. Sa kwentong ito, pinapatunayan din
kung hanggang saan ang kaya mong ibigay na tiwala para sa isang tao. Pag binigyan ka ng
isa pang pagkakataon o oportunidad, gawin mo na lahat ng makakaya mo para
mapatunayan ang iyong ninanais.Sa Ibong Adarna makakaramdam ka ng iba't ibang klase
ng emosyon, may masaya, malungkot, nakakatawa at nakakakilig habang binabasa ang
kwento, tunay nga na “makakarelate ka” dahil kung pagaganahin mo ang iyong malawak na
imahinasyon, aakalain mong parang ikaw mismo ang nakakaranas ng mga pangyayari sa
kwento, at Ikaw ang pangunahing tauhan dito.Napakahalagang pag-aralan ang kwento ng
Ibong Adarna lalong-lalo na sa mga kabataan dahil nga sa mahahalagang aral na maaring
magamit sa pang-araw araw na buhay at mga aral na makakapagpabago ng kanilang mga
pananaw sa buhay. dito mo makikita ang realidad ng buhay, Hindi parating masaya at
mapayapa, darating at darating pa rin tayo sa mga panahon na haharap tayo sa mga
pagsubok at suliranin na magpapatatag sa ating pagkato. May mga pagkakataong na
nagawa mo na lahat ang iyong makakaya ngunit nabigo ka pa rin, pero normal lang ang
mabigo, kasama ito sa hamon, laban lang at tumayo pag nadadapa.

You might also like