You are on page 1of 2

SHANNEN S.

MANZANO

2022-12145

Fil 40: Wika, Kultura, at Lipunan

Modelo sa likod at harap ng camera

Nakakita ka na ba ng isang binibining ubod ng tangkad ngunit hindi atleta? Kung hindi

pa, ngayon ay may makikilala ka na. Ako si Shannen Manzano at bukod sa pagiging iska ako ay

isang modelo.

Kung kakausapin ko man ang maliit na ako, hindi siya makapaniwala kung nasaan man

ako ngayon. Una dahil mula pa noon ay pangarap ko ng maging iska. Sa unang tapak ko palang

dito sa Unibersidad noong ako ay limang taong gulang nahulog na ang loob ko at alam ko na dito

ko gustong mag kolehiyo.

Sa kabilang banda, lumaki akong di maituturing na maganda dahil di ko naipasa ang

klasipikasyon ng lipunan sa salitang ganda. Maputi, balingkinitan ang katawan at mahabang unat

na buhok yan ang ilan sa mga ito. Ako ay ang kabaliktaran ng lahat ng iyan isa akong morenang

matangkad na batang babae na may katabaan at kulot na buhok. Bagamat ganito ang aking

karanasan sa pagdadalaga di ko ito hinayaang maging hadlang sa aking mga pangarap. Malakas

ang aking loob, masasabi kong pinatatag na din ito ng lipunan. Naranasan ko na ang lahat ng
klase ng pangungutya. Kaya’t simula pa nung bata ay natuto akong ipagtanggol ang aking sarili

pati ang iba. Dito nahubog ang isa sa aking kaugalian na manindig para sa alam kong tama.

Makalipas ang ilang taon ay nagdalaga ako, masasabi natin na may ‘glow up’ na

naganap. Ako ay naging isang modelo at sumali sa isang patimpalak ng pagandahan. Dito nag

iba ang lahat. Parang umikot ang mundo dahil sa pagbabago ng trato sa akin ng nakararami. Mas

naging mabait, mas may respeto, maalaga, ‘special treatment’ kung tawagin nga nila. Nalungkot

ako dahil dito, na ganito pala talaga ang lipunan hindi siya patas at malabo itong maging patas.

Kaya’t simula ng ako ay magkaroon ng tyansa na magkaroon ng boses sa kapwa ko kabataan,

sinisigurado kong maging isang huwarang modelo at inspirasyon sa aking kapwa.

Nagsimula akong magsulong ng mga adbokasiya, magboluntaryo sa mga ‘charity event’,

bumisita sa mga bahay ampunan at magbigay ng mga inspirasyonal na mensahe sa mga

kabataan. Para sa akin ito ang tunay na modelo. Hindi lamang modelo ng mga damit, alahas,

sapatos o kahit ano pang makikinang na bagay. Ang tunay na modelo ay di lamang sa pisikal na

anyo ito ay may bukal na puso na handang tumulong sa kahit na sino walang pinipili, kahit na

ano pa mang antas nito sa buhay.

Ako si Shannen Manzano, at kinokonsidera ko ang aking sarili na isang modelo.

Modelong lumalakad sa mga ‘fashion show’, humaharap sa media na sinusubukan pa rin sa abot

ng makakaya na maging huwarang modelo sa likod ng camera upang maging inspirasyon sa

kanyang kapwa kabataan.

You might also like