You are on page 1of 2

PAGBASA AT PAGSUSURI

ABM 1103
PANGKAT 1
MEMBERS:
- Bullo, Princess Carissa
- Gerarcas, Sheryl
- Molina, Nouella
- Salillas, Denniela Carla
- Santiago, Jasmin
-Sta.Maria, Ysabel
-Trilles, Ma. Veronica

AGAM-AGAM NG LANGGAM
Noong nakaraang Abril 8, 2022 ng Biyernes, naatasan ang aming grupo na magtalakay ukol sa
mga akdang tula ni Paterno “Pat” Baloloy na Agam-agam ng Langgam. Naghanda ang aming grupo ng
isang presentasyon ukol dito. Sinimulan namin ito sa papamagitan ng pagbati sa aming guro at sa aming
mga kaklase na pinangunahan ng aming miyembro na si Princess. Sunod ay ibinahagi niya ang magiging
daloy ng aming talakayan. Pagkatapos nito ay pinakilala niya kung sino nga ba si Paterno Baloloy. Sinabi
na si Paterno Baloloy Jr., 45 taong gulang, ay ipinanganak noong ika-12 ng Enero taong 1977 sa Calauag,
Quezon. Siya ang awtor ng tinalakay naming akda. Kasama dito ang pagpapabahagi ng kaniyang mga
napagtagumpayan at pinagdaanan sa buhay. Sa pagtatapos niya ng pagpapakilala dito, Nagtanong ang
aming guro kung bakit ganoong klase ang isinusulat niyang tulang pangbata. Kung bakit ito inihambing
sa mga hayop at madali lang ito maintindihan. Sumagot ang aming miyembro na so Carla at sinabi na
“Kaya ganoon ang kaniyang pagkasulat sa mga tula dahil sinasabi na noong gabataan nito ay makulit at
masiyahing bata si Pat Baloloy. Kaya ng lumaki ito at natutunan niyang sumulat ng mga tula ay nadala
niya ang pagiging masayahin nito sa pagbabahagi ng kaniyang mga akdang tula na masaya at magaan
lang basahin.” Pagkatapos nito ay nagpatuloy na ang aming pagtatalakay. Nagbigay ang aming grupo ng
maiklisng pagpapakilala sa akdang Agam-agam ng Langgam. Sinabi ng aming miyembro na si Jasmine na
ito’y mga tulang pangbata na inihambing sa mga katangian ng mga hayop, insekto at sa mga mata ng
mga bata. Ang mga tula nito ay domestiko at madali lang basahin at maintindihan dahil ang mga
kahulugan nito ay nakalutang lamang.

Pagkatapos ang introduksyon ay pinagpatuloy na ni Jasmin ang pagtatalakay sa mga tula na


nakapaloob sa Agam-agam ng Langgam.

Sunod ay tinalakay naman ni Carla ang mga tula sa Luksong Baka, Luksong Tinik. Sinimulan niya
ito sa tulang luksong baka, ipinapakita nito ung paraan kung paano nilalaro ang luksong baka. Sinabi na
ito ung pagtalon mula sa likod ng taya nang hindi sumasayad ang ibang parte ng iyong katawan kaya
kung minsan may mga sumasalubsob kaya tinatawanan na natin. Sa bawat pag-lagpas natin ay may
panibagong taas o “level” na kailangan tawirin hanggang sa may mapiling bagong taya. Tulad na lamang
sa pag-harap natin sa mga pagsubok at pangarap natin sa buhay. May pagkakataong tayo’y nadarapa,
pipiliting tumayo at sumubok muli. Kasama ng mga kaibigan natin, andiyan sila upang tayo’y suportahan
at kung minsan ay may mga pagkakataong mauuna sila sa pagtupad sa kanilang mga pinapangarap na
pinagusapan niyong abutin noong mga bata pa kaya naniniwala pa rin na mangyayari ito kapag ito’y oras
mo na. Sunod ang luksong tinik, ito rin ay isang laro na ginagamitan naman ng mga daliri sa kamay at
paa. Gaya ng luksong baka, kinakailangan ring tawirin ito ng hindi sumasayad ang parte ng katawan sa
mga daliri ng taya. Kung ihahambing ito sa reyalidad ay nagpapakita ito na maraming bagay ang
hahadlang sa atin bago natin makamit ang ating mga ninanais at patuloy pa rin na gagawin ang lahat
upang mapagtagumpayan ito. Ang tsinelas ni balas o kung tawagin ay tumbang preso ay ginagamitan ng
tsinelas at lata. Sa larong ito mayroong isang taya at ang bawat manlalaro ay kinakailangan na tamaan
ang maliit na lata na binabantayan ng taya. Mula rito maihahambing din natin ito sa ating buhay dahil
ang maliit na lata ay masasabi nating “pangarap” na ninanais nating abutin kaya kinakailangan na gawin
ang lahat upang ito’y matamaan at kapag ito’y natamaan mag-iiwan ito ng bakas kung saan ito’y tatak o
mag-iiwan ng bakas ng mga pinaghirapan at napag-tagumpayan natin sa buhay. Ang gagamba ay siyang
gumagawa ng sarili niyang tahanan. Kung baga sa reyalidad tayo ang gumagawa ng magiging takbo ng
ating buhay kahit na nagpapakahirap na tayo, may mga pumipigil pa rin sa atin gaya ng mga problema o
pagsubo gaya ng mga bat ana sumisira sa tahan ng gagamba. At gaya ng gagamba, hindi tayo sumusuko,
gumagawa ulit tayo ng panibagong sapot o gumagawa tayo ng panibagong paraan para tumayong muli.
Alam naman natin na yung salagubang lalo na sa mga probinsya, madalas itong hulihin lalo na kapag tag-
ulan, nagsisilabasan sila. Ngayon, nilalagyan ng sinulid sa paa yung salagubang tapos lilipad lipad siya
paikot kahit alam niyang hindi siya makakawala mula sa pagkakatali. Kagaya ng salagubang, may
pagkakataon sa buhay natin na kinokontrol tayo ng mga taong nagsasabi na nakakabuti iyon sa atin pero
ang totoo, nasasakal na tayo. Kagaya ng salagubang na laging hinuhuli at tinatali, hindi tayo malaya.
Kagaya ng salagubang na laging hinuhuli at tinatali, hindi tayo malaya at walang karapatang magsalita o
lumaban. Kung sa pangungutya naman pinapahiwatig nito na noong kabataan natin ay may mga
pagkakataon na may kumukutya satin o kung baga nang-aasar habang naglalaro kaya minsan ay
nagkakapikunan. Kaya sinasabi na huwag tayong magpapaapekto sa sasabihin ng iba at maniwala lang sa
sariling kakayahan. Pagkatapos nito ay tinanong ng aming guro kung pang ilang taon ito at sinagot
naming ito’y na pang-apat pataas na taong gulang

Tilakay naman ni Sheryl ang mga tula sa Paumanhin ng Kuting.

Sa huli ay nagbigay kami ng naging konklusyon naming sa aming mga natalakay. Tinanong rin ng
aming guro ang aming mga kaklase sa ibang grupo kung ano ang kanilang natutunan dito. Sumagot ang
pangkat 2 na
Ang pangkat 3 naman ay
Sa pangkat 4 naman ay
Sa pangkat 5
Sa pangkat 6

You might also like