Professional Documents
Culture Documents
I. Layunin
II. Pagpapahalaga
2.1 Pagganyak
2.2 Kwento
Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang
tigreng naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa kaniyang paglilibot, nahulog siya sa
napakalalim na hukay. Paulit-ulit na sinubukan ng tigre ang makaahon, subalit siya ay
nabigo. Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng tulong subalit walang nakarinig sa
kanya.
Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos.
Gutom na gutom at hapong-hapo na ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip
niyang ito na ang kaniyang kamatayan. Walang ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag.
Nabuhayan siya ng loob at agad tumayo.“Tulong! Tulong!” muli niyang isinigaw.
“Ah! isang tigre!” sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay.
“Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,” pagmamakaawa ng tigre.
Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana
kitang tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring mangyari. Patawad! Ipagpapatuloy
ko na ang aking paglalakbay”, wika ng lalaki at nagpatuloy sa paglalakad.
“Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre. “Huwag kang mag-
alala, pangako ko hindi kita sasaktan.Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ay
nakalabas dito tatanawin kong malaking utang na loob!”
Tila labis na nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang tulungan
ito. Nakahanap siya ng troso at dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay. “ Gumapang ka dito,”
sabi ng lalaki. Gumapang ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigre
ang lalaking tumulong sa kanya. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.
“Sandali!” Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan
mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre.
“Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako
kumain nang ilang araw!” tugon ng tigre.
“Sandali!Sandali!” ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung
tama bang kainin mo ako.”
“Sige,” ang wika ng tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na
kita.Gutom na gutom na ako.”Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang
nangyari.
“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino.“ Bakit
ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga
tahanan at maluto ang inