Script Filipino
Script Filipino
By: group 3
Taong 1998
Sa isang malayong pook, nakatayo ang isang napakalaki at napakagarbong
palasyo. Sa gabing iyon, may pagdiriwang na nagaganap sa loob ng palasyo. Habang
nagkakaroon ng kasiyahan sa loob, lumabas ang isang napakagandang batang babae
sa kanilang hardin. Habang nagmamasid sa mga naggagandahang bulaklak,
napakunot ang kanyang noo nang maramdamang parang may nagmamasid sa kanya.
Mula sa pagtatago sa mga halamanan, lumabas ang isang mestisong lalaki at kahit
bata pa ay napakaganda ng tindig ng katawan nito.
Nataranta ang batang babae, hindi niya alam ang gagawin, kung tatakbo ba pabalik sa
loob o sisigaw. Nang nahiwatagan ng batang lalaki ang gagawin sana ng batang babae
ay nagsalita ito.
Batang lalaki: "Binibini, paumanhin, ikaw yata ay nagulat sa aking presensya. Ako
nga pala si Romeo, prinsipe ng mga Montague."
Nakasimangot lamang ang batang babae at tila hindi naniniwala sa tinuran nito.
Batang Romeo: "Pasensya na ulit, ngunit maaari ko bang malaman ang iyong
pangalan, binibini?"
Batang babae: "At bakit ko naman sasabihin sa iyo, hindi nga kita kilala"
Batang Romeo: "Sinabi ko na ang aking pangalan binibini at nais ko lang naman na
makipagkaibigan, wala akong intensyon na masama"
Juliet: "Hindi ko lang nais na makisalamuha sa mga tao sa loob na alam kong ang
tiwala at kayamanan lamang ng aking ama ang gusto"
Romeo: "Pareho pala tayo mahal na prinsesa, ayoko din sa mga taong puro
kasakiman ang nasa puso. Hindi man lang inisip ang iba. Hay, buhay nga naman"
Juliet: "Alam mo, ang babata pa natin pero ganito na tayo mag-isip. Gusto kong mas
makila---"
Naputol ang sasabihin ni Juliet nang dumating ang kanyang tagapag-alaga at sinabing
hinahanap na ito nang kanyang ama. Napagpasyahan ni Juliet na magpaalam muna
kay Romeo bago umalis.
Juliet: "Pasensya na, mauuna na ako, nagagalak akong makilala ka, mahal ng prinsipe
ng mga Montague"
Mula noon ay lagi nang dumadalaw si Romeo sa Palasyo ng mga Capulet at naging
mas matalik na magkaibigan sila ni Juliet.
~
Nang isang araw, may natanggap na liham si Juliet galing kay Romeo na tungkol
sa pagpunta niya sa Italy upang mag-aral at walang kasiguraduhan kung makakabalik
pa ang binata sa Verona. Maaaring umuwi siya pagkatapos ng ilang taon.
Taong 2022
Makalipas ang isang dekada, nakauwi na rin si Romeo. Dahil sa tagal niyang
nawalay kay Juliet, nasasabik na siyang makita ito. Kaya't pagdating sa kanilang
baryo, ito ang agad niya pinuntahan. Pagkarating sa Palasyo ng mga Capulet, hindi
siya pinapasok ng mga gwardya dahil nakilala siya bilang isang Montague.
Romeo: "Anong nangyayari, ako ito, si Romeo, ang Prinsipe ng mga Monatague.
Nais ko lamang makita si Juliet, matagal na rin nang huli ko siyang nasilayan."
Romeo: "Anong babae, wala akong babae! Kailan man ay hindi ako nagkaroon ng
kaugnayan sa mga binibini sa Italya kaya't ‘di ko alam ang iyong sinasabi"
Punong Gwardya: "Manahimik ka! Mga Kawal!! Palayasin ang taksil na ito!"
Nang makitang pasugod kay Romeo ang mga kawal ay kumaripas siya ng takbo.
Nang makalayo na sa palasyo at nailigaw ang mga kawal ay napahinto si Romeo.
Iniisip ang mga sinabi ng gwardya sa kanya. At kinausap niya ang kanyang sarili
Romeo: "Kaya pala. Kaya pala hindi ka na nagpapadala ng mensahe sa 'kin mahal ko.
Pinapangako ko, lilinisin ko ang pangalan ko, lilinisin ko ang pangalan ng pamilya ko
tsaka ko aaminin sayo lahat, mahal kong Juliet"
~~
Mula sa malalim na pag-iisip, bumalik muli ang kanyang diwa nang kumatok si Nars
at sinabing pinapababa siya ng kanyang Ama para sa isang hapunan kasama ang
kanilang mga panauhin.
Pagkababa ni Juliet, nagulat siya sa kanyang nakita. Nasa mahabang lamesa ang mga
panauhin. Sa kabisera ang kanyang ama at sa kanan nito ang kanyang Ina. Sa kaliwa
nito ay ang Prinsipe at sa tabi nito ay ang pinsan nitong si Paris. May nakahandang
upuan para sa kanya, sa tabi ng kanyang ina, napaggigitnaan siya ni Lady Capulet at
ni Tybalt. Nang mapansin siya ay binati siya ni Tybalt at ng kanyang ina.
Lord Capulet: Nandito tayong lahat ngayon upang magtipon dahil sa kasuduan
namin ni Paris.
