You are on page 1of 20

The PRIMALS Compendium of Teaching Resources

ENGLISH LESSON PL ANS FILIPINO LESSON PL ANS L I T E R AC Y S T R AT EG I E S

Ipapasyal Namin si Lolo


Baitang 7 | Kwentong Pambata

Binibigyan ng dagdag na atensyon ng ating lipunan ang mga sektor na higit na


nangangailangan ng tulong at kalinga. Gaya ng mga nakatatanda. Sa kwentong pambatang
ito, makikita ang pagtatangkang maintindihan ang pagpapasya ng mga tauhan kung paano
higit na matutugunan ang pangangailangan ng isang nakatatanda habang isinasaalang-
alang ang mga personal na limitasyon. Kung paanong ang siklo ng buhay na dating
hinihingian ng pagpapasya, sya ngayon ang pinagpapasyahan. Kung paanong nalilipat ang
kapangyaihan ng pagpapasya, mula sa matatanda patungo sa nakababata. Gayundin,
kung ang natatangiang kayamanan at kasiyahan na lang ay alaala,
paano ito pagkakaingatan at pahahalagahan. Sa Banghay
Aralin na ito, ipinakita kung paano tatalakayin ang
kuwentong pambata bilang anyo ng panitikan,
gamit ang elemento ng kwento. Binigyang diin

BAI TANG 7
sa aralin ang mahusay na pagkilala sa mga
tauhan sa pamamagitan ng sistematikong IIX IX X
karakterisasyon. Maiintindihan ang XI IIIV IIV
III II I

motibasyon ng mga tauhan dahil sa IV V VI


pagkilala sa pisikal, sikolohikal at sosyal
na katangian ng mga ito.

Talaan ng Nilalaman

Teksto 02
Banghay-Aralin 06
Pang-Araw-Araw na Tala 12
T EKSTO

Ipapasyal Namin si Lolo


Kuwento ni Genaro R. Gojo Cruz

N gayong araw, ipapasyal namin si Lolo


“Haru, wala ka bang nakakalimutan?“
tanong ni Tatay.
Juanito. Ito ang unang beses na ipapasyal
namin siya. “Malayo ang ating papasyalan. Magdala
ka na rin ng tubig para sa ating tatlo,“
Ngayon lang din kasi di-abala si Tatay. dugtong niya.

Maraming taon na ring nakatira sa aming Maraming bag ang inilagay ni Tatay sa
bahay si Lolo, mula noong ipinanganak ako. likuran ng aming asul na kotse.

Hanggang ngayong Grade 4 na ako. “Tay sa’n natin ipapasyal si Lolo?”


Tanong ko kay Tatay.
Noong di pa ako nag-aaral, si Lolo ang aking
kasama sa bahay. Lahat ng laruang papel, “Malalaman mo na mamaya,” sagot niya.
itinuro niya sa akin kung paanong gawin.
Pagkaandar na pagkaandar ng kotse,
Bangkang-papel. nagsimula na rin ang mahabang-mahabang
kuwento ni Lolo. Nasa tabi siya ni Tatay,
Eroplanong-papel. ako naman, nasa likod. Nagsimula uli ang
kuwento ni Lolo sa “noong panahon
Bolang-papel. ng giyera”.

Sombrerong-papel. “Noong panahon ng giyera nag-iba ang


buhay naming mga bata. Kay daming hindi
Ibong-papel. na namin kaagad maaaring magawa,”
simula ni Lolo.
Tipaklong na papel.
“Tuwang-tuwa kaming masilayan sa
Pati bayong na papel. kalangitan ang mga dambuhalang ibon.
Hindi namin mabilang. Nagtatatalon kami sa
Dati, kilala pa ako ni Lolo. Tinatawag niya pa katuwaan dahil sa tanang buhay namin, noon
ako sa aking pangalan na Haru. Ako yata lamang kami nakakita ng ganoong kalalaking
ang kaisa-isang apo niya sa kaniyang kaisa- ibon. Pero nakamamatay pala ang ipot ng
isang anak, si Tatay. Kaya tatlo kaming tig-iisa mga ibong iyon, sumasabog! Eroplanong
sa loob ng aming bahay. pandigma pala iyon ng mga Hapon. Biglang-
bigla, hindi na kami puwedeng maglaro.
Si Lolo, nagiisang anak. Sandali, naalala kong bigla si Luis, na aking
kasama at naging kaibigan sa matagal na
Si Tatay na nag-iisang anak ni Lolo. panahon. Kumusta
na kaya siya?” dugtong niya.
Ako, nag-iisang anak ni Tatay.

