You are on page 1of 5

Alamat ng Perlas sa Mindanao

Isang binatang mangingisda ang nagkaroon ng kasintahang dalagang Muslim sa isang pook sa Mindanao
noong unang panahon. Ang magkasintaha'y nagsumpaang pakakasal pagsapit nila sa ika-dalawampu't
isang taon. Limang taon pa silang maghihintay.

Tuwing sila'y mag-uusap, ipinaaalala ng isa't isa na huwag makalimot sa sumpaan. Laging nangangako
ang binata na ang dalaga lamang ang tanging pakaiibigin.

"Pinakamamahal kita Leoniza," ang magiliw na sabi ng binata. "Ikaw lamang ang babaing iibigin ko
habang buhay. Gugustuhin ko pa ang kamatayan kung hindi rin lamang ikaw ang aking magiging
kapalaran."

"Salamat, mahal ko," natutuwang tugon ni Leoniza. "Napaka-dakila ng iyong pag-ibig. Sana'y palarin ka
sa iyong paghahanap-buhay upang makapag-impok tayo para sa ating pag-iisang-dibdib. Huwag ka
sanang magpapabaya sa iyong kalusugan. Mag-ingat ka sa iyong paglalayag," dugtong pa.

"Maraming salamat, mahal ko, sa iyong mga paalaala," tugon ng binata, sabay paalam.

Laging nagsusunuran at waiang pagkukulang ang magkasintahan sa isa't-isa. Kapuwa sila tapat sa sumpa.
Walang madilim na panginorin sa kanilang pag-ibig. Laging bukang-liwayway. Walang pagmamaliw ang
kanilang pagtitinginan. Subali't mapagbiro ang tadhana. Biglang nawala ang binata at hindi na napakita
sa kanyang kasintahan.

Parang mababaliw si Leoniza. Araw at gabi'y nasa daungan upang magba-sakaling magkita sila ng
kanyang minamahal. Umulan at umaraw ay nananatili siyang nag-aabang sa daungan, hanggang sa
iluwal sa maliwanag ang bunga ng kanilang pagkakasala.

Naging tulala ang dalaga. Sa tuwina'y nakatayong walang kibo na animo'y isang rebulto. Walang katinag-
tinag na napako ang paningin sa laot ng dagat. Minsa'y maluha, minsa'y humahalakhak. Dumating ang
saglit na hindi sukat asahan. Siya'y naging isang taong-bato.

Diumano, isang araw ay nakita ng mga nagmamasid na lumuluha ng perlas ang taong-bato. Biglang
lumaganap ang balita. Ang taong-bato ay dinumog ng mga tao upang sila'y manlimot ng perlas.

Isang inang dukha ang nagtiyagang naghintay ng iluluhang perlas. Kasama niya ang anak na pipituhing
taong gulang. Yumakap sa rebulto ang ina't nagmakaawa, "Bigyan mo kami ng iyong perlas." Nang ang
ina ay bumitaw sa pagkakayakap sa rebulto ay hindi niya makita ang kanyang anak. Hanap dini, hanap
doon. Inabot ng dilim ang ina sa paghahanap subali't nawalan ng saysay.

Nang magsawa ang bata sa paglalaro sa may dalampasigan, saka pa niya naalaala ang kanyang ina.
Kanyang pinagbalikan at tinalunton ang kinaroroonan ng taong-bato. Hindi niya naratnan doon ang
kanyang ina.

"Inay, inay, narito ako...! Saan ka naroon?" ang sigaw ng bata, tuloy yakap sa paanan ng rebulto.
Naantig ang damdamin ng taong-bato. Kanyang naalaala ang kanyang yumaong anak. Ang kanyang mga
mata'y dinaluyan ng masaganang luha.

Kinabukasan, ang ina ay nagbalik sa lunan ng taong-bato. Natuklasan niyang nagkalat ang mga perlas sa
paligid ng rebulto. Siya'y nanlimot ng perlas. Kinamaya-maya'y dumating ang nawalay na anak.

"Saan ka nanggaling? Kahapon pa kita hinahanap! Hanggang ngayon ikaw ay aking hihintay!"

"Akopo'y nanlimot ng kabibi. Nagbalik po ako sa rebulto, ngunit kayo'y wala na roon!"

"Bakit hindi ka umuwi sa atin?"

"Hindi ko alam ang daan sa pag-uwi. Sa bahay po ng kaibigan ko ako natulog. Ako'y kanyang ipinagsama
nang makitang iyak kayo nang iyak!"

"Tulungan mo akong manlimot ng perlas. Pagkatapos ay uuwi na tayo."

Nang malaunan ang kinatatayuan ng taong-bato ay nakarating ng talpukan ng alon. Ang rebulto ay
tinangay ng alon. Ito'y napalaot sa pusod ng dagat hanggang sa nawala.

Ang luha ng dalagang nabigo sa pag-ibig ang pinagmulan ng maraming perlas sa dagat ng Mindanao.