Napakunot naman ang noo ni Juliet. Ano naman kaya ang kasunduan ng dalawang
ito? Tanong niya sa sarili.
Bumaling si Paris kay Juliet na nakangiti at sinabing “Mahal ko, hindi na ako
maghihintay ng matagal, sa wakas mapapasaakin ka na nang tuluyan”
Tumayo si Juliet at umalis sa hapag-kainan. Dumeretso siya sa hardin kung saan sila
unang nagkakilala ni Romeo. Habang nakamasid sa kawalan, may naaninag siya na
isang bulto, susundan niya na sana ito nang sa pagkurap niya ay bigla na lamang itong
nawala at siya namang pagsulpot ni Paris sa kanyang harapan.
Paris: Binibini, hindi ko nais ang iyong tinuran kanina lang. Ikaw ay matatali sa akin,
sa kahit saang simbahan mo pa gusto. Mamahalin kita at ang ating mga magiging
anak.
Juliet: Kahit anong sabihin mo, hindi kita papakasalan. Hindi ikaw ang iniibig ko at
ni katiting ay wala akong pagtingin sa iyo. Kaya pakiusap, kung talagang may
pakealam ka sa akin, iyong bawiin ang kung anomang usapan niyo ng aking ama.
Nagdilim naman ang panigin ni Paris sa narinig dahil alam niya kahit hindi sinasabi
ng dalaga ay may pagtingin ito kay Romeo.
Paris: Ang iyong ama ay may utang sa akin, higit isang-daang milyon na pilak. At
hindi niya ito kayang bayaran kaya ikaw ang hiningi kong kapalit. Kaya kung gusto
mong mabuhay ang iyong ama, magpapakasal ka sa akin.
Paris: At sinong mahal mo! Si Romeo? Si Romeo na walang ginawa kung hindi ang
saktan ka ha! Yan ba ang klase ng lalaki na gusto mong pakasalan?
Palihim siyang nagtago sa isang poste upang makinig sa usapan nina Lord Capulet at
Paris tungkol sa pag-iisang dibdib nina Juliet at Paris. Nabanggit ni Lord Capulet na
sa katapusan na ng buwan sila ikakasal, ito ay magaganap sa isang simbahan at limit
lamang ang mga bisita ngunit malalaman ito ng buong baryo dahil balak nilang i-
anunsyo ito bukas ng gabi.
Hindi maipinta ang mukha ni Romeo sa kanyang narinig. Nang makaalis na sina Lord
Capulet at Paris ay lumabas na si Romeo sa kanyang pinagtataguan. Hindi ko
hahayaang makasal ka sa kanya mahal ko, hintayin mo ako. Bulong niya sa kanyang
sarili.
Nakita niyang natigilan ang dalaga at unti unting humarap sa kanya. Parang tumigil
ang pag-ikot ng mundo nang muling magtama ang kanilang mga mata. Napakaraming
emosyon ang makikita sa kanilang mga mata, pangungulila, pagkasabik at
pagmamahal. Parang bumagal ang oras nang unti unting lumapit si Juliet kay Romeo
para yakapin ito. Mas lumakas ang hagulgol ni Juliet sa sandaling naramdaman niya
ang init na nanggagaling sa katawan ni Romeo na para bang pinapakalma siya.
Niyakap siya pabalik ni Romeo at pinatahan ito.
Juliet: R-romeo.
Sa sandaling iyon, ramdam ni Juliet ang kanyang kaligtasan ngayong nasa bisig niya
na ang kanyang minamahal at ramdam niya ang napakabilis na tibok nang puso nito at
alam niyang ganoon din ang nararamdaman nito.. Ilang sandali pa ay bumitaw na ang
dalawa mula sa pagkakayakap sa isa’t isa. Katahimikan ang namayani sa pagitan ng
isa’t isa at binasag lamang ito ni Juliet nang matagpuan nito ang sariling boses
Juliet: Kay tagal mong nawala. (Lumuluhang sambit nito, ipinagpapasalamat niya na
hindi nabasag ang kanyang boses)
Romeo: Nandito na ako, pangako, hinding hindi na ako mawawala pa sa tabi mo. Sa
mga nagdaang taon, hindi mo alam kung gaano ako nangungulila sa iyo. Walang araw
na nagdaan na hindi kita inisip. Lagi kang pumapasok sa isip ko lalo na noong hindi
ka na sumasagot sa mga liham ko
Juliet: Ibinalita ito sa akin ni Tybalt. Teka, nabanggit mo kanina na ako’y iyong
iniibig, totoo ba iyon? Tama ba narinig ko ,mahal mo ako?
Maririnig ang pag-asa sa tono ni Juliet nang ito’y kanyang tinanong. Napabuntong
hininga na lamang si Romeo at wala nang magagawa kundi ang umamin dahil nadulas
siya at hindi sinasadyang masabi na mahal niya ito.
Romeo: Tama ang iyong narinig. Bata pa lamang tayo ay naakit na ako sa iyong
kagandahan. Hindi ko alam kung kailan ako nahulog sa iyo basta nagising na lamang
ako isang araw na ikaw na ang mahal ko. Hinahanap hanap ko ang presensya mo,
kaya nga ako’y lubhang nangungulila nang magpunta ako sa Italya. Kung maaari nga
eh sinama na kita o di kaya ay umuwi ako ng maaga na hindi ko pinaabot pa ng ilang
taon. Mahal na mahal kita Juliet, hindi kita kayang ipagpalit sa iba kaya hindi ko
maunawaan kung bakit sinasabi niyong may iba ako sa Italya. Maniwala ka sakin,
kailanman ay hindi kita ipagpapalit dahil alam ko, ikaw lang ang laman ng puso ko.
