You are on page 1of 2

GAWAING PANANALIKSIK

PANANALIKSIK- Ang pananaliksik ay ang pag-alam o pagtuklas at pagsubok sa isang teorya. Ginagawa ito upang malutas
ang mga problema at suliranin na kailangan gawan ng solusyon.

PANANALIKSIK YON SA IBA’T IBANG MGA MANUNULAT.

 Kerlinger, 1973ito ay isang sistematiko, kontrolado, panigurado sa obsebasyon, at panunuri ng mga panukalang
hypotetikal ukol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari
 Manuel at Medel, 1976 Ito ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon o datos para masolusyonan ang
isang karaniwang problema sa paraang siyentipiko
 Aquina, 1974 Ito ay isang detalyadong kahulugan at isang sistematikong paghahanap at pagsusuri sa mga
importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o suliranin

MGA BAGAY TUNGKOL SA PANANALIKSIK


 Etika-- pamantayan ng moral na pagkilos, asal at gawaing angkop sa isang propesyon
 Mananaliksik --tagasaliksik
 Ebidensiya --saligan ng paniniwala, Mga bagay o dokumento na nagpapatunay na ang isang bagay ay sa iyo.
 Posibilidad-- kalagayan o pagkakataon upang maganap ang isang bagay o pangyayari
 Disiplina-- mental, moral at pisikal na pagsasanay
 Diplomasya-- kasanayan sa personal na ugnayan
 Kredibilidad-- kalidad ng pagiging kapani-paniwala
 Impormasyon-- mga kaalamang dala ng pananaliksik o pagaaral
 Katangian-- kakaiba o natatanging anyo o ugali ng isang indibidwal ay iba pa
 Patunay-- ibinabatay sa mga pangyayari

Layunin at Kahalagahan ng Pananaliksik

1. Makatuklas ng mga bagong kaalaman o impormasyon tungkol sa iba't ibang paksa o penomena.
2. Magbigay ng bagong interpretasyon tungkol sa lumang ideya.
3. Magpatunay na makatotohanan ang umiiral na kaalaman.
4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substance o elemento.

MGA URI AT LAYUNIN NG PANANALIKSIK


1. Panimulang Pananaliksik (Basic Research). Ang layunin ng panana-liksik na ito ay umunawa at magpaliwanag. Ito
ay binubuo ng teoryang nagpapaliwanag tungkol sa isang penomenong sinisiyasat (o pangyayari) at ito ay
deskriptibo o naglalarawan.
2. Pagtugong Pananaliksik (Applied Research). Ang layunin ng panana-liksik na ito ay upang matulungan ang mga
tao na maunawaan ang kalikasan ng isang suliranin nang sa gayon ay magkaroon siya ng ideya kung paano ito
makokontrol. Sa madaling salita, ang uring ito ay humahanap ng potensiyal na kalutasan sa mga suliranin ng tao
at mga suliraning umiiral sa kanyang kapaligiran.
3. Pananaliksik na Nagtataya (Evaluation Research). Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng proseso at kinalabasan ng
isang solusyon. Layunin ng formative evaluation na pag-ibayuhin ang pakikisangkot ng tao sa ilang kondisyon
gaya ng oras, gawain, at pangkat ng tao. Samantala, layunin ng summative evaluation na sukatin ang bisa ng isang
programa, polisiya, o produkto.
4. Pagkilos na Pananaliksik (Action Research). Ang pananaliksik na ito ay naglalayong lumutas ng isang tiyak na
suliranin sa isang programa, organisasyon, o komunidad.

You might also like