You are on page 1of 23

INDARAPATRA AT SULAYMAN

Sa epikong Indarapatra at Sulayman ay ipinakita ng


mga pangunahing tauhan ang kanilang
pagmamalasakit a Mindanao at sa mga tao rito
bagamat hindi na nila ito sakop at hindi sila
apektado sa mga halimaw na nanalasa sa lugar. Hindi
sila nag-atubuling magbigay tulong kahit buhay pa
nila ang naging kapalit. Dahil rdin sa pagmamalasakit
ay nagkaroon ng kapayapaan sa lugar ng Mindanao,
nanumbalik ang dating sigla nito at nakatagpo pa sila
ng bagong tahanan at kapamilya
INDARAPATRA
Matapang
na hari ng
Matampuli
SULAYMAN
Matapang na prinsipe at
nakakabatang kapatid ni
Haring Indarapatra.
Siya ang kumalaban sa
mga halimaw na sina
Kurita at Tarabusaw
subalit napatay siya ng
malaking ibon na si Pah.
KURITA
Ang halimaw na
si KURITA ay
nahahawig sa
malalaking
buwaya na
matatagpuan sa
Ilog Rio Grande
TARABUSAW
Isang halimaw na
may mukhang tao
na nakakatakot.
Ang sinumang
kanyang mahuliy
agad na nilalapang
at ang laman nitoy
kanyang kinakain
ng walang anuman.
PAH
Isang ibong
malaki na may
matang malinaw
at kukong
matalas. Pag
itoy lumipad
ang bundok na
Bita ay kanyang
napapadilim sa
kanyang pakpak.
IBONG MAY PITONG
ULO
Walang
nakakaligtas sa
bagsik ng
kanyang
matatalas na
kuko dahil
kanyang
natatanaw ang
lahat ng dako.
BUNDOK MATATUM
Ang Bundok Matatum ay
isang di aktibong
bulkan. Matatagpuan ito
sa hilaga ng General
Santos City lalawigan ng
Cotabato.
Ayon sa World Heritage
UNESCO, matatagpuan
sa Bundok Matatum ang
110 na uri ng halaman at
57 uri ng hayop kabilang
ang Philippine Eagle
Indarapatra at Sulayman
salin ni Bartolome del Valle

