You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


Pablo Borbon Main I, Batangas City, Philippines 4200
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Tel. No. (043) 980-0385 local 1128

Gavilan, Clarice S. BTLE-HE-1101

Sosyedad at Literatura

ANG GURYON

ni ILDEFONSO SANTOS

Ipinahihiwatig ng tula sa buhay ng tao ang guryon ay marupok, hindi gaanong matibay
ngunit kapag napalipad mo na ito ng mataas, titingalain ito at hahangaan. Katulad din
ng buhay ng tao, may mga pagsubok ng hindi natin inaasahan. Dapat na maging
matatag at may tiwala tayo sa ating sarili upang makamit natin ang ating mga pangarap
at huwag nating kakalimutan ang ating panginoon.

Ang guryon o saranggola ay simbolo ng sa pangarap ng tao para sa kanyang


buhay. Ipinapahayag nito kung gaano na katayog ang ating pangarap at kung paano
natin ito maaabot o makakamtan. Ang Guryon ay isinulat ni Ildefonso Santos. Ang
Guryon ay nagpapahiwatig tungkol sa anak na nais abutin ang mga pangarap sa buhay.
Itong Guryon ay yari sa papel de hapon. Ito ay isang saranggola na ginamit para
lumipad. Itong Guryon ay nagbibigay ng kahulugan ng isang tao na gusto makamit ang
kanyang gusto. Dahil sa malasakit ng magulang gusto nila makamit ang pangarap ng
kanilang anak upang maging matagumpay ang kanilang pangarap. Kaya habang
nandito pa tayo, subukan natin lumaban sa ara-araw upang mapanatili ang ating
pamumuhay.

Ang tulang “Ang Guryon” ay may teoryang Imahismo dahil gumagamit ito ng mga
imahen upang mas madaling maunawaan ng mga mambabasa ang ano mang
damdamin, kaisipan, ideya, saloobin na nais ipahayag ng tula. Inilalarawan dito ang
guryon na maiihalintulad natin sa ating pangarap na kong saan tayo ay makipagdagitan
at makipaglaban sa marangal na paraan. Ipinapakita rin dito ang pagmamahal nang
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
Pablo Borbon Main I, Batangas City, Philippines 4200
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Tel. No. (043) 980-0385 local 1128

isang magulang sa kanyang anak, na kung saan kanya itong pinapayuhan na anumang
unos ang dumating mag tagumpay man o hindi sa kanyang nais na marating
huwag mawalan nang pag asa at ito ay matutupaddin. Inilalarawan din sa tulang ito ang
buhay ng tao na kung saan magulo na paminsan minsan hindi natin maintindihan
subalit ito ay parte na sa karanasan nang isang tao para ika’y tibayin at maging
malakas sa pag harap sa buhay. Natutunan ko na sa bawat problema na ating
hinaharap ito ay nagpapatibay at nagpapalakas loob sa atin na gawin at maging
malakas sa pag harap sa laban ng buhay. Sa pag tahak natin tungo sa matagumpay na
buhay naway hindi natin makalimutan magpasalamat sa ating maahal na panginoon sa
pag gabay at pag bigay alam sa araw-araw

Ang tulang ito ay isang simbolo ng ating pagkatao, pagkamakabansa, at


sumasalamin sa ating buhay. Sa unang bahagi ng tula, nalaman natin na ang guryon ay
may pula, puti, at asol na kulay, tulad lamang ng ating watawat. Sumisimbolo ito sa atin
bilang mamamayan ng Pilipinas. Sa Ikalawang saknong, makikita natin na dapat
balansehin natin ang solo’t paulo’y. Ito’y maaaring sumisimbolo na dapat mayroong
balanse ang ating buhay upang hindi tayo magkiling. Pagkatapos, isa sa mga aral na
makukuha natin ay dapat nating pabayaang lumipad ang guryon kung ito ay sumimoy
ng hangin. Ito ay sumasalamin sa ating mga kabataan at bansa na naglalayong maging
Malaya. Ngunit, sa buhay natin, mayroong mga malalakas na hangin. Ito ang mga
problema at mga pagsubok na naghihintay sa atin. Kaya dapat tayo’y makipaglaban at
hindi susuko. Ang buhay nga natin ay totoong parang guryon, marupok, malikot,
dagiti’t dumagit, saan man sumuot. Kaya dapat tayo’y magbigay puri sa diyos bago pa
tayo tuluynag sa lupa’y sumubsob.

Katulad ng isang guryon tayo rin dapat ay magpatuloy sa paglipad patungo sa


ating mga pangarap. Hindi dapat tayo sumuko kung may mga unos man tayong
kakaharapin bagkos dapat nating tatagan ang ating loob at magpatuloy sa buhay. .
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
Pablo Borbon Main I, Batangas City, Philippines 4200
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Tel. No. (043) 980-0385 local 1128

You might also like