You are on page 1of 4

All: Magandang Umaga Bb Fontanilla, at sa inyong lahat.

Chin: kami ang ikawang pangkat, ngayo'y masasaksihan ninyo ang malikhaing
presentasyon namin sa kwentong Mullah Nass Reddin at Mong Heng
Mohametano gamit ang Venn diagram. 

Narrator: Isang araw, umuwing malungkot si Reymark dahil  napahiya siya sa


harap ng kanyang klase. 

(nagdabog) 

Narrator: napansin naman ng lola niya na nakaupo sa kanyang tumba tumba  at


kanya itong tinawag

Sophine: oh, apo nakauwi ka na pala, may problema ka ba, ba't ka nagdadabog?

Mark: Si ano po kasi, si  (music playing) Jopay. 

Sophine: oh si Jopay? ang  batang iyan, kamusta na siya?

Reymark: pinahiya ba naman ako sa harap ng klase

ola Chin: Narinig mo na ba ang kwentong tungkol sa isang tanyag na


manunulat at komedyante na si Mullah Nassreddin?

Reymark: hindi pa po

Lola Chin: Kilala siya dahil sa kanyang galing sa palikha ng mga piyesa na
talaga namang nakakatawa. Alam mo ba na naging klasiko ang paraan ng
pagpapatawa ni Mullah na hanggang ngayon kilala parin siya sa kanyang
bansa?

Lola Chin: Meron siyang isang kwento na hanggang ngayon natatawa parin
ako! Ininbitahan siya ng mga tao upang bigyan sana siya ng talumpati sa
kanyang mahusay na pag-gawa ng mga piyesa. Ngayon, Tinanong niya sa mga
tao kung alam ba nila ang sasabihin niya. At dahil tapat sa kanya ang mga
manonood ang sabi nila Hindi. Umalis siya sa entablado tapos sinabi niya na
wala daw siyang oras sa mga taong di alam ang kanyang sasabuhin, tapos
umalis….
Lola Chin: Kinabukasan, bumalik siya bilang panauhin tsaka binato ulit ang
kanyang katanungan. Sumagot naman ng OO ang mga panauhin para maging
tuloy tuloy na ang kanyang palabas. Sumagot naman si Mullah na kung alam
na pala ng mga manonood ang sasabihin niya ay aalis nalang siya, na ginawa
naman niya.

Lola Chin: Muling naimbitahan si Mullah at siya’y pumunta. Tinanong niya


ulit ang kanyang tanong. Alam mo ba ang ginawa ng mga manonood? Para
siguradong matalo na nila ang pagkatuso ni Mullah, Hinati nila ang kanilang
sagot! May mga sumagot ng oo at may sumagot ng hindi. May sagot pa kaya si
Mullah niyan?

Reymark: Meron?

Lola Chin: Ang sabi niya “Ang nakakaalam ay ang sasagot sa mga di
nakakaalam.”

Reymark: nakakatawa naman po, napaka piloso naman po ni Mullah


Nasreddin, maraming salamat po sa pagbabahagi,, gumaan po ang loob ko
dahil sa iyong ikuwinento

Narrator: kinaumagahan, bago pumunta si reymark sa kanilang paaralan,


muling nagkwento si Lola chin sa kanya.

PAGRUGI TY NARRATOR PUMASOK AGAD

PLASTAR KAPE

Sophine: eh yung  Mong Heng Mohametano, narinig mo na ba ito?

reymark: mong heng what?

(hahaha)

Chin: Isang araw, nag-iisa ang Mongheng Mohametano sa disyerto at nanunummpa.


Ang Sultan, na gumagabay sa kanyang daan sa kanyang kaharian, ay maingat na
sinusuri ang mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng ulo ang Mongheng
Mohametano habang siya ay dumaan. Nagalit ang Sultan at nagpahayag na ang
nagsusuot ng balabal ay walang pakiramdam, na para silang hayop, wala silang
respeto at pagpapakumbaba. Kaya't pinangaralan ng ministro ang Mongheng
Mohametano na bakit hindi man lang siya nagbigay ng papuri noong dumaan ang
Sultan. Ang Mongehang Mohametano ay tumugon na hayaan ang Sultan na
magbigay ng paggalang upang mahanap ang benefactor ng kanyang mabuting gawa.
Ipaalala sa kanya, ang pinuno ay ginawa para sa kapakanan ng kanyang mga
nasasakupan at ang mga tao ay hindi nilikha upang pagsilbihan ang Sultan.

