You are on page 1of 19

Balangkas ng

kwento
Ano ang balangkas
o
plot??
-ang balangkas o plot ay
Ang pagkasunod-sunod
Ng mga pangyayari sa
Kwento.
PANIMULA-AY MAAARING
NAGPAPAKILALA SA MGA
TAUHAN NG KWENTO O
PAGLALARAWAN NG
TAGPUAN O PANGYAYARI
SA KWENTO.
PATAAS NA AKSYON-
NAGBIBIGAY NANG MAAK-
SYON TAGPO SA
KWENTO.
KASUKDULAN-
PINAKAPANAPANBIK SA
KWENTO.
PABABANG AKSYON-
NAGPAPAKITA NG
PAGLUTAS NG SULIRANIN
WAKAS- KATAPUSAN O
KINAHIHINATNAN NG
TAUHAN SA KWENTO.
ang leon at
daga
May isang Leyong mahimbing na
natutulog sa ilalim ng puno nang may
lumapit ditong isang Daga. Inakala ng
Daga na tuyong damo ang buhok ng
leyon kaya kinutkut-kutkot niya ito.
Nagising ang Hari ng kagubatan at
mabilis na umiktad at dumamba-
damba na ikinahulog ng pobreng Daga.
Dali-daling sinakmal ng matutulis na kuko ng
Leyon ang gumambala sa kaniyang pagtulog.

“Pa… patawarin ninyo ako, mahal na Hari. Hindi


ko sinasadya ang paggambala sa inyong pagtulog.
Marami po ang mga anak ko na dapat pakainin.
Kung mapapalaya ninyo ako ay tatanawin ko
itong malaking pagkakautang. Makakabayad din
po ako sa inyo sa hinaharap.”
“Hindi man lang ako mabubusog kung kakainin
kita. Sige, makalalaya ka na!”
Isang araw ay makikitang paikut-ikot sa
gubat ang Leyon. Naghahanap siya ng
pagkain sa pananghalian. Nang matanawan
ang nakabiting inihaw na tapa ng Usa sa
isang puno ng akasya ay dali-dali itong
nagtatakbo. Sa kasamaang palad, bitag pala
iyon ng mga mangangaso.Nakulong sa
makakapal na lubid ang Hari ng kagubatan.
Hindi siya makawala sa bitag. Pinilit niyang
magdadamba pero napatali pati mga paa
niya. Walang nagawa ang lakas ng Hari.
Nagkataong nagdaraan ng tanghaling iyon ang
Daga kasama ang kaniyang mga anak. Naisip ng
Inang Daga ito ang oras na kailangang bayaran
niya ang pinagkakautangan ng buhay.
Dali-daling lumapit ang Daga at
pinagngangatngat ang makapal na lubid sa paa
ng Leyon. Inutusan niya ang mga anak na
ngatngatin naman ng mga ito ang makakapal na
lubid sa ulunan ng Hari. Sa tulung-tulong na
pagkagat sa mga lubid ay napalaya ng mga Daga
ang Leyon.
“Dati-rati ay minaliit ko ang katauhan
mo,” pagpapakumbaba ng Leyon.
“Totoo nga pala na kung may
malalaking nakakatulong sa maliliit ay
makatutulong din ang maliliit sa isang
higanteng katulad ko.”
Naging matalik na magkaibigan ang
Daga at ang Leyon magmula noon.
 
Aral: May maliit na
nakapupuwing.
Gawin sa
Gawan ng balangkas
kwaderno.gawan
O plot ang kwento
Ng balangkas ang
kwento!!!!
PROJECT IN FILIPINO
BY:CZARINA MARIE T.GAERLAN

You might also like