You are on page 1of 2

Ang alamat ng daga at leyon

May isang leyon mahimbing na natutulog sa ialim ng puno nang may


lumapit ditong isang daga. Inakala ng daga na tuyong damo ang
buhok ng leyon kaya kinutkut-kutkot niya ito. Nagising ang hari ng
kagubatan at mabilis umiktad at dumamba-damba na ikinahulog
ng pobreng daga. Dali-daling sinakmal ng matutulis na kuko ng
leyon ang gumambala sa kaniyang pagtulog.

“Pa…patawarin ninyo ako, mahal na hari. Hindi ko sinasadya ang


paggambala sa inyong pagtulog. Marami po ang mga anak ko na
dapat pakainin. Kung mapapalaya ninyo ako ay tatanawin ko itong
pagkakautang. Makakabayad din po ako sa inyo sa hinaharap”
“hindi man lang ako mabubusog kung kakainin kita. Sige ,
makakalaya ka na!
Isang araw ay makikitang paikot-ikot sa gubat ang leyon.
Naghahanap siya ng pagkain sa pananghalian. Nang matanawan
ang nakabiting inihaw na tapa ng usa sa isang puno ng akasya ay
dali-dali itong nagtatakbo. Sa kasamaang palad. Bitag pala iyon ng
mga mangangaso.
Nakulong sa makakapal na lubid ang hari ng kagubatan. Hindi siya
makawala sa bitag. Pinilit niyang magdadamba pero napatali pati
mga paa niya. Walang nagawa ang lakas ng Hari.
Nagkataong nagdaraan ng tanghaling iyonang daga kasama ang
kaniyang mga anak. Naisip ng inang daga ito ang oras na
kailangang bayaran niya ang pinagkakautagan ng buhay.
Dali-daling lumapit ang daga at pinagngangat-ngat ang makapal
na lubid sa paa ng leyon. Inutusan niya ang mga anak nangatngatin
naman ng mga itoang makakapal na lubid sa ulunan ng hari. Sa
tulong-tulong na pagkagat sa mga lubid ay napalaya ng mga daga
ang leyon.
“Dati-rati ay minaliit ko ang katauhan mo” pagpapakumbaba ng
leyon.
“Totoo nga pala na kung may malalaking nakakatulong sa maliliit
ay makakatulong din ang maliit sa isang higanteng tulad ko”
Naging matalik na magkaibigan ang daga at ang leyon magmula
noon.

mga maliliit na
Aral: May
nakakapuwing
Gawa ni: Jasmine Belle D. Futo
Seksyon: 6—D

You might also like