You are on page 1of 13

Property of CID - DepEDLipa City under Learning From Home Scheme 2020

Kagamitang Pampagkatuto - EsP G7-Q1-001

Paunang Salita
Para sa Magulang:

Magandang buhay!

Inihanda po ang Kagamitang Pampagkatuto upang mahubog ang kaalaman, pag-


unawa, pag-uugali at saloobin ng inyong anak. Ang mga gawain ay nakadisenyo sa IDEA na
may apat na bahagi: Panimula (Introduction) ay tungkol sa dati ng alam o karanasan ng
mga mag-aaral, , Pagpapaunlad (Development) ay nagbibigay ng kaalaman at kakayahan
sa tatalakaying aralin, Pagpapalihan (Engagement) ay mga gawaing magpapatibay sa
nakamit na kaalaman, Paglalapat (Assimilation) ay may kasamang pagtatasa upang
malaman kung hanggang saan ang natutunan ng mga mag-aaral at mabigyan siya ng
pagkakatong makapagsuri ng kanyang kakayahang maaaring gamitin sa pang-araw-araw na
buhay.

Bilang tagapag-alaga, malaki ang papel na inyong gagampanan sa pagkatuto ng


mga mag-aaral. Ang inyong paggabay na ilalaan ay makakatulong upang lubos na
maunawaan ng mag-aaral ang aralin. Maaari ring malayang gawain ng mag-aaral ang mga
takdang gawain.

Maari po kayong makipag-ugnayan sa amin kung mayroong pangangailangan ang


inyong anak tungkol sa mga aralin. Laging nakahanda pong tumulong ang guro sa inyong
anak.

Kailangang ibalik ang kagamitang pagpagkatutong ito sa oras na itinakda upang


malaman at maitala ng guro ang kanyang antas ng kayang pagkatuto.

Maraming salamat po sa inyong walang humpay na paggabay at pagtulong sa


pagpapatuloy ng edukasyon ng inyong anak.

Para sa Mag-aaral:

Isang pagbati ng magandang buhay sa iyo, minamahal na mag-aaral!

Hangad naming matulungan ka sa iyong pag-aaral kung kaya’t inihanda namin ang
Kagamitang Pampagkatuto para sa iyong antas. Mahuhubog ang iyong mga kaalaman,
kakayahan, at pag-uugali sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao.

Ang mga gawain na inihanda para sa iyo ay nakadisenyo batay sa apat na antas na
pamamaraan ng IDEA: Panimula (Introduction), Pagpapaunlad (Development),
Pagpapalihan (Engagement), Paglalapat (Assimilation). Kailangang matapos mo ang
nakatakdang gawain sa araw-araw upang maibalik, maiwasto at maitala ng guro ang iyong
pag-unlad at pagkatuto.

Kung mayron kang mga tanong, huwag kang mahihiyang tumawag o magpadala ng
mensahe sa iyong guro na laging handing umalalay sa iyo.
Sa kabuuan, hangad naming maging masaya ka at maging makabuluhan ang iyong
pag-aaral habang nasa bahay!

Kagamitang Pampagkatuto 7-EsP G7-Q1-001

Aralin Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng


Pagdadalaga/ Pagbibinata
4

Panimula

Alamin
Ang bawat tao ay ipinanganak sa mundo upang gampanan ang kanyang misyon sa
buhay. Ang misyong ito ay makakamit sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbangin na
makakatulong sa pag-unlad ng ating sarili. Wika nga ng marami, tayo ay nasa mundo
upang gumanap ng ating misyon. Hindi lamang natin kailangang isagawa o isakatuparan
ang mga ito, mahalaga rin na maglaan ng panahon upang unti- unting tuklasin ang mga
ito. Patunay lamang ito na namumuhay tayo sa mundo hindi para sa ating sarili lamang,
kailangan nating maglingkod sa ating kapuwa.

