You are on page 1of 2

Hazel Mae C.

Daguines ESP
8-Adansonii

PAGSASAPUSO.
Gawain 1.

Ako ay nangangailangang magsagawa ng _mga plano o pangunahing hakbang__ upang


matagunan ko ang mga pangangailangang _intelektwal, pangkabuhayan, panlipunan, at
politikal_ ng aking kapuwa kabataan at mag-aaral para sa _pagkakaroon ng magandang
Kinabukasan tungo sa pag-unlad ng sarili at bayan.

Gawain 2.

Batay sa nabasa ko sa modyul na ito, naalala kong may mga nagawa na pala ako upang
makatugon sa mga pangangailangan ng aking mga kapuwa sa aspektong intelektuwal,
panlipunan, pangkabuhayan, at politikal. Tulad na lamang noong wala pang pandemya,
hinikayat ko ang aking mahiyaing kamag-aral na makipag-usap at makipagkaibigan sa iba.
Tinulungan ko rin ang aking mga kapuwa kabataan na mamulat at makibahagi sa mga
nangyayari sa kanyang kapaligiran o sa lipunan. Palagi ko ring pinupuri ang isang tao kapag
meron siyang magandang mga ginawa dahil konektado ito sa ibang tao. Nandiyan rin ang
aking pagiging magalang, mapagpasalamat at masunurin sa mga itinakdang gawi ng bawat
lugar. Tinulungan ko rin ang aking kamag-aral na makilala ang kanyang kalakasan o
kakayahan sa buhay.

Assessment.

Bilang isang lider, aktibo akong sasali sa mga proyektong ipinatutupad ng paaralan o ng
lipunan kagaya ng Clean and Green Project o pagkakaroon ng rabus upang mapanatili ang
kalinisan at kaayusan nito. Hihikayatin ko rin ang aking mga kapuwa kabataan na patuloy na
magbasa ng mga aklat o makipag-usap sa kanilang mga kaibigan o kapitbahay upang mas
malinang ang kanilang kakayahang makipagkapwa-tao. Tutulungan ko rin ang aking mga
kamag-aral o kabarangay na alamin o kilalanin kung ano ang kaniyang mga kakayahan.
Pagkatapos niyang malaman kung ano ang kaniyang mga hilig o kalakasan, tutulungan ko
silang makipag-ugnayan sa ibang mas may mga kakayahan upang sila ang magbigay ng
impormasyon sa mga kabataan. Sa pagkalap ng impormasyon, titiyakin ko na tunay, tama at
hindi scam ang pinsgmumulan ng mga ito. Kailangan nating makialam o mamulat sa mga
nakikita nating mga pangyayari sa ating kapaligiran. Sabi nga sa isang kasabihan, “Huwag
mong isipin kung ano ang magagawa ng mga namumuno sa ating bansa para sa iyo. Ang
isipin mo ay kung ano ang magagawa o maiaambag mo para sa pag-unlad ng ating bansa.”

You might also like