You are on page 1of 2

Ano ang Sulating Pananalik

Ay isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay kahulugan sa mga datos


mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang masagot ang isang tanong,
upang makadagdag sa umiiral nakaalaman, o pareho. 

•Ito ay malalimang pagtatalakay sa isang tiyak at naiibang paksa

•Taglay nito ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong kanyang nakalap

• Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik.
(Spalding, 2005) 

•Isang matiyaga,maingat, sistematiko,mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang


bagay,konsepto,kagawian,problema,isyu o aspektong kultura at lipunan.(Atienza,et .al.,1996) 

•Isang paraan ng paghahanap ng teorya,pagsubok ng teorya o paglutas ng isang


suliranin(Espirito,2000). 

•Isang pagpapatotoo ng iyong kakayahan sa pangangalap, pagpapakahulugan pag bubuo at pag-uulit ng


mga ideya nang obhetibo, matapat at may kalinawan(Badayos,2007) 

•Ayon kay Constantino at Zafra(2010),

-Ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya,konsepto, bagay, tao, isyu at
iba pang ibig bigyang linaw,patunayan o pasubalian. 

 Ayon naman kay Galero-Tejero(2011),

Ang pananaliksik ay may tatlong layunin:

 Una, isagawa ito upang makahanap ng isang teorya;

•Pangalawa, mula sa pananaliksik aymalalaman o mababatid ang katotohanansa teoryang ito;

•Pangatlo, isinasagawa ang pananaliksikupang makuha ang kasagutan sa mgamakaagham na problema o


suliranin

Ang Pagkakaiba ng Sulating Pananaliksik sa Ordinaryong Ulat 


 Ang sulating pananaliksik para iyong maisulat ay nangangailangan ng pag iimbestiga at pag
aanalisa.
 Ang ordinaryong ulat ay hindi. Ito ay parang nagkukwento lamang ng isang alam na nating
paksa. 
 Ang Sulating Pananaliksik ay pag alam sa isang paksa na gumagamit ng primarya at sekundaryang
magpagkukunan ng datos 
 Ang Sulating Pananaliksik ay pangmalakihan o pangkalahatang saklaw.
 Ang Ordinaryong Ulat ay hindi na maaring ang apektado lamang ay ang inyong kumunidad 

You might also like