Narito ang modyul na maaaring makatulong sa iyo. Sa modyul na ito, inaasahang


maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag – unawa.

a. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang


kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/
pagbibinata

Ang pagiging mapanagutan ay nagpapakita ng tunay na pagpapakatao. Ito ay dahil


likas ito sa tao. Ang taong tumatalikod dito ay maaaring mahalintulad sa taong naglalakad
ng walang ulo. Kaya habang maaga simulan mo ang tumugon sa ganitong mga
pananagutan. Lalo na sa pagtugon sa pinakamahalagang tungkulin: ang pagkamit ng
kaganapang pansarili, hanapin ang kabanalan, upang makaalam, magmahal at maglingkod
sa Diyos nang malaya. Ang hamong ito ay hindi madali. ngunit dapat kang kumilos upang
tugunan ito. Mahalagang tuntungan ito ptungo sa susunod na yugto ng iyong buhay. At sa
tagumpay mo sa mga susunod pang yugto ang pundasyon ng paghubog ng iyong
pagkatao.

Sa hamon na ito sa yugtong ito, TUTUGON KA BA?

Suriin

Property of CID - DepEDLipa City under Learning From Home Scheme 2020

1
Ang panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ay isang mahalagang yugto na nag-
uugnay ng pagiging bata sa pagiging matanda. Kaya kailangan ang bukas na isipan sa pag
unawa sa sarili at pagtanggap sa mga pangyayaring ito. Ang panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata ay mayaman sa karanasan. Ang mga karanasang ito ay magiging matibay na
tulay sa mga kakayahan at kilos kapag mabuti ang paggabay at pangangasiwa nito.

Gawain 1
Panuto: Basahin at suriin ang teksto sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay
na katanungan sa iyong kwaderno.

‘Ano ang Nangyayari sa Akin?’

“Isang araw, nagising ako na para bang nagbago ang lahat ng bagay sa buhay ko.
Pakiramdam ko’y isa akong naiibang tao sa isang naiibang katawan.”—Sam.

Ano ba ang pagbibinata o pagdadalaga? Sa madaling salita, ito ang yugto ng buhay
sa pagitan ng pagkabata at pagiging adulto. Ito ang panahon kung kailan nakararanas ka
ng malalaking pagbabago—sa pisikal at emosyonal na paraan, at maging sa iyong
pakikitungo sa iba. Sa isang diwa, kapana-panabik ang pasimula ng pagbibinata o
pagdadalaga. Tutal, nangangahulugan ito na patungo ka na sa pagiging adulto. Sa
kabilang dako, nagsisimulang sumibol ang bagong mga damdamin sa panahong ito ng
buhay, at ang ilan sa mga ito ay nakalilito—nakatatakot pa nga.

Gayunman, hindi mo naman dapat labis na katakutan ang pagbibinata o


pagdadalaga. Totoo, maaari itong magdulot ng isang antas ng dalamhati. Subalit naglalaan
din ito ng kamangha-manghang pagkakataon upang gawing kasiya-siya ang pagbabago
tungo sa pagiging adulto. Tingnan natin kung paano—una sa pamamagitan ng pagsusuri
sa ilang hamon na kinakaharap ng mga nagbibinata o nagdadalaga.

Sagutin ng mga sumusunod na mga katanungan.

1. Sa sarili mong paliwanag, ano ba ang ibig sabihin ng pagdadalaga o pagbibinata?


2. Ano ano ang mga pagbabagong nagaganap sa mga nagbibinata o
nagdadalaga?
3. Dapat ba na katakutan ang pagbibinata o pagdadalaga?
4. Bakit mahalagang malaman ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng
kakayahan at kilos ng isang nagdadalaga o nagbibinata?
5. Sang-ayon ka ba sa nais ipahiwatig ng teksto? Bakit?

Gawain 2
Panuto: Ang nasa ibaba ay ang “Makina ng Panahon” na maari mong gamitin upang
makita mo ang iyong sarili noong mga nakalipas na taon. Isulat ang mga nakita mong mga
katangian sa angkop na kalagayan noong limang taong gulang at noong sampung taong
gulang ka. Gawin ito sa iyong kwaderno.

“Makina ng Panahon”

P - Pisikal na Katangian: Ilarawan ang iyong pisikal na katangian.