Alamat ng Pitong Isla


Nang kakaunti pa ang mga taong naninirahan sa Isla ng Panay, may isang mangingisdang nakatira sa
Iloilo. Siya'y may pitong anak na dalaga. Sabihin pa, pagkat magaganda kaya maraming binatang
nanliligaw.

Dumating sa Panay ang mga mangangalakal na galing sa Borneo.

Nagustuhan ng mga ito ang mga dalaga kaya sila'y hinandugan ng regalo. Tinanggap naman ang mga
alaala bagamat hindi tiyak ng mga dalaga kung ang mga ito ay tunay ngang kanilang iniibig. Tumutol ang
ama pagkat batid niyang ang kanyang mga anak ay isasama sa Borneo pag-uwi ngmga negosyante. Sa
gayon siya'y mapapag-isa. Subalit walang nagawa ang kanyang pagtutol.

Isang hapon ang ama ay nagpunta sa dagat upang mamingwit. Nang siya'y makaalis ang pitong anak na
dalaga ay sumama sa mga mangangalakal. Dinala nila ang kanilang mga kasangkapan at sumakay sa
batel. Nang sila'y nasa Straight ng Guimaras, nakita ng ama ang tatlong sasakyang kanilang
kinalululanan. Ang ama'y humabol subalit hindi inabutan ng kanyang maliit at mabagal na bangka ang
mabibilis na praw ng mga taga-Borneo.
Ang kaawa-awang matanda ay pagod na pagod sa kagagaod. Siya'y nagmakaawa, "Mga anak ko,
magbalik kayo. Huwag ninyo akong iwan!" Siya'y nanambitan at lumuha ng masaganang luhang sing-alat
ng dagat. Malamig na simoy ng habagat ang kanyang nadama, bilang katugunan sa kanyang daing, ang
alapaap ay nagdilim. Ang langit ay nagsungit... Kumidlat at umugong ang kulog. Pumatak ang mabigat na
ulan. Nawala sa malas niya ang mga praw.

Umuwi ang matanda. Siya'y umiyak nang umiyak. Ang kanyang masaganang luha ay nakikipagtimpalak
sa patak ng ulan. Hindi siya nakatulog nang gabing iyon. Ang mga anak ang kanyang naalaala.

Kinaumagahan, kinuha ang kanyang bangka at pumalaot sa gitna ng dagat sa pagbabaka-sakaling makita
ang mga anak na lulan ng mga praw. Baka raw naantala ng bagyo ang kanilang sasakyan. Sa kanyang
pagtataka ang kanyang nakita sa malayong tanaw ay maliliit na isla na wala roon nang nakaraang araw.
Siya ay gumaod nang gumaod. Kanyang nakita ang mga pira-pirasong labi ng praw ng mga taga-Borneo
na lumulutang malapit sa mga isla. Kanyang binilang ang mga isla sa kanyang mga daliri. Pito! Sila ang
mga anak na dalagang nangalunod.

Ang mga praw na kanilang sinasakyan ay winasak ng malakas na bagyo. Ang mga sasakya'y nilansag ng
hangin at malakas naulan. Ang mga ito'y napadpad sa coral reef at mga bato.

Ang mga walang turing na anak na dalaga ay naging mga isla.

Tinawag na Mga Isla ng Pitong Makasalanan (Isla de los Siete Pecados.)

Alamat ng Sirena
Sa isang karaniwang bukid nanirahan ang mag-asawang Vilma at Tirso. Ang kanilang bahay ay malapit sa
dagat. Si Tirso ay mangingisda. Ang pangingisda ang pinagkakakitaan ngpamumuhay ng mga tagaroon.

Sa ikatlong taong pagsasama ng mag-asawa saka pa naglihi si Vilma. Sa kanyang paglilihi laging gustong
iulam sa pagkain ay isdang bangus.

May mga araw na walang mahuling bangus si Tirso kaya si Vilma'y nagtatampo at hindi na kakain. Siya ay
iiyak nang iiyak.

Isang araw si Tirso ay pumunta sa dagat. Siya'y walang malamang gawin nang makarinig ng sigaw.
Makatatlong ulit na narinig niya ang kanyangpangalan. "Tumingin ka sa ibaba!" ang sabi ng tinig.

Tumungo si Tirso at nakita ang isang malaking isdang bangus, maganda at may korona.

"Ako'y nagmula sa kailaliman ng dagat. Ako ang hari ng kara-gatan. Baka ikaw ay may kailangan. Ako'y
handang tumulong sa iyo!"
Nagtapat si Tirso. "Ang aking asawa ay nagdadalang-tao. Lagi siyang humihingi sa akin ng isang bangus.
Wala akong ibigay. Wala akong mahuli sa dagat at wala ring mabili sa pamilihan."

"Kita'y tutulungan. Linggo-linggo o kahit araw-araw kita'y bibigyan ng bangus sa isang kondisyon?"

"Ano ang kondisyon?"

"Pagdating ng iyong anak sa gulang na pitong taon, siya'y ibibigay mo sa akin!"

Yayamang walang ibang paraan sa pagkakaroon ng isdang bangus para sa kanyang asawa, siya'y
pumayag.

