You are on page 1of 5

Alamat ng Malbarosa

Noong araw ay may isang mayaman at matapang na sultang naninirahan sa isang pulo. Bagama't
mayaman, hindi siya kinagigiliwan ng mga mamamayan. Siya'y masyadong malupit.

Siya'y may anak na dalagang ang iwing kagandahan ay nakikipagtimpalak sa mga bulaklak. Siya'y si Rosa.
Dahil sa taglay na yumi at bait, siya'y pmagbubuhusan ng pagmamahal ng mga sakop ng sultan. Halos
hagkan ang kanyang mga yapak.

Si Malbar ay isang binatang kabilang sa mga pinunong naglilingkod sa hukbo ng sultan. Matipuno ang
katawan at bilugan ang hugis ng mukha; malago at alun-alon ang maitim na buhok; malapad ang noo;
bahagyang singkit ang mga matang kung ititig ay nagsusumamo; matangos ang ilong at ang bibig ay
sinliit ng sa binibini.

Sa biglang sabi, si Malbar ay pinakamakisig kundi man siyang pinakamatapang at magiting na lalaki sa
buong kaharian. Hindi kataka-takang si Malbar at si Rosa ay maging magkasintahan. Kusa nilang inilihim
ang kanilang pag-hbigan sa sultan pagkat batid nilang hindi siya sasang-ayon. Ang gusto ng sultan ay
makaisang-dibdib ng prinsesa ang anak ng hari sa karatig balangay upang anya'y kung magkaanib ang
dalawang kaharian ay lalo silang magiging makapangyarihan.

Isang gabing kabilugan ng buwan,samantalang ang lahat sa palasyo'y natutulog, nag-ulayaw sina Malbar
at Rosa sa loob ng hardin. Sila'y nag-usap tungkol sa mga bagay na mahalaga sa katulad nilang umiibig at
muli't muling nagsumpaang ang isa't-isa'y hindi magtataksil sa pangako.

Nasubukan sila ni Matanglawin na siyang pinuno ng hukbo. Si Matanglawin ay malaon na ring nanunuyo
sa prinsesa kaya gayon na lamang ang kanyang selos nang masaksihan ang pag-uulayaw ng dalawa.

Kinabukasan isinumbong ng pinuno ng hukbo sa sultan ang kanyang nasaksihan. Galit na galit ang sultan.
Noon di'y ipinatawag si Malbar at inusisa kung totoo nga ang sumbong ni Matanglawin. Buong tapang na
inamin ng binata ang katotohanan at luloy hiningi sa mahal na sultan ang kamay ni Rosa.

"Nahihibang ka ba?" ang sabi ng sultan. "Ikaw ay isang kukulu-kulo ang tiyan. Bakit mo hihilingin ang
kamay ng prinsesang angkan ng dugong mahal?"

"Kagalang-galang na sultan," ang tugon ni Malbar. "Ang pag-ibig po ay hindi inuuri sa katauhan at
kayamanan. Ito po'y isang damdaming kusang bumubukal sa pusong hindi maaaring tutulan. Iniibig ko
po si Rosa at siya'y umiibig din sa akin. Kung tunay man pong di ako dugong mahal ay may lakas po
naming maaaring magtanggol sa kanyang kariktan. Ako'y may pag-iisip na lalalang ng paraan upang
siya'y lumigaya!"

"Lapastangan! Walang utang na loob! Hindi mo naiginalang ang maganda kong pakita sa iyo!"

Tinawag ng sultan si Matanglawin at ipinadala si Malbar sa piitan. Tinaningang pagkaraan ng tatlong


paglubog at pagsikat ng buwan at papupugutan ng ulo ang binata.

Nang marinig ang maiupit na hatol si Rosa'y nanikluhod sa paanan ng ama at lumuluhang namanhik na
huwag papugutan ang minamahal. Hindi siya pinakinggan ng sultan.

