You are on page 1of 8

Sa gitnang-timog na bahagi ng Pilipinas, sa rehiyon ng

Visayas, matatagpuan ang isang kapuluan na pinaliligiran ng


nagtataasang puno at kabundukan. Dito makikita ang Kaharian
ng Mistika. Kung tatanawin sa malayo, kabigha-bighani ang
itsura ng kaharian. Katulad ng mga tipikal na palasyo sa mga
pelikula, ito rin ay tila mapayapa at mahiwaga. Ngunit isa
iyong pagkakamali, dahil ang Kaharian ng Mistika ay hindi
ordinaryo lamang. Ito ay tinitirahan ng mga nanganganib at
mapanganib na uri ng mga hayop. Matatagpuan dito ang mga Dahil sa labis na galit, pumunta si Lapid sa bulwagan
tamaraw, buwaya, tarsier, Visayan Warty pig, Philippine Forest ng kastilyo ni Haring Ferdinand na matatagpuan sa gilid ng
turtle, Walden’s Hornbill, Stegodon Luzonensis, at ang ilog. Sumigaw ito nang sumigaw na siyang pinangambahan ng
Philippine eagle. mga nakarinig nito.

Kabaliktaran sa magandang tanawin ng kaharian, ang “Ferdinand, magpakita ka naman sa nasasakupan


Mistika, sa kasamaang palad ay pinamumunuan ng isang sakim mo! Huwag mo kaming talikuran! Kailangan namin ng
at mapagsamantalang buwaya— si Haring Ferdinand. Tila wala makakain at tahanan!”
itong pakialam sa kaniyang nasasakupan. Mapagmataas,
makasarili, mapang-insulto at mayabang. Kung paano’t natitiis Desperado na kung desperado, ngunit nais lamang ni
ng ibang hayop ang kaniyang ugali, wala lang silang lakas ng Lapid na ipaglaban ang tama. Ilang kalamidad na ang nagdaan
loob na kalabanin siya. Maliban kay Lapid, ang nag-iisang sa kanilang kaharian at hindi man lang ito nasolusyunan ng
Stegodon Luzonensis o uri ng elepante sa Mistika. mga naghaharing buwaya. Kailan pa nila ito magagawan ng
paraan? Kung ang Mistika ay tuluyan nang maanod at mabura
sa mapa?

“Ferdina—” Naudlot ang pagsigaw ni Lapid nang


Isang araw, umulan nang malakas at ang mga kapunuan biglang magpakita ang kaniyang tinatawag. Nilapitan niya si
ay nilipad ng hangin. Sunod-sunod ang pagkulog na siyang Lapid at akmang sasakmain ito, ngunit hindi natinag ang huli
ikinabahala ng mga hayop. Nasira ang kanilang mga tahanan at na siyang ikinamangha ng hari.
mukhang mawawalan pa ng makakain. Binagyo na sila’t lahat “Magaling. Matapang.” Saad ni Haring Ferdinand
ngunit wala pa ring naging hakbang ang hari. habang dahan-dahang pinalibutan si Lapid. “Tignan lang
natin kung hanggang kailan mananatili ‘yang tapang mo.”
Makahulugang sabi nito at agad namang umalis. Napapadyak Ang kaniyang pagpanaw ay tiyak hudyat ng panibagong
na lamang sa inis si Lapid, dahilan upang bahagyang yumanig. pighati at paghihiganti.

Pagkalipas ng ilang araw, nakapagtatakang humupa ang Tatlong araw matapos malibing si Lapid, samo’t saring
kaguluhan sa Mistika. Nanumbalik ang dati nitong awra, ngunit paninira ang kumalat patungkol sa pamumuno ni Haring
masyadong mapayapa… Nakakatakot. Nakababahala. Ferdinand. Halos lahat sa mga hayop ay hindi na
nangangambang magsalita ng masama sa hari.
“Masamang balita! Masamang balita!”
Dumagundong ang tinig ng isang Walden’s Hornbill. Si Lian Ang takot sa kanilang mga puso ay napalitan ng
Buan, ang siyang pakpak ng bawat balita sa Mistika. kagustuhang makatakas sa mga naghaharing puri.