I
Nang unang panahon ayon sa alamat, ang pulong
Mindanaw
ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukan
ang tinatahanan ng maraming taong dooy namumuhay.
Maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.
II
Subalit ang lagim ay biglang dumating sa kanila na
datiy payapa.Apat na halimaw ang dooy nanalot. Unay
si Kurita na maraming paa at ganid na hayop pagkat sa
pagkain kahit limang taoy kayang nauubos.
III
Ang bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw na
may mukhang tao na nakakatakot kung itoy mamasdan, ang
sino mang tao na kanyang mahuliy agad nilalapang at ang
laman nitoy kanyang kinakain na walang anuman.
IV
Ang ikatloy si Pah na ibong malaki. Pag itoy lumipad ang
bundok ng Bita ay napadilim niyong kanyang pakpak. Ang
lahat ng taoy sa kuweba tumatahan upang makaligtas. Sa
salot na itong may matang malinaw at kukong matalas.
V
Ang bundok Kurayang pinanahanan ng maraming tao ay
pinapaglagim ng isa pang ibong may pito ang ulo; walang
makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko pagkat
maaaring kanyang natatanaw ang lahat ng tao.
VI
Ang kalagim-lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaw ay
nagdulot-lungkot sa maraming bayat mga kaharian;
si Indarapatra na haring mabait, dakilat marangal ay agad na
nag-utos sa kanyang kapatid na prinsipeng mahal
VII
Prinsipe Sulayman, akoy sumasamo ng inyong iligtas ang
maraming taong nangangailangan ng tulong mot habag
O mahal na hari na aking kapatid, ngayon din lilipad at
maghihiganti sa mga halimaw ang talim ng tabak.
VIII
Binigyan ng isang singsing at isang ispada ang kanyang
kapatid upang sandatahin sa pakikibaka. Kanyang isinasabit
sa munting bintana ang isang halaman at saka nagsulit:
Ang halamang itos siyang magsasabi ng iyong nasapit.
IX
Nang siyay dumating sa tuktok ng bundok na pinaghaharian
nitong si Kurita, siya ay nagmasid at kanyang natunghan ang
maraming nayong walang kahit isang taong tumatahan.
Ikaw magbabayad, mabangis na hayop! yaong kanyang wika.
X
Di pa nagtatagal ang kanyang sinabi, nagimbal ang bundok at
biglang lumabas itong si Kuritang sa pusoy may poot. Sila ay
nagbaka at hindi tumigil hanggang sa malagot ang tangang
hiningi niyong si Kuritang sa lupa ay salot.
XI
Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang Tagumpay
kayat sa Matutum, ang hinanap naman ay si Tarabusaw; sa
tuktok ng bundok ang kanyang namalas ang nakahahambal na
mga tanawin:
Ngayon diy lumabas nag ikay mamatay.
XII
Noon diy nahawi ang maraming puno sa gilid ng bundok at ilang
saglit pay nagkaharap silang pusoy nagpupuyos. Yaong si
Sulaymay may hawak na tabak na pinag-uulos. Ang kay
Tarabusaw na sandata nama-sangang panghamablos.
XIII
At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa tapang, ang
ganid na hayop sa malaking pagod ay napahandusay.
XIV
Ang takdang oras mo ngayoy dumating na, sigaw ni Sulayman
at saka sinaksak ng kanyang sandata ang pusong halimaw.
XV
Noon diy nilipad niyong si Sulayman ang bundok ng Bita. Siyay
nanlumo pagkat ang tahanan sa tao ay ulila; ilang sandali pa ay
biglang nagdilim gayon maaga pa at kanyang natantong ang
kalabang ibon ay dumarating na.
XVI
Siya ay lumundag at kanyang tianga ang pakpak ng ibon
datapwat siya ring ang sinmang-palad na bagsakan niyon; sa
bigat ng pakpak, ang katawan niyay sa lupa bumaon kayat si
Sulayman noon ay nalibing na walang kabaong.
XVII
Ang kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na hari pagkat
ang halaman noon diy nalantat sanga ay nangabali:
Siya ay patay na! ang sigaw ng kanyang namumutlang labi,
Ang kamatayan moy ipaghihiganti buhay may masawi.
XVIII
Nang siyay dumating sa bundok ng Bita ay kanyang binuhat
ang pakpak ng ibon. Ang katawang pipi ay kanyang namalas.
Nahabag sa kanya ang kanyang bathala; biglang nagliwanag
at ilang saglit pa ay nakita niya ang tubig na lunas.
XVI
Kanyang ibinuhos ang tubig na yaon sa lugaming bangkay
at laking himala. Ang kanyang kapatid ay dagling nabuhay.
Sila ay nagyakap sa gitna ng galak at ng katuwaan, saka
pinauwi itong si Sulayman sa sariling bayan.
XVII
Sa bundok ng Kurayan ang kanyang sinapit ay agad
hinanap ang ibong sa taoy nagbibigay lagim a
nagpapahirap. Dumating ang ibong kay laki ng ulo at ang
kuko-matalas. Subalit ang kalis ni Indarapatray nagwagi sa
wakas.
XVIII
Sa kanyang tagumpay may isang diwatang bumating
magalang:
XVI
Kanyang ibinuhos ang tubig na yaon sa lugaming bangkay at
laking himala. Ang kanyang kapatid ay dagling nabuhay. Sila ay
nagyakap sa gitna ng galak at ng katuwaan, saka pinauwi itong
si Sulayman sa sariling bayan.
XVII
Sa bundok ng Kurayan ang kanyang sinapit ay agad hinanap
ang ibong sa taoy nagbibigay lagim a nagpapahirap. Dumating
ang ibong kay laki ng ulo at ang kuko-matalas. Subalit ang
kalis ni Indarapatray nagwagi sa wakas.
XVIII
Sa kanyang tagumpay may isang diwatang bumating
magalang:
Salamat sa iyo butihing bayani na upd ng tapang, kaming mga
labi ng ibong gahaman ngayoy mabubuhay.
At kanyang namalas ng maraming taong nooy nagdiriwang.
XIX
Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda
ng mutya kayat sa naroon ay kanyang hiniling
na lakip ng sumpa na silay ikasal. Noon diy
binuklod ng adhika ang kanilang puso,
Mabuhay ang hari! ang sigaw ng madla.
XX
Ang tubig ng dagat ay tila hinigop sa kailaliman
at muling lumitaw ang lawak ng lupang pawang
kapatagan; si Indarapatray hindi na bumalik sa
sariling bayan at dito naghari sa mayamang
lupa ng pulong Mindanaw
Pangkatang Gawain
Unang Pangkat
1. Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan
sa akdang binasa? Ilarawan ang
katangian ng bawat isa.
2. Anu anong problema o suliranin ang
makikita sa unang bahagi ng akda? Isa
isahin ang mga ito.
Ikalawang Pangkat
3. Paano nabigyang solusyon ang
mga nasabing problem?
Ipaliwanag ang sagot.
4. Sa iyong palagay, madali bang
gawin ang naging pasya ng
magkapatid na Sulayman at
Indarapatra? Bakit?
Ikatlong Pangkat
5. Kung ikaw ang nasa
kalagayan nila, gagawin mo rin
ba ang ganoong pasya?
6. Ano ang ibinunga sa buhay
ng magkapatid ng ginawa
nilang pagtulong sa Mindanao?
Ikaapat na Pangkat
7. Ano naman ang naging
bunga nito sa mga taong
kanilang tinulungan?
8. Paano ipinalita sa akda ang
mabuting dulot ng
pagtutulungan?
Ikalimang Pangkat
9. Ikaw, paano mo ipinakikita ang
iyong pagdamay sa mga taong
nangangailangan?
10. Sa iyong palagay, tungkulin ba
ng bawat isa ang tumulong sa
sinumang nangangailangan?
Pangatwiran.

You might also like