You are on page 1of 7

ISKRIP: SINTAHANG ROMEO AT JULIET

UNANG TAGPO:

(NAGMANO ANG MGA BATA KAY LOLA, PINAKIUSAPAN NG MGA BATA SI LOLA NA MAGKWENTO PARA SA
KANILA AT GINAWA NAMAN NIYA ITO)

FLASHBACK~~~~~~

(SA KAKAHUYAN)

BENVOLIO: Romeo nandito ka lang pala, may ibabalita ako sa iyo

ROMEO: Ano naman iyon pinsan, siguraduhin mo lang na mahalaga iyan

BENVOLIO: Magkakaroon bukas ng isang kasiyahan sa tahanan ng mga Capulet at pupunta doon si
Rosaline. Alam kong gusto mo sya sundan doon, pero ang sa kasamaang palad hindi imbitado ang mga
Montague sa kasiyahan

ROMEO: Tama ka diyan pinsan susundan ko nga siya doon, kung hindi tayo makakapasok sa harap ng
tarangkahan, pwede natin gamitin ang likod ng bakuran.

BENVOLIO: Ikaw bahala aking pinsan, O sya ako'y aalis na at marami pa akong gagawin

ROMEO: Magingat ka at paalam Benvolio

NARRATOR: Habang naglalakad si Benvolio, sa di sinasadya ay nabangga niya si Rosaline

BENVOLIO: Ah! Patawad binibining Rosaline, hindi ko kayo nakita sa daan

ROSALINE: Ayos lang ako Ginoong Benvolio, alam kong hindi mo naman ito sinasadya

BENVOLIO: Kung ganon ay ipagpaumanhin nyo ako pagkat ako'y tutuloy na (nagpaalam at umalis)

Narrator: Nag umalis na si Benvolio napansin ni Rosaline na nawawala ang kanyang sulat ng imbitasyon,
hinanap niya ito ng hinanap hanggang sa...

PARIS: Kamusta ka binibini, pansin ko na may hinahanap ka, sakali bang ito ang bagay na iyon?

ROSALINE: Ah! Iyan nga ho Ginoo maraming salamat at nahanap mo ito

PARIS: Walang anuman, ako si Paris at ikinagagalak kitang makilala

ROSALINE: Ako naman si Rosaline at ikinagagalak din kitang makilala

PARIS: Nakita ko sa iyong sobre ang isang imbitasyon sa kasiyahan bukas, aasahan ko na makita ka doon
Binibining Rosaline.
ROSALINE: Makakaasa ka Ginoong Paris. Salamat muli sa paghanap ng aking sobre, kung inyong
mamarapatin ay kailangan ko ng umalis(nagpaalam sa isa't isat)

IKALAWANG TAGPO:

NARRATOR: Kinabukasan, isang kasiyahan ang nagaganap sa tahanan ng Capulet, nagkakasiyahan ang
mga bisita roon sa pagsasayaw, pagkain at paguusap

(DARATING SI ROMEO)

ROMEO: Nakikita mo ba si Rosaline?

BENVOLIO: Hindi, pero sigurado nandyan lang siya sa tabi-tabi

(darating si Juliet)

ROMEO: Sino ang babaeng iyon? Tila ba ngayon pa lamang ako nakakita ng ganyang kagandahan
(lalapitan ni Romeo si Juliet)

ROMEO: Magandang binibini maaari ba kitang makasayaw ngayong gabi?

JULIET: Ikinagagalak kong makasayaw ka ginoo (nagsayaw sila)

ROSALINE: R-Romeo? Hindi ako nagkakamali alam kong si Romeo iyon? Pero bakit sya nandito at sino
ang kasaway niyang iyon??

PARIS: Nagkita na naman tayong muli binibining Rosaline

ROSALINE: Ginoong Paris? Ikaw ba iyan?

PARIS: Hindi ka nagkakamali, maaari ba kitang makasayaw ngayon gabi?

ROSALINE: Aba'y pwede Ginoo

NARRATOR: Sa kabilang banda, napansin ni Tybalt na narito sii Romeo, sisitahin sana niya ito ngunit hindi
naituloy.

TYBALT: Anong ginagawa ng isang Montague rito?! Sisitahin ko sya at paaalisin!

LORD CAPULET: Huminahon ka aking pamangkin, ang Montague'ng iyan ay walang ginagawang masama,
pabayaan siya at ipagpatuloy natin ang pagsasaya

(NAGTITIMPI NA UMINOM SI TYBALT NG ALAK)

NARRATOR: Matapos magsayaw nina Romeo at Juliet, pumunta sila sa isang tahimik na lugar at doon
nagpakilala, Sa kasamaang palad sila'y lubos na nagulat at nalungkot dahil sa ang kanilang pamilya ay
mortal na magkaaway, pagkatapos nito ay sinabihan si Juliet ng kanyang Nars na pinapatawag siya ng
kanyang ina, at doon na sila nagkahiwalay
IKATLONG TAGPO:

NARRATOR: Si Juliet ay nasa kanyang balkonahe na pinagmamasdan ang ganda ng gabi habang
binibigkas ang...

