You are on page 1of 3

Ang Alamat ng Saging

Jim Lloyd 6 years ago Mga Alamat, Mga Alamat ng Prutas

Noong unang panahon ay may isang napakagandang prinsesa, kaya siya ay tinawag na
Mariang Maganda. Ang kanilang kaharian ay malapit sa isang maliit na gubat na kung saan
ay malayang nakakapamasyal ang mayuming kagandahan. Ang gubat ay puno ng iba't
ibang magaganda, makukulay, at mababangong mga halamang namumulaklak.
Nakagawian na ng prinsesang mamitas at mamasyal sa tila bang perpekting hardin para
lamang sa isang prinsesang katulad niya.

Isang araw sa kanyang pamamasyal ay may nakilala siyang isang bagong mukha. Isang
makisig na binata na halos kaedad din ng magandang prinsesa. May kakaibang
naramdaman ang prinsesa sa makisig na binata na iyon. Lingid sa kaalaman ng prinsesa
gayundin ang nararamdaman ng bagong kakilala sa kanya.

Nagpakilala ang binata bilang isang prinsipe ng isang malayo at kaibang kaharian. Araw-
araw nagkita at nagkasama ang dalawa sa kagubatan hanggang sa magtapat ang prinsipe
sa dalaga ng kanyang pag-ibig na malugod namang tinanggap ng prinsesa dahil sa
parehas nitong nararamdaman.
Habang sila ay magkasamang namamsyal sa kagubatan ay nagpasya silang magulayaw sa
ilalim ng mabangong halaman na madalas ipagmalaaki ng prinsesa.

"Hindi maipagkakailang maganda ang bulaklak ng halamang ito Mariang Maganda, ngunit
higit na mas maganda at mabango ang mga halaman at bulaklak sa aming kaharian."
sambit ng prinsipe habang hinahaplos ang pisngi ng iniirog.

"Bakit, saan ba ang iyong kaharian?" malambing na tugon ng prinsesa.

"Ang aming kaharian ay hindi kayang marating ng taong may katawang lupa." ang
mahiwagang pagsagot ng prinsipeng tila ba mag agam-agam.

"Bakit hindi?" ang natigilang pagtatanong ni Mariang Maganda habang pinagmamasdan


ang malungkot na mukha ng prinsipeng kanyang iniibig.

"Kailangan ko ng bumalik sa aming kaharian dahil kung hindi ay hindi na tayo muling
magkikita pa. Nais sana kitang isama subalit hindi talaga maari ang mga kagaya ninyo sa
aming kaharian. Paalam na irog."

"Nais ko sanang magkita tayong muli dito sa halamanang ito mamayang gabi. Hihintayin
kita." pagtangis ng prinsesang nalulungkot sa paglisan ng kanyang minamahal.

"Sisikapin ko, irog." pangako ng prinsipe kay Mariang maganda. Nang gabi ngang iyon ay
hinintay ni Mariang Maganda ang kanyang iniirog. Bago pa man maghatinggabi ay
dumating nga ang prinsipe at lubos na nalugod ang nag-aalalang prinsesa. Magkahawak
kamay silang namasyal sa gubat ng magagandang halaman na ang buwan at mga bituin
ang tumatanglaw sa kanilang dinadaanan. Kung anu ano ang kanilang pinag-usapan
hanggang sa bigla na lang napabalikwas ang prinsipe na tila ba may ttumawag sa kanya.

"Kailangan ko ng lumisan mahal ko. Hindi ako maaring abutan ng hatinggabi, kapag hindi
ako umalis ngayon ay hindi na ako makakabalik pa sa amin. Iyong pakakatandaan na ikaw
lamang ang aking iniibig." at ginawaran ng isang matamis na halik ang labi ng
naguguluhang si Mariang Maganda.

Hindi matanggap na malisan sa kanyang iniibig ay mahigpit nyang hinawakan ang kamay
ng prinsipe. Pilt mang hinila ng prinsipe ang kamay ay di nito magawang makawala sa
pagkakahawak ng prinsesa. Sa kanilang paghihilahan ay bigla na lamang naglaho na
parang bula ang prinsipe ngunit naiwan sa kamay ng prinsesa ang dalawang putol na
kamay ng prinsipe. Sa takot ay napabalikwas ang prinsesa at tinungo ang isang malapit na
hukay. Doon itinapon at ibinaon ni Mariang Maganda ang mahiwagang kamay ng kanyang
tinawag na irog.

Muling nagbalik ang prinsesa sa kagubatan matapos ng ilang araw para makita lamang na
may kakibang halaman na tumubo kung saan niya ibinaon ang mahiwagang kamay ng
prinsipe. Malalapad ang mga dahon ng halaman na ito at walng mga sanga. Matapos ng
ilang araw ito ay namulaklak. Araw-araw na bumalik ang prinsesa sa kagubatan hanggang
ang bulaklak ay napalitang ng bynga. Ang bunga ng kakaibang halaman at tila ba kamay na
nag-iimbita. Ito na ang kauna-unahang saging.

You might also like