Rey: ahhh, bat naman po ganon

(nag-isip)

reymark: ano po ang pagkakatulad at pagkakaiba ng anekdotang Mullah


Nassreddin at Mong heng mohametano? kase parang konektado po sila. nais ko
pong maunawaang mabuti ang dalawang anekdotang ito
 
sophine: walang problema (magic wand)
CHARAAAAAN

ILUKAT TY KURTINA ni kean

KEAN: Ang  mullah nassreddin ay isang anekdota at ang pangunahing tauhan


ay si Mullah nassreddin at siya ang tinaguriang pinakamahusay sa
pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. 

SAM: Sa kabilang banda, ang kwentong Mong Heng Mohametano ay isa ring
anekdota. ang pangunahing tauhan ay si Mongheng Mohametano. siya ay may
matapang at may mataas na lakas loob

VAL; Si Mullah nassreddin ay dalubhasa sa pagpapayo, mahusay sa pagsusulat


ng katatawanan at sa pagpapatawa at pagbibiro.  Si Mong heng mohametano
naman ay may malalim na karunungan, matapang at siya ay may malakas na
loob na sumagot sa ministro ng hari.

reymark: eh ano ang tema ng dalawang akda?

DEN: Ang mga kuwento ni Mullah Nasreddin ay sumasaklaw sa malawak na


hanay ng mga paksa, kabilang ang relihiyon, etika, pulitika, mga isyung
panlipunan, at pang-araw-araw na buhay. Sa pangkalahatan, ang paksa ng
Mullah Nasreddin ay ang sining ng pagkukuwento at ang paggamit ng
katatawanan at pangungutya upang ihatid ang mahahalagang ideya at halaga sa
malawak na madla.

Sophine: Sa anekdotang Mong Heng Mohametano, Idiniin ng salaysay ang


paggalang at ipinapakita ang mga pangunahing responsibilidad ng mga tao at
ng Sultan. Nandiyan ang hari para pagsilbihan ang mga tao, hindi ang
kabaliktaran. Ang mga tao ay hindi nilikha upang pagsilbihan ang Sultan
Reymark: eh ung aral po ng dalawang anekdota?

Jeric: kailangan natin ng kahit kaunting saya o kaligayahan sa ating buhay


upang maging mas madali ang ating buhay. Gayunpaman, dapat tayong maging
seryoso minsan.

Kean: ang isang mabuting lider ay dapat na tratohin ng tama at paglingkuran


ang kanyang nasasakupan hindi ang gamitin ang ipinagkaloob na
kapangyarihan upang makontrol ang mga ito Sa anekdotang Mongheng
Mohametano, Nandiyan ang hari para pagsilbihan ang mga tao, hindi ang
kabaligtaran. Ang mga tao ay hindi nilikha upang pagsilbihan ang Sultan. 

Reymark: wowww, eh ano po ang emosyong nangingibabaw rito?

Sam: Pagtataka, pagkalito, pagkabigo, pagkalito, kahihiyan, at kaseryosohan


ang nangingibabaw na damdamin sa anekdota na Mullah Nassreddin

Val: Ang nangingibabaw na emosyon sa anekdota na Mongheng Mohametano


ay nagpapakita ng katapangan at sinasabi sa mga tao ang dapat nilang gawin
kahit na sila ay kontrolado ng isang sultan

Reymark: ano naman po ang layunin ng dalwang akda?

Sophine : ang may akda ay kinilkala  SI Mullah nassredin billang isang


pilosopo na mahusay magpatawa at magpasaya ng tao at nilikha upang kahit sa
maikling panahon ay sumaya tayo

Sam: ang may-akda ng Mongheng Mohametano ay naglalayong iparating na


hindi nabubuhay ang tao para sa kanilang mga sultan at hindi responsibilidad
ng mga tao ang pagsilbihan ang mas nakatataas 

 den: ang Anekdotang MULLAH NASSREDIN AT MONG HENG


MOHAMETANO ay parehong nagmula sa persia at isinalin ni Roderick  P
Urgeles. Ang dalawang anekdota ay nagpapakita ng paguugali ng isang tao, at
hindi sa lahat ng oras tayo ay pilosopo, at hindi rin sa lahat ng oras tayo ay
seryoso

You might also like