Naglamay si Rosa nang gabing yaon. Hinintay na makatulog na ang lahat ng kanyang mga abay at saka
dahan-dahang nanaog at nagpunta sapiitangkinalalagyan ng kasuyo. Palibhasa'y sadyang mahal ng
guwardiya pinayagan siyang pumasok sa piitan.

Halos mawindang ang puso ng tanod nang marinig ang malungkot na pag-uusap ng magkasintahan at
ang paulit-ulit na sumpaan ng katapatan. Lumapit ang tanod sa prinsesa at inialok ang kanyang
paglilingkod.

"Tutulungan ko kayong tumakas," anya. "Ngunit kinakailangang ako'y sumama sa inyo pagkat kung ako'y
mananatili rito, walang salang babagsak sa akin ang galit ng iyong ama."

Gayon na lamang ang tuwa ng dalawa.

Binuksan ng tanod ang piitan. Nanguna siya sa paglakad ng dalawang magkasuyo. Nang nasa kabila na
ng bakod ang kawal, samantalang inaalalayan ni Malbar si Rosa sa pag-akyat sa bakod, siyang pasungaw
ni Matangiawin sa kanyang silid-tulugan. Nakita niya sa tulong ng liwanag ng buwan ang tatlong
tumatakas. Siya'y tumakbo sa ibaba at pinalo ang gong upang pukawin ang mga kawal.

Nang marinig ni Rosa ang alingawngaw ng gong bigla siyang yumapos kay Malbar.

"Malbar," anya. "Hindi tayo makaliligtas sa pag-uusig ng aking ama. Sa sandaling ito ay mamatamisin ko
pang tayo'y kapwa mamatay kaysa magkahiwalay."

Si Rosa'y dumalangin din. "Aming Bathala, gawin mo kaming maliit na halaman nang kami ay
makapangubli sa malalaking puno upang huwag matagpuan ng mga kawal!"

Parang himala! Pagkasabi nito'y nagdilim ang langit. Isang kimpal na ulap ang tumakip sa mukha ng
buwan. Isang kidlat ang gumuhit sa karimlan.

Dumating ang mga humahabol. Biglang nawala ang dalawa. Sila'y naging palumpong.

Nangangabayong dumating ang sultan. Kanyang iniutos ang masusing pagsasaliksik.

Nakita ng isang kawal ang panyolito ng prinsesa na may titik na Rosa.

May mahiwagang tinig na narinig. "Kami po ang inyong hinahanap. Mabuti pang di hamak ang maging
halaman kaysa usigin ng ama dahil sapag-ibig!"
Ang sultan ay nagsisi. Siya'y lumuhod at nagturing, "Malbar, Rosa, patawarin ninyo ako!"

Kinabukasan nagpabando ang sultan sa buong kaharian, "Ang halamang ito ay inyong itanim sa inyong
halamanan at tawaging Malbarosa bilang alaala sa magkasintahang tapat sa suyuan!"

Alamat ng Mindanao
Mayroon isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay isang dugong bughaw, kundi dahil
rin sa kanyang katangian. Di lamang siya mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang lalaki at
may matipunong pangangatawan. Si Sultan ay may natatanging anak, bukod sa isang prinsesa ,
nakakaakit ang kanyang kagandahan. Saan ka man maparoon, usap-usapan ang kagandahang niyang
taglay. Prinsesa Minda ang ngalan niya. Dahil sa tanyag na kagandahan ni Minda, maraming tagahanga
ito saan dako ng karatig pook. Marami ang nanliligaw: mga mayayaman, matalino, at may dugo ring
maharlika. Dahil nga sa dami ng masugid na tagahanga nito, walang tulak siyangkabigin. Kaya minarapat
ni Sultan Gutang na magkaroon ng isang pagsubok upang malaman kung sino ang higit na mapalad at
karapat-dapat sa kanyang anak na si Prinsesa Minda.

