You are on page 1of 1

May isang Leyong mahimbing na natutulog sa ilalim ng puno nang

may lumapit ditong isang Daga. Inakala ng Daga na tuyong damo ang
buhok ng leyon kaya kinutkut-kutkot niya ito. Nagising ang Hari ng
kagubatan at mabilis na umiktad at dumamba-damba na ikinahulog ng
pobreng Daga. Dali-daling sinakmal ng matutulis na kuko ng Leyon ang
gumambala sa kaniyang pagtulog.

“Pa… patawarin ninyo ako, mahal na Hari. Hindi ko sinasadya ang


paggambala sa inyong pagtulog. Marami po ang mga anak ko na dapat
pakainin. Kung mapapalaya ninyo ako ay tatanawin ko itong malaking
pagkakautang. Makakabayad din po ako sa inyo sa hinaharap.”

“Hindi man lang ako mabubusog kung kakainin kita. Sige, makalalaya ka
na!”

Isang araw ay makikitang paikut-ikot sa gubat ang Leyon.


Naghahanap siya ng pagkain sa pananghalian. Nang matanawan ang
nakabiting inihaw na tapa ng Usa sa isang puno ng akasya ay dali-dali
itong nagtatakbo. Sa kasamaang palad, bitag pala iyon ng mga
mangangaso.

Nakulong sa makakapal na lubid ang Hari ng kagubatan. Hindi siya


makawala sa bitag. Pinilit niyang magdadamba pero napatali pati mga paa
niya. Walang nagawa ang lakas ng Hari.

Nagkataong nagdaraan ng tanghaling iyon ang Daga kasama ang


kaniyang mga anak. Naisip ng Inang Daga ito ang oras na kailangang
bayaran niya ang pinagkakautangan ng buhay.

Dali-daling lumapit ang Daga at pinagngangatngat ang makapal na


lubid sa paa ng Leyon. Inutusan niya ang mga anak na ngatngatin naman
ng mga ito ang makakapal na lubid sa ulunan ng Hari. Sa tulung-tulong na
pagkagat sa mga lubid ay napalaya ng mga Daga ang Leyon.

“Dati-rati ay minaliit ko ang katauhan mo,” pagpapakumbaba ng


Leyon.

“Totoo nga pala na kung may malalaking nakakatulong sa maliliit ay


makatutulong din ang maliliit sa isang higanteng katulad ko.”

Naging matalik na magkaibigan ang Daga at ang Leyon magmula


noon.

You might also like