You are on page 1of 2

Alamat ng Mindanao

Mayroon isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay
isang dugong bughaw, kundi dahil rin sa kanyang katangian. Di lamang
siya mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang lalaki at may
matipunong pangangatawan. Si Sultan ay may natatanging anak, bukod
sa isang prinsesa , nakakaakit ang kanyang kagandahan. Saan ka man
maparoon, usap-usapan ang kagandahang niyang taglay. Prinsesa
Minda ang ngalan niya. Dahil sa tanyag na kagandahan ni Minda,
maraming tagahanga ito saan dako ng karatig pook. Marami ang
nanliligaw: mga mayayaman, matalino, at may dugo ring maharlika.
Dahil nga sa dami ng masugid na tagahanga nito, walang tulak
siyangkabigin. Kaya minarapat ni Sultan Gutang na magkaroon ng isang
pagsubok upang malaman kung sino ang higit na mapalad at karapat-
dapat sa kanyang anak na si Prinsesa Minda.

Nangyari nga ang ibig ng Sultan. Marami ang sumubok sa layuning


makuha ang kamay ni Minda. Halos lahat ng sumubok at nagwagi sa una
at ikalawang pagsubok, ngunit nabigo sa ikatlo. Ngunit may isang
prinsipe ang nagaasm-asam na sumubok sa mga patakaran ng nasabing
sultan. Ngunit, bago siya sumali sa palahok, matinding pag-iisip ang
kanyang ginugol. Dahil sa una ay sigurado siyang magtatagumpay, ang
ikalawa ay sigurado siyang mabibigo. Kaya’t muling nag-iisip .
Napagpasyahan niyang humiram ng mga kaing-kaing na ang mga ginto
mula sa kanyang mga kaibigang mayayaman at prinsipe upang
makabuo ng labintatlong tiklis ng ginto. Dahil ang ikalawang pagsubok
ay kung paano mahihigitan ang kayamanan ng Sultan.

Lalong nabuhayan ng loob ang prinsipe sa mga pagkakataon na kapag


nagkakatinginan sila ng prinsesa ay para na ri siyang humahanga sa
kanya. DAhil di kaila ang kagandahang lalaki ng prinsipe at kakisigan.
Nabatid ng prinsipe na may pagtingin din ang prinsesa.

Sinimulan n a ang unang pagsubok kay Prinsipe Lanao sa pagsasalaysay


niya sa kanyang mga ninuno mula sa umpisa hanggang sa sampung
henerasyon. Higit ang tuwa niya ng makapasa sa unang pagsubok sa
dahilang hindi totoo ang ika-sampung henerasyon dahil ito ay may
halong imbento lamang.

Agad sumunod ang ikalawang pagsubok. Tinanong ng Sultan kung


gaano karami ang kanyang dalang ginto.

Agad siyang sumagot na labintatlong kaing. Walang duda ang


tagumpay ni Prinsipe Lanao sa ikalawang pagsubok dahil may pito
lamang tiklis nag into mayroon ang Sultan.
Ang hulong pagsubok ay agad din pinabatid sa Prinsipe kung ano ang
dapat na sumunod niayang gagawin pang ganap nang mapasakamay
ang mayuming si Prinsesa Minda. Pagtulay sa lubid ang ikatlong
pagsubok. Pagtulay sa lubid na kapag ikaw ay nahulog sa isang malalim
na bangin ay sigurado ang iyong kamatayan .

Pinagpabukas pa ang huling pagsubok upang makapagpahinga ang


binata. Subali’t lingid sa kaalaman ng binata na kaya pala
ipinagpabukas pa ay upang mapaghandaan din ng Sultan ang
gagawing patibong upang ang Prinsipe ay hindi magtagumpay. Kaagad
na lumisan si Prinsipe Lanao upang makapagpahinga at mapag-aralan
ang kanyang plano para sa darating na pagsubok kinabukasan.

Subali’t si Prinsesa Minda ay may nabalitaan na may patibong na ilalagay


ang mga tauhan ng Sultan upang mahulog ang Prinsipe.Agad na
pinasiyast ni Prinsesa Minda kung ano ang ilalagay na patibong. Napag-
alaman ng katulong na kakabitan ng tali an gang lubid na tatawiran ng
Pinsipe na siyang magiging dahilan ng pag-uga ng lubid na magiging
dahilan ng pagkahulog ng Prinsipe.

Dahil sa nabatid na patibong, kaagad na tinanggal ng mga katulong


ang patibong upang walang maging balakid sa pagtawid ng butihing
Prinsipe. Pagdating kinaumagahan ay naganap ang pagsubok na siya
namng pinagtagumpayan ng Prinsipe. Walang nagawa ang Sultan kundi
tuparin ang pangakong kasalan. Nang mamana ng Prinsipe, ang
pamamahala ng lugar, marami ang nasiyahan sa pamamalakad ng
mag-asawa sa pulo at mula noon pinangalanan ang isla ng Mindanao
na hango sa pangalang Minda at Lanao.

You might also like