You are on page 1of 5

Naratibong

Teksto (Halimbawa ng pasalaysay na


kwento)

STEM 116

Joseph Jansen Mediana


Sharmaine Lacanlale
Paul John Mante
Eral Stephen Tan
Bryan Santos
Erryl Del Rosario
Rechelle Mae Caguco
JOSEPH JANSEN MEDIANA STEM 116
Pag-iibigan ng Prinsipe at Prinsesa

Noong unang panahon may isang prinsesa na ubod ng ganda at may isang
prinsipe naman na naging kasintahan ng prinsesa. Naging masaya ang
dalawa sa kanilang pag-iibigan, ngunit may biglang humadlang sa kanilang
pag-iibigan at ito ay ang nag-iisang matandang mahikero sa kanilang
kaharian. Nagbanta ang matanda na kong hindi mapapasaka niya ang
prinsesa ay papatayin niya lahat ng tao sa kanilang kaharian. Walang
nagawa ang hari kundi ibigay ang prinsessa .Pero hindi pumayag ang
prinsipe at nakipaglaban ito sa matanda. Nanalo naman ang prinsipe at
binalikan niya ang prinsesa ngunit nang pabalik na siya ay may biglang
sumaksak sa kanya sa likod at yun pala ang matanda na naghihingalo na.
Biglang nahimatay ang prinsipe at namatay naman ang matanda. Pinahanap
ng prinsesa ang prinsipe pero di na ito nakita pa. Ang prinsipe pala ay dinala
ng isang babae sa kanilang bahay na labas na sa pinaghaharian ng prinsesa
kaya di nila nakita ang prinsipe. Lungkot na lungkot ang prinsesa sa
pagkawala ng kanyang minamahal na prinsipe. Pagkaraan ng ilang araw ay
namalayan na ang prinsipe at nakita niya na nasa bahay pala siya ng isang
babae. Nagpasalamat ang prinsipe sa babae at sabay rin na umalis ang
prinsipe pero hindi pumayag ang babae dahil natutunan na niyang mahalin
ang prinsipe, pero nagpaliwanag ang prinsipe kung bakit hindi siya pwede
magtagal at naintindihan naman ito ng babae at bumalik na ang prinsipe sa
kanilang kaharian. Nang makarating siya doon ay nakita niya ang prinsesa na
ikinakasal sa isang binata, pinigilan ng prinsipe ang kasal, pero hindi
pumayag ang hari na itigil ang kasal kaya inutusan ng hari ang kanyang mga
tauhan napatayin ang prinsipe, nakipaglaban ang prinsipe sa mga kawal ng
hari pero masyadong madami ang mga kawal at hindi ito nakaya ng prinsipe
at biglang dumating ang isang hukbo ng kawal na galing sa ibang kaharian at
tinulungan ang prinsipe. Nakatakas naman ng ligtas ang prinsipe at ang
prinsesa, at dinala sila nang mga kawal sa kaharian ng Berbania, ito pala ay
pinamumunuan ng babae na nagpagaling sa sugat ng prinsipe,sinubukan
lang pala ng babae ang pagmamahal nang prinsipe sa prinsesa at
napatunayan niya naman ito. Binigyan ng babae ang magkasintahan ng
isang lupa at bahay para doon sila tumira at namuhay sila nang maligaya.
Ang magkasintahan ay nanganak ng isang lalaki hindi alam nang lalaki kung
ano ang istorya nang kanyang mga magulang at namuhay siya nang tahimik
haggang sa ipatawag siya nang reyna nang kanilang tinitirhan na bayan,
hindi niya alam na gagawin pala siyang isang magiting na mandirigma ng
kanilang kaharian ng magkaroon ng digmaan sa kabilang kaharian na
pinanggalingan ng prinsessa noon, ay sumali dito ang lalaki, pinasali siya
nang reyna sa susulong na hukbo para sakupin ang kaharian ng Entaryuio
(kaharian ng prinsessa noon) naging madugo ang labanan pero sa
kasamaang palad hindi sapat ang mga hukbo na ipinasugod ng kaharian ng
Berbanya sa kaharian ng Entaryuio at ang lalaki lang at iilang kasamahan
ang nakaligtas. Kahit talo na sila ay di parin sila sumuko at nagbantay pa rin
sila sa kaharian ng Entaryuio, naglakad-lakad ang lalaki nang makita nito
ang napakagandang babae na tumitingin sa langit nang hindi nagiisip
niligawan niya ang babae at dahil gwapo rin at mabait ang lalaki pumayag
ang babae na hindi alam kong taga saan ang lalaki nagsama ang dalawa ng
malaman ng hari ng Entaryuio na may mga spy pala sa kanilang kaharian ay
nagpadala siya ng mga kawal para hanapin ito, nalaman naman kaagad ito
ng lalaki at pinauwi niya ang iilan sa kanyang mga kasamahan para sabihin
sa reyna ang mga nalaman nila at ang iba ay nagpaiwan para lituin ang mga
kawal, marami sa kasamahan ng lalaki ang napatay at ang iba ay nakaligtas
ang lalaki ay nagpaala muna bago ito umalis pero nakita siya ng mga kawal
ng hari at hinuli siya pero naglaban ang lalaki at nakapagtago ito sa dilim
pagkakinabukasan ay nagpadala ang reyna nang 10,000 na kawal para
sakupin ang kaharian ng hari tumagal ang laban ng iilang araw at maliit
nalang ang pag-asa ng hari na manalo dahil masyadong marami ang kawal
ng reyna compara sa hari , natalo ang hari . Akala ng hari na sisirain nila ang
boung kaharian pero nagkamali siya ibinigay ng reyna ang truno ng hari sa
lalaki na, hindi nakapaniwala ang lalaki at ang hari sabay tanong naman nito
kung bakit niya ibinigay sa lalaki ang trono sinagot naman ito ng reyna na
ang lalaki ay ang anak ng hari na naglayas, laking tuwa ng hari nang
malaman ito nabuhay pa pala ang kanyang apo. At nabuhay ang lalaki bilang
hari at ang kanyang kasintahan bilang reyna sa kaharian ng Berbanya, at
nabuhay sila nang matiwasay at maligaya. Pagkaraan ng ilang taon ay
namatay na ang lalaki at pinalitan siya nang anak, may mga kaharian na
gustong sakupin ang Berbanya pero di sila nanalo.

