You are on page 1of 25

Pagsulat ng mga

Kontemporanyong
anyo ng Sulatin
FIL201
3 Uri ng Kontemporanyong Sulatin

ANEKDOTA. SALAYSAY MAIKLING


KUWENTO
Maikling Kuwento
Kahulugan

• Ang maikling kuwento ay isang maigsing salaysay hinggil


sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa
o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang.
• Isa itong masining na anyo ng panitikan. Kaya itong
tapusin ng isang upuan lamang.
• Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad o
panggaya ng realidad, kung ginagagad ang isang
momento lamang o yaong isang madulang pangyayaring
naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
Sino ang Ama ng maikling kuwentong Tagalog
o Ama ng Maikling Kathang Tagalog”?

Deogracias A. Rosario
Sino naman ang Ama ng Maikling kuwento o
Ama ng Maikling Kuwento sa Buong Daigdig?

Edgar Allan Poe


Deogracias A. Rosario

• Siya ay katutubong Maynila, ipinanganak noong Oktubre 17, 1894


at namayapa noong Nov. 26, 1936……Nagsimula siyang magsulat
noong 1917. Ang ilan sa mga sikat niyang sulat ay ang “ Ako’y
Mayroong Isang Ibon” at “Manika ni Tadeo”. Ipinapalagay na
nakasulat siya ng mahigit 80 maikling kuwento.
Kung si Edgar Allan Poe ang tinaguriang Ama ng Maikling
Kwento sa buong daigdig o amerikano, Si Deogracias A.
Rosario naman ang tinaguriang “Ama ng Maikling
Kuwentong Tagalog o Ama ng Maikling Kathang Tagalog”
Una siyang nagsulat para sa “Ang Mithi” – isa sa tatlong
naunang pahayagan sa bansa na nakatulong nang husto sa
pag-unlad ng maikling kuwentong Tagalog.
KATANGIAN NG MAIKLING KUWENTO

1. Pagkakaroon ng iisang kakintalan o impresyon.


2. May isang pangunahing tauhan na may mahalagang
suliraning kailangan lutasin.
3. Tumatalakay sa iisang madulang bahagi ng buhay.
4. May mahalagang tagpo.
5. May mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa
kasukdulan na madaling sinundan ng wakas.
ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO
1. BANGHAY – Tumutukoy sa pagkakawing-kawing ng mga pangyayari o
balangkas ng pagkakatagni-tagni ng mga pangyayari buhat sa simula
hanggang sa wakas.
a. Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kuwento.
b. Saglit na kasiglahan – Ito ang panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhan sa kuwento
c. Kasukdulan – Climax, dito nangyayari ang problema ng
kuwento.
d. Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unting nang
naaayos ang problema.
e. Wakas – Tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kuwento.
ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO
2. TUNGGALIAN – Ang pangunahing tauhan ay may suliranin na
dapat magkaroon ng kalutasan. Mayroon mga sagabal o hadlang
ang pangunahing tauhan
Uri ng Tunggalian
a. Tao laban sa kapwa tao
b. Tao laban sa kalikasan o kapaligiran
c. Tao laban sa kaniyang sarili
ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO
3. TAUHAN – Ang gumaganap sa isang kuwento. Maaaring mabuti o
masama. Dito natutuon ang pansin ng mga mambabasa.
4. TAGPUAN – Tumutukoy sa pook at panahong pinangyarihan ng mga
tagpo sa akda. Naglalarawan ito ng mga kapaligiran o ginagalawan ng
mga tauhan.
5. SULIRANIN – Ito ay tumutukoy sa problemang kinakaharap ng tauhan
sa kuwento.
6. PAKSA o TEMA o PAKSANG DIWA –Pangkalahatang kaisipan na nais
palutangin ng may akda sa kuwento. Ito ang sentral na layunin ng
kuwento. Pinaka-kaluluwa ng kuwento.
7. PANINGIN – Pananaw (point of view) ng nagsasalita sa kuwento. Isang
uri lamang ng pananaw ang ginagamit ng awtor.
8. KAISIPAN – Ito ang mensahe ng maikling kuwento sa mambabasa.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO
1. SALAYSAY o PASALAYSAY
2. KUWENTO NG KATUTUBONG KULAY
3. KUWENTO NG MADULANG PANGYAYARI
4. KUWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARANG
MAROMANSA
5. KUWENTO NG KABABALAGHAN
6. KUWENTO NG KATATAWANAN
7. KUWENTO NG SIKOLOHIKO
8. KUWENTO NG TAUHAN
9. KUWENTO NG TALINO
SALAYSAY o PASALAYSAY

• Hindi nagtataglay ng nangingibabaw na katangian,


hindi nagmamalabis bagamat masaklaw,
malumanay ang pagsasalaysay.
KUWENTONG KATUTUBONG KULAY

• Binibigyang diin nito ang kapaligiran na pinangyarihan ng kuwento, mga


kaugalian at pananamit ng mga tauhan, uri ng pamumuhay at hanap-buhay
ng mga tao sa nasabing lugar.

Hal. “May Daigdig sa Karagatan” ni Clemente Bautista

“Ang Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda


KUWENTO NG MADULANG PANGYAYARI

• Ang pangyayari ay kapansin-pansin, mahalaga at


nagbubunga ng isang bigla at kakaibang
pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan sa
kuwento.
• Isang uri ng pangyayari na totoong kapuna-puna
at makabuluhan at nagbubunga ng isang bigla at
kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga taong
nasasangkot.
HaL. “Bahay na Bato” ni Antonio Rosales.
KUWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARANG
MAROMANSA

• Ang kawilihan ay nasa balangkas sa halip na sa


mga tauhan. Ang pagkawili ay nasusubaybayan sa
mga pangyayaring bumabalot sa pangunahing
tauhan.

Hal. “Legend of the Three Beautiful Princess” ni


Irving
KUWENTO NG KABABALAGHAN

• Ipinakikita ang mga bagay na hindi kapani-


paniwala at salungat sa hustong bait, kaisipan at
karanasan ng tao.
KUWENTO NG KATATAWANAN

• Naglalayong magpasaya o maglibang.


• Kahawig ng isang salaysay. May kabagalan at
mangilan-ngilang paglihis sa balangkas ang galaw
ng pangyayari.
KUWENTONG SIKOLOHIKO

• Isang uri ito ng kuwentong may kahirapang


ilarawan ang pag-iisip ng isang tao. Ang kailangan
ng kuwentong ito ay maipadama sa mga
mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap
ng isang pangyayari.

Hal. “Ang Kuwento ni Tata Selo”


KUWENTO NG TAUHAN

• Binibigyang diin ang tauhan o mga tauhan sa


kuwento.

Hal. “Ang Kuwento ni Mabuti”


KUWENTO NG KATATAKUTAN

• Pinupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa halip


na ang kilos sa kuwento. Madalas makapigil
hininga ang ganitong uri ng kuwento.

Hal. “Tikbalang”
KUWENTO NG TALINO

• Ang mahusay na pagkabuo ng balangkas ang


umaakit sa kawilihan ng mambabasa. Mayroon
itong masuliraning kalagayan upang mamahay sa
alinlangan hanggang sa takdang oras ay sumapit
ang paglahad ng kalutasan.

Hal. Wisdom of Solomon


MAGANDANG ARAW SA INYO

You might also like