You are on page 1of 1

MARY ROSE B.

OGAYON BACHELOR OF SCIENCE IN CIVIL ENGINEERING 1B

Narito po ang aking ginawang tula patungkol sa kahirapan na may sukat na walo at may apat na
saknong at taludtod.

Humagulhol man ang Langit


ni: Mary Rose Ogayon

Sa bawat patak ng ulan


may boses, di napakinggan
Kulog, kidlat namataan
may sikmurang kumakalam

Saan ba kami sisilong?


kung sumuko na ang bubong
Ulan na dumadagundong,
ikaw ba’y aming kabaong?

Katayuan binabaha,
Uhaw at kaawa-awa
Nangangarap ng ginhawa
Sisilay ba ang umaga?

Laylayan man nakakapit,


Putik man ay nakadikit
Paa’y may nais makamit
Humagulhol man ang langit

You might also like