Referecne:2008_PagiibiganNgPrinsipeAtPrinsesahttp://www.maybenow.com/
Keywords/narativ-k781006p1

Paul John Mante STEM 116


Ang galit ng Alon sa tinig ni Maria

Noong unang panahon,sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may isang uri ng
hampas ng alon ang nagbibigay ng takot at pangamba sa mga tao doon,
tinawag nila itong si Haring Alon dahil sa naglalakihang hampas ng alon nito.
Si Maria ay isang anak ng isang mangingisda na namatay sa gitna ng
pasipiko dahil sa hampas ng mga alon, simula noon ay lagi na siyang
pumupunta sa dalampasigan ng mag-isa at kumakanta at sa tuwing siya ay
kumakanta ay tila tumatahimik ang paligid at nawawala ang mga hampas ng
alon, napansin ito ng matandang nakikinig sa kanya. Sinabi ng matanda, na
may kapang yarihan ang ginintuang tinig ni Maria. Nagalit ang Haring Alon sa
kaniyang pagkahinto sa paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig ni Maria.
Sa katahimikan ng gabi ay nagwasik ng napakalaking hampas ng alon ang
Haring Alon na kumain sa halos kalahating bahagi ng isla, napakaraming
namatay pero hindi pa nakuntento ang Haring Alon muli ay naghampas siya
ng napakalaking alon, nagmadaling tinawag ng isang matanda si Maria sinabi
nitong kailangan ng buong mamamayan ng buong isla ang kanyang
makapangyarihang tinig upang tumigil ang Haring Alon.

Nakipag sagupaan ang tinig ni Maria sa hampas ng malalaking alon hindi niya
ininda ang hampas ng alon na bumubugbog sa kaniyang katawan, nang
naglaon ay huminto rin ang galit ng Haring Alon, at mula noon ay hindi na
muling humampas ang alon sa dalampasigan ng isla at namuhay ang mga
tao ng walang takot at pangamba sa kanila.

Reference :
NavarroWinston_2007/http://winstonnavarro.blogspot.com/2007/09/halimba
wa-ng-isang-textong-narative.html?m=1

Bryan Santos STEM 116


Ang Alamat ng Makopa

Noong unang panahon ay may isang bayan na malapit sa bundok na


halos napapaligiran ng malapulong gubat. Ang mga mamamayan dito ay
maligaya at sagana sa kanilang pamumuhay. Sa mga bukirin ay may mga
masaganang ani, na siyang ikinabubuhay ng bawat taong naninirahan doon.

Ang kanilang simbahan ay may mataas na kampanaryo na may


isang kampanang ginto na may napapaloob na hiwaga at ang paniniwala
nila’y doon nanggagaling ang biyayang tinatamasa at buo ang tunog. Kapag
naririnig nila ang tunog nito, ang bawat tao’y sapilitang mapapaluhod at
taimtim na nagdarasal at nagpapasalamat dahil sa biyaya nilang tinatanggap.

May mga tao naman na masama ang kanilang hangarin sa


kampanang ginto. Nais nilang nakawin ito at ipatunaw dahil sa malaki ang
halaga nito. Isang araw, nagimbal ang buong bayan dahil nawawala ang
kampanang ginto. Ito raw ay ninakaw at hindi nila alam kung saan
itinago. Nalungkot ang mga tao pagkat hindi na nila maririnig ang tunog ng
kampana na nagbibigay sa kanila ng suwerte sa pamumuhay. Lumipas ang
maraming buwan, ang kampana ay tuluyan ng nawala at hindi na
makita. Ang bayan ay nabalot ng kalungkutan at ang mga tao ay nakalimot
na sa kanilang pagdarasal at wala ng pumupunta sa simbahan.
Isang umaga, maraming tao ang nagulat sa isang punong-kahoy na
tumubo sa tabi ng kumbento. Ito’y punong-puno ng bunga na hugis
kampana. May matandang nagsabi sa kanila na ang puno ay palatandaan
lamang na wari’y doon nakalibing ang kampanang ginto at ito’y dapat nilang
hukayin. Hinukay ng mga lalaki ang puno at kanilang nakita ang kampanang
ginto. Laking tuwa ng mga tao at lahat sila’y nagtungo sa simbahan para
magpasalamat sa pagkakabalik ng kanilang kampana. Makailang sandal ay
naibalik na ito sa dating kinalalagyan at narinig na nila ang tunog nito na
tanda ng kasiyahan at katahimikan ng buong bayan.

Ang puno ay patuloy pa rin sa pagbibigay ng bunga na kawangki ng kopa at


ito’y tinawag nang makopa.

Reference: Castañeda Gemma R. (2011, February 18) Ang Alamat ng


Macopa/URL/http://assignmentshomeworksetc.blogspot.com/2011/02/ang-
alamat-ng-makopa.html

You might also like