Juliet: Oh, Romeo! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Oo, naniniwala
ako sa iyo. Hindi man sumasang-ayon ang tadhana sa atin ngayon ngunit pangako, sa
oras na matapos ang lahat ng ito, magkakasama na tayo nang malaya. Mahal na mahal
din kita Romeo.
Slight R-16
Hinawakan ni Romeo ang magkabilang pisngi ni Juliet at tinitigan ang mata nito.
Ilang segundo pa silang nagtitigan nang unti-unting yumuko si Romeo, ipinikit naman
ni Juliet ang kanyang mga mata at hinintay ang susunod na gagawin nito. Akmang
maglalapat na ang kanilang mga labi ng may kumatok sa kwarto ni Juliet.
Nagkatitigan naman silang dalawa ni Romeo at ilan pang sandali ay nataranta ang
dalawa.
Nars: Kung iyan ang gusto mo, masusunod. Magpahinga ka na, malalim na ang gabi.
Juliet: S-sige.
Romeo: S-sige. M-mauuna na ako, mahal ko. Malalim na din ang gabi, magpahinga
ka na.
Juliet: Ngunit bukas din ng gabi iaanunsyo ng aking ama ang kasalan na kailanman
ay hindi ko pinaburan.
Romeo: May tiwala ka ba sa akin? Kung oo, kumapit ka lang sa akin. Hinding hindi
na kita hahayaang mawala pa ulit sa aking piling. Pinapangako ko mahal ko, hindi na
kita bibitawan pa, dahil sa oras na makausap ko ang iyong ama, papakasalan kita.
Juliet: May tiwala ako sa iyo. Kumakapit ako sa iyong mga pangako. Mahal kita,
Romeo.
R-16
Matapos sabihin iyon ni Juliet ay nagulat siya nang bigla na lamang siyang kabigin
palapit ni Romeo at hinagkan ang kanyang mga labi. Ang halik na iyon ay punong-
puno ng emosyon. Ipinaparating nila sa isa’t isa ang pagmamahal, pangungulila at
pagkasabik sa isa’t isa.(imagine-french kiss) Nagtagal ng ilang segundo ang
paglalapat ng kanilang mga labi bago bumitaw sa isa’t isa.
Matapos iyon ay nagpaalam na si Romeo. Tinignan muna ni Juliet kung may bantay
sa baba at nang makitang wala ay sinabihan niya si Romeo na lumabas na at sumunod
sa kanya sa balkonahe. Bago tumalon pababa ay kinitlan niya muna ito ng mabilis na
halik at sinabing Magbabalik ako, hintayin mo ako mahal ko at tuluyan na ngang
tumalon. Nakahinga nang maluwag si Juliet ng makitang ligtas na nakababa si Romeo
at kumaway muna sila sa isa’t isa bago tumakbo palabas ng palasyo ang binata. Nang
hindi na makita ang bulto ng binata ay pumasok na sa loob si Juliet kapagkuwa’y
napangiti ng maalala ang pagtatapat sa kanya ng binata. Hinawakan niya ang kanyang
labi at mas lalong napangiti ng maalala ang matamis na labi ng sinisinta. Natigilan
siya nang pumasok sa isip niya na hindi pa nililinaw ni Romeo ang relasyon nila.
Juliet: Ang mahalaga ay mahal niya ako at yun ang panghahawakan ko.
Bulong niya sa kanyang sarili.
Nang gabing iyon, nakatulog ng mahimbing si Juliet at hindi mapunat ang mga ngiti
sa kanyang mga labi.
Kinabukasan ay hindi mapawi-pawi ang mga ngiti sa labi ni Juliet habang nagdidilig
siya ng mga halaman sa kanilang hardin dahil sa mga naganap kagabi. Inaalala niya
ang bawat salitang itinuran ng kanyang kasintahan. Unti-unti namang nawala ang mga
ngiti nito nang ipinatawag siya ni Lord Capulet para sa isang hapunan kasama sila
Paris at kanyang pamilya dahil alam niyang hindi niya magugustuhan ang mga
susunod na mangyayari.
Agad siyang nagtungo sa hapagkainan nang narinig niya ang kanyang ina..
Lady Capulet: Mabuti naman at agad kang pumarito, anak. Halika at sabayan mo
kami sa hapunan.
Juliet: Sinabi ko na sa inyo ito kahapon ina, ayokong magpakasal sa taong hindi ko
naman mahal.
Lady Capulet: Mahal kong asawa, pakinggan ang hiling ng iyong anak. Huwag natin
siyang pilitin, hayaan natin siyang mabuhay ng malaya.
Paris: Ano?! Hindi iyan maaari, may usapan tayo Lord Capulet at sa oras na biguin
mo ako, alam mo na ang mangyayari.
Lord Capulet: Paumanhin Prinsipe, Paris. Kakausapin ko ang aking anak at sinisiguro
kong pagtapos ng buwan ay kasal na kayo.
