You are on page 1of 74

FILIPINO 7

MAIKLING
KWENTO at
MGA RETORIKAL NA
PANG-UGNAY
LAYUNIN
1. Naipamamalas ang pag-unawa sa maikling
kwento bilang akdang pampanitikan.
2. Nasusuri ang halimbawa ng maikling
kwento sa tulong ng mga elemento nito.
3. Nauunawaan ang gamit ng mga retorikal na
pang-ugnay.
4. Nakagagamit ng mga retorikal na pang-
ugnay sa pagsulat ng buod ng maikling
kwento.
MAIKLING KWENTO

Isang maikling salaysay tungkol


sa isang mahalagang
pangyayaring kinabibilangan ng
isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalan o impresiyon lamang.
DEOGRACIAS A. ROSARIO

Tinaguriang “Ama ng Maikling


Kuwentong Tagalog.”
PANAHON NG AMERIKANO

- Pag-unlad ng Maikling Kwento


- Nagkaroon ito ng sariling pitak
sa mga pahayagang “Muling
Pagsilang” at sa dahong
Tagalog ng “El Renacimiento”.
DAGLI
Tinatawag sa Ingles na sketches. Ito ay
naglalahad ng mga sitwasyong may mga
tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad at
pawang mga paglalarawan lamang. Ito ay
tahasang nangangaral at nanunuligsa.

MGA NAKILALANG
KUWENTO
PASINGAW
Nag-aanyo ring maikling kuwento ngunit hindi rin
ganap ang banghay. Ito ay naglalayong maihandog ang
katha sa babaeng pinaparaluman o siyang inspirasyon
ng manunulat. Ang pangalan ng may akda ay hindi
inililimbag dahil karaniwan na ito ay may asawa. Ito ay
naglalayong mangaral nang deretsahan.

MGA NAKILALANG
KUWENTO
KUWENTONG BITBIT
Tinatawag ding SALAYSAY. Dito nag-ugat
ang maikling kuwento o maiikling salaysay
na pumapaksa sa tungkol sa anito, lamang-
lupa, malikmata, multo at iba pang bunga
ng guniguning di kapani-paniwala.

MGA NAKILALANG
KUWENTO
KUWENTONG KOMERSYAL
(pangaral)
Sumulpot sa paglaganap ng Liwayway. Ito
ang pinag-ugatan ng maikling katha.

MGA NAKILALANG
KUWENTO
KAKANA
(kasaysayang pampatawa)
Naglalaman ng mga alamat at engkanto,
panlibang sa mga bata.

MGA NAKILALANG
KUWENTO
ELEMENTO n
MAIKLING KWENTO
g
TAUHAN
Likha ng manunulat ang kaniyang
mga tauhan. May pangunahing
tauhan na sa kaniya nakasentro ang
mga pangyayari. May pantulong din
na tauhan.
TAGPUAN/PANAHON

Dinadala ng may akda ang


mambabasa sa iba't ibang lugar, sa
iba't ibang panahon kung saan at
kailan nagaganap ang mga
pangyayari.
SAGLIT NA KASIGLAHAN

Inihahanda sa bahaging ito ang


mga mambabasa sa pagkilala sa
mga pagsubok na darating sa
buhay ng mga tauhan.
SULIRANIN O TUNGGALIAN

Tumutukoy ito sa paglalabanan ng


pangunahing tauhan at sumasalungat
sa kaniya. Ang uri ng tunggalian ay tao
laban sa kalikasan, tao laban sa sarili,
tao laban sa tao at tao laban sa
lipunan.
KASUKDULAN

Ito ang pinakamataas na uri ng


kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng
bumabasa ang mangyayari sa
pangunahing tauhan, kung siya'y
mabibigo o magtatagumpay sa
paglutas ng suliranin.
KAKALASAN

Ito ang kinalabasan ng paglalaban.


Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
WAKAS

Dito nalalaman ang kinahinatnan ng


mga pangyayari kung malungkot o
masaya ang nangyari sa tauhan.
SAGLIT NA
TAUHAN TAGPUAN KASIGLAHAN

SULIRANIN KASUKDULAN KAKALASAN

WAKAS
Langgam
Tipaklong

TAUHAN
SAGLIT NA
TAUHAN TAGPUAN KASIGLAHAN

SULIRANIN KASUKDULAN KAKALASAN

WAKAS
Sa bukid

TAGPUAN
SAGLIT NA
TAUHAN TAGPUAN KASIGLAHAN

SULIRANIN KASUKDULAN KAKALASAN

WAKAS
Masayang naglalaro sa bukid si
Tipaklong. Samantalang, abala
si Langgam sa paghahakot ng
pagkain bilang preparasyon sa
tag-ulan.

