You are on page 1of 7

Maikling

Kuweto
GROUP 4
Tunggalian sa Maikling Kuwento
1. Tao Laban sa Sarili
• Panloob na tunggalian dahil nangyayari ito sa mismong sarili ng tauhan
• Suliraning moralidad at paniniwala
• Karaniwang pinoproblema ng tauhan ay kung ano ang kaniyang pipiliin, ang
tama o mali, Mabuti o masama
• Hal. Ang binata ay nagdadalwanang-isip na kunin ng natitirang pera ng
kaniyang ina dahil baka siya ay pagalitan

2. Tao Laban sa Tao


• Pangunahing uri ng panlabas na tunggalian
• Ang tauhan ay nakikipagbanggaan sa isa pang tauhan
• Labanan ng klasikong bida laban sa kontrabida o Mabuti laban sa masamang
tao
• Hal. Nakipag-away siya sa kapuwa tindera dahil lamang sa maling balita.
Tunggalian sa Maikling Kuwento
3. Tao Laban sa Lipunan
• Kapag lumilihis ang tauhan o mga tauhan sa mga pamantayang itinakda ng
lipunan.
• Kapag tahasang binabangga o binubuwag ng tauhan ang kaayusang sa tingin
niya ay sumusupil o kumokontra sa kaniya
• Hal. Pinaratangan siyang aswang kaya ngayon ay tinutungis siya ng buong
baranggay

4. Tao Laban sa Kalikasan o Kapaligiran


• Mga kalamidad tulad ng lindol, sunog, at baha
• Kalaban ng tao na kadalasan ay pinagbubuwisan ng buhay
• Hal. Bumuhos ang malakas na ulan kaya natangay ng baha ang kanilang mga
gamit.
Ang Bangis ni Haring Kenkevrham
Si Haring Kenkevrham ay kilala sa kanilang lugar bilang malakas,
matapang, malupit, at walang inuurungan ngunit ang hindi alam ng
lahat ay ang hari ay may iniindang malalang sakit. Takot ang mga tao
dahil sa kaniyang ipinapakitang mga katangian sa kanyang
nasasakupan. Si Meed Saitam ang pinuno ng mga manggagawang
naglilingkod sa kaharian ng hari ang siyang tagabigay ng mensahe sa
hari mula sa mga hinaing ng mga tao. Takot at matinding pagkabahala
ang kanyang nararamdaman habang siya ay nagbibigay ng mensahe sa
hari ngunit ito ang itinalagang trabaho para sa kaniya.
Ang Bangis ni Haring Kenkevrham
Sa unang trabaho ni Meed Saitam bilang mensahero ay maraming mamamayan ang
siyang nagbahagi ng kani-kanilang mga mensahe. Umusbong ang takot ni Meed
dahil alam niyang pagkatapos ay haharap siya sa mabangis na hari ngunit ito ay
kinakailangan. Sa mga sumusunod na pagbalik-balik niya ay tinanggap niya ang
kaniyang trabaho at ito ay kanya nang nakasanayan. Sa sumunod niyang pagbabalik
ay hinarangan siya ng sundalo na nakabantay sa pintuan ng han. "Hindi ka
maaaring pumasok". May mahalagang sasabihin si Meed sa hari. "Pakisabi sa
mahal na hari ako ay may importanteng sasabihin sa kaniya", wika ni Meed. Ngunit
hindi niya alam na ang han ay may tinitiis ang sakit na nararamdaman at hinihintay
ang manggagamot. Ito ang matinding sekreto na hindi dapat malaman ninuman para
hindi masira ang imahe ng nari sa mga tao. Ngunit hindi nagpapigil si Meed.
Ang Bangis ni Haring Kenkevrham
Pumasok ang sundalo para sabihin sa han. "Mahal na hari, s Meed ay naririto at
may importanteng mensahe siyang nais na ipaabot sa inyo." Sagot ng hari,
"Sasabihin niya ang dapat na sabihin sa sampung minuto lamang." Pagkalabas ng
sundalo ay sinabing sampung minuto ang ibinigay ng hari para sabihin ang
kaniyang dapat na sabihin. Napag-isip-isip ni Meed na ang sampung minuto ay
hindi kakasya kung kaya't bumalik siya at muling nakiusap. Hindi na siya
nakaramdam ng takot sa kadahilanang ginagawa lamang niya ang kaniyang
trabaho. Sa sumunod na pangyayari ay narinig niya mula sa labas ang galit na
sigaw ng hari. "Dahil siya ay hindi nakuntento sa ibinigay kong oras ay dapat
siyang parusahan. Talagang ginagalit niya ako. Gigil na sigaw ng hari. Hinuli at
ikinulong sa napakadilim na silid si Meed. Mula doon ay nilatigo, pinahirapan, at
hindi binigyan ng anumang pagkain. Ang plano ng hari sa huli ay ipapain siya sa
mga alagang mababangis na leon.
.
Ang Bangis ni Haring Kenkevrham
Ang mga tao ay nangamba kung bakit lumipas na ang ilang araw hindi nila
nakita si Meed. May hinuha sila na si Meed ay maaaring naparusahan ng
mabangis na hari. Pagkatapos ay hinanap ng mga tao at ipinatawag nila si
Renrel Ydram ang matalik na kaibigan ni Meed para alamin ang nangyari.
Sama-sama silang pumunta sa kaharian ng han para alamin kung ano ang
nangyari kay Meed ngunit sila ay hinarangan ng mga sundalo. "Si Meed ay
pinarusahan ng Hari at maaaring siya ay hindi na ninyo makikita pa. Wika ng
isa sa mga sundalo. Dahil sa narinig ng mga tao at ni Renrel na mensahe, sila
ay nagalit at nagpupumilit na pumasko ngunit sa hindi inaasahang
pagkakataon, sa isang malaking kahon na kulungan sa likod ng entradang
pintuan ay nakita nila ang napakaraming aso na tumutulo ang laway at ilang
segundo laamang ay handa na itong lumapa. Tinungo nila ang sekretong
lagusan tungo sa kulungan.

You might also like