Lumipad ito at dumapo sa pinakamataas na puno sa “Naiinis na ako sa buwayang ‘yan! Ano’t parang
kaharian. Ilang beses pa itong humuni upang makuha ang wala siyang ginagawa upang mapangasiwaan ang
pansin ng kahayupan. At nang halos lahat ay nakatingala na sa Mistika?” Ani Chel, isang tamaraw na matagal nang kritiko ni
kaniya, itinanghal niya ang isang balitang hindi kailanman Ferdinand.
gustong marinig ng mga hayop sa Mistika.
“Ni hindi nga siya nagpapakita rito sa lupa.
“Tuluyan nang naglaho ang mga uri ng Stegodon Nagpapakahari ang hari sa kaniyang lungga,”
Luzonensis sa kaharian!” makahulugang dagdag naman ni Risa, isang baboy ramo.

“Nawala na ang natatanging Stegodon sa buong Natigil lamang ang kanilang pag-uusap nang dumating
kapuluan!” si Leni, isang babaeng agila. Ang tunay na simbolo ng
katapangan, kalayaan at karunungan. Bihira lang umuwi sa
“Patay na si Lapid!” Mistika si Leni sapagkat ginugugol niya ang kaniyang oras sa
paglilibot sa labas ng kaharian. Ngunit sa bawat pag-uwi niya,
Paulit-ulit itong isinigaw ni Lian Buan na siyang tiyak isa itong magandang balita.
sinabayan din ng pagtangis ng mga kahayupan.
Para sa kanila, si Lapid ay tunay na bayani. Siya “Leni! Maligayang pagbabalik sa Mistika!” Puno ng
lamang ang naglakas-loob na kalabanin ang sakim na hari. kagalakang pagbati ni Risa. “Ano’t napabisita ka rito?”
“Aking naulinigan ang pagkamatay ni Lapid.” Namutawi ang nakabibinging katahimikan. Pati ang
Biglang natahimik ang mga hayop. Ramdam ang tensiyon sa buwaya’y tila naputulan ng dila.
bawat sulok ng Mistika, gayon din ang pait at sakit sa boses ng
agila. “Sino ba ang pumaslang ng inosenteng hayop?!
Hindi ba’t ikaw?!”
Si Lapid ay isang matalik na kaibigan ni Leni. Pareho
silang matatapang na ipinaglaban ang karapatan ng mga hayop Kaliwa’t kanang pagsinghap ang maririnig. Hindi
sa Mistika. Pareho ring tanyag na mga kritiko ni Haring makapaniwala sa katotohanang nanaig. Tila sirang plakang
Ferdinand. Kaya’t ang mabalitaang wala na si Lapid ay tila nagpaulit-ulit ang kaniyang tinig. Pinaslang, pinaslang,
isang punyal na tumarak sa kaniyang dibdib. Masakit at pinaslang…
nakagagalit.

Dahil sa labis na emosyon, umungol ito nang malakas, Si Lapid ay pinaslang ng hari?
sapat upang marinig ng mga buwaya sa ilalim ng ilog. Nagitla
naman si Haring Ferdinand na naging dahilan upang siya’y
umahon para parusahan ang mapangahas na agila.

“Anak ng pating naman, oh! Hindi ka ba nahihiyang


maghasik ng gulo, eh kararating mo lang sa kaharian ko?”
Galit na saad ng hari.

Sarkastikong tumawa si Leni at agad lumipad sa itaas ni


Haring Ferdinand. Napatingala naman ang buwaya sa agila na
siyang ikinagigil nito. Para sa hari, nakakapangbaba ng
dignidad na tingalain ang isang ‘di hamak na hayop lamang.

“Ako ba ang dapat mahiya?” Tanong ni Leni na


ikinakunot-noo ni Haring Ferdinand.
“Sino ba sa ating dalawa ang naghasik ng dahas
upang mapatahimik ang isang hayop? Hindi ba’t ikaw?”
Ilang araw matapos ang hindi inaasahang rebelasyon,
biglang natahimik ang kampo ng mga buwaya. Ang Mistika ay
tila naging isang simpleng lugar na lamang. Wala halos ingay
na maririnig at walang pagala-galang mga hayop. Parang
walang buhay.

