Maikling Kwento

You might also like

You are on page 1of 14

MAIKLING KWENTO

ay isang uri ng panitikan na masining na


naglalahad ng mga pangyayari. Ang maikling
kuwento, di tulad ng nobela ay hindi kahabaan,
higit na kokonti ang mga tauhan at mabilis ang
paglalahad.
Ang PANITIKAN ay mga panulat na
nagpapahayag ng mga karanasan,
damdamin, kaisipan, o kwento ng isang
tao. Ito ay maaring batay sa
katotohanan o gawa-gawa lamang para
sa isang layunin.
Ang sining ay iba’t ibang uri ng pag-likha ng
biswal, nadidinig, o kaya isang pag tatanghal na
pinapakita ang kahusayan ng isang manlilikha sa
kanyang imahinasyon, malikhang pag iisip, o
teknikal na husay na nag-nanais mapahalagahan
dahil sa kanilang kagandahan o sa kakahayan
nito mag pa antig ng damdamin.
MGA ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
1. PANIMULA

Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang


pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento

Ang pagkatakot na nararamdaman ng mga bata sa tuwing ang


ama ay uuwi ng kanilang tahanan. Sapagkat madalas ito ay
umuuwing lasing at madalas ito ay nanakit sa kanila at sa
kanilang ina

Ang pagkasabik ng mga anak sa uwing pagkain ng kanilang ama.


Kapag ito ay mayroong natira ito ay mapupunta sa kanila
“Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang
pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at
isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit
na payat, at nagagawang sila lang lagi ang
maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina,
upang tiyaking may parte rin ang maliliit…”
2. SAGLIT NA KASIGLAHAN

Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang


masasangkot sa suliranin
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang

okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-


palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng
dalawang supot na puno ng pansit guisado, at
masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap
nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang
nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti. “
3. SULIRANIN

Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga


tauhan sa kwento.

Ang pagmamalupit ng Ama sa kanyang asawa


at mga anak. Ang pananakit ng ama sa kanyang
asawa at mga anak tuwing ito ay malalasing.
4. Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri:

1. Tao laban sa tao

2. Tao laban sa sarili

3. Tao laban sa lipunan

4. Tao laban sa kapaligiran o kalikasan


5. Kasukdulan

Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan


ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan
Ito ang tulay sa wakas ng kwento. Parte ng maikling
kwento na ang problema ay unti unti nang naayos.

“Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang


magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa
pagkamatay ng kaniyang anak, ang lalaki ay napaiyak
at kinailangang muling libangin. “
7. Wakas
Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento

Naghandog ang kanilang ama ng mga pagkain sa


puntod ng kanilang kapatid na pumanaw na si Mui
Mui.

You might also like