Nangyari nga ang ibig ng Sultan. Marami ang sumubok sa layuning makuha ang kamay ni Minda. Halos
lahat ng sumubok at nagwagi sa una at ikalawang pagsubok, ngunit nabigo sa ikatlo. Ngunit may isang
prinsipe ang nagaasm-asam na sumubok sa mga patakaran ng nasabing sultan. Ngunit, bago siya sumali
sa palahok, matinding pag-iisip ang kanyang ginugol. Dahil sa una ay sigurado siyang magtatagumpay,
ang ikalawa ay sigurado siyang mabibigo. Kaya't muling nag-iisip . Napagpasyahan niyang humiram ng
mga kaing-kaing na ang mga ginto mula sa kanyang mga kaibigang mayayaman at prinsipe upang
makabuo ng labintatlong tiklis ng ginto. Dahil ang ikalawang pagsubok ay kung paano mahihigitan ang
kayamanan ng Sultan.

Lalong nabuhayan ng loob ang prinsipe sa mga pagkakataon na kapag nagkakatinginan sila ng prinsesa
ay para na ri siyang humahanga sa kanya. DAhil di kaila ang kagandahang lalaki ng prinsipe at kakisigan.
Nabatid ng prinsipe na may pagtingin din ang prinsesa.

Sinimulan n a ang unang pagsubok kay Prinsipe Lanao sa pagsasalaysay niya sa kanyang mga ninuno
mula sa umpisa hanggang sa sampung henerasyon. Higit ang tuwa niya ng makapasa sa unang pagsubok
sa dahilang hindi totoo ang ika-sampung henerasyon dahil ito ay may halong imbento lamang.

Agad sumunod ang ikalawang pagsubok. Tinanong ng Sultan kung gaano karami ang kanyang dalang
ginto. Agad siyang sumagot na labintatlong kaing. Walang duda ang tagumpay ni Prinsipe Lanao sa
ikalawang pagsubok dahil may pito lamang tiklis nag into mayroon ang Sultan.

Ang hulong pagsubok ay agad din pinabatid sa Prinsipe kung ano ang dapat na sumunod niayang
gagawin pang ganap nang mapasakamay ang mayuming si Prinsesa Minda. Pagtulay sa lubid ang
ikatlong pagsubok. Pagtulay sa lubid na kapag ikaw ay nahulog sa isang malalim na bangin ay sigurado
ang iyong kamatayan .
Pinagpabukas pa ang huling pagsubok upang makapagpahinga ang binata. Subali't lingid sa kaalaman ng
binata na kaya pala ipinagpabukas pa ay upang mapaghandaan din ng Sultan ang gagawing patibong
upang ang Prinsipe ay hindi magtagumpay. Kaagad na lumisan si Prinsipe Lanao upang makapagpahinga
at mapag-aralan ang kanyang plano para sa darating na pagsubok kinabukasan.

Subali't si Prinsesa Minda ay may nabalitaan na may patibong na ilalagay ang mga tauhan ng Sultan
upang mahulog ang Prinsipe.Agad na pinasiyast ni Prinsesa Minda kung ano ang ilalagay na patibong.
Napag-alaman ng katulong na kakabitan ng tali an gang lubid na tatawiran ng Pinsipe na siyang magiging
dahilan ng pag-uga ng lubid na magiging dahilan ng pagkahulog ng Prinsipe.

Dahil sa nabatid na patibong, kaagad na tinanggal ng mga katulong ang patibong upang walang maging
balakid sa pagtawid ng butihing Prinsipe. Pagdating kinaumagahan ay naganap ang pagsubok na siya
namng pinagtagumpayan ng Prinsipe. Walang nagawa ang Sultan kundi tuparin ang pangakong kasalan.
Nang mamana ng Prinsipe, ang pamamahala ng lugar, marami ang nasiyahan sa pamamalakad ng mag-
asawa sa pulo at mula noon pinangalanan ang isla ng Mindanao na hango sa pangalang Minda at Lanao.

