You are on page 1of 3

RES 111 - PANANALIKSIK SA FILIPINO

Lektyur 1 

PANANALIKSIK
KAHULUGAN
 Base sa aklat ni Vizcarra (2003), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, empiriko,
at kritikal na pag-imbestiga sa haypotetikal na pahayag tungkol sa inaakalang relasyon o
ugnayan ng mga natural na penomenon.
 Ayon kina Atienza, et. al (1996), ang pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko,
mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,
problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.
 Ayon kay Sauco (1998), ito ay pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na
pagsasagawang pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang
pagkuha ng mga datos sa mga pangunahing maaaring pagkunan. Inaayos ang mga ito at
pagkatapos ay sinusulat at inuulat.
 Ayon kay Sanchez (1998), ito ay puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga hindi pa
nalalaman.
 Ayon kay Sevilla (1998), ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa
teorya o paglutas ng isang suliranin.
 Ayon kay Semorlan (1999), mapanuri at kritikal na pag-aaral ukol sa isang isyu, konsepto, at
problema- ganyan ang pananaliksik.
 Ayon kina Alejo, et. al (2005), batay sa ensayklopedya, ang pananaliksik ay isang aktibo,
matiyaga, at sistematikong prosesong pagsisiyasat para matuklas, makapagbigay ng
interpretasyon, o baguhin ang katotohanan, pangyayari, asal, teorya, o makagawa ng praktikal
na aplikasyon sa tulong ng mga makatotohanang pangyayari, batas o teorya.
 Ayon kina Ordoñez, et. al (2007), ang pananaliksik ay pahayag sa mataas na lebel ng
pagsusulat dahil nangangailangan ito ng pangangalap ng mga datos, pag-iimbestiga,
pagsusuri, pagbibigay hinuha, at sa pagtatapos ay pagbibigay kongklusyon at
rekomendasyon.

KATANGIAN
Ang mga sumusunod ay mga katangian ng pananaliksik ayon kay Best (1981):
1. Ito ay sumasaklaw sa pangangalap ng mga bagong datos o impormasyon, o di naman kaya ay
paggamit ng dati nang mga datos para sa bagong layunin.
2. Ito ay nakatuon sa pagbibigay-kalutasan sa isang suliranin.
3. Ito ay kadalasang nilalapatan ng maingat na pamamaraan at laging gumagamit ng mga lohikal
na pagsusuri.
4. Ito ay nangangailangan ng kasanayan, katapangan, at lakas ng loob.
5. Ito ay nangangailangan ng tiyaga at hindi pagmamadali ng mga gawain.

Maliban sa mga katangiang ibinigay ni Best, nagdagdag naman si Ordoñez (2007). Ito ang mga
sumusunod:
 Orihinal na akda ang pananaliksik. Sa pananaliksik, isagawa ito na ang paksa ay wala pang
ibang nakakapanaliksik. Kung mangongopya ka ng saliksik ay maaaring humantong sa hindi
maganda. Ang gawang orihinal ay maipagmamalaki at maipagkakapuri.
 May Sistema ang pananaliksik. Tulad ng ibang Gawain, ang pananaliksik ay may sistemang
sinusunod. Hindi naaaksaya ang oras at panahon, maging ang salapi, kung ang gawain ay
nasa ilalim ng prosesong dapat munang sundin. Sa pagsisimula hanggang sa pagtatapos, ang
pananaliksik ay gawaing may proseso o Sistema- hind ito natatapos na minadali.
May ibang pananaw rin sina Alejo, et. al (2005) hinggil sa katangian ng pananaliksik.
 Ang pananaliksik ay kontrolado.
 Ang pananaliksik ay empirikal.
 Ang pananaliksik ay walang kinikilingan at lohikal.
 Ang pananaliksik ay ginagamitan ng haypotesis.