Juliet: Kahit pa anong sabihin niyo ama, hindi ako magpapakasal sa kanya. Sa ngalan
ng ating bathala, sinusumpa ko na sa oras na pilitin mo ako ama, hindi ako
magdadalawang-isip na talikuran ka.
Paris: Alalahanin mo ang usapan natin, Capulet. Hindi kita sasantuin. Kapag hindi mo
napilit ang iyong anak na makipag-isang dibdib sa akin ay buhay mo, buhay ng iyong
asawa at ng iyong anak ang kapalit. Hindi ako nagbibiro at alam mong kapag sinabi
ko, gagawin ko.
Lord Capulet: Bigyan mo ako ng isang linggo upang mapaamo ang aking anak.
Nagmamakaawa ako, huwag mo silang idadamay.
Paris: Masyadong matagal ang isang linggo, tatlong araw. Tatlong araw ang ibibigay
ko sa ‘yong palugit upang pilitin ang iyong anak. At kapag hindi pa din pumapayag ay
asahan mong mag-aalsa kami laban sa inyo. Tiyak na hindi mo gugustuhing mangyari
ito Capulet, kaya maghanda ka.
Nakikinig lamang sa usapan si Lady Capulet at hindi nakagalaw mula sa
kinatatayuan. Parang nanlalambot ang kanyang mga tuhod dahil sa narinig. Kahit
nahihirapan ay tumakbo siya sa kanilang silid at doon humagulgol. Hindi niya lubos
maisip na mangyayari ang ganito sa kanila.
Sa labas ng palasyo, nakipagkita si Juliet kay Romeo sa dati nilang tagpuan, sa loob
ng kagubatan kung saan saksi ang pagkakaibigan ng dalawa. Nang makita ang isa't isa
ay hindi nila pinigilan ang sarili na magyakapan. Dahil sa nangyari ngayong araw,
hindi mapigilan ni Juliet na maluha. Nagtaka naman si Romeo sa inasal ng babaeng
minamahal at nagtanong.
Juliet: Hindi pa din nagbabago ang isip ng aking ama. Nais niya pa din akong ipakasal
sa kanyang kaibigan. Ayoko Romeo, ayokong makasal sa kanya.
Nagtagal pa sila saglit sa gubat at naisipan lang umuwi ni Juliet ng humupa ang
kanyang mga luha. Hindi nakapagtataka na ang bilis niyang tumahan, iyon ay dahil
kasama niya ang kanyang sinisinta. Ang kanyang pahinga't pag-asa. Na para bang
kapag nawala ito ay mawawalan na din ng saysay ang kanyang buhay. Hawak na nito
ang kanyang puso at iniisip pa lang niya na iiwan siya nito ay hindi niya na kaya.
Juliet: Mahal din kita. Ingatan mo din ang sarili mo, hindi ko maaatim na may
mangyaring masama sa iyo. Ikaw ang buhay ko.
Romeo: Huwag mong sabihin yan. Ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari,
mabubuhay ka. Kahit pa wala na ako sa iyong tabi, magpakatatag ka.
Romeo: Huwag kang mag-alala mahal ko, sisiguraduhin ko ang kaligtasan ko para sa
iyo.
Hinalikan muna ito ni Romeo sa noo at sinabing mahal niya ito bago niya ito
pinakawalan. Habang tinatanaw ang papalayong bulto nito ay napabuntong hininga
siya.
Romeo: Oh Bathala, gabayan mo kami. Huwag mo sanang hayaan na manaig ang
kasamaan at kasinungalingan.
Lord Capulet: Maligayang gabi sa ating lahat! Naririto tayong lahat dahil nais naming
ipabalita sa inyo ang nalalapit na pinakaengrandong kasal sa ating bayan.
Nagulat ang mga tao at sila’y napanganga dahil sa narinig na balita na tinuran ni Lord
Capulet. Pumunta sa harap si Juliet nang labag sa kanyang kalooban at napilitan, sa
kabilang banda si Paris ay tuwang-tuwa na tumabi kay Juliet. Hinawakan niya ang
kanang kamay ni Juliet at itinaas upang makita ito ng mga tao. Agad namang
tinanggal ni Juliet ang kanyang kamay sa pagkakahawak at lumayo ito ng kaunti.
Nagpapalakpakan ang ilang tao dahil sila ay nagagalak at nasisiyahan sa kasalang
magaganap, ngunit ang ilan ay hindi mawari ang mararamdaman. Ilan ay nadismaya,
ang iba ay nalungkot para kay Romeo.
Nagulat ang lahat sa biglaang pagsulpot nito, umugong ang ilang ekspekyulasyon.
Nahawi ang dagat ng tao upang bigyang daan ang binatang Montague papunta sa
harapan. Napangisi si Romeo nang makita ang inis sa mukha ni Paris, pagkatapos ay
mahinahong nagsalita.
Romeo: Hindi maaring magpakasal si Juliet sa taong ‘di hanap ng kanyang puso.
Bakit hindi natin siya tanungin? Binibining Juliet, maaari mo bang iparating sa lahat
ang tunay mong saloobin? At kung sino ang lalaking nakabihag sa iyong puso?
Tumango nang may pagdadalawang-isip si Juliet dahil baka may gawing masama si
Paris kay Romeo, nag-init ang ulo ni Paris at agad sumagot ito.