2 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


4-7
Umibig siya sa isang babaeng Filipina.
“Sa bawat ipot na ibinabagsak ng ibon, may
sumasabog at nasusunog. Nabagsakan ng Nagsisilbing tulay ako sa kanilang lihim na
ipot ang aming Gabaldon sa eskuwelahan. pag-iibigan. Bilang pasasalamat, ibinigay
niya sa akin ang isang sombrerong
Ang mahal kong aklatan, nasunog! Biglang- pandigma. Pinangalanan niya akong
bigla,hindi na kami puwedeng pumasok sa Fumiko o batang kaibigan. Nasaan na
eskuwelahan! Halos tatlong taon iyong hindi ba ang sombrerong iyon?” usisa ni Lolo.
na kami nag-eeskuwela,” kuwento ni Lolo
habang lumilinga-linga sa aming dinaraanan. “Nang matapos ang giyera, maraming
natuwa sa pag-alis ng mga hapon. Pero
“Ito ang aming Gabaldon!” sabay turo sa isang ako’y nalungkot dahil umalis na rin ang
lumang gusali ng paaralang nadaanan namin. aking naging kaibigan na Hapon. Pero
hindi ko akalaing ang naiwan niyang anak
“Tay malayo pa ang San Rafael,” sa babaeng Filipina ang aking iibigin at
singit ni Tatay. mapapangasawa paglaon. Labis lamang ang
aking panghihinayang, sumakabilang-buhay
“San Rafael? Madalas ko iyong marinig sa nang maaga ang aking Izumi,” humina muli
mga kuwento ni Lolo. Sa San Rafael pala and boses ni Lolo.
namin ipapasyal si Lolo,” naisip ko.

May nadaanan kaming lumang tulay.

“Ito ang lumang tulay sa San Rafael.


Pinasabog ito ng mga Hapon. Biglang-bigla,
hindi na kami nakapaligo at makapagpaagos
ng mga bangkang-papel sa sapa. Hindi na
nakapanghuli ng tipaklong sa kagubatan,”
patuloy ni Lolo.

BAI TANG 7
Si Izumi ang aking Lola, nanay ni Tatay.
May nadaanan kaming lumang simbahan. Di ko na naabutan si Lola Izumi.

“Dito ako bininyagan. Naging garrison “Anak, malapit na tayo,” paalala ni Tatay.
ito ng mga Hapon. Kaya biglang-bigla,
hindi na kami nakapagsimba noon dahil Napansin ko ang mga lumang bahay na
sa matinding pangamba. Lagi akong umiiyak aming dinaraanan. Ito na tiyak ang San
noon, idinarasal kong matapos na sana ang Rafael, ang lugar na kinalakihan nina
giyera,” humina ang boses ni Lolo. Lolo at Tatay. Para akong bumalik sa
panahon ni Lolo. Bumusina si Tatay sa
May nadaanan kaming lumang plaza. isang malaki at kalawanging gate. Maya-
maya, binuksan ng isang lalaki na parang
“Dito kami nanonood noon ng bodabil lolo na rin ang gate. Nakita ko ang isang
ni Luis kasama ang iba pang mga bata. malawak na hardin.
Pero binomba at winasak ito ng mga
Hapon. Biglang-bigla, nawalan ng kinang “Dito ko tinuturuang gumawa ng mga
ang tanghalan. Naglaho ang malakas na laruang-papel ang aking ichiro, ang aking
halakhakan ng mga tao,” nabuhay muli nag-iisang anak na lalaki. Kailangang
ang boses ni Lolo. mahawaan ang sukal at mataniman ng mga
bagong halaman ang harding ito,” parang
Pero nakilala ko ang isang mabait na biglang lumakas si Lolo.
sundalong Hapon sa San Rafael, si Daisuke.

Ipapasyal Namin si Lolo 3


T EKSTO

Ichiro ang tawag ni Lolo kay Tatay. Biglang nagsalita si Lolo.