"Bukas magsisimula ang rasyon. Bibigyan kita ng isda." Sila'y naghiwalay nakapuwa nasiyahan.

Nang sumunod na araw si Tirso ay nagpunta sa aplaya. Nakita niya ang mga isdang handa at nakahanay
sa buhanginan. Kinuha niya ang mga ito at iniuwi. Niluto ni Vilma ang mga isda at ang mag-asawa'y
nagsalo. Ganito ang pangyayari kahit na si Vilma ay nagsilang na ng sanggol.

Pinangalanan ang sanggol na Marita. Napakaganda ng bata! Mahal na mahal ng ama't ina si Marita. Ito'y
maitim ang buhok, at mga mata'y kumikislap tulad ng sa manyika.

Ang tatlo ay naglalaro sa looban ng kanilang bahay subalit tikis na hindi pinapasyal sa dalampasigan.

Ang bata ay lumaki at sa kanyang paglaki ay lalong nag-ibayo ang pagmamahal ng ama't ina.

Dumating ang ikapitong taon ng bata. Ligalig na ligalig si Tirso. Hindi niya malaman kung paano niya
ipagtatapat ang kanyang ipinangako sa Haring Bangus.

"Vilma, may ipagtatapat ako sa iyo. Huwag kang magagalit. Sa halip ay ako'y payuhan mo kung ano ang
nararapat nating gawin -kung ano ang solusyon sa ating problema!"

"Ano bang problema ang pinagsasabi mo?"

"Natatandaan mo ba noong ikaw ay naglilihi? Noong gusto mong kumaing lagi ng isdang bangus? Suysuy
ka nang suysuy na manghuli ako sa dagat. Sa aking pag-uwi wala akong dala. Wala ring mabili sa
pamilihan. Ako'y tinulunganng mga Haring mga isda. Tinulungan ako ng Hari ng mga Bangus. Siya raw
araw-araw ay magbibigay sa akin ng isdang rasyon. Dahil diyan kaya ako'y pinapangakong pagdating ng
ating sanggol sa gulang na pitong taon, ibibigay ko sa kanya si Marita!"

"Hindi maaari!" sabay tulo ng luha. Siya ay tangi nating kayamanan. Hindi ko matitiis na siya ay mawalay!
Sukdang aking ikamatay, ako'y tutol!"
Isang umaga si Tirso ay nagpunta sa aplaya. "Marangal na Hari ng mga isda, ayaw pumayag ng aking
asawa! Ipinakikiusap na sa halip na kunin mo si Marita, ikaw ay bibigyan namin ng diamanteng singsing
at anim na kalabaw!"

"Magpakalalaki ka! Pahalagahan mo ang iyong pangako at ang ating kasunduan!"

Nag-isip si Tirso. Pumasok sa kanyang loob na ang kanyang kausap ay isda lamang kaya hindi nito kayang
agawin o kunin si Marita kung ito'y malayo sa dagat o sa dalampasigan. Ipinasya niya na hindi niya
tutuparin ang kanyang pangako.

Siya'y nagtatakbo na walang kaputok mang sinalita.

Galit na galit ang Haring Bangus. "Oras na ang batang iyan ay pumarito sa aplaya, siya'y aking
dudukutin!" naibulong sa sarili.

Mula noon ay hindi na nakita sina Tirso, Vilma at Marita sa bay-bay dagat.

Isang umaga, may dumating na batel sa dalampasigan. Ang mga tao sa baryo ay naghalimbumbungan at
nag-usyoso. Ang ilan sa kanila ay namili ng kung anu-anong gamit sa bangkang nakadaong.

Natanaw ni Marita ang mga taong umakyat-manaog sa sasakyan. Tumawag ng pansin ni Marita ang
matingkad na kulay ng sasakyan. Siya'y nagpunta roon. Iyon ang unang pagkakataon ng gayong uri ng
bangka sa daungan.

Nang dumating doon si Marita, nakapag-alisan na ang mga tao. Marahan siyang lumapit sa bangka. Sa
isang iglap siya ay sinakmal ng dambuhalang alon.

Siya'y nagpagibik at humingi ng tulong ngunit nang dumating ang saklolo ay huli na.

Ang ina at ama, kasama ang mga taganayon ay naghanap at ginalugad ang karagatan subalit nawalan ng
saysay.

Tuwing sasapit ang orasyon matapos magdasal sina Vilma at Tirso, sila'y pupunta sa talukan ng alon sa
pagbabaka-sakaling makita si Marita. Lumakad ang mga buwan at mga taon subalit kahit anino ay
walang nakita ang mag-asawa.

Isang gabing maliwanag ang langit dahil sa kabilugan ng buwan, ang dalawang matanda ay naganyak na
magdalampasigan. Sila'y may namataang isang magandang babaeng mahaba ang buhok. Ito'y
lumalangoy. Ang kalahati ng kanyang katawan paitaas ay tao (human) subalit sa pababa ay walang paa.
Ang pinakapaa ay puno ng kaliskis. Sa dulo ay palikpik. Ito ang unang sirena.

You might also like