You are on page 1of 5

TXTBK/SLM’s + QALAS

Textbook/Supplementar
y Learning Materials SANAYANG PAPEL Blg. 8
based instruction paired sa EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
with MELC-Based
Quality Assured Kwarter 2 Linggo 8
Learner’s Activity Sheet
(LAS)

Pangalan: Joyce M. Montiman Baitang at Pangkat: 9-Asymptote

Guro:Rino Martin Irinco Petsa ng Pagpasa :February 16,2021

MELC: 15. Napatutunayan na: a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga
gawaing pampamayanan, panlipunan/ pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan, at
papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat b. Bilang obligasyong
likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga
aspekto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan (EsP9TT-IIh-8.3)
16. Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa barangay o mga sektor na may partikular na
pangangailangan, (Hal. mga batang may kapansanan o mga matatandang walang
kumakalinga) (EsP9TT-IIh-8.4)
Layunin: Napatutunayan na:
a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan,
panlipunan/ pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan, at papel sa lipunan, ay
makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
b. Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o
paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan.
Aralin: Pakikilahok at Bolunterismo: Likas sa Dignidad ng Tao

Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral Pahina: 121-126

Gawain Bilang 1: Likas na Obligasyon Araw: 1

KONSEPTO:
Tunay ngang nagkakaroon ng saysay ang kanyang buhay kung ito ay ginagamit nang
makabuluhan tuwing siya ay nagbabahagi ng kanyang sarili para sa kapwa, para sa lipunan sapagkat
bilang tao na nilikha ng Diyos, ang tao ay may pananagutan na magbahagi sa kanyang kapwa at sa
lipunang kanyang kinabibilangan. Mula dito ay naipakikita niya ang dignidad bilang isang tao.
Ano nga ba ang Dignidad?

1
Dignidad
 Pagiging karapat-dapat ang tao sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapwa.
 Lahat ng tao, anuman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay may
dignidad.
 Dahil sa dignidad nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos,
ang lahat ay pantay-pantay.
Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o
paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan. Mula sa benepisyo
ng pakikilahok at bolunterismo, naiaangat ang pagkatao ng tao at nagiging mapanagutan siya sa
kaniyang lipunan na nagiging daan tungo sa kabutihan ng lahat. Ang tunay na diwa ng Pakikilahok at
Bolunterismo ang kailangang makita sa ating lipunan lalo na sa ngayon. Tayo ay dumaranas ng
pandemya at bilang kabataan ito ay maaari mong simulan.

Tandaan: Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing


pampamayanan, panlipunan o pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan, at papel sa
lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
Wika nga ni Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa isa sa kanyang panayam sa Radio Veritas para
sa kabataan, na “huwag lamang makuntento sa mga araw-araw na karaniwang gawain, yung hindi
nababahala at pinababayaan lamang tumakbo ang mundo, bagkus kinakailangan na ang kabataan ay
manggulo” ibig sabihin ay magsikap na humanap ng pamamaraan at maging kasangkapan para sa
ikauunlad ng buhay at lipunan. Ayon naman kay Pope Francis sa kanyang mensahe sa kabataan noong
nakaraang World Youth Day sa Rio de Janerio Brazil noong June 24, 2013, “Ang kabataan ang
durungawan kung saan ang hinaharap ay nagdaraan” na ibig sabihin nasa kabataan makikita ang
kinabukasan. Katulad ng sinabi rin ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng
bayan”.

Panuto: Punan ang nawawalang salitang upang mabuo ang Batayang Konsepto. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon.

Ang pakikilahok at Bolunterismo ng mamamayan sa gawaing panlipunan batay sa kaniyang talento


ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamamit sa pagtulong o


paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan.

pananagutan pagmamahal bolunterismo paggawa

pakikilahok talento dignidad kapwa pagtulong

kabutihang panlahat nakakamit panlipunan

2
Layunin: Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa baranggay o mga sektor na may partikular na
pangangailangan.

Gawain Bilang 2: Pakikilahok sa Gawain Araw: 2

KONSEPTO:

Kung hindi ka pa kikilos ngayon…kailan pa? Kung hindi ikaw… sino? Hinahamon kita na
isagawa ito sa lalong madaling panahon. Pamilyar ba sa iyo ang linyang ito?

Ito ay isang malaking hamon para sa iyo. Ano ang iyong maaring magawa tungo sa pagbabago
at ikauunlad ng ating lipunan?

Sa Pakikilahok at Bolunterismo dapat Makita ang 3 T’s

1. Time (Panahon) - Ang panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito lumipas hindi na ito maibabalik
pa kaya’t hanggang maaga ay gamitin mo ito ng buong husay sa iyong pakikilahok at
pagbobolunterismo para sa iyong lipunan.
2. Talent (Talento) - Ang bawat isa ay binigyan ng Diyos ng talento at ito ay iyong magagamit
upang ibahagi sa iba. Iba-iba ang talento ng bawat isa. Ang paggamit ng iyong talento ay
makatutulong hindi lamang sa iba kundi ito ay makatutulong din sa iyo upang higit kang
magkaroon ng tiwala sa iyong sarili.
3. Treasure (Kayamanan) – maaring ang unang sasabihin ng iba ay wala akong pera, mahirap lang
kami, wala akong maitutulong, ngunit sa pagbibigay hindi tinitingnan ang laki nito sapagkat gaano
man ito kaliit ang mahalaga ay kusa mong ibinigay ito ng buong puso para sa nangangailangan.