“Luis, ikaw ba iyan?” tanong ni Lolo sa lalaking “Heto ang isang pintura. Ang batang may-
lumapit sa kaniya. Nagyakap at nagtapikan hawak na pulang-lobo ay si Izumi kasama ang
sila ng mga balikat. Nakilala ko na rin si Luis, kaniyang ina. Halika kayo! Siya si Izumi ang
ang kaibigan at laging kasama sa mahabang anak ng kaibigan kong Hapon na si Daisuke.
kuwento ni Lolo. Siya ang aking napangasawa. Nagkaroon
kami ng Ichiro.”
Sa tingin ko, nadagdagan pang lalo ang
lakas ni Lolo. Napalingon kami ni Tatay sa kinaroroonan
ni Lolo. At suot na niya ang sombrerong
Pumasok kami sa lumang bahay. pang-Hapon.

Lumapit si Tatay sa akin. “Iiwan muna natin ang Lolo mo. Kapag
magaling na magaling na siya, isasama natin
“Haru, iiwan na muna natin ang Lolo mo uli siya sa Maynila. Si Tiyo Luis na muna ang
sa lumang bahay na ito. Kailangang may mag-aalaga sa iyong Lolo,” dugtong ni Tatay.
magbantay at mag-alaga sa kaniya para
gumaling siya agad. Delikado na siyang iwan Lumapit ako kay Lolo para magpaalam.
sa ating bahay. May trabaho ako at nag-aaral
ka. Marami na siyang nakalilimutan, ‘ni hindi “Lo, aalis muna kami, pero babalik din kami,”
na niya tayo nakikilala, kahit ang ating mga sabi ko.
pangalan,” sabi ni Tatay.
“Ikaw na si Haru ang nag-iisa kong apo?”
“Iiwan natin si Lolo sa bahay na ito?” tanong niya.

“Oo, anak. Kilala mo ang iyong Lolo. Gusto “Opo Lo, ako si Haru. Babalik kami uli kapag
niyang laging may ginagawa, gusto niyang walang trabaho si Tatay,” sagot ko.
nababantayan ang lumang bahay na ito,
gusto niyang nakikita ang mga lumang gamit Mahigpit na yakap ang ibinigay ko kay Lolo.
dito, gusto niyang nagtatanim, gusto niyang Nakilala na niya uli ako.
makipagkuwentuhan sa kaniyang kapanahon.
Di natin maibibigay ang mga gusto niyang Napakalayo pala ng San Rafael! Di ko ito
ito sa ating maliit na bahay sa Maynila,” naramdaman nang papunta pa lang kami.
paliwanag ni Tatay. Nakapagpapaikli pala ng biyahe ang mga
kuwento ni Lolo.

4 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


4-7
“Haru, babalik tayo sa San Rafael tuwing Gusto kong makilala si Tatay noong bata
sabado para dalawin ang Lolo mo,” pa siya.
sabi ni Tatay.
Gusto kong malaman ang kuwento ng
“At tuwing Linggo, pangako kong lilibutin San Rafael!
natin ang buong San Rafael. Aba, marami na
rin akong kuwento noong bata na tiyak na At higit sa lahat, gusto kong dalawin ang
magugustuhan mo!” pangako ni Tatay. mahal kong Lolo, si Lolo Juanito!

Gusto ko na agad na dumating ang Sabado


at Linggo!

BAI TANG 7

Ipapasyal Namin si Lolo 5


BANGHAY-A RA L IN

Masusing Banghay-Aralin
LAYU NIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon

B. Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita tungkol sa kanilang


sariling lugar.

C. Mga Kasanayang Pampagkatuto/Layunin

(F7PB-I-c-d2) Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan sa binasang akda

1. Naipasasagot ang mahahalagang kaisipan sa pamamagitan ng


pangkatang gawain
2. Natutukoy ang mga karapatan ng mga lolo o Senior Citizens
3. Nakalalahok sa isang debate batay sa kaisipan ng akda
4. Nakasusulat ng kuwento tungkol sa kanilang lolo

PAKSA

Ipapasyal Namin Si Lolo ni: Genaro R. Gojo Cruz

MGA KAG A M ITA N

A. Sanggunian:

Sipi ng Maikling Kuwentong Pambata - Ipapasyal Namin si lolo Ni Genaro R. Gojo Cruz
Iba pang kagamitang pampagtuturo : LCD/ Speakers, Awit ng Si Lolo Jose ni Coritha
https:/m.youtube.com/watch?v=k8-KfC9goUE, larawan, Origami

6 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


4-7
PA M A M A RAA N

BAG O M AGBA S A HABAN G N AG BABASA PAG K ATAP O S M AG BASA

A. Panimula

1. Pampukaw sa Dating Kaalaman


Pagpaparinig/pagpapanood ng guro sa isang awit/ video ng ‘Si Lolo Jose’ ni Coritha
Nakasulat sa Manila paper ang awit para maintindihan ng mga mag-aaral.

