You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Sampagita

Sa isang kaharian, isang haring ubod ng bagsik, si Raha Mabagsi9k, ang may anak na napakaganda-ganda, si Dayang Luningning. Walang maibigan si Luningning sa mga talisuyo niyang dugong mahal. Mayroon na siyang iniibig, ang mahirap na magsasakang si Makisig. Naaaliw si Luningning ng mga harana ng binate lalo na ng awit na Sumpa Kita. Nalaman ito ng hari kaya pinilit niyang ipakasal ang kanyang anak sa isang prinsipe. Nalaman ito ni Makisig. Sa gabi bago ikasal, hinarana ng binate ang dalaga ng awiting Sumpa Kita. Minsan pang nagsumpaan ang dalawa. Luningning, mahal kita. Hindi kita malilimutan. Tanggapin mo ang halamang ito, tanda ng aking pag-ibig. Hindi kita malilimot. Sumpa kita. Paalam Mula noon, hindi na nakita si Makisig sa kaharian. Patuloy na tumubo at lumago ang halamang may maputi at mabangong bulaklak. Tinawag ng mga tao ng sumpa kita ang bulaklak. Sa katagalan ng panahon, ang sumpa kita ay nagging sampagita.

You might also like