You are on page 1of 2

Pangalan_________________________________________ Iskor

Taon at Pangkat____________________________________ Petsa__________________

Guro: Sr. Michelle A. Masayda, ACI
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO/ CL 7
WEEK 14- Disyembre 13- 17, 2021
Ikalawang Markahan- Modyul 14: BIRTUD AT HALAGA: MAGKAUGNAY

Ang BIRTUD (VIRTUES) ay galling sa salitang latin na Virtus na ibig sabihin ay “pagiging tao.”
Ang Birtud ay laging kaugnay sa salita at gawa ng isang tao. Ito ay hindi nakukuha sa mga magulang.
Wala pang kakayahan ang isang bata na mag-isip, magpasya, mangatwiran at gumawa ng iba pang
mga bagay sa kanyang pagsilang. Habang lumalaki ang bata ay unti- unting makikita ang pagbabago
at pag-unlad sa kanya. Unti- unti ring sumisibol ang kanyang mga mabubuting gawi gaya ng
pagtulong sa kapwa, paggalang sa mga matatanda, at iba pa, ngunit hindi lahat ay ganito.
Ang birtud ay nakukuha sa matagal at mahirap na pagsasanay ng mga kalugod-lugod na kilos.
Ang birtud tulad ng katapatan at katarungan ay sumasailalim sa asal at prinsipyo ng tao. Kung ito ay
maayos na nauunawaan, nagsisilbi ito bilang kinakailangang bagay sa pagkilos.
Malaki ang ugnayan ng birtud at pagpapahalaga sapagkat ito ay nangangahulugan ng moral at
tamang Sistema ng pamumuhay. Kung ating lilimiin, ang mga ito rin ay nagsisilbing gabay tungo sa
maayos at tuwid na landas ng pamumuhay ng bawat indibidwal. Ito ay ang intelektwal at ispiritwal na
kaugalian at paniniwala. Dapat natin itong isabuhay at bugyang importansya.
Sa kasalukuyan, tila malimit nang nakaliligtaan ng mga kabataan ang wastong paggalang sa
kapwa lalo at higit sa mga nakatatanda. Kung ating susuriin, parami nang parami ang bilang ng mga
kabataan na nalulong sa mga bisyo na kung ihahambing sa mga kaugalian noon ay milya-milya na
ang layo. Isa pa rito ang pagkawala at pagkalimot sa pagiging konserbatibo sapagkat kitang-kita na
sa kalagayan ng industriya at maging sa tunay na buhay na talamak na ang di-kaaya-aya nitong
paglason sa kaisipan ng mga kabataan pagdating sa mga konserbatibo at sensitibong usapan.
At higit sa lahat, tila unti-unti nang nawawala ang respeto natin sa isa’t-isa. Dapat tayong
magsikap upang maibalik ang magagandang-asal at kaugalian ng ating mga ninuno, upang
masilayan ang bagong pag-asa na dulot ng “Pagbabago.”

Paano natin huhubugin ang intelektwal na birtud?

1. Pagbabasa- dito ay madaragdagan ang ating kaalaman at lalawak ang ating imahinasyon.
2. Pag-aaral- hindi lamang sa iskwelahan maaaring mag-aral ng mga bagay-bagay. Sa ating pang
araw-araw na buhay, mayroon din tayong natutuhang mga bagay na hindi itinuturo sa iskwelahan.
3. Pagtatanong- minsan ay kailangan din na maghanap ng kasagutan sa mga bagay na ating
kinalilituhan o hindi naiintidihan sa ibang tao, upang mas lalong madaling mahubog ang intelektwal
na birtud.

Paano natin huhubugin ang moral na birtud?

1. Pakikinig sa turo ng simbahan- sa buhay ay kailangan din natin ang Salita ng Diyos upang matuto
tayo ng mga bagay tungo sa kabutihan.
2. Pagninilay- nalalaman natin dito ang mga tama at maling gawain, ngunit hindi natin gaanong
pinag-iisipan na ang akala nating tama ay mali pala.
3. Pagmamasid- mahalaga rin na mag-obserba at tingnang ng Mabuti ang ating kapaligiran. Dito
natin makikita ang kalakaran sa araw-araw nating pamumuhay upang mabatid natin kung ang isang
Gawain ay masama o Mabuti.

Ano ang kaugnayan ng halaga at birtud?

Ang halaga ay ang pagpapahalaga natin sa mga bagay na ating ginagawa, sinasabi at iniisip.
Ang birtud naman ay mga mabubuting gawi o mga gawaing nakasanayan na at nakatutulong sa iba,
o ang kabutihang taglay ng isang tao gaya ng pagiging matapat, masipag, makatotohanan, at iba pa.
Ang paghubog ng gawi ay may kaugnayan sa halaga. Kung ang isang tinedyer ay magpasya
at paulit-ulit na isabuhay ang birtud ng maingat na paghuhusga, ito ay dahil naniniwala siyang
mayroon itong napakahalagang kontribusyon sa araw-araw na pagpapasya. Maaaring isinabuhay
niya ito dahil naranasan na ang masaktan dahil sa isang pagkakamali bunga ng padalus-dalos na
pagpapasya. Sa kabilang banda, kung hindi pinaiiral ng isang tao ang pagiging mahinahon o
mapagtimpi sa kanyang kilos, maaaring mas bibigyan niya ng halaga ang mga bagay na nagdudulot
sa kanya ng panandaliang kasiyahan. Sabi nga nila, mas masarap yata ang mga bagay na bawal.
Kung hindi pinahahalagahan ng isang tao ang birtud ng katatagan, ito ay dahil hindi niya kailangan
sa kasalukuyan. Maaari ring nasanay na rin siyang umiwas na lamang sa anumang pagsubok at
hayaang lumampas na ang mga pagkakataon na ibinibigay sa kanya. Ganito rin kapag pinag-usapan
natin ang katapatan, pagiging totoo, pagmamahal o pagmamalasakit. Kung nakikita natin ang tulong
ng mga ito sa ating pagkatao, pagyayamanin natin at pahahalagahan ang mga ito. Sa ganitong
paraan, nagkakaroon ng ugnayan ang birtud at ang halaga.

GAWAIN: Isulat ang iyong pagninilay tungkol sa pagsasabuhay ng iyong mga pagpapahalaga at ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng mga moral na pagpapahalaga. (30 pts)

_____________________________________________________________________

You might also like