Samantala, sa palasyo ng mga buwaya, problemado


ang hari dahil nabuking ang kaniyang sikreto. Hindi ito
mapakali na siyang palihim na ikinatawa ng mga kapwa nito
buwaya.

“Ngayon ko lang yata ‘yan nakitang balisa,


kawawang hari,” bulong na usal ng isang buwaya habang
sinisilip ang hari sa kaniyang silid.

“Karma niya na ‘yan. Masyado siyang


mapagmataas!” Galit na saad naman ng isa. “Sinolo ba
naman ang kayamanan ng Mistika, hindi man lang nag-
abalang hatian tayo? Buwaya talaga.”

Nagtinginan sila. “Buwaya rin naman tayo, ah?” At


napuno ng tawanan ang palasyo habang ang hari ay patuloy pa
ring namomroblema sa kaniyang silid.

Kawawang hari, tinalikuran din ng sarili niyang uri.


Habang siya ay nahuhulog sa isang malaking dagok, palihim
lang itong tinatawanan na tila isa siyang malaking kahibangan.
Sa hilagang bahagi ng Mistika kung saan matatagpuan Iyon ang tanong ni Leni sa pagong na tiyak narinig din
ang libingan ng mga hayop, may isang palipad-lipad na agila ng tarsier. Kumunot ang noo nila pareho kung kaya’t
malapit sa puntod ni Lapid. ipinaliwanag ni Leni ang nais niyang mangyari.

“Sisiguraduhin kong hindi masasayang ang iyong “Nais niyo rin ng hustisiya, hindi ba? P’wes, tayo na
sakripisyo, aking kaibigan.” Nag-alulong ang agila. ang gumalaw at maghanap ng paraan upang makamit
“Makakatakas din ang mga hayop sa sakim na rehimen.” iyon.” Mariing saad ng agila. Ibinuka niya ang kaniyang mga
pakpak at iwinasiwas ito.
Kasabay ng pagaspas ng kaniyang pakpak ay ang
biglaang pagkulog. Naging makulilim ang langit, hudyat ng “May plano ako…”
panibagong lagim. Lumipad nang kay tayog ang agila, sapat
upang makuha ang pansin ng mga hayop. Nanlaki ang mga mata ng tarsier habang napasinghap
naman ang pagong.
“Sandali… Hindi ba’t si Leni iyon? Anong ginagawa
niya sa libingan?” Tanong ng isang pagong. “At ano naman iyon, Leni?” Lumabas sa
pinagtataguan si Risa, kanina pa itong nakikinig sa usapan.
“Ano pa nga ba? E ‘di binibisita ang matalik niyang
kaibigan.” Sagot naman ng isang tarsier. “Ang tanong: nais niyo bang maging parte ng
plano?” Tinignan nang seryoso ni Leni ang tatlong hayop.
“Kay lungkot nga talaga ng kaniyang sinapit. Ilang minuto ang nanaig hanggang sa napatango ang mga ito na
Nawa’y makamtan niya ang hustisyang nararapat para sa siyang ikinasaya ni Leni.
kaniya.” Ayon ang isinatinig ng pagong bago niya makita si
Leni na dumapo sa sanga ng punong malapit sa kaniya. “L- Nasa isip nitong malapit na ang panahon na
Leni! Nandiyan ka pala!” matatakasan nila ang mga sakim na buwaya. Abot-kamay na
nila ito. Kung magkakapit-bisig ang lahat ng hayop sa Mistika,
Dahan-dahang lumipad si Leni papunta sa pagong. tiyak maaninag na nila ang liwanag sa dilim.

“Gusto mo rin ng hustisya?”


Habang nananahimik ang palasyo, sinamantala iyon ni
Leni na isagawa ang kaniyang plano. Hinimok niya ang mga
hayop na sumali sa kaniyang paghihimagsik laban sa mga
buwaya. Samantala, nagprisinta naman sina Risa, Chel, at
maging si Lian Buan na mangasiwa.

Dahil sa pinagsama-samang lakas at determinasyon,


nagawa nilang mapasali ang halos lahat na uri ng hayop sa
Mistika. Iisa lamang ang kanilang hangarin at adhika:
mapababa sa pwesto ang mga buwaya — at mapalitan si
Haring Ferdinand.