Itanong:
Ano ang sinasabi sa atin ng awit ni Lolo Jose ni Coritha?

B. Pangganyak

Itanong:

1. Sino-sino sa inyo rito may mga lolo pa o itinuturing na lolo?


2. Anong karanasan ang hindi ninyo malilimot sa inyong lolo?
3. (Magpapakita ng komik strips at ipahihinuha ang kuwento mula rito.)

BAI TANG 7

Ipapasyal Namin si Lolo 7


BANGHAY-A RA L IN

BAG O M AG BA S A H A BA NG N AG BABASA PAG K ATAP O S M AG BASA

C. Paglalahad ng Aralin

1. Bakit kaya “Ipapasyal Namin si Lolo”ang pamagat ng kuwento?


2. Ibibigay ng guro ang mga gabay na tanong sa mga mag-aaral bago magpabasa
3. Pagpapabasa ng kuwento sa mga mag-aaral (dugtungan/malakas/tahimik na pagbasa)

BAG O M AG BA S A H A BA NG N AG BABASA PAG K ATAP O S M AG BASA

D. Pagtalakay sa Aralin

1. Gawaing Pagpapaunawa
Pangkatin ang mga mag- aaral sa 4 at ipagawa ang pagsagot sa mga sumusunod
na tanong:

Pangkat 1:
Sino-sino ang mga tauhan sa akda? Ipakilala sila sa pamamagitan ng sanib-saniban
(Sasaniban ng tauhan sa kuwento ang mag-aaral at sila ang magpapakilala sa mga
tauhan)

Lolo Juanito Izumi

Ichiro Luis

Haru Daisuke

8 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


4-7
Pangkat 2:
Ano-anong mga alaala ang sumagi sa isipan ni Lolo Juanito habang sila’y naglalakbay?
Bakit niya ito naikuwento? Sagutin sa pamamagitan ng Story-Map

PLAZA

Pangkat 3:
Anong pagbabago ang nangyari kay Lolo Juanito nang makarating sila sa lumang bahay
nila sa San Rafael? Gawin ito sa pamamagitan ng Role Play

Pangkat 4:
Bakit kailangang ipagkatiwala si Lolo Juanito sa kaibigan nito? Tama ba ang desisyon
ng mag-ama na iwan siya sa San Rafael? Gawin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng
dahilan at epekto na nasa tsart

BAI TANG 7
Dahilan Epekto

2. Gawaing Pagpapalalim (Optional)


Gamit ang tsart sa ibaba, ipatatalakay sa mag-aaral muli ang mahahalagang kaisipan
mula sa mga naging suliranin o isyung binabanggit sa akda

Mahalagang kaisipan Patunay Solusyon

1.

2.

3.

4.

5.

3. Gawaing Paglinang sa Kabihasaan

Ipapasyal Namin si Lolo 9


Mula sa diagram sa ibaba, tukuyin ang mga sinasabing karapatan ng mga lolo/lola
tuladni Lolo Juanito na isinasaad sa batas. Nakakamit kaya ito ng ating mga Lolo/lola?

Batas para
sa mga
Senior Citizen

E. Paglalapat

BAG O M AG BA S A H A BA N G N AG BABASA PAG K ATAP O S M AG BASA

Simulan ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan ng mga matatanda sa Home for the
Aged o documentary films na may kaugnayan sa paksa bago ipagawa ang mga sumusunod
sa mga mag-aaral.

Pagdedebate (Informal)

Paksa:
Dapat ba o di- dapat dalhin sa home for the aged ang mga matatandang tulad ni
Lolo Juanito?

F. Paglalagom

Gagawin ng mga mag-aaral ang paglalahat/pagbubuod sa natukoy at naipaliwanag na


kaisipan ng akdang binasa sa pamamagitan ng 5W’s -1H

1. Sino? _______________________________________________
2. Ano? _______________________________________________
3. Kailan? _______________________________________________
4. Bakit? _______________________________________________
5. Paano? _______________________________________________

G. PagTataya

10 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


4-7
Gumawa ng isang pag-uulat tungkol sa kalagayan ng mga matatanda sa iyong pamayanan.

