You are on page 1of 5

SAKTONG BUHAY: SA DEKALIDAD NA EDUKASYON

PINANDAY
Pagbati
Intro
Ano ba ang saktong buhay?
Paano ito magiging sakto?
Ano ang dekalidad na edukasyon?
Ano ang pinanday na dekalidad na edukasyon?
Aaminin ko, ako ay naguguluhan sa konsepto ng tema na ito
na ginawa ng DepEd. Hindi ko masabi kung lubhang malalim o
tunay na magulo ang tema.

Una, hindi ito angkop sa mga

characteristics of a good sentence 1] make it clear; 2] keep it


concise; 3] don't be boring; 4] be emphatic; at 5] use active
voice. Sa unang dalawang kategorya, babagsak na ang tema sa
taong ito.
Ngunit pipilitin ko na bigyan kahulugan ito para maging
makabuluhan ang inyong pagtatapos at maayos ang aking
pagbibigay ng mensahe sa inyo. Himayin natin ang kahulugan
ng inyong tema.
Ano ang saktong buhay sa inyo? Makatapos ang pagaaral?
Makatapos ng kurso sa kolehiyo?

Pagkatapos ng kurso sa

kolehiyo, maga-asawa at magkaroon ng pamilya?


saktong buhay?

Ito ba ang

Magkaroon ng magandang trabaho?

pagkatapos

magkaroon

magkaroon

malaking

ng
bahay

trabaho,
at

gugustohin

magagandang

pagkatapos ng inyong pagaaral? Tama o mali?

nyo

At
na

sasakyan

Kung ganito ang inyong pangarap na mangyari sa inyong


buhay, hindi ito ang saktong buhay na nais ng DepEd para sa
inyo.
Kaya sa simula pa lamang ng aking pagsasalita, nabanggit
ko na na magulo ang konsepto ng tema ng DepEd.
Kung saktong buhay lamang ang kailangan, nililimitahan ng
DepEd ang inyong oportunidad na umunlad at mag aspire o mag
hangad ng higit pa para umunlad ang buhay, kung ito ay
kakayanin naman.
Ang layunin ng tema ngayon, ayon sa mensahe ni DepEd
Secretary, Bro. Armin A. Luistro ay, isang pagpapaalala ng
kahalagahan ng edukasyon sa pagbuo ng ating mga pangarap.
Ito rin ay isang paggunita sa ga kwento ng tagumpay ng ating
mga bayani, tulad ng mga sundalo, pulis, at guro, na nagpursigi
sa kanilang pag-aaral para mabigyan ng disenteng buhay ang
kanilang

mga

pamilya.

Ipinababatid

nito

sa

atin

ang

kahalagahan ng edukasyon sa pagbubukas ng mga oportunidad


at sa pagkamit ng isang marangal na buhay, isang buhay na
hindi lamang para sa ating sarili kundi para sa kapwa.
Sa aking pagkakaunawa ay, sa tema ng DepEd, we will be
setting certain limits to the broad horizons of opportunities. And
this runs counter to progress. Personally, there is this element of
negativism in your theme. Pardon me in saying that.
Wala akong pagtutol sa pagbibigay kahulugan ni Bro. Luistro
na mahalaga ang edukasyon sa pagbuo ng ating mga pangarap.
Sang-ayon ako dito.

Naalala ko tuloy ang madalas na sinasabi ng aming mga


magulang nuong kami ay nagaaral pa, magaral kayong mabuti at
ito lamang ang taning maipapamana namin sa inyo upang
maging maayos ang inyong buhay.
Ang edukasyon ang magbibigay sa inyo, sa atin ng
kakayahan na makamit ang ating mga pangarap, higit pa sa
saktong buhay na gusto ng DepEd na inyong matamo.
At dahil sa inyong natapos o na-accomplished na yugto ng
inyong pagaaral ngayon, hindi dito nagtatapos ang inyong
obligasyon na mag-aral. Ang tawag sa inyong gawain ngayon ay
commencement exercises.