K - Kaisipan: Paano ka nag-iisip o nag-aaral o nakikipagtalakayan

Property of CID - DepEDLipa City under Learning From Home Scheme 2020

2
U - Ugnayan sa Kapwa: Paano ka nakikipag- ugnayan sa ibang tao?
Anong uri ng samahan ang iyong sinasalihan?

D - Damdamin: Ano anong mga damdamin o emosyon ang madalas mong ipakita?

I - Ispiritwal: Ano ang iyong mga batayan ng paggawa ng mabuti.


Anu- ano ang mabubuting ginagawa mo?

Panuto: Ngayon ay tingnan mo naman ang kasalukuyan mong mga kakayahan o kilos
bilang isang nagdadalaga o nagbibinata.

Property of CID - DepEDLipa City under Learning From Home Scheme 2020

3
Pagpapaunlad

Subukin
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Ipaliwanag kung ano ang iyong
gagawin kapag ikaw ang nasa sitwasyon na iyon. Gawin ito sa iyong kwaderno.
Sitwasyon:
Pauwi kana sa inyong bahay at kailangan mo ang tumawid sa daan. Pero bago mo
nagawa ito, nakita mo ang signal na pula sa traffic light.

Alternatibo 1:
Pinuntahan mo ang isang strategic position upang ikaw ay makatawid para hindi
maabutan ng pulang ilaw. Tumakbo ka upang hindi ka abutan ng mga dyipning mabilis din
ang pagtakbo.

Alternatibo 2:
Huminto ka muna at sinunod ang pulang ilaw na ang ibig sabihin ay “hinto.” Mas
sigurado ang buhay mo sa iyong ginawa at hindi ka nagging instrument sa isang aksidente
na maaaring magawa ng drayber ng humahaibis na sasakyan.

Tuklasin
Gawain 3
Panuto: Punan ang graphic organizer. Isulat ang mga inaasahang kakayahan at kilos mo
bilang isang nagdadalaga o nagbibinata.

Property of CID - DepEDLipa City under Learning From Home Scheme 2020

4
Pagyamanin

Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga o


Pagbibinata
Ang nagdadalaga o nagbibinata ay nasa yugto ng mabilis na pag-unlad ng kanyang
kaisipan. Ang panahong ito ay angkop sa paglinang ng sariling kakayahan at kilos sa
matalinong pagpapasya. Mahalaga ang paggamit ng mapanuring pag-iisip sa mga bagay-
bagay na naihaharap sa kanya upang magkaroon ng mabisang pagpapasya. Ito ay
nagbubunga ng metatag na paninindigan, pananagutan at matapat ma pagharap sa
anumang kalalabasan ngpagpapasya. Ang pag-unlad ng kaisipan ay nangangailangan din
ng seryosong pag- aaral at pagpapahalaga sa karunungan. Kinakailangang iwaksi ng isang
nagdadalaga o nagbibinata ang pagiging batang isip at pagiging palaasa sa kapasyahan ng
iba. Ang kaisipan ay may kakayahang umisip at magsuri ng iba’t ibang paraan upang
mapaunlad ng tao ang kanyang buhay at kanyang kapwa. Ito ang kakayahang tumuklas at
magbigay- kahulugan sa mga kaalaman.

Ang isang nagdadalaga o nagbibinata ay may sapat nang paraan ng pag-iisip at


pagkilala ng kanyang mga emosyon o mga damdamin upang makabuo ng mga desisyon sa
kung anong mga kilos o ugali ang wasto at ang mali. Maraming mga pagbabagong
nangyayari sa katauhan ng tao sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata. Ang isang
katangi- tanging pagbabago sa katauhan ng isang nagdadalaga o nagbibinata ay ang
kanyang higit na pagiging isang responsableng tao.

Isa sa kilalang katangian ng mga Pilipino ang pagiging makapamilya o ang


pagbubuklod ng mag-anak. Maganda na malapit ang bawat miyembro ng pamilya sa isa’t
isa sapagkat may pagmamahalan at pagtutulungan. Sa kabilang dako, ang sobrang
proteksyon at pagmamahalan ay nagiging dahilan upang upang ang bata ay maging
palaasa at mawalan ng pagkukusa. Dahil dito bago dumating sa punto ng pagdadalaga o
pagbibinata ng kanilang anak kailangang bigyan ng mga magulang ang kanilang mga anak
ng panahon upang mapaunlad nila ang pagtitiwala sa sarili at ang sikolohiya ng pagiging
malaya.

