You are on page 1of 2

“REPLEKSIYONG PAPEL”

Di mawawala satin ang mag idolo sa mga nakikita natin sa mga


telebisyon na mga sikatin at bigating artista na nagkakagandahan at
nagkikinangan sa suot. Pano naman kung isa lamang itong mamayan na
nakikita natin kung saan-saan at nakakasalamuha natin na akala natin na
ordinaryong tao ay hindi pala isa pala itong kahanga hangang tao dahil sa
kwento sa likod ng kanyang tagumpay.

Sa aking pagsisiyasat na isang tao ang pumukaw sa aking


intensiyon, mukha pa siyang studyante sa isang kolehiyo pero alam ko
namang walang masama sa pagtatanong lalo na’t nakuha ko naman ang
kanyang permiso sa gagawing kong pangangalap ng impormasyon
tungkol sa kanya at sa kanyang buhay. Sa pangangalap ko ay isa pala
siyang guro sa isang Catholic School din sa San Nicolas, nais niyang
itago ko ang kanyang pangalan bilang Hope sa kadahilanang sabi niya
wag tayong mawalan ng pag asa kung ano man ang ating personal na
pinagdadaanan dahil isa lamang itong daan patungo sa ating tagumpay.
Aking tinanong kung ano ang kanyang mga pinagdaan ang ang sabi ni
Hope ay “ Nakaprograma na satin mga isipan na ang pangunahing
problema ay ang kahirapan o ang pera sa ating pang araw-araw na
kinabukasan. Oo, sa mga nakaraang taon tinuro sakin na ang pera ay isa
sa mga instrumento para makamit natin ang ating gusto. Ang pera ay may
malaking papel sa ating pang araw-araw na buhay. Sa totoo lang, kung
isasantabi ko ang pagiging hipokrito, masasabi kong ang pera ang
nagpapatakbo ng mundo. Ito ay isa sa mga aking napagdaan bago ako
naging kung ano ako ngayon” at aking tinanong kung paano niya
nalampasan ang problema na ito ang ang sagot niya ay, “ naranasan ko
maging working student sa isang call center dito lang din sa malapit. Oo,
mahirap pero pano ko matutulungan ang aking sarili kung di ako hahanap
ng paraan para maisalba ko ang aking sarili sa kinakaharap kong delubyo
sa aking pagtatapos sa pag-aaral. Maraming puyat at hirap ang aking
napagdaan ngunit ng aking nakuha ang aking diploma ay malaking
ginhawa ang aking naramdaman sa aking dibdib” pagkatapos niyang
ibagi ang kanyang kwento ay siya namang pagtunog ng kanyang telepono
na nagsasabing kailangan na niyang bumalik sa kanyang trabaho.

Sa aking pakikinayam aking napagtanto na ang karamihan sa atin


ay ang pangunahing problema sa pagtatapos ng pag-aaral ay ang pera.
Kung ang ilan ay nakapabilis lang sakanila ang pagwaldas ng pera at
kung saan saan linalagay ang kanilang pera pero ang karamihan ay
parang mas importante pa ang kanilang pera kesa sakanilang mga buhay.
Ang iba ay gumagamit ng mga patalim o dikaya’y pag bebenta ng
masamang droga dahil sa kahirapan na kanilang kinakaharap ngunit sa
aking pakikinayam kay Hope hindi lahat ay madadaan sa masamang
gawain, na madadaan pa natin ito sa magandang paraan kagaya ng
ginawa ni Hope na siya ay nagtrabaho habang siya ay nag aaral, para
lamang matulungan ang kanyang sarili na makapagtapos ng pag aaral. Sa
ating pagsusumikap may malayo tayong mararating, hindi man ito kasing
taas ng iba ngunit ito ay puwede mong mapalago para ikaw ay maging
kahanga-hangang tao para sa iba. Maging inspirasyon sa iba at para ikaw
ay makatulong din sa kapwa.

SHERYN BARROGA
12-LOYALTY

You might also like