Juliet: Alam kong ilan sa inyo ay magagalit sa akin ngunit, hindi ako magpapakasal
sa taong hindi ko naman mahal! Habang buhay ay sinunod ko kayo ama ngunit,
patawarin niyo ako dahil hindi ko gagawin ang gusto niyo. Sinabi ko na sa iyo dati pa
na kapag pinilit niyo akong ipakasal kay Paris, hindi na kita ituturing na ama.
Nagsinghapan ang mga tao dahil sa narinig na galing mismo sa bibig ng babaeng anak
ng mga Capulet. Humarap muli si Juliet sa ibaba at sumulyap kay Romeo na
nakatingala sa kanya at ang mga mata ay nagpapahiwatig ng simpatya na para abng
sinasabi nitong nasa tabi niya lang ito kahit ano pa man ang mangyari.
Juliet: Kamuhian niyo man ako ngunit hindi na magbabago ang isip ko na talikuran
ang pagiging isang Capulet. Buong buhay ko ay para akong isang kwago, laging nasa
palasyo at walang kalayaang makita ang tanawin sa labas ng palasyong ito na para na
ring kulungan. Kaya ngayon, gusto kong maging malaya. Gusto kong makasama ang
lalaking pinakamamahal ko ng walang kahit ano mang sagabal. Pakinggan at isapuso
ang aking tinuran. Dahil alam ko, kung kayo ang umibig, gagawin niyo din ang lahat
para sa kanya. Pagod na akong maging sunod-sunuran sa aking ama, kaya Romeo,
ilayo mo na ako dito mahal ko. Sasama ako sa iyo.
Tumango si Romeo sa narinig at akmang pupunta sa itaas upang kunin ito nang
biglang nagsalita si Paris.
Paris: Hindi ito maaari! Napag-usapan na ang lahat sa ayaw at sa ayaw at gusto niyo
magpapakasal pa rin si Juliet sa akin. Ako ang nakatadhana para sa kanya, halika na
Juliet.
Umalis na si Paris sa balkonahe kasama si Juliet at hinila niya ito nang marahas at ‘di
man lang inisip na masasaktan siya.
Lalong nagalit si Paris. Sumulyap muna ng isang saglit si Juliet kay Romeo nang
marinig niya ito, bago mahatak ng tuluyan ni Paris.
Paris: Ang kasalan ay magaganap sa susunod na araw at gusto kong ikaw ang
magkakasal sa amin.
Padre Lawrence: Hindi mo mapapangasawa ang isang tao kung ayaw niya at wala
siyang pahintulot. Sana alam mo iyon.
Paris: Walang humihingi ng opinyon mo, kailangan mo lang gawin ang seremonya!
At kung tatanggi ka, maghahanap kami ng ibang gagawa nito!
Sa gitna ng pagtatalo nila ay biglang sumulpot si Juliet, ang galit na mukha ni Paris ay
napalitan ng mga ngiti at binati si Juliet.
Paris: Wala ka nang magagawa, Juliet! Ikakasal na tayo sa susunod na araw at hindi
mo na ito maari pang pigilan. Magkikita tayo ulit, mahal ko, upang gisingin ka sa
hatinggabi.
Ngumisi si Paris at umambang hahalik kay Juliet ngunit agad nitong iniwas ang
kanyang mukha. Nainis si Juliet kay Paris at nagtungo nalang siya sa kanyang silid
upang magpahinga dahil ang araw na iyon ay punong puno ng di kaaya-ayang
pangyayari at ang nais niya na lamang sa oras na iyon ay kapayapaan sa piling ni
Romeo. Sa sandaling iyon ay naalala ni Juliet ang sinabi ni Romeo na hihintayin siya
sa dating tagpuan, kaya agad na nagpunta si Juliet sa balkonahe kung saan sila
nagkikita at nagkakasama.
Romeo: Juliet, aking mahal, kailangan mong bumaba ngayon mula diyan sa
balkonahe. Bilisan mo lamang dahil baka makita tayo ng iyong ama.
Hinarap ni Romeo si Juliet at hinawakan ang kanyang kamay sabay sinabi ang lahat
ng plano niya mula pa noon.
Romeo: Mahal ko, mayroon akong alam na lugar na makabubuti sa atin upang
magtago, nang sa gano’n ay hindi tayo makita ng iyong ama at mailayo tayo sa
kapahamakan. Ito ay nasa malayo at lihim na lugar na kahit sino man ay walang
nakakaalam.
Sumang-ayon si Juliet dito at nagtungo sila sa lugar na tinutukoy ni Romeo.
Makalipas ang ilang oras ng kanilang paglalakbay ay nakarating na sila doon.
~
Nagpunta si Nars sa silid ni Juliet upang dalhan ito ng pagkain, ngunit laking
gulat nalang niya nang makita niyang wala si Juliet roon. Hinanap niya ito at hindi
mapakali dahil malalagot siya kapag nalaman ito ni Lord Capulet, kaya linibot niya
ang buong palasyo kasabay ng sunod-sunod na pagsigaw niya ng pangalan ng
kanyang alaga.
Nars: Juliet! Juliet! Nasaan ka? Magpakita ka na, dahil tayong dalawa ang malalagot
kapag nalaman ito ng iyong ama at ina!
Lord Capulet: Hanapin niyo ang anak ko, paghiwalayin niyo silang dalawa, kung
may isa man sa kanila ang tumutol ay patayin niyo si Romeo!
