You are on page 1of 1

Alamat ng Pinatubo

Sa kaharian ng Masinlok naging usap-usapan ang suliranin ng Datu doon sapagkat


ninanais nito na magawa ang mga dati nitong gawain ang mangaso sa kabundukan kanyang
dating pinupuntahan. Ngunit dahil sa kanyang katandaan hindi na niya ito magagawa kung kaya
siya ay naging malungkutin.
Nakarating iyon sa kaalamn ng isang matandang salamangkero kung kaya siya ay
pumunta sa palasyo at nagsabi sa Datu na siya ay magpapatubo ng isang bundok kapalit ng
kamay ni Prinsesa Alindaya. Pumayag ang Datu sa sinabi ng salamangkero. Pagkalipas ng mga
araw may tumubong bundok sa pinagtaniman ng bato ng salamangkero. Unti-unti itong
tumataas at lumalaki kung kaya lubhang nalungkot si Prinsesa Alindaya na naging dahilan ng
kanyang pagkakasakit. Nang bumalik ang salamangkero sa kaharian hindi ibinigay ng datu ang
prinsesa sa kanya sa kadahilanang ito nga ay mayroong malubhang karamdaman. Kung kaya
umuwing masamang masama ang loob ng salamangkero. Sa sama ng loob nakalimutan ng
salamangkero ang bundok na kanyang pinatubo kung kaya ito ay patuloy na tumaas at lumaki.
Lubhang nabahala ang kaharian sa nangyayari kung kaya ipinag-utos niya na hulihin ang
salamangkero at ito ay pugutan ng ulo. Ngnit ang bundok ay patuloy pa din sa paglaki at
pagtaas.Na lubhang nagpabahala sa kanilang kaharian. Ang balitang ito ay nakarating sa kay
Prinsepe Malakas kung kaya siya ay pumunta sa kaharian ng Masinlok. Sinabi niya sa Datu ang
kanyang pakay at dagli niyang isinagawa ang pagbunot sa bundok at hinagis sa malayo. Kung
kaya ng bumalik ang Datu at Prinsepe Malakas sa kaharian nagbunyi ang kaharian at nagsagawa
ng kasiyahan. Doon nakita ni Prinsipe Malakas si Prinsesa Alindaya. At di nagtagal nasaksihan ng
lahat sa kaharian ng Masinlok ang marangyang kasalan sa pagitan ni Prinsipe Malakas at
Prinsesa Alindaya. Ang lupang pinag-alisan ng bundok ay naging lawa at tinawag itong “Lawa ni
Alindaya”. Na nagpapagunita ng kagandahan ni Prinsesa Alindaya at ng pag-ibig nito. Na siyang
naging dahilan ng pagkakaroon ng Bundok ng Pinatubo.

You might also like