JULIET: Oh Romeo,Romeo!......Itanggi ang iyong ama't ang pangala'y itakwil mo! O kung hindi
isumpa mong ako'y iniibig, At hindi na ako magiging Capulet. Pangalan mo lamang ang masasabi
na kaaway ko, ikaw ay ikaw rin kung hindi ka man Montague

ROMEO: Susundin ko ang wika mong binitawan. Tawagin mo akong mahal at pamuli kong
bibinyagan. Buhat ngayon hindi na ako magiging Romeo

JULIET : Sino ka? Magpakita ka ngayon din!.....Romeo? Anong ginagawa mo rito?

ROMEO: Ako nga ito binibining Juliet, Narito ako para ika'y makita at makausap

JULIET: Bakit ka nandito? Paano na lamang kung makita ka ng mga pinsan ko?

ROMEO: Huwag kang magalala sinigurado ko na hindi nila ako nakita. Pinuntahan kita dito
upang ipaalam sayo ang aking pagibig, nawa'y matanggap mo ito at ako'y mahalin din

JULIET: Paano ko masasabi na seryoso ka sa iyong sinasabi??

ROMEO: Ako'y nanunumpa sa ngalan ng buwan na nagbibigay liwanag sa gabing madilim

JULIET: Kung tunay ang iyong pagibig at hangad mo ay pakasal, pasabihan ako bukas kung kailan
at saan gaganapin ito.

NARS: Senorita! Pumasok na po kayo sa inyong silid!

JULIET: Paalam na mahal kong Romeo

ROMEO: Paalam na aking mahal

(UMALIS NA SI ROMEO)

IKAAPAT NA TAGPO:

Narrator: Kinabukasan pinadalhan ng sulat ni Romeo si Juliet kung saan at kailan gaganapin ang
kasal, Nakiusap na rin sii Romeo kay Padre Laurence na isagawa ang ritwal ng kanilang kasal.
Gaganapin sa isang sikrerong lugar ang kasal nila at tanging sina Romeo, Juliet, Padre Laurence
at ang Nars ang nakakaalam ng magaganap na ito

PADRE: Ngayon ay masasaksihan nyo ang pagiisang dibdib ng dalawang ito blah blah blah blah
(natapos ang kasal ~fast forward~)

NARRATOR: Ang kanilang kasal ay natapos at sila'y bumalik na. Pagkakinabukasan may alitang
nagaganap sa pagitan ng mga Capulet at Montague, naroon si Tybalt ang pinsan ni Juliet at si
Mercutio ang malapit na kaibigan ni Romeo. Nagaaway sila ng biglang dumating si Romeo upang
pigilan ang away.

Romeo: Ano ang nangyayari dito?

(magdadahilan sila tapos yayayain ni Mercutio na tulungan siyang kalabanin si Tybalt pero hindi
papayag si Romeo kaya naman si Mercutio na lang ang kakalaban kay Tybalt)

(naglalaban sila habang inaawat naman ni Romeo.....napatay ni Tybalt si Mercutio.....magagalit


si Romeo at susugurin si Tybalt tapos papatayin..... Tumakbo si Romeo matapos niyang mapatay
si Tybalt)

NARRATOR: Matapos ang patayang naganap si Romeo ay pinatawag ni Prinsipe Escalus ng


Verona upang siya'y parusahan sa kaniyang ginawa.

PRINSIPE: Ikaw Romeo ay nakapatay ng isang Capulet, bilang parusa ikaw ay hindi na pwede
pang manatili rito sa Verona, aalis ka ng lungsod na ito at hindi na babalik pa!

ROMEO: Tinatanggap ko ang aking parusa kamahalan

Narrator: Bumalik na sila sa kanilang gawain habang si Romeo naman ay pumunta sa tahanan ni
Juliet upang magpaalam sa kanya

Romeo: Mahal kong Juliet alam kong nabalitaan mo na ang mangyayari sa akin, Mawawala ako
ng matagal ngunit ang pagibig ko sayo'y habang buhay na tatagal

Juliet: Malayo man tayo sa isa't isa ang puso ko'y nakalaan sayo lamang. Nawa'y huwag mo
akong kalimutan kapag tayo'y nagkahiwalay na.

(IIYAK SI JULIET SA PAGLISAN NI ROMEO AT DARATING ANG NARS UPANG MAGBIGAY NG


MENSAHE)

NARS: Senorita darating ang inyong ina upang kayo'y kausapin dapat na kayong maghanda

JULIET: Hindi ko alam kung maayos ko pa ang aking sarili, wala na si Romeo ang taong
minamahal ko

(DARATING ANG INA NI JULIET)


LADY CAPULET: Juliet~ Halika aking napakagandang anak, may ibabalita ako sa iyong
maganda(lalapitan si Juliet) Kami at ng iyong ama ay napagdesisyunan na ipakasundo ka kay
Paris, hindi ba't nakakatuwa?