Paris: Sasama ako, Lord Capulet! Tingnan nga natin kung saan aabot ang lakas ni
Romeo. Akin lang si Juliet, ako mismo ang kukuha kay Juliet at ibabalik ko siya rito.
~
Pinutol ni Juliet ang katahimikang nanananig sa kanilang dalawa habang
pinagmamasdan ang kapaligiran at biglang nagsalita.
Juliet: Sana’y isa nalang akong ordinaryong tao, na maaaring umibig nang walang
humahadlang. Minsan na lamang pumasok sa aking isipan na paano kung isa lang
akong ordinaryong tao? Kumusta kaya tayo ngayon.
Romeo: Tama ka. Kung sana’y maayos na lamang ang lahat ay masaya sana tayo
ngayon.
Juliet: Basta lagi mong tatandaan na mahal kita at tanging ikaw lamang ang
isinisigaw ng aking puso’t isipan.
Romeo: Gano’n din ikaw sa akin, Juliet. Ipaglalaban kita hanggang kamatayan.
Hinalikan ni Romeo ang noo ni Juliet matapos niyang sambitin ang mga katagang
iyon. Ipinasyal nila ang paligid ng bahay na kanilang titirhan, ito ay sagana sa pagkain
sa dami ng tanim na nakapaligid. Ang bahay ay simple lamang gaya ng mga
pangkaraniwang tao sa Verona, ngunit mararamdaman mo ang kapayapaan at
katiwasayan.
Paris: Talagang nagtago pa kayo kahit alam niyong mahahanap at mahahanap namin
kayo!
Paris: Hindi kayo gano’n kagaling magtago. Ikaw, Juliet, hindi ba’t nakapag-usap na
tayo? Kahit anong tutol niyo sa kasal, matutuloy at matutuloy iyon!
Ambang hihilain ni Paris si Juliet sa bisig ni Romeo ngunit mabilis niya itong iniwas.
Nagalit si Paris sa ginawa ni Romeo at bigla niya itong tinutukan ng baril. Nagulat si
Juliet sa ginawang hakbang ni Paris at napahagulgol sa takot na baka ito na ang
katapusan nila.
Romeo: Hindi kita pakakawalan. Tutuparin ko ang pangako kong ipaglalaban kita
hanggang kamatayan. (Bulong niya kay Juliet)
Juliet: Sandali, sandali! Ako mismo ang sasama sa inyo ngunit huwag na huwag niyo
siyang sasaktan!
Kumalas siya sa pagkakayakap kay Romeo at tuluyan na siyang napasakamay nina
Paris. Bakas sa mukha ni Romeo ang pagka-dismaya sa ginawa ni Juliet. Hindi na
niya ito nagawang sundan sapagkat si Juliet na ang mismong sumama sa kanila.
Sinundan ng kanyang mga mata ang bulto ni Juliet hanggang sa sila’y makalisan.
Hindi na nagawang lingunin ni Juliet si Romeo dahil mapipilitan lamang siyang
bumalik. Iginapos ng ilang tauhan si Romeo at binantayan nila ito habang wala pang
iniuutos si Lord Capulet.
Mabilis silang dumating sa Palasyo ng mga Capulet. Agad naman silang sinalubong
ng mga magulang ni Juliet at iba pang mga tauhan. Si Nars ang unang lumapit kay
Juliet.
Lord Capulet: Maaari bang tumabi ka muna, Nars? Ako muna ang kakausap sa aking
anak.
Agad na tumabi si Nars at magsasalita pa lamang sana si Juliet nang biglang dumampi
ang palad ni Lord Capulet sa kanyang pisngi. Tiningnan ni Juliet ang kanyang ama ng
may namumuong luha sa kanyang mga mata. Pipigilan sana ni Lady Capulet ang
sumunod na sampal ni Lord Capulet kay Juliet, subalit dumapo na ang kanyang
kamay sa mukha ng dalaga, kaya mas lalong humagulgol ang dalaga.
Lord Capulet: Walang hiya ka! Wala ka nang ibang dinala sa pamilyang ito kundi
kahihiyan! Dahil sa iyong ginawa ay ikukulong ka muna pansamantala sa iyong silid
hanggang sa araw ng iyong kasal.
Juliet: Papa!
Agad na dinakip ng mga tauhan si Juliet at ikinulong ito sa kanyang silid. Nilapitan ni
Paris si Lord Capulet upang kausapin ito at isalaysay ang mga nangyari. Iminungkahi
ni Paris kay Lord Capulet na ipapatay na lamang si Romeo upang wala nang hadlang
sa pag-iibigan nila ni Juliet. Inutusan nila ang punong guwardiya at isang tauhan na
patayin si Romeo. Agad na nagtungo ang mga ito sa kinaroroonan ni Romeo at
isinagawa ang plano.
Punong guwardiya: Ikaw na lamang ang magtungo doon at magtuloy ng utos, ako
nalang ang magmamasid dito. Bilisan mo!
Mabilis na nakabalik ang tauhang inutusan upang kitilin ang buhay ni Romeo at
ibinalita ang mga naganap.
Agad na nakarating ang sulat kay Lord Capulet at hindi nag dalawang-isip na
tanggapin ang hamon. Naghanda na ang dalawang hukbo ng mga sandata, baluti at
mga matatapang na tauhan na handang ibuwis ang kanilang buhay. Si Juliet na
nakakulong sa kanyang silid ay walang ibang ginawa kundi umiyak at pagmasdan ang
apat na sulok ng kanyang silid dahil sa pag-aalala niya kay Romeo. At wala rin siyang
kamalayan na namatay na si Romeo.
