You are on page 1of 2

Filipino

1. Si Kayumars ang unang hari sa daigdig, Siya ay namuno sa paraang pagturo ng mga tao kung paano
maghanda ng pagkain, at kung paano gumawa ng mga damit na bago palang sa daigdig, noong mga
panahong iyon. Ito ay nagpapakita na si kayumars ay hindi lang matalino kundi isa ding mabuting pinuno
sa kanyang mga kapwang mamamayan. Nakilala siyang namuno sa loob ng tatlumpung taon at siya ay
nilalarawan gaya ng isang mataas na punong sipres na napuputungan ng bilog na buwan sa ulo, siya din
ay bukal ng marangal na farr.

2. Si siamak ay tanging mahal na mahal ng kanyang ama na si kayumars at ito ay higit pa sa kanyang
sarili. Ang Tanging nagpapaliligaya kay Kayumars ay nang makita ang kanyang anak. Lumuluha siya kapag
naiisip na mawawalay ito sa kaniya ganyan kamahal ni kayumars ang kanyang anak. Nang nabalitaan ng
ama ang pagkamatay sa kanyang anak siya ay nagdusa gumuho ang kaniyang mundo at nagkaroon ng
matinding kalunkutan. Si kayumars ng nawalan ng anak ay maghihiganti. Siya ay naghandang lumaban
para sa kanyang anak kaya pinatay niya ang demonyo. Si Kayumars ay hindi huminto sa paghanda kung
saan hindi siya natulog o huminto sa umaga man lang para sumubo man lang ng pagkain.

3. Si Ahriman ay kaaway ni Siamak siya ay nainggit kay Kayumars. Si Ahriman at ang kanyang anak ay
tipong malupit at walang kinatatakutan kaya nagtipon sila ng kanilang hukbo, humimok sa daigdig na
mag-aklas, at naghandang salakayin ang hari. Nang narinig ng anghel na si Sorush ang mga pagkikilos na
ginawa sinabi niya ito sa prinsipe. Nang nalaman nito ng prinsipe napuno siya ng galit sa puso at kaya
tinipon niya ang kaniyang hukbo. Sumalakay ang prinsipe sa kalaban ngunit nangyari’y namatay sya.

4. Namatay si Siamak sa digmaan ng mga kaaway. Nagharap ang hukbo ni Siamak at ng anak ni Ahriman.
Sa huli sinakmal siya ng demonyong itom. Bumaon ang mga kuko nito sa katawan niyang walang
anomang pananggalang at naging abo si Siamak. Nang mabalitaan nito ng Hari, gumuho ang kaniyang
mundo. Bumaba siya sa kanyang trono, tumangis, at pinukpok ang kanyang ulo, sinaktan ang kaniyang
maharlikang katawan dahil sa matinding kalungkutan. Duguan ang kaniyang mukha, ang puso ay lugami,
at napuno ng pighati ang kaniyang bawat araw. Ang kaniyang mga nasasakupan ay nagluksa at tumangis
ng isang taon.

5. Nang bumalik sa katinuan ang hari at ng kanyang mga nasasakupan nagtipon siya ng hukbo at sila ay
naghandang lumaban upang ipaghiganti ang nangyari laban sa mapaminsalang demonyo.Naghanda si
Kayumar sa kanyang paghihiganti hindi siya natulong sa gabi o huminto sa umaga upang sumubo man
lang ng pagkain. Nang nahanda na ang Hari sa pakikipagdigma at ipaghiganti si Siamak, tinawag niya si
Hushang upang sabihin sa kaniya ang mga balak at lihim. Sinabi ni Kayumars sa kanya na titipunin ko ang
aking hukbo at patatangasin ang mga demonyo, at kaya inutusan niya si Hushang na siya ang mag-utos sa
mga mandirigma sapagkat sabi niya na bilang na lamang ang kanyang araw at si Hushang na dapat ang
mamuno.

6. Naganap ang labanan sa pamamagitan ng pagtitipun sa mga hukbo at patatangisin ang mga demonyo.
Sa hukbo ni kayumars may mga engkantada, leopardo, leon, mababangis na obo, mge tigreng walang-
takot, mga ibon at mga alagang hayop. Ang Hukbo na ito ay pinamumunuan ng matapang na batang
prinsipe na si Hushang. Sa digmaan, nanatili sa likod ng hukbo si Haring Kayumars Habang nasa unahan
naman si Hushang. Sumugod ang demonyong itim at ang kanyang hukbo, ngunit nawalan ng saysay ang
matalim ng kuko ng mga demonyo dahilsa ngitngit ng hari at gilas ng mga hayop. Nang magtagpo ang
kanilang puwrsa, natalo ng mga hayop ang mga demonyo habang si Hushang naman ay nahawakan ang
demonyong itim biniyak ang katawan nito at pininsala ang malaki nitong ulo. Inihagis niya sa lupa ang
demonyo at binalatan ito, sa pagtatapos namatay ang demonyong itim at yung hukbo nito. Nagwagi yung
una nang pagkakatalo ngunit sa huli nakamtan nila ang pagwawagi.

7. Nagwakas ang panahon ni Kayumars nang natamo niya ang paghihiganting kaniyang inaaasam. Sa hui,
Pumanaw siya at nagpaalam sa mundo sa kaniyang kadakilaan.

8. Oo, sang-ayon ako sapagkat s kasabihan na “Kasamaan sana ang sapitin ng mga nag-iisip ng kasamaan
ipinalinaw nito ang buong pahayag na huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo.
Naniniwala ako na hindi dapat tayo mag-isip ng masama sa iba kundi bagkus ay bigyan sila ng kabaitan
ito ang ipinagbabatid ng pahayag na ito.

9. Ipinahiwatig nito na patuloy paring ipinapasa tungo samga ninuno hanggang sa kanilang mga anak na
walang katapusang henerasyon. Ang kultura na nasa mito ay nagpapakita na kahit mawawala na ang
buhay mo ang kultura, kaalaman, at paniniwala mo ay maaari paring ma-ipasa sa henerasyon ng
henerasyon.

10. Kung ako si Kayumars, ang pamana o legasiya na maari kong maibagay sa aking kaharian ay maaring
kabutihan at pag-unawa lamang sa mga tao sapagkat ang simpleng kabutihan ay maaring makapapakita
ng mahusay na pamumuno bilang isang pinuno. Ito ay isang asal na maaring masasalamin sa mga tao at
maipakita, kung saan ay makilala kang isang madakilang hari.

You might also like