JULIET: Ngunit hindi ko mahal ni gusto si Paris, ayoko magpakasal sa kanya!

LADY CAPULET: Bakit naman ayaw mong pakasalan si Paris? Gwapo naman siya at napakayaman
pa

JULIET: May iba na akong mahal ina at kailan man ay hindi ako magpapakasal kay Paris

(DUMATING SI LORD CAPULET)

LORD CAPULET: Nandito lang pala kayong dalawa, nasabi mo na ba sa kanya ang balita? (kausap
si Lady Capulet)

LADY CAPULET: Oo ngunit sa aking pagkagulat ay tutol sya dito

LORD CAPULET: At bakit naman tutol ang aking napakagandang anak sa kasal nila? Juliet,
maswerte ka at ikakasal ka kay Paris, hindi lang sa mayaman ang binatang iyon kundi kilala din
aa lungsod na ito

JULIET: Kahit ano pa ang inyong sabihin ay hindi ako makikinig!

(sinampal ni Lord Capulet si Juliet)

LORD CAPULET: Wag na wag mo kong susuwayin Juliet. Ang ginagawa kong ito ay para sa
ikabubuti mo rin. Ngayon ay maghanda ka na pagkat darating mamaya si Paris uoang ika'y
makilala

(umalis na si Lord at Lady Capulet)

NARRATOR: Ng umalis na ang dalawang magasawa ay naiwan sa loob ng kwarto si Juliet na


masama ang loob at ang kanyang Nars na hindi maiwasang magalala

NARS: Magpakatatag kayo Senorita, at malalampasan mo ang pagsubok na ito. Ngayon ay dapat
na maghanda ka pagkat darating si Ginoong Paris sa inyong tahanan

NARRATOR: Lumipas ang oras at nakapaghanda na si Juliet na sya namang pagdating ni Paris sa
kanilang tahanan. Si Paris ay malugod na kinamusta ang magulang ni Juliet at saka hiningi ang
permiso na makausap siya.

PARIS: Isang magandang pagbati sa iyo Binibining Juliet ako'y naparito para ika'y kilalanin at
suyuin
JULIET: Umalis ka na dahil kahit ano man ang iyong gawin, ay hindi ko kailan man ika'y
mamahalin

PARIS: Mukhang tutol ka sa kasunduang ito, maaari ko bang malama bakit?

JULIET: Hindi ako sangayon sa kasunduang ito dahil mayroon na akong ibang mahal at kaming
dalawa ay ikinasal na

PARIS: Kung ganoon ay pareho pala tayong may iba ng mahal, ngunit hindi nakatadhanang
magsama. Kung ako sayo Juliet ay kalimutan mo na sya at pilitin na magmahal ng iba, dahil alam
naman natin na kahit ano pa ang ating gawin, hindi na natin mapapalitan pa ang tadhana, isipin
mo na lang na ito ang tama at makakabuti sa atin.

JULIET : Kung ganyan rin lang naman ang iyong sasabihin ay mabuti pang umalis ka!

PARIS: Hayss kung yan ang iyong nais ngunit pagisipan mo din ang aking sinabi(umalis na)

JULIET: Hindi ako papayag na matuloy ang kasal, Aking katulong dito ka na muna at ako'y aalis
lang, kapag may nagtanong kung nasaan ako pakisabi na sa isang maayos ako na lugar

NARS: Ngunit-

JULIET: Huwag ng makipagtalo pa at sundin mo na lang pakiusap

NARS: Kung yang ang nais mo Senorita, nawa'y magingat ka sa iyong pagalis

NARRATOR: Si Juliet ay pumunta kay Padre Laurence, nang siya'y makarating agad isinabi ni
Juliet ang kanyang pakay, Si Padre Laurence naman ay sumang ayon at tumulong na ayusin ang
problema nina Romeo at Juliet na magkasama muli

PADRE LAURENCE: Makinig ka Juliet, itong ibibigay ko sa iyo ay isang lason na kayang patigilin
ang iyong paghinga at pagtibok ng puso. Inumin mo ito sa araw bago ang kasal niyong dalawa ni
Paris. Pagkatapos mo itong inumin ay bibisa ang gamot at aakalain nilang patay ka, sa ganoong
paraan ay hindi matutuloy ang kasal niyo ni Paris, aabot lang ng dalawang araw ang bisa ng
gamot, kaya habang ika'y nakalatag sa higaan ay padadalhan ko si Romeo ng sulat tungkol dito
at para ika'y sunduin nya paggising mo

JULIET: Masusunod po Padre maraming salamat sa iyong pagtulong sa akin

PADRE: Walang anuman, O sya bumalik ka na at baka ay hinahanap ka na nila

You might also like