Ibig sabihin ay, gawain ng pag-

uumpisa.
Mag-uumpisa pa lamang sa banibagong yugto ng inyong
buhay mag-aaral tungo sa magandang hinaharap.
Sa Manila, kapag sumakay kayo sa LRT sa may Carriedo
station, malapit sa FEATI University, may isang quotation sa
building nila at ganito ang sinasabi, Look up young man, look
up.

Ito ang motto ng FEATI University na nuon ay kilalang

pamantasan ng mga piloto.


Ano ang ibig ipahiwatig sa atin ng mga katagang ito?
Dalawang bagay ang nakikita ko. Una, pag tingin natin sa taas,
look up, we look up upon our God for blessings and guidance, at
to thank Him. Pangalawa, we look up because the horizon is very
wide, the opportunities under the canopy of heaven are plentiful.
Nalulungkot ako at ang gusto lamang ng DepEd ay saktong
buhay. Kaya nating higitan ang saktong buhay na ito, sa tulong

at pagpapala ng Dios at sa ating mga gawa.

Hindi ba at ang

kawikaan nating mga Filipino ay nasa Dios ang awa, nasa tao
ang gawa.
Enough should not be your standard. Ito ang ibig sabihin ng
sakto, enough. Enough is ok, but for me enough is not ok. We
should aspire for more through education.

To be enough is to

become mediocre. Kung tayo ay sakto, tayo ay pangkaraniwan


lamang.
Para hindi tayo, o kayo maging pangkaraniwan, ano ang
dapat gawin.

Mangarap, magkaroon ng pangitain.

Dream

dreams that will challenge and inspire you to the fullest. Si Walt
Disney, sinabi niya na all our dreams can come true, if we have
the courage to pursue it. Sa Filipino, ang lahat ng ating mga
pangarap ay maaaring matupad , kung mayroon tayong lakas ng
loob upang ituloy ang mga ito.

Gustong gusto ko ang

kawikaang ito, hindi lamang ang mga cartoon characters na


kanyang nilikha. Si Eleanor Roosevelt, dating first lady ng US, ay
nagsabi din na, Ang hinaharap ay kabilang sa mga taong
naniniwala

sa

kagandahan

ng

kanilang

mga

pangarap.

Maniwala kayo sa inyong mga pangarap, sa inyong mga sarili at


ang hinarap o future ay mapapasainyo. Naalala nyo ba ang tema
ng palabas na Starstruck dream, believe, survive!
Ang inyong mga pangarap at mga adhikain ay makakamit
kasama ang pagmamahal at suporta ng inyong mga magulang.
At ng dekalidad na edukasyon na inyong pagsusumikapang
matamo.

Sinabi ni Martin Luther King Jr., isang kilalang black

American

social

rights

activist

na

lumaban

para

sa

pagkakapantay-pantay ng itim at puti sa US ang katagang ito,


The function of education is to teach one to think intensively
and to think critically. Intelligence plus character - that is the goal
of true education.

Sa wikang Filipino, Ang tungkulin ng

edukasyon ay upang turuan ang isang tao na mag-isip ng


masinsinan at mag-isip

na mapanuri.

Ang katalinuhan at

pagkatao ang layunin ng tunay na edukasyon.


Para sa akin, ito ang dekalidad na edukasyon turuan ang
isang tao na mag-isip ng masinsinan, mapanuring pag-iisip,
paghubog ng katalinuhan at pagkatao.

Hindi kinakailangan ng

mamahaling paaralan o pamantasan para sa dekalidad na


edukasyon, bagkus, ang paghubog sa isang tao kung paano
magpakatao, mag-isip at umasal bilang tao ang dekalidad na
edukasyon.
Magandang gabi sa ating lahat at muli, binabati ko kayong
lahat mga magulang, mga guro, mga mag-aaral sa inyong
pagtatagumpay sa isang antas ng pag-aaral na ito.
tayong lahat ng Dios.

Pagpalain

You might also like