Mula sa 3T’s na ito makikita natin na ang Pakikilahok at Bolunterismo ay dapat ginagawa ng
buong husay kasama ang puso at may pananagutan para makamit ang kabutihang panlahat. Mula
dito nagkakaroon ang tao ng pagkakataon na ibahagi ang kanyang sarili sa kapwa at
nagagampanan din niya ang habilin sa atin ng Diyos na mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal
sa sarili. Sinabi ng Diyos na, “anumang bagay ang gawin mo sa pinakamaliit mong kapatid ay sa akin
mo na rin ginagawa”.

Kung sisimulan mo sa iyong sarili at nagawa mo ito nang buong puso, matitiyak ko sa iyo na
ikaw ay magkakaroon ng kaganapan sa iyong buhay, isang buhay na ganap at kasiya-siya. Ngayon ay
nabatid mo na ang pakikilahok lalo na ang bolunterismo ay tunay na mahalaga hindi lamang sa
iyong sarili, lalo’t higit sa iyong kapwa, sa lipunan/bansa. Lagi mong tatandaan na dapat mong
ilakip ang iyong talento/kakayahan sa pagsasagawa ng pagtulong.

Panuto:
1. Tingnan ang kahon sa ibaba. Sa unang kolum ay ipagpalagay natin na ito ang iyong mga
talento/kakayahan.
2. Sa ikalawang kolum ay isulat mo ang iyong maaring gawin o maitulong mula sa
talento/kakayahang taglay.

Talento/kakayahan Paano ko gagamitin?


Hal. Ako ang magluluto o maghahanda ng
1. Pagluluto
pagkain ng mga kasama kong volunteers.
Tuturuan ko ng mga basic drawing ang mga
batang kalye, at ipapadrawing ko sa kanila ang
2. Pagdo-drawing
bagay na importante sa kanilang buhay,para mas
maappreciate pa nila ang bagay sa mundo.
3. Pagkanta Aaliwin ko ang mga batang may mga sakit sa
hospital para mas maaliw pa sila doon sa
pamamagitan ng pagkanta, gusto ko din na mas
3
meaningful ang lyrics para mas mamotivate pa
sila na magpagaling agad.
Tuturuan ko ang mga gustong matuto sa
paggigitara para maibahagi ko din ang ang aking
4. Pagtugtog ng gitara kaalaman sa paggigitara.Tutulungan ko din ang
aking mga kaibigan sa paghaharana para sa kani-
kanilang kasintahan.
Hindi ako mahilig sa pananahi pero kaya kung
sikapin na alamin iyon para mas matulungan ko
5. Pananahi ang aking kapwa, at para may matahi akong
damit at ibibigay sa mga nasalantaan ng bagyo o
kahit anong mga kalamidad.

Repleksiyon

Kompletuhin ang pahayag.

Natutunan ko sa araling ito na ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa


mga gawaing pampamayanan, panlipunan/ pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan,
at papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat. At bilang
obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa
sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan.

Talaan sa Pagwawasto (Rubrik)

Napakahusay Mahusay Katamtaman


15 Puntos 10 Puntos 5 Puntos
Maliwanag at kumpleto ang Maliwanag subalit may kulang Hindi gaanong maliwanag at kulang
pagbuod ng araling tinalakay sa detalye sa paksa sa detalye

Gawain 2
Susi sa Pagwawasto
2. Pagdo-drawing – magdrawing at Gawain 1
ibenta at pagkatapos ay ibabahagi ko
ang naipong pera sa mga Pakikilahok
nangangailangan ng tulong Bolunterismo
3. Pagkanta – maghahandog ng awitin o Panlipunan
di kaya’y sasali sa mga singing contest Talento
at ang mapanalunan ay ido-donate sa Kabutihang panlahat
mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa
covid Dignidad
4. Pagtugtog ng gitara – ibabahagi ang Nakakamit
talento sa pamamagitan ng pagturo nito Pagtulong
sa mga kabataang gustong matuto sa Paggawa
paggitara Pananagutan
5. Pananahi – maboboluter ako sa
pagtatahi ng face mask upang
ipamahagi sa mga frontliners

4
Prepared by:

IRA A. CALAOAGAN
SST-III, ONHS

Checked:
NELSON R. BELLO, Ed.D. ELBERT G. ONGCAL MA. GINA U. MORENO
EPS Designate, EsP PSDS, Tinambacan 3 District PSDS Designate, Oquendo 2 District

You might also like