SAGLIT NA KASIGLAHAN
SAGLIT NA
TAUHAN TAGPUAN KASIGLAHAN

SULIRANIN KASUKDULAN KAKALASAN

WAKAS
Dumating ang tag-ulan, walang
masilungan at gutom na gutom
ang kawawang Tipaklong.

SULIRANIN
SAGLIT NA
TAUHAN TAGPUAN KASIGLAHAN

SULIRANIN KASUKDULAN KAKALASAN

WAKAS
Nanlalamig at nanghihina na ang
Tipaklong. Naisip niyang
humingi ng tulong sa kay
Langgam.

KASUKDULAN
SAGLIT NA
TAUHAN TAGPUAN KASIGLAHAN

SULIRANIN KASUKDULAN KAKALASAN

WAKAS
Kumatok si Tipaklong sa bahay
ni Langgam. Naawa naman ito
sa sinapit niya kaya tinulungan
at pinapasok siya nito sa
kanyang tahanan.

KAKALASAN
SAGLIT NA
TAUHAN TAGPUAN KASIGLAHAN

SULIRANIN KASUKDULAN KAKALASAN

WAKAS
Malaki ang pasasalamat ni
Tipaklong kay Langgam at
nangako itong magbabago na at
tutulungan ang kaibigan na
paghandaan ang susunod na
tag-ulan.

WAKAS
RETORIKAL
n
PANG-UGNAY
a
BAKA
Nagsasaad nang walang katiyakan.

Halimbawa: Baka hindi nakapagtapos sa


pag-aaral si Arturo kung hindi siya hinamon
ng kaniyang ama.

MGA RETORIKAL NA PANG-


UGNAY
SAKALI
Nagpapahayag ng pag-aalinlangan.

Halimbawa: Sakaling hindi nagsikap ang ina


na mapagkasundo ang magama ay patuloy
na maghihinanakit si Arturo sa kaniyang
ama.

MGA RETORIKAL NA PANG-


UGNAY
KUNG
Naglalaman ng di-katiyakang kondisyon.

Halimbawa: Kung nakinig din sana ang mga


kapatid niya, marahil ay matagumpay din
sila.

MGA RETORIKAL NA PANG-


UGNAY
KAPAG
Nagsasabi ng tiyak na kondisyon.

Halimbawa: Papayagan lamang si Arturo na


makipagkita sa kasintahan kapag araw ng
Linggo.

MGA RETORIKAL NA PANG-


UGNAY
DISIN SANA
Nagsasaad ng kondisyon.

Halimbawa: Kung nakinig agad siya sa


kaniyang ina, disin sana ay nakasama pa
niya nang matagal ang kaniyang ama.

MGA RETORIKAL NA PANG-


UGNAY
PAGSASANAY
Mga Retorikal na Pang-
ugnay
PANUTO
Tukuyin ang retorikal na pang-ugnay
na ginamit at ipaliwanag kung paano
ito ginamit sa pangungusap.

MGA RETORIKAL NA PANG-


UGNAY
“Kung gusto mong kaawaan kita
dapat magkaroon ka rin ng habag sa
mga kasamahan mo,” ang sabi ng
amo sa katulong.

MGA RETORIKAL NA PANG-


UGNAY
“KUNG gusto mong kaawaan kita
dapat magkaroon ka rin ng habag sa
mga kasamahan mo,” ang sabi ng
amo sa katulong.

MGA RETORIKAL NA PANG-


UGNAY
Baka mabigyan pa siya ng
pagkakataon na makabayad sa
kaniyang pagkakautang.

MGA RETORIKAL NA PANG-


UGNAY
BAKA mabigyan pa siya ng
pagkakataon na makabayad sa
kaniyang pagkakautang.

MGA RETORIKAL NA PANG-


UGNAY
Sakaling makita ng ibang katulong
ang nangyari ay pupuntahan nila ang
amo para makapagsumbong.

MGA RETORIKAL NA PANG-


UGNAY
SAKALING makita ng ibang katulong
ang nangyari ay pupuntahan nila ang
amo para makapagsumbong.

MGA RETORIKAL NA PANG-


UGNAY
Kapag hindi nagbago ang katulong
ay parurusahan siya ng kaniyang
amo.

MGA RETORIKAL NA PANG-


UGNAY
KAPAG hindi nagbago ang katulong
ay parurusahan siya ng kaniyang
amo.

MGA RETORIKAL NA PANG-


UGNAY
Kung alam lang ng amo na magiging
buktot ang katulong disin sana ay
hindi na niya ito kinaawaan.

MGA RETORIKAL NA PANG-


UGNAY
KUNG alam lang ng amo na
magiging buktot ang katulong disin
sana ay hindi na niya ito kinaawaan.