Pagkaraan ng isang lingo, lahat ng mga hayop sa


Mistika ay naghile-hilera sa isang mahabang linya. Ito ay
pinangungunahan ng mga tamaraw, at baboy ramo, na siyang Habang nasa ilog si Ferdinand, nakarating ang balita sa
sinundan naman ng mga tarsier, at pagong. Ang nasa hulihan kaniya patungkol sa paghihimagsik ng mga hayop. Hindi niya
naman ay ang grupo ng mga agila, at walden’s hornbill. malaman ang dapat maramdaman sapagkat hindi niya alam
kung saan siya nagkulang. Ngunit sa kaibuturan ng kaniyang
Simple lamang ang kanilang plano. Ang magbaybay sa puso, alam niyang siya’y nagkamali. Pumaslang, nagnakaw at
kahabaan ng Mistika hanggang mapababa sa pwesto si Haring naging makasarili siya sa kaniyang nasasakupan. Siya’y
Ferdinand. Hindi nila nanaising idaan sa dahas ang rebolusyon. sumobra… at nagkulang.
Mapayapa, tahimik, at walang dugo ang dadanak. Ang gusto
lamang nila ay pagbabago. Panibagong simula kung saan ang “Kamahalan, hindi ba’t nakatatawa silang
Kaharian ng Mistika ay makahinga mula sa hindi pagmasdan? Tila mga nawawalan ng isip!” Tumawa nang
makatarungan, hindi makabuluhang pamumuno ng mga malakas ang kanang kamay ni Haring Ferdinand, ngunit
buwaya. Panahon na upang bumangon, panahon na upang nanatiling seryoso ang huli.
magbago.
“Hindi ka ba natutuwa, Haring Ferdinand?” Paulit- Apat na araw ang itinagal ng rebolusyon hanggang sa
ulit iyong tumunog sa kaniyang isipan. Natutuwa ba talaga nagawa nilang matalo ang mga buwaya. Dahil sa pinagsamang
siya? lakas ng mga hayop, magbabalik na muli ang Mistika – mas
maunlad na kahariang pamumunuan ng mga agila.
“Tama na.” Dalawang salita. Maraming ibig sabihin.
Ngunit alam nilang dalawa kung ano ang ipinahihiwatig.
Ang pagiging sakim ay hindi kailanman gawain ng mga
“Tama na? Nagkamali ba ako ng narinig? namumuno. Ang tunay na tagapamahala ay hindi kailanman
Nahihibang ka na ba?” Sunod-sunod na tanong ng kaniyang pagkakaitan ang kaniyang nasasakupan. Sapagkat ito ay hindi
kanang-kamay. Hindi nito gusto ang kaniyang narinig mula sa basta-bastang posisyon lamang: ang pagiging lider ay may
hari. katumbas ding responsibilidad na nararapat isaisip at isagawa.

“Pakinggan naman natin ang kanilang tinig kahit


ngayon lang.” Napasinghap na lamang ang kausap nitong Hindi kagaya ni Haring Ferdinand sa kuwento, tayo’y
buwaya at agad umalis dahil alam nito sa sariling wala na maging bukas sa kritisismo, maging responsible at makisama
siyang magagawa pa. sa kapwa. Maging si Lapid at Leni na handang ipaglaban ang
kung alin ang tama.

Huwag magbulag-bulagan. Minsan, ito ang sanhi ng


mas malaking problema. Ang mga nananatiling bulag ay ‘sing
sama lang din ng mga buwaya.

Makinig sa mga suhestiyon at respetuhin ang mga


desisyon. At higit sa lahat, huwag manahimik, huwag
magpapatahimik, at huwag magpatahimik kung ayaw mong
sumobra… at kumulang.
Pagtatapos

Ang pabulang ito ay hango sa totoong buhay. Ang mga ginamit


na pangalan ay nanggaling sa mga tanyag na personalidad sa
larangan ng politika ng Pilipinas. Samantala, ang mga hayop na
gumanap ay ang mga endangered species na matatagpuan sa
bansa.

You might also like