You are on page 1of 4

Alamat ng Matsing

Sa mayamang kaharian, noong unang panahon, ay may isang prinsesang ubod ng ganda. Siya ai si
Prinsesa Amapela na ang lahat ay humahanga sa taglay na kagandahan.

Ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay napakasamang ugali.Ang prinsesa ay ubod ng sungit at


suplada. Napakataas ng pagtingin niya sa kanyang sarili.

"Ayoko sa mga taong pangit! Palayasin sila sa palasyo!" ang palding sigaw nito sa tuwing makakakita ng
pangit sa palasyo.

Dahil sa prinsesa, ang lahat lamang ng magaganda ang nakakapasok at nakakapagtrabaho sa loob ng
palasyo. At ang mga pangit ay itinaboy sa labas upang maging mga alipin at manggagawa.

Sa paglipas ng panahon, dumating ang takdang araw sa pagpili ni Prinsesa Amapela ng mapapangasawa.
At naghanda nga ang kaharian.Inimbitahan ang maraming maharlikang tao buhat sa ibaaa't ibang
kaharian. Nagsidating din ang maraming makikisig na prinsipe, upang ang isa sa sa kanila ay ang siyang
mapangasawa ng ng prinsesa.

Di nagtagal, nagsimjula ng mamilii si Prinsesa Amapela ng mapapangasawa. Ang lahat ng prrinsipe ay


tumayo sa kanyang harapan at nagbigay-galang. Isa sa mga prinsipe ang nagustuhan ng prinsesa, at ito'y
si Prinsipe Algori.

Si Prinsipe Algori ay isang napakasipag na prrinsipe, na animo Adonis na namumukod tangi sa lahat ng
naroroon.Ngunit bago pa man napili ni Prinsesa Amapela ang makisig na prinsipe, ay may nakita siya na
napakapangit-pangit na prinsipe na nakatayo sa likuran nito.

Hindi napigilan ng prinsesa ang sarili.

"Sino ka? Hindi ka nahiya saiyong sarili! Napakapangit mo! Lumayas ka rito at magbalik ka na sa
kwebang pinanggalingan mo!" ang bulyaw nito. Nabigla ang lahat sa nasal ng prinsesa.

"Siya ang aking napili! Si Prinsipe Algori! Siya ang aking mapapangasawa," ang agad na idinugtong nito
sabay turo kay Prinsipe Algori.

Masayang lumapit si Prrinsipe Algori sa prinsesa at humalik sa kamay nito. Isa isa ng nag-alisan ang mga
nabigong prinssipe, ngunit nanatiling nakatayo sa harapan ang pangit na prinsipe.

"Ano pa ang hinihintay mo! Lumayas ka na! Ayaw kitang Makita!" ang muling bulyaw ng prinsesa na tila
nandidiri.

Malumanay na nagsalita ang prinsipeng pangit, Hindi ako manghihinayang sa isang tulad mo. Kung ano
ang ganda ng iyong mukha ay siya naming kapangitan ng iyong ugali," ang wika nito.
Bigla ay nagbago ang anyo ng prinsipeng pangit. Ito ay nagging isang napakakisig na lalaki, higit kay
Prinsipe Algori.

Namangha ang lahat, sapagkat ang pangit na prinsipe ay ang "Diyos pala ng Kakisigan." Bumababa ang
isang kumpol ng ulap, at sumakay rito ang "Diyos na Kakisigan," at tuluyan nang lumisan.

Nanghinayang ang lahat lalo na ang hari at reyna. Ngunit higit sa lahat, nanghnayang nang husto si
Prinsesa Amapela bagay na hindi niya pinahalata.

Agad na ikinasal ng hari sina Prinsesa Amapela at Prrinssipe Algori. Ngunit matapos ang kasal, ganun na
lamang ang gulat ng lahat.

Ngayong mag-aswa na tayo kailangan mong sumama sa aking kaharian, "ang wika ni Prinsipe Algori.

"Anong ibig mong sabihin?" ang nagtatakang tanong ng prinsesa.

Bigla, nabago aang anyo ni Prinsipe Algori. Ito ay naging kakaibang nilalang ng puno ng balahibo ang
buong katawan. Nagsigawan at nasindak ang lahat, lalo pa't bigla na lang nabago ang anyo ni Prinsesa A
mapela. Nabalot din ito ng balahibo sa buong katawan, at nagkaroon pa ng buntot.

Hindi makapaniwala ang lahat, subalit huli na,.Dinala na si Prinsesa Amapela sa kagubatan ni Prinsipe
Algori, na siya palang "Diyos ng mga hayop sagubat." At si Prinsesa Amapela ang kauna-unahang matsing
sa kagubatan. Ito ang nagging parrusa ng kanyang pagiging suplada at mapagmataas.

Kaya dapat nating tandaan na hindi natin dapat husgahan ang tao sa kanyang panlabas na anyo, dahil
ang higit na mahalaga ay ang tunay na pagkatao at pag-uugali

Alamat ng Pagong - Second Version


Noong unang panahon, may isang masipag na mangangahoy na nagngangalang Agong. Ginagalugad niya
ang gubat at pinuputol ang mga sanga ng puno. Bagamat malalaking sanga ang pinapalakol, hindi siya
pumuputol ng katawan upang hindi mamatay ang mga puno na pag-aari ng kalikasan.