Juliet: Oh aking Romeo, sana ay nasa mabuti kang kalagayan, malalampasan rin
natin ang mga hamong ito sa ating buhay, magkakasama tayo habang buhay kasama
ang ating mga magiging anak, kaya kumapit ka lang at ‘wag mong panghinaan ang
iyong loob.
Sa araw ng digmaan....
Nagpunta si Lady Capulet sa silid ni Juliet upang dalhan siya ng pagkain. Hindi
napigilan ang pagbuhos ng kanyang luha dahil sa nakikita niyang sitwasyon ng
kanyang anak.
Juliet: Ayoko, ina, nag-aalala ako kay Romeo, nasa mabuti ba siyang kalagayan?
Maawa naman kayo sa kanya, ina. Siya lang ang tinitibok ng aking puso.
Niyakap ni Lady Capulet si Juliet at sinabi nalang niyang nasa mabuting kalagayan si
Romeo. Nakaramdam ng ginhawa si Juliet nang narinig niya ang sinambit ng kanyang
ina. Ipinagtapat ni Lady Capulet na magkakaroon ng digmaan ngayong araw at
ibinigay ang isang baril.
Lady Capulet: Sa oras na may lumapit sayo ay gamitin mo ang baril na ito upang
protektahan ang iyong sarili.
Juliet: Ayaw ko, ina, walang magaganap na digmaan laban sa mga Montague, ‘wag
niyo nalang silang kalabanin, dahil para sa ikabubuti nating lahat ito!
Lady Capulet: Wala na tayong magagawa, naghahanda na tayo gayundin ang mga
Montague sa digmaan, ngunit ipinapapangako ko, magiging daan ang digmaang ito
upang magkaroon tayo ng kapayapaan at mamuhay tayo ng masaya at payapa.
Niyakap ni Juliet si Lady Capulet at kinuha ang baril ng labag sa kanyang kalooban.
Matapos nito ay sumunod na pumasok si Paris sa kanyang silid. Tumirik ang mga
mata ni Juliet at hindi nalamang niya pinansin si Paris hanggang sa siya ay nagsalita
Matagal na prinoseso ni Juliet ang sinambit ni Paris at napa upo nalang sa kanyang
kama.
Ayaw maniwala ni Juliet ngunit kailangan niyang tanggapin ang katotohanan. Tila
nalunod siya sa kanyang mga luha at pinilit niyang magpakatatag para sa pamilya
niya.
Romeo, hindi ba’t sinabi mong hindi mo ako iiwan? Ano ito? Nabalitaan ko nalang
na patay ka na? Pa’no yong mga pangarap natin na magkaroon ng isang masayang
pamilya? Ang iyong sinabi na magsasama at magmamahalan tayo kahit maputi na
ang mga buhok natin? Ba’t mo ako pinabayaang mag-isa? Bulong ni Juliet sa sarili
niya habang umiiyak.
Paris: Wala ka nang magagawa, Juliet. Akin ka lang! Kahit pagbali-baliktarin pa ang
mundo, patay na ang walang hiyang Romeo mo! Sisiguraduhin kong makikita kitang
maglakad sa pasilyo ng simbahan.
Juliet: Ina totoo ba?! Ina sabihin mong hindi, pakiusap! (pahagulgol na pakiusap ni
Juliet sa kanyang ina)
Lady Capulet: Anak, masakit man ngunit kailangan mong tanggapin na wala na si
Romeo.
Si Romeo ay nasa isang liblib na lugar kung saan walang nakakaalam kung saan ito
naroroon. Naipabalita sa kanya ang digmaang magaganap. Nagpasya siyang
magpatulong kay padre Lawrence dahil nais niya ring makipaglaban at para
makasama na niya si Juliet. Pinadala ng tauhan niya kay padre Lawrence ang sulat na
naglalaman ng pabor na ito.
Ang kailangan niya lamang ay isang pares ng baluti ng mga Montague upang hindi
siya makilala ng kahit na sino sapagkat ang akala ng lahat ay patay na siya. Bilis
namang natugunan ang pabor niya.
DIGMAAN
Mercucio: Pinatay niyo ang kaibigan kong itinuturing ko na bilang kapatid! Ngayon
ikaw naman ang tatapusin ko!
Tybalt: Romeo? Hindi ba’t patay ka na? Di bale na, dahil ngayon tutuluyan na kita!
Nagbakbakan sila at matapos ang ilang minuto ay naramdaman ni Romeo na medyo
nanghihina si Tybalt dahil sa pagod at dito na nagkaroon ng pagkakataon si Romeo na
patayin si Tybalt. Nagtamo si Tybalt ng mga sugat sa kanyang katawan at ito ang
naging rason kung bakit siya namatay.
Ang Nakaraan
Punong guwardiya: Ikaw na lamang ang magtungo doon at magtuloy ng utos, ako
nalang ang magmamasid dito. Bilisan mo!
Romeo: Ba’t mo ginawa ito, hindi ba tauhan ka ng mga Capulet, bakit mo ako
pinakawalan?