Ang sidhi ng damdamin bilang nagbibinata o nagdadalaga ay dulot ng mga


pagbabagong pisikal at glandular. At napalalala ito ng iba’t ibang ekspektasyon sa iyo ng
paligid--- ang inaasahang kakayahan at kilos ng nagdadalaga o nagbibinata, ang mga dapat
gampanin mo bilang isang responsableng kabataan, ang pahirap nang pahirap na pag-
aaral, ang inaasahan ng iyong barkada, ang pagkagusto mo sa isang kaibigan at iba pa. Sa
wastong pangangasiwa nitong mga suliranin ng pagbabago, kailangan mong masanay sa
mga pamamaraan para sa pag-aalis ng tension at pag-alala. Marami ang kasanayang
natutuhan mo noong nakaraang taon at ito ay dapat mong pag-ibayuhin. Makatutulong ang
positibong pag-iisip sa pag-aalis ng tension.

Ang pagdadalaga at pagbibinata ay yugto kung saan maraming kalabuan. Ang mga
ito ay dulot ng napakabilis na mga pagbabago ng iyong saloobin at kilos. Ang mga
pagbabagong ito ay kasimbilis ng mga pagbabago ng iyong pisikal na kaanyuan. Ang
nagdadalaga o nagbibinata ay may kakayahang magpasya batay sa mga nakalap na
impormasyon at kaisipan. Ang kalooban ang nag-uudyok na piliin kung alin ang mabuti o

Property of CID - DepEDLipa City under Learning From Home Scheme 2020

5
tama. Ito ay biyaya ng Diyos sa tao. May kalayaan ang tao na piliin ang mabuti o piliin ang
masama. Ngunit kung alam ng tao ang kanyang dapat patutunguhan bilang tao, alam din
niyang hindi siya magiging Malaya sa pagharap sa magiging resulta ng kanyang aksyon.
Ang tunay na kalayaan ay ang kalayaan na piliin ang tama at mabuti para sa kanyang
kaganapan.

Ang tao bilang nagdadalaga o nagbibinata ay may tunguhing kaganapan. Siya ay


patuloy na naghahanap ng kagandahan sa buhay. Habang tumatanda ang tao, ang
kanyangkalgayahan ay matatamo sa pakikipagkapwa at at sa pagbabahagi ng kanyang
sarili para sa iba. Ang kanyang kaganapan bilang tao ay ang paggawa ng kabutihan at
pagsisilbi sa kapwa niya tao upang maging karapat-dapat sa kaligayahang walang hanggan.

Ang sumusunod ay mga palatandaan ng pag-unlad bilang isang nagbibinata/


nagdadalaga. Ang mga ito ay tinatawag na inaasahang kakayahan at kilos. Maaaring ang
iba ay naglalarawan sa iyo o maaaring ang iba naman ay hindi mo dapat gawin.

Mga palatandaan ng pag-unlad sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata sa


iba’t ibang aspeto:

 Madalas mairita sa mga nakababatang kapatid


 Madalas na mainitin ang ulo; kadalasang sa mga
nakatatanda o may awtoridad ipinatutungkol ang
mga ikinagagalit
 Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo,
marka sa klase, at pangangatawan
 Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa mga
tinedyer
 Nagiging mapag-isa sa tahanan
 Madalas malalim ang iniisip

 Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma


ang mga magulang
 Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang ayaw
magpakita ngpagtingin o pagmamahal
 Karaniwang nararamdamang labis na mahigpit ang
magulang; nagiging rebelde
 Dumadalang ang pangangailangang makasama
ang pamilya
 Nagkakaroon ng maraming kaibigan at
nababawasan ang pagiging labis na malapit sa
Panlipunan
iisang kaibigan sa katulad nakasarian
 Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na
kasarian ang mga babae kaysa mga lalaki