Alamat ng Pakwan
Humigit-kumulang sa tatlong daan taong namalagi sa Pilipinas ang mga Kastila. Layunin ng Espanyang
sakupin ang mga katutubo. Naging kasangkapan ng mga Espanyol ang Katolisismo upang lalong
mapadali nila ang pamamalakad dito. Bagamat sa Limasawa, Leyte nagdaos ng unang misa, may isang
paring Kastilang nagngangalang Padre Novelles ang nakarating sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sinikap niyang kumbinsihin ang mga katutubo upang maging Katoliko. Upang magawa ito, pinag-aralan
niyang makapagsalita ng kanilang wika. Madali naman siyang natuto. Sapagkat matagal na ring
sumasamba sa mga anito ang mga katutubo, hirap na hirap si Padre Novelles na manghikayat.

Lalong pinagsikapan ng paring Kastila ang pagtuturo ng buhay at mga aral ni Hesukristo. Binigyang diin
niya ang pagpapasakit ng Anak ng Diyos. Isinalaysay niya ang pagkapasan sa krus upang iligtas lamang ni
Hesus ang mga makasalanang tao sa daigdig.

Sapagkat misyunero, marami ang naliwanagan sa katotohanan. Pero kahit marami ang sumunod sa
itinuturo ng paring Espanyol ay may isang barangay na bulag pa ring sumasamba sa mga anito. Ito ang
barangay na pinamumunuan ni Datu Diliwariw. Ayaw ng Datung paniwalaan ang mga aral na itinuturo sa
Katolisismo. Sa labis na pagkagalit ipinadakip mismo ng datu sa mga nasasakupan ang misyunerong
nangangaral.

Sapagkat batay sa turo ng Katolisismo ay nagpasan ng krus at ipinako sa kabundukan si HesuKristo. Ito
rin ang parusang ipinataw ng di binyagang datu sa paring Katoliko.

Awang-awa ang maraming katutubo sa pagpapasan sa krus si Padre Novelles. Ang maalikabok at baku-
bakong lansangan ng Nueva Ecija ay kanyang dinaanan. Sa bundok ng mga anito na ngayon ay kilala
bilang bundok ng Caraballo itinindig ang krus. Habang nagbabaga ang araw ay isinakripisyo ng misyunero
ang abang buhay. Katulad ni Kristo, isang matulis na sibat ang tumapos sa hininga ng paring Katoliko.
Ang sariwang dugo sa dibdib nito ay mayamang umagos sa lupang pinagtindigan ng krus.

Matapos ipapatay ay hindi mapalagay si Datu Diliwariw. Naalala niya ang itinuturo ng misyunero na si
Hesus daw ay muling nabuhay pagkalipas ng tatlong araw.

Upang makatiyak, isinama ng datu ang pinakamatapat na kawal nang dumating ang ikatlong gabi.
Ginimbal sila ng katotohanan, ang bangkay na kanilang iniwan ay nawala sa kanyang kinapapakuan.
Napaluhod ang datu kasama ng kawal. Inalala nila ang mga aral na itinuro ng misyunero tungkol kay
Kristo. Taos puso silang humingi ng tawad. Sa kanilang pagyuko at pagluha ay may napansin silang
munting halaman sa lupang dinilig ng dugo ng kabanalan. Ang nasabing halaman ay nagbunga ng animo
makinis na ulo ng paring misyunero na kapag biniyak mo ay may lamang tila mapulang dugo ng
kabanalan, matamis at nakaaalis ng uhaw. Magmula noon, ang naging Katolikong datu ay lagi nang
dumadalaw sa pinagpakuang kabundukan. Ang panata niyang iyon ay kalakip ng pagtanggap ng
kaparusahan sa malaking kasalanang nagawa niya sa paring ipinapatay.

Sapagkat tumubo ang kakaibang halaman ay tinawag ang bunga nito na pinagpakuan na nauwi sa
pakuan na ngayon ay naging pakwan. Iyan ang pinanggalingan ng alamat ng Pakwan.

You might also like