Rubrik sa pagmamarka:
1. Nilalaman – 15pts
2. Organisasyon ng kaisipan- 10pts.
3. Gramatika at Mekaniks (Gamit ng wika, bantas atbp.)- 5pts.
Kabuoan - 25 pts.

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

(Opsiyonal)
Ipasasaliksik sa mga mag-aaral ang kasaysayan ng lugar na pinagmulan ng kanilang mga
lolo kasama ang larawan nito para sa isang munting photo exhibit na gagawin sa loob ng
klasrum.

Rubrik:
1. Nilalaman- (Katumpakan at kasapatan ng impormasyon) 15pts
2. Organisasyon ng kaisipan (kaugnayan at kaisahan) 10 pts
3. Gramatika at Mekaniks ( Gamit ng wika, bantas atbp.) 5 pts
Kabuuan - 25 pts

BAI TANG 7

Ipapasyal Namin si Lolo 11


PANG-A RAW-A RAW N A TA L A

Paaralan: Guro: Asignatura: Filipino

B A I TA N G 7 LUNES MARTES

L AY U N I N

A Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


Pangnilalaman pampanitikan ng Luzon

B Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita


tungkol sa kanilang sariling lugar

C Mga Kasanayan sa Natutukoy at naipaliliwanag 3. Nakalalahok sa isang debate


Pampagkatuto ang mahahalagang kaisipan sa batay sa kaisipan ng akda
binasang akda (F7PB-I-c-d2) 4. Nakasusulat ng kuwento
1. Naipasasagot ang tungkol sa kanilang lolo
mahahalagang kaisipan sa
pamamagitan ng pangkatang
gawain
2. Natutukoy ang mga
karapatan ng mga lolo o
Senior Citizens

NILALAMAN / PAKSA

Ipapasyal Namin Si Lolo ni: Genaro R. Gojo Cruz

M G A K A G A M I TA N G P A M P A G T U T U R O

A Sanggunian Sipi ng Maikling Kuwentong


Pambata - Ipapasyal Namin si
Lolo Ni Genaro R. Gojo Cruz

B Iba pang mga Kagamitang Iba pang kagamitang


Pampagtuturo pampagtuturo : LCD/ Speakers,
Awit ng Si Lolo Jose ni Coritha
https:/m.youtube.com/
watch?v=k8-KfC9goUE,
larawan, Origami

PAMAMARAAN

A Balik-Aral at/o Panimula Pagpaparinig/pagpapanood ng Pahapyaw na pagbabalik-tanaw


guro sa isang awit/video ng ‘Si sa naganap noong unang araw
Lolo Jose’ ni Coritha ng aralin.
Nakasulat sa Manila paper ang
awit para maintindihan ng mga
mag-aaral.
Pagbabahaginan ng sinasabi
sa atin ng awit ni Lolo Jose ni
Coritha.

12 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-


4-7
4-10
Markahan: Ikatlo Petsa ng Pagtuturo: Oras ng Pagtuturo:

MIYERKOLES HUWEBES BIYERNES

L AY U N I N

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon

Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita tungkol sa kanilang sariling lugar

NILALAMAN / PAKSA

Ipapasyal Namin Si Lolo ni: Genaro R. Gojo Cruz

M G A K A G A M I TA N G P A M P A G T U T U R O

PAMAMARAAN
BAI TANG 7

Ipapasyal Namin si Lolo 13


PANG-A RAW-A RAW N A TA L A

Paaralan: Guro: Asignatura: Filipino

B A I TA N G 7 LUNES MARTES
PAMAMARAAN

B Pangganyak Bago Bumasa


Sasabihin ng mga
mag-aaral kung:
1. May mga lolo pa o itinuturing
na lolo pa sila.
2. Karanasang hindi ninyo
malilimot sa kanilang lolo.
3. Pagpapakita ng komik strips
at ipahihinuha ang kuwento
mula rito.
4. Lugar kung saan nila Ipapasyal
si Lolo.
5. Pakahuluganan ang pamagat
“Ipapasyal Namin si Lolo”

C Paglalahad ng Aralin Habang Bumabasa


1. Ibibigay ng guro ang mga
gabay na tanong sa mga mag-
aaral bago magpabasa
2. Pagpapabasa ng kuwento
sa mga mag-aaral (dugtungan/
malakas/tahimik na pagbasa)