Mabait na mabait si Agong. Ang mga prutas na napipitas niya sa mga puno ay ibinibigay niya sa
sinumang mahirap na pamilya. Nagtitira lang siya ng sapat sa kanyang ama at ina. Ang mga sanga naman
ng puno na nakuha ay hinahati niya sa dalawa. Ang maliliit ay mga panggatong na ipinagbibili sa bayan.
Ang malalaki naman ay ginagawa niyang mga bahay kubong maaaring tirhan.

Matapos itayo ang bahay kubo ay pinatitirhan niya ito sa mga kabataang inulila na ng mga magulang.

Sapagkat maraming kagubatan ang pinupuntahan, marami ring bahay kubo ang itinatayo ni Agong sa
iba't ibang lugar.

"Tiyak na marami nang perang naipon yan." paniniyak ng isa sa limang mandarambong na kababayan
habang inginunguso ang papaalis na si Agong.

Ngingisi-ngising nagbulungan ang lima na may masamang tangka sa kanilang kababata.

Pagabi na nang bumalik si Agong sa tinitirhang bahay sa paanan ng bundok. Pagod ito sa maghapong
pamamalakol ng mga sanga ng puno at pagtitinda ng mga panggatong sa bayan. Kahit hapo na ay
masaya naman si Agong sapagkat nalagyan na niya ng kawayang sahig ang kubo sa gubat at may naiuwi
pa siyang sapat na salapi para sa mga magulang.

Kinagabihan, nang himbing na himbing na sina Agong ay inakyat ng limang mandarambong ang bahay ng
kababata nila. Nanlaban si Agong at ang mga magulang nito. Subalit may mga itak ang mga masasamang
loob na ginamit sa karumal-dumal na krimen.

Bago nalagutan ng hininga si Agong ay nasabi niya sa mga mandarambong na laban sa kabutihan ang
ginawa nila bilang mga kriminal. Ibinunton niya ang lahat ng galit ng isang naghihingalong tinig nang
sabihin niyang "Ma..ma...mamamatay ako pero i...isinusumpa kong pahihirapan kayo ng mga bahay na
pinagpaguran kong gawin na inyong pinagnakawan at bukas ay aangkinin."

Nang ipikit ni Agong ang mga mata sa piling ng mga wala na ring buhay na ama at ina ay bumuhos ang
malakas na ulan. Ang bawat patak sa mga bubong ay nagpakaba sa lahat. Para kasing mawawarak ng
lumuluhang kalangitan ang kanilang mga tahanan. Sumabay sa nagsusungit na panahon ang nakasisilaw
na mga kidlat at nakatutulig na mga kulog. Parang gusto nilang isigaw ang kawalang katarungang sinapit
ni Agong sa mga kamay ng mga mamamatay. Nang lumindol ay nagyakap-yakap ang mga ina at mga
anak. Parang idinuduyan ang mga tao sa loob ng kanilang mga dampa. Nang masilip ng lahat sa siwang
ng mga bintana na tila tumataas ang tubig ay nagbabaan sila.

Sa oras ng kagipitan ay basang-basang nagsitakbo sa bundok ang mga mamamayan. Pinuntahan nila sa
tuktok ang Bathala ng Katarungan na may malaking gong na maaaring patugtugin upang masiguro ang
pangkalahatang kaligtasan.

"Bathala ng Katarungan.-.Bathala ng Katarungan," malakas ang tawag nila sa kaluluwa ng Bathala ng


Kalikasan. "Pa...gong po...Pa...gong po...kailangang mapatugtog na ang gong upang maligtas ang lahat!"

Ipinalo ng may pinakamatipunong katawan ang bakal sa gong habang nanginginig sa lamig ang bata at
matanda, dalaga at binata, ama at ina, mabubuti at masasama. Nakapagtatakang unti-unting humina
ang ulan at bumaba ang tumataas na tubig na nagpalubog na sa mga nakapaligid na bahay-bahay.

Kinabukasan ay nagbalik sa kani-kanilang tahanan ang mga mamamayan. Takang-taka silang nangabasa
lang at hindi nasira ang kani-kanilang bahay.

Ang nangawala ay mga bahay na itinayo ni Agong sa ibat-ibang lugar. Nang dalawin ng magkakapitbahay
ang tahanan ni Agong ay nadatnan nila ang malamig na mga bangkay ng binata at ng mga magulang
nito.

May isang burdadora na nagkuwentong natanawan niya mula sa kalayuan na may limang aninong
pumanhik sa dampa ni Agong.

Dinugtungan ito ng isang magpapawid na may kalabugan daw siyang naulinigan sa bahay nina Agong
bago bumuhos ang ulan.

Matapos paglamayan at mailibing ang mga pinaslang ay takang-taka ang lahat nang makita nilang may
limang hayop na may pasang bahay-bahayan ang hilahod na naglalakad sa putikan.

Ta... parang gong!" Parang gong daw ang mga bahay-bahayang nasa likod ng mga hayop.

Sapagkat hindi na rin nila nakita ang limang kinatatakutang kriminal ay nahinuha nilang sila at walang iba
pa ang pumatay kina Agong.

Bilang pag-alala kay Agong, ang limang hayop ay tinawag nila mula noon na Gong... na sapagkat ginamit
ang gong ni Bathala ay nauwi sa Gong o Pa... gong na ngayon ay naging Pagong.

Iyan ang pinagmulan ng alamat ng Pagong.

You might also like