GLENDA C. CASTILLO
RES 111 - PANANALIKSIK SA FILIPINO

KAHALAGAHAN
1. Benepisyong edukasyonal
Tumutukoy ang benepisyong ito sa mga kapakanang edukasyonal. Nakatutulong ang pananaliksik sa
guro upang maging gabay niya ang mga natuklasan at mapagtagumpayan niya ang kaniyang
epektibong pagtuturo sa mga mag-aaral.
2. Benepisyong propesyonal
Nakapaggagalugad at nakapaghahanda ka para sa iyong karera sa hinaharap dahil sa nasasanay
kang magbasa at mag-analisa ng mga datos na nagbubunga ng pagkakaroon ng mas malawak na
kaalamang magagamit sa iyong propesyon. Nalilinang din ang iyong mga kapaki-pakinabang na
mga kasanayan gaya ng kasanayan sa propesyonal na pakikipagkomunikasyon.
3. Benepisyong personal
May mga benepisyo ka ring natatanggap na maaari mong gamitin sa iyong buhay. Sa proseso,
napauunald moa ng iyong pagiging analitikal, at kritikal na pag-iisip na nagreresulta ng pagiging
matatag mo sa buhay- nakakaya mong tumayong mag-isa. Gyaundin, dahil nasasanay ka sa
paghahanap ng mga datos na sasagot sa iyong suliranin at dahil nakakaya mong tapusin ang
proyekto, mas madali ang pagharap mo sa pagsubok sa buhay.
4. Benepisyong pambansa
Ang pananaliksik ay may ginagampanang tungkulin sa paghubog ng kinabukasan ng isang bansa at
tagapagbigay ng kaunlaran at mabuting pamumuhay para sa lahat. Ang mga desisyon ng ating mga
pinuno hinggil sa kapakanang pambansa ay batay sa resulta ng pananaliksik na isinasagawa ng
kinauukulan.
5. Benepisyong pangkaisipan
Bukod sa sariling pag-unlad, ang proseso ng pagtitipon-tipon ng mga nabasang ideya o pananaw
mula sa iba’t ibang manunulat ay naghahasa ng kaisipan bilang indibidwal. Nangangahulugan itong
nadargdagan ang iyong kaalaman at pagkatuto.
6. Benepisyong pangkatauhan
Nahahasa rin ang iyong kagalingan sa pakikipagkapwa-tao dahil sa iyong pakikipanayam. Sa
pamamagitan nito, nagiging mahusay ka sa pakikibagay dahil sa kagalingan mong makipag-ugnay sa
iba’t ibang tao upang makakuha ng mahalagang datos.

LAYUNIN
Narito ang ilang layunin ng pananaliksik (base sa aklat nina Garcia, 2008):
1. Mabigyan ng kasiyahan ang kuryosidad ng tao.
2. Mabigayan ng mga kasagutan ang mga tiyak na katanungan.
3. Malutas ang isang partikular na isyu o kontrobersiya.
4. Makadiskubre ng mga bagong kaalaman.
5. Maging solusyon ito sa suliranin.
6. Mapaunlad ang sariling kamalayan sa paligid.
7. Makita ang kabisaan ng umiiral o ginagamit na pamamaraan at estratehiya sa pagkatuto ng
mga mag-aaral.
8. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.
9. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang tanggap o pinapalagay na totoo
o makatotohanang ideya.
10. Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang ideya, interpretasyon, paniniwala, palagay,
o pahayag.
11. Mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang partikular na bagay.

P Pormal na pagsulat May sinusunod na hakbang o pormat, kung


minsan ay naaayon sa institusyong
kinabibilangan.
GLENDA C. CASTILLO
RES 111 - PANANALIKSIK SA FILIPINO
A Akma sa panahon Umaayon sa kasalukuyang oanahon, gayundin
ang panahong kasangkot sa paksa ng
pananaliksik.
N Nagagamitan ng haypotesis Tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa
isasagawang pag-aaral.
A Angkop na metodo o Tamang disenyo, dulog, o estratehiya para sa
pamamaraan napiling paksa.
N Napapalawak ang kaalaman Mula sa kuryosidad ay nabuo ang mga
katanungan kaya’t nagkaroon ng interes, na
siyang dahilan para mangalap ng mga kaalaman
tungo sa paghanap ng katotohanan para
maliwanagan ang mga amling pangangatwiran o
fallacy.
A Anti-plagiarism Kilalanin ang mga awtor ng mga akdang
pinaghanguan ng mga kaisipan o impormasyon.

L Laging mangalap ng mga Mahalaga ang mga dating impormasyon. Ngunit


bagong datos sa bilis ng takbo ng panahon, kailangang
tanggapin na may mga bagong ideya dahil sap
ag-usbong ng mga makabagong mapanaliksik na
kaisipan.

I Interpretasyon ay obhetibo Dapat kunin ang mga datos sa mga di- kumikiling
o di- kinikilingang batas.
K Kuwalitatibo o kuwantitatibo Kuwantitatibo kung ang resulta ay nasusukat ng
estadistika; kuwalitatibo kung ibayong pagsusuri
ang ginagawa upang mapatotohanan ang
kahalagahan sa sarili na umaayon sa mga teorya
o pagdulog pampanitikan na umaangkop sa
paksang pinag-aaralan.

S Solusyon sa suliranin Makakakalap ng mga solusyon sa mga suliranin


na nakikita sa kapaligiran kaya may sinusunod na
sistematikong paraan tulad ng obserbasyon,
paglalarawan, klasipikasyon, prediksyon,
paghihinuha, pagtataya, pagbuo ng palagay, at
eksperimentasyon.

I Ideyal ang mga abot-kamay Ang mga datos na nagmula sa tabi-tabi ay higit na
na mga impormasyon mainam kaysa sa paksang matatayog pero hirap
sa pagkalap ng mga datos.
K 3 K (Kasanayan, Nalilinang ang apat na makrong kasanayan,
Kontrolado, Katapangan) pinipili ang mga baryabol at akmang instrumenting
gagamitin, at kailangan ng lakas ng loob para sa
ikatatagumpay ng gawain.

GLENDA C. CASTILLO

You might also like