You are on page 1of 2

ANG LAMOK AT ANG LEYON

Minsang namamahinga sa tabing ilog ang Leyon ay naisipan itong buwisitin ng Lamok.
“Hoy, Leyon! Ikaw ba ng Hari ng Kagubatan.”
Tumindig ang Leyon at hinanap kung saan nanggagaling ang boses. Nang walang Makita ay
muli itong nagbalik sa may damuhan. Habang ikinikiskis nito ang matatalim na ngipin sa
batuhan ay may narinig siyang busina na paikot- ikot sa kanyang tenga.
“Hoy lyon.. Leyon,” pangisi- ngising usisa ng pilyong Lamok na dumapo pa sa ilong ng
nakangunot na Leyon.”tinatanong kita. Ikaw ng aba ang Hari ng Kagubatan?”
“Oo,ako nga ! Hindi m ba alam? Ako ang Haring dapat igalang ng sinumang naninirahan sa
kagubatan!” pagyayabang ng Leyon.
“Teka, teka. Bakit ikaw ang dapat na maging Hari. Para sa akin wala kang karapatang
mamuno sa kapaligiran. Hindi ako hanga sa iyong pagtatapang- tapangan!”
Tumayo sag alit ang mga tenga ng Leyon. Tumindig din sa kabangisan ang mga balahibo
nito.
“Grr…” nanlilisik ang mga matang hinampas ng Hari ang ilong upang patayin ang maliit na
lamok na madaling nakalipad at mailing nagbaon ng panusok sa pisngi ng Hari.
“Aruy! Aruy!” nagkikisay sa sakit ang Leyon.
“May Hari bang ganiyan? Isang tusukan lang ng insektong katulad ko ay nag- aaruy na? Ako
ang dapat tanghaling hari. Maliit man ay may panandaan naming makapagpapa- aruy sa
hari- hariang di dapat patungan ng korona ng kagitingan!”
Lumipad na naman nang paikot-ikot ang nambubuwisit na Lamok. Kahit maliit lang ang
pangangatawan ay pinagalaw naman niya ang laki ng lanyang kaisipan.
Nang ituturok nan man niya ang matulis na panurok ay tumalon na sa gitna ng sapa ang
takut na takot na Leyon. Napag- isip- isip ng Lamok na mabisa pala ang matulis niyang
panusok. Sa mariing tusok lang ay nagkokoromba na sap ag- aruy ang pobreng Hari ng
kagubatan.
Tuwang- tuwa sa kahahagikgik ang pilyong Lamok. Tuwang- tuwang naglilipad sa paligid-
ligid ang insektong may matulis na panurok. Sa kasamaang palad ay nasabit ang pakpak
niya sa sapot sa mga sanga ng puno ng banaba.
Sa pagpipilit na ikampay ang mga pakpak ay napakapit siya sa malagkit na sapot ng
Gagamba. Sa pagpipiltna mkawalaay lalong nagkasabit-sabit ang mga paa at buong
katawan ng LamokNang dumating ang gutum ng gagmba y maluwag sa loob na tinanggap
ng Lamok ang kapalaran niya. Ang ikinalulungkot lang ng Lamok ay nailublob niya sa sapa
ang higanteng Leyon pero maliit na gagamba lang pala ang sa kaniya ay lululon.

You might also like