Tauhan #1: Isa ako sa pinagkakatiwalaang tauhan ng iyong ama noon at tinuturing
ko siya bilang kapatid, ngunit pinatalsik ako ng iyong ama sa kadahilanang nagnakaw
raw ako ng kanilang mga ari-arian, pinagbintangan nila ako sa kasalanang hindi ko
naman ginawa. Ngunit sa kabila ng mga pangyayaring iyan ay mananatili parin ang
katapatan ko sa mga Montague. Kaya bilisan mo tumakas ka na!
Sinabi ng tauhan ang isang daan na siya lang nakakaalam upang hindi siya makita ng
mga tauhan ng Capulet. Nagpasalamat muna si Romeo bago siya tuluyang tumakbo
papalayo rito. Nagpaputok ang tauhan upang masigurong hindi siya paghihinalaan ng
punong guwardiya. Lumabas na siya at nagtungo na sa kinaroroonan ng punong
guwardiya.
Kasalukuyan
Nagtagpo sina Lady Capulet at Lord Montague. Nanaig ang galit ni Lord Montague
no’ng nakita niya si Lady Capulet.
Lord Montague: Dahil sa inyo namatay ang aking anak at asawa! Hindi niyo alam
kung anong sakit ang dinaranas ko dahil sa inyo? Handa akong mamatay
mapaghiganti ko lamang ang aking mag-ina!
Natakot si Lady Capulet at sa oras na iyon ay wala si Lord Capulet sa kanyang tabi.
Dahil sa galit ni Lord Montague ay nasaksak niya si Lady Capulet na naging sanhi ng
kanyang pagkamatay.
Natagpuan ni Lord Capulet ang asawa niyang nakahandusay na walang malay at puno
ng dugo. Tumigil ang kanyang mundo at tila nadurog ang kanyang puso. Napa upo
siya sa sahig at nakita niya si Lord Montague na nakatingin sa kanyang
pinakamamahal na asawa at ang mukha niyang galit, kaya nahinuha niyang si Lord
Montague ang pumaslang sa kanyang asawa. Linapitan niya saglit ang kanyang asawa
ngunit nanaig ang kanyang galit kaya pinuntahan niya agad si Lord Montague.
Lord Capulet: Hayop ka! Pinatay mo ang aking asawa! Hindi ko palalagpasin ang
ginawa mong ito, sisiguraduhin kong mamamatay ka sa kamay ko!
Lord Montague: Kung tutuusin, mas marami kayong kasalanan sa pamilya ko,
pinatay niyo ang aking anak at asawa at dahil dito walang ibang nanaig sa puso ko
kundi ang pagka suklam at galit, kasalanan mo rin lang ang lahat!
Sinugod ni Lord Capulet si Lord Montague. Naging madugo ang kanilang labanan
hanggang sa nanghina si Lord Capulet dahil sa mga sugat na natamo niya, ganon din
ang sakit na kanyang nararamdaman sa pagkamatay ng kanyang asawa. Ito ang
naging dahilan kung bakit naputol ang hininga si Lord Capulet at tuluyan nang
namaalam.
Lord Montague: Nakamit ko na ang layunin kong ipaghiganti ang aking mag-ina,
wala nang saysay ang buhay ko. Wala nang natira sa akin. Mas makabubuti nalang
kung ako’y mamatay na rin.
Sambit niya ito habang umiiyak. Hindi siya nagdalawang isip na saksakin ang
kanyang sarili at wala nang pag-asang ito’y mabubuhay pa.
Romeo: Papunta na ako diyan Juliet, mahal ko! Wala nang makapaghihiwalay sa
atin!
Natagpuan nga ni Romeo si Juliet sa kanyang silid na para bang wala ito sa matinong
pag-iisip. Naramdaman na lamang ni Romeo ang kanyang pagkagiliw at pagmamahal
niya kay Juliet dahil matagal na niyang hindi nasilayan at nakasama si Juliet.
Naglakas-loob siyang lapitan si Juliet. Hindi nakilala ni Juliet si Romeo dahil sa baluti
ni Romeo at ang alam ni Juliet ay isa siyang tauhan ng mga Montague. Nagulat si
Juliet at kinuha ang baril na ibinigay sa kanyang ina.
Juliet: Sino ka!
Romeo: Ako ito si Romeo. Mahal ko, mananatili na ako sa tabi mo hindi na kita
iiwan, pasensya ka na at matagal akong nawalay sayo, hindi ko iyon ginusto.
Tinanggal ni Romeo ang baluti upang makilala siya ni Juliet. Matagal na prinoseso ni
Juliet ang mga pangyayari ngunit dahil sa mga sunod-sunod at biglaang mga
pangyayari ay hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan.
Romeo: Hindi, Juliet. Buhay ako, hindi ako papayag na mapatay nila ako sapagkat
nais kitang makapiling at makasama habang buhay.
Juliet: Hindi! Hindi! Hindi ikaw s-si Romeo, patay na siya iniwan na niya ako,
marahil ay nananaginip lamang ako.
Romeo: Juliet!
Romeo: M-mahal na mahal k-kita, Juliet. H-hindi ako magsisising n-nakilala kita.
Juliet: Romeo! Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako sa aking nagawa, mahal ko!
Romeo! Gumising ka! Hindi ko kayang mawala ka!
Para sa karamihan,
ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet
ay puno ng kalungkutan at paghihinagpis,
ngunit para kay Juliet ay hindi.
Ito ay puno ng kasiyahan at puno
ng pagmamahalang hindi matatapatan nino man