 Madalas mairita sa mga nakababatang kapatid


 Madalas na mainitin ang ulo; kadalasang sa mga
nakatatanda o may awtoridad ipinatutungkol ang
mga ikinagagalit
 Alam kung ano ang tama at mali
 Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo,
 CityTinitimbang
Property of CID - DepEDLipa marka
undersa klase,
Learning
angHome
Fromat
mga pamimilian bago gumawa
pangangatawan
Scheme 2020
ng pasiya o desisyon
 Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa mga
 tinedyer
Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa
 Madalasmapag-isa
 Nagiging ay may pag-aalala
sa tahanan sa kapakanan ng
6
kapwa
 Madalas malalim ang iniisip
Pakikipagpalihan

Isagawa

Gawain 4
Panuto: Magtala ng mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat mong gawin bilang isang
nagdadalaga o nagbibinata.

Property of CID - DepEDLipa City under Learning From Home Scheme 2020

7
Linangin

Gawain 5

Property of CID - DepEDLipa City under Learning From Home Scheme 2020

8
Iangkop
Gawain 6
Panuto: Mula ito sa isang awit, ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng awit. Isulat ito
sa iyong kuwaderno.

"Walang siniman ang nabubuhay para sa sarili


lamang, walang sinuman ang namamatay para sa
sarili lamang, Tayong lahat ay may pananagutan sa
isa't-isa. Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na
kapiling niya."

Paglalapat

Isaisip

Gawain 7
Panuto: Magbigay ng ilang payo na dapat isaisip ng mga nagdadalaga o nagbibinata tungkol
sa kanilang dapat gawin para mas maintindihan at maisapuso ang mga kakayahan at kilos
na dapat nilang gawin.

Payo sa Nagdadalaga at Nagbibinata

1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ______________________________________________________________
5. ______________________________________________________________

Property of CID - DepEDLipa City under Learning From Home Scheme 2020

9
Tayahin

Gawain 8
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Paano mo pangangasiwaan
ang mga sumusunod? Ano ang iyong gagawin? Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Niyaya ka ng iyong nanay na samahan ang iyong bunso sa children’s party.


2. Pinababago ng tatay mo ang iyong gupit.
3. Hindi ka pinansin ng iyong crush sa paaralan.
4. Hinahamon ka ng iyong kabarkada na gumawa ng masama.
5. Ayaw pumayag ng magulang mong sumali ka sa isang club sa paaralan dahil gabi na
kapag umuuwi ka.

Pagninilay

Gawain 9
Panuto: Gumawa ng isang resolusyon para sa pagganap mo ng iyong kakayahan at kilos
bilang isang nagdadalaga o nagbibinata. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Property of CID - DepEDLipa City under Learning From Home Scheme 2020

10
Sanggunian
MELC EsP G7 Q1, PIVOT BOW R1QUBE,

Curriculum Guide

Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao Yaman ng Pagkatao pp. 31-32

file:///C:/Users/DepED/Downloads/502016123_TG_cnt_1.pdf

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102004490

http://mgaraullo.depedmanila.com/wpcontent/uploads/2019/02/Q1_MODULE_1__NAGDAD
ALAGA_NAGBIBINATA.pdf

https://quizizz.com/admin/quiz/5e6f121b01f6a4001c12788d/esp-referesher-modyul-1-7

file:///C:/Users/DepED/Downloads/Patnubay_ng_Guro_7.pdf
https://quizlet.com/146482337/paglalarawan-ng-mga-inaasahang-kakayahan-at-kilos-flash-
cards/

http://www.adamsaustinlegal.com/images/IP/BrainIdeaSmall2.jpg

http://assets.lifehack.org/wp-content/files/2009/02/20090302-social.jpg?4c9b33

http://static.dailystrength.org/groupfiles/5/2/7/3/10003725/g_643645069.jpg

http://os-stanovi-zd.skole.hr/upload/os-stanovizd/images/newsimg/504/Image%20.jpg

E-mail Address: deped.lipacity@deped.gov.ph

Property of CID - DepEDLipa City under Learning From Home Scheme 2020

11

You might also like