MGA RETORIKAL NA PANG-


UGNAY
Modyul
GAWAIN
4
PANUTO
Basahin at suriin mo ang maikling kuwentong
Ang Reynang Matapat mula sa Cotabato upang
iyong malaman kung masasalamin ba sa
kuwento ang pagpapahalagang panlipunan at
pagpapahalaga sa batas ng mga taga-Cotabato
sa Mindanao.

MODYUL 4: GAWAIN
Ang
Reynan
Matapat
g
Bago pa man dumating ang mga Espanyol
sa ating kapuluan ay dinarayo na ng mga
mangangalakal na Arabe, Tsino at Hindu ang
kaharian ng Kutang-bato na pinamumunuan ni
Reyna Sima. Si Reyna Sima ay isa sa mga
reynang namuno ng isang kaharian sa
kapuluan ng Mindanao. Nakilala siya dahil sa
kaniyang katalinuhan, katapatan at sa
mahigpit at maayos na pamamalakad sa
panunungkulan. Ang Kutang-bato ang
Cotabato ngayon na isa sa pinakamalaking
lalawigan sa Mindanao.
Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at
namuhay nang tahimik at sagana ang mga
taga Kutang-bato. Mahigpit niyang ipinasunod
ang mga batas, at ang sinumang lumabag sa
ipinag-uutos niya ay pinarurusahan. Kabilang
sa patakaran na mahigpit na ipinatutupad ng
reyna ay ang paggalang, paggawa at
katapatan ng kaniyang mga tauhan.
Patuloy na dumarating at umaalis ang mga
negosyanteng Tsino sa Kaharian ng Kutang-
bato. Napabalita ito dahil sa maunlad na
kalakalan sa kaharian ni Reyna Sima, at sa
katapatan ng kaniyang mga tauhan. Walang
kaguluhan at walang nawawalang bagay sa
sinumang mangangalakal habang sila ay nasa
kaharian ng Kutang-bato.
Minsan, isang negosyanteng Tsinong
nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna Sima
ang nakaiwan ng supot ng ginto sa isang
mesa sa palasyo. Hindi ipinagalaw ni Reyna
Sima ang supot ng ginto sa mesa. Ipinagbiling
mahigpit ni Reyna Sima sa kaniyang
nasasakupan na walang gagalaw ng nasabing
supot ng ginto. Ganito kahigpit ang utos ni
Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan nang
sa gayon ay muling datnan ng may-ari sa
lugar na kaniyang pinag-iwanan ang supot ng
ginto.
Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni
Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa
pagpapatupad ng kautusan tungkol sa
katapatan.

Rubin, Ligaya T. et.al. Panitikan ng Pilipinas. 1985. Rex Book Store, Claro M. Recto, Manila
GAWAIN 1
Suriin ang kuwentong “ANG
REYNANG MATAPAT” gamit ang
mga elemento ng maikling kuwento.

MODYUL 4: GAWAIN
TAUHAN TAGPUAN

SAGLIT NA
KASIGLAHAN SULIRANIN

KASUKDULAN KAKALASAN

WAKAS
GAWAIN 2
Basahin at unawain ang kasunod na
talata. Punan ng angkop na retorikal na
pang-ugnay ang pangungusap ng
nasabing talata. Piliin sa kasunod na
kahon ang angkop na pang-ugnay.

MODYUL 4: GAWAIN
Laging nauuna ang mga estudyante sa balita
__________walang pasok. Abala sila sa pagte-text sa
kanilang mga kaklase at mga kaibigan _________ ano
ang puwede nilang gawin habang walang pasok.
__________ may takdang-aralin na ibinigay ang guro ay
pinag-uusapan nila __________ ano ang kanilang
gagawin upang wala na silang maging problema.
Marami ang masaya __________ walang klase pero para
sa iba mas nais nilang pumasok para may matutuhan
silang bago. Nag-aalala ang iba __________ magkaroon
ng pasok ng ilang Sabado upang gawing pamalit sa
mga araw na walang klase. __________ ay pumasok na
lamang sila kaysa mapalitan pa ito sa mga araw na
itinuturing nilang pahinga.
baka sakaling
kung kapag
disin sana

MODYUL 4: GAWAIN
GAWAIN 3
Isulat ang buod ng kuwentong “Ang
Reynang Matapat,” nang maayos at
may kaisahan ang mga
pangungusap. Gumamit ng mga
retorikal na pang-ugnay.

MODYUL 4: GAWAIN
PAMANTAYAN
a) Malapit sa nilalaman ng orihinal na akda
b) May wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari
c) Gumamit ng sariling mga salita sa
pagbubuod
d) Gumamit ng angkop na retorikal na pang-
ugnay

MODYUL 4: GAWAIN
Ambat, Vilma C., et al. 2015. Kagamitan ng
Mag-aaral Panitikang Rehiyonal
7. Quezon City: Vibal Group Inc.

SANGGUNIAN

You might also like