You are on page 1of 8

1

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9


Activity Sheet No. 8.3
First Edition, 2020

Published in the Philippines


By the Department of Education
Region 6 – Western Visayas

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.

This Learning Activity Sheet is developed by DepEd Region 6 – Western Visayas.


ALL RIGHTS RESERVED. No part of this learning resource may be reproduced or
transmitted in any form or by any means electronic or mechanical without written permission
from the DepEd Regional Office 6 – Western Visayas.

Development Team of EsP Activity Sheet

Writer/s: Mila O. Niñal

Illustrator/s: Eldiardo E. de la Peña

Layout Artist/s: Antonio O. Rebutada

Schools Division Quality Assurance Team:


Claudia T. Villaran
Gethel A. De Guzman
Jona S. Demaraye
Marineth I. Villena
Division of Escalante City Management Team:
Clarissa G. Zamora, CESO VI
Ermi V. Miranda, PhD
Ivy Joy A. Torres, PhD
Jason R. Alpay
Alma C. Sinining
Regional Management Team
Ma. Gemma M. Ledesma,
Dr. Josilyn S. Solana,
Dr. Elena P. Gonzaga,
Mr. Donald T. Genine
Mirriam T. Lima

2
Introductory Message

MABUHAY!

Ang EsP 9 Learning Acivity Sheets na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod ng Bacolod sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6- Kanlurang Visayas at sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Management Division. Inihanda ito
upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral
na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan
at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na
may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning Facilitator:

Ang EsP 9 Learning Acivity Sheet na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang
bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Para sa mga mag-aaral:

Ang EsP 9 Learning Acitivity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon sa iyong paaralan, pangunahing
layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain.
Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto nga bawat gawain.

3
Learning Activity Sheets
Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Pakikilahok at Bolunterismo

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

• Napatutunayan na (a) Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan


sa mga gawaing pampamayanan, panlipunan/pambansa, batay sa kanyang
talento, kakayahan, at papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng
kabutihang panlahat (b) Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang
pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan
mayroon siyang personal na pananagutan (Week 8a/EsP9TT-IIh-8.3)

PANIMULA

Ang konsepto ng Pakikilahok at Bolunterismo


Pakikilahok
➢ Ito ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na
mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
Ito ay mahalaga dahil:

• maisasakatuparan ang isang gawain na makatulong sa


pagtugon sa pangangailangan ng lipunan
• magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na
mayroong pagtututlungan, at
• maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa
pagkamit ng kabutihang panlahat

➢ Narito ang mga antas ng pakikilahok na makatutulong sa pakikibahagi


sa lipunan ayon kay Sherry Arnsteinis:

✓ impormasyon- sa isang taong nakikilahok mahalaga na matuto


siyang magbahagi ng kanyang nalalaman o nakalap na
impormasyon.

4
✓ konsultasyon- ito ay mas malalim na impormasyon. Ito ay
bahagi na kung saan hindi lang sarili mong opinion o ideya ang
kailangang mangibabaw kundi kailangan pa ring makinig sa
mga puna ng iba na maaaring makatulong sa pagtatagumpay
ng isang proyekto o gawain.

✓ sama-samang pagpapasiya- upang lalong maging


matagumpay ang isang gawain mahalaga ang pagpapasiya ng
lahat. Sa pagpapasiya kinakailangang isaalang-alang ang
kabutihang maidudulot nito hindi lamang sa sarili kundi sa mas
nakararami.

✓ sama-samang pagkilos- hindi magiging matagumpay ang


anumang gawain kung hindi kikilos ang lahat.

✓ pagsuporta- mapapadali ang isang gawain kahit mahirap kung


ang bawat isa ay nagpapakita ng suporta. Hindi ito tumutukoy
sa tulong pinansiyal lamang. Ito ay maaaring ipakita sa
pagbabahagi ng talento o kakayahan o anumang tulong basta’t
ito ay nanggagaling sa iyong puso.

Bolunterismo

➢ Ito ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa


kapuwa at sa lipunan. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad
ng anumang kapalit. Ito ay marami ring katawagan tulad ng bayanihan,
damayan, kawanggawa, o bahaginan.

➢ Narito ang mga kabutihang naidudulot ng pagsasagawa ng


bolunterismo:

Nagkakaroon siya ng personal na pag-unlad.


Nakapagbibigay siya ng natatanging kontribusyon o bahagi
sa pagpapabuti ng lipunan
Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta
at ugnayan sa iba.
Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi
lamang ang iba kundi pati na ang kanyang sarili.

MGA SANGGUNIAN

Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 pahina 111-128

5
MGA GAWAIN

Gawain 1: Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang mga titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok?


a. Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong
kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat
b. Isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o puwersahin ang tao
upang isagawa ito
c. Maaring tawaging bayanihan, damayan, o kawanggawa
d. Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapuwa

2. Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at


paggalang ng kaniyang kapuwa?
a. Bolunterismo c. Pakikilahok
b. Dignidad d. Pananagutan

3. Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan ang pakikilahok?


a. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan
b. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong
pagtutulungan
c. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit
ng kabutihang panlahat
d. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan

4. Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?


a. Pananagutan c. Dignidad
b. Tungkulin d. Karapatan

5. Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?


a. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad
b. Mas higit niyang nakikilala ang kanyang sarili
c. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan
d. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan
sa iba

6
Gawain 2: Pagtuklas ng Dating Kaalaman
Panuto: Sumulat ng mga salita na nagbibigay-kahulugan para sa iyo ng salitang
Pakikilahok at Bolunterismo. Gamiting gabay ang tsart sa ibaba. Maaaring
magpatulong sa magulang para sa karagdagang kaalaman.Ginawa na ang unang
bilang para sa iyo. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

PAKIKILAHOK BOLUNTERISMO
1. tungkulin na dapat isakatuparan ng 1. pagbibigay ng sarili na hindi
lahat ng tao naghihintay nang kapalit

2. 2.

3. 3.

4. 4.

Mga Batayang Tanong

1. Batay sa mga kahulugang ibinahagi, ano ang mabubuo mong konklusyon


tungkol sa Pakikilahok? Bolunterismo?
2. May kaugnayan ba ang pakikilahok sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan?
Ang bolunterismo? Pangatwiranan.

REPLEKSIYON

Bilang mag-aaral, mahalaga ba para sa iyo ang paksang-araling ito? Bakit?


Bilang mag-aaral, mahalaga ba ang paksang-araling ito? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

7
8
PAKIKILAHOK BOLUNTERISMO
1. tungkulin na dapat 1. pagbibigay ng sarili na
isakatuparan ng tao hindi naghihintay ng kapalit
2. tungkulin na kailangang 2. par aan ng paglilingkod
gawin sapagkat kung hindi ay
GAWAIN 1
mayroong mawawala sa iyo
3. ang obligasyong ito ay likas 3. pagpapakita ng 1. C
dahil sa taglay na dignidad ng pagmamahal sa kapuwa at
tao lipunan 2. B
4. ito ay makakamit lamang 4. may maraming katawagan 3. D
kung kinikilala ng tao ang tulad ng bayanihan,
kanyang pananagutan damayan, kawanggawa, o 4. A
bahaginan
5. B
GAWAIN 2
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like