D Pagtalakay sa Aralin Pagkatapos Bumasa


1. Gawaing Pagpapalalim
1. Gawaing Pagpapaunawa (Optional)
tungo sa Pormatibong Gamit ang tsart sa ibaba,
PagTataya #1 ipatatalakay sa mag-aaral muli
ang mahahalagang kaisipan
2. Gawaing Pagpapalalim mula sa mga naging suliranin o
tungo sa Pormatibong
isyung binabanggit sa akda
PagTataya #2
2. Gawaing Paglinang
3. Gawaing Paglinang sa Kabihasaan
sa Kabisaan tungo Tukuyin ang mga sinasabing
sa Pormatibong karapatan ng mga lolo/lola
PagTataya #3 tulad ni Lolo Juanito na
isinasaad sa batas. Isulat ito
sa isang concept map.
Nakakamit kaya ito ng ating
mga lolo/lola?
E Paglalapat Simulan ito sa pamamagitan
ng pagpapakita ng larawan ng
mga matatanda sa Home for
the Aged o documentaryong
pampelikula na may kaugnayan
sa paksa bago ipagawa ang
mga sumusunod sa
mga mag-aaral.
Pagdedebate (Informal)
Paksa: Dapat ba o di- dapat
dalhin sa home for the aged
ang mga matatandang tulad ni
Lolo Juanito?

14 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-


4-7
4-10
Markahan: Ikatlo Petsa ng Pagtuturo: Oras ng Pagtuturo:

MIYERKOLES HUWEBES BIYERNES


PAMAMARAAN

BAI TANG 7

Ipapasyal Namin si Lolo 15


PANG-A RAW-A RAW N A TA L A

Paaralan: Guro: Asignatura: Filipino

B A I TA N G 7 LUNES MARTES

F Paglalagom Gagawin ng mga mag-aaral


ang paglalahat/pagbubuod
sa natukoy at naipaliwanag na
kaisipan ng akdang binasa sa
pamamagitan ng 5W’s -1H

G G. PagTataya Gumawa ng isang kwento


tungkol sa kalagayan ng mga
matatanda (senior citizens) sa
iyong pamayanan.
Rubrik sa pagmamarka:
1. Nilalaman – 15pts
2. Organisasyon ng
kaisipan- 10pts.
3. Gramatika at
Mekaniks (Gamit ng
wika, bantas atbp.) 5pts.
Kabuoan - 25 pts.

H Karagdagang Gawain
at/o Pagpapahusay

M G A TA L A

Maaari itong tumagal sa dalawang sesyon

P A G N I N I L AY

A Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80%
sa pagTataya

B Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng mga gawaing
pagpapahusay (remedial)

C Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral nza
naunawaan ang aralin

D Bilang ng mag-
aaral na patuloy na
nangangailangan
ng pagpapahusay
(remediation)

E Alin sa aking pagtuturo ang


naging epektibo? Bakit?

16 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-


4-7
4-10
Markahan: Ikatlo Petsa ng Pagtuturo: Oras ng Pagtuturo:

MIYERKOLES HUWEBES BIYERNES

M G A TA L A

Maaari itong tumagal sa dalawang sesyon

BAI TANG 7
P A G N I N I L AY

Ipapasyal Namin si Lolo 17


PANG-A RAW-A RAW N A TA L A

Paaralan: Guro: Asignatura: Filipino

B A I TA N G 7 LUNES MARTES

P A G N I N I L AY

F Ano-ano ang aking naging


suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng
aking punongguro
at superbisor?

G Anong mga inobasyon


o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit /
natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

18 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-


4-7
4-10
Markahan: Ikatlo Petsa ng Pagtuturo: Oras ng Pagtuturo:

MIYERKOLES HUWEBES BIYERNES

P A G N I N I L AY

BAI TANG 7

Ipapasyal Namin si Lolo 19


IIX IX X

XI IIIV IIV
III II I
IV V VI

The PRIMALS Compendium of Teaching Resources

This compendium was published with support


from the Australian Government through the Basic
Education Sector Transformation (BEST) Program.
 
Permission to use or reproduce this publication
or parts of it in hard or digital copies for personal
or educational use is granted free, provided that
the copies are not reproduced or distributed for
commercial purposes, and that proper credit is given
to the Australian Government.
 
Printed in the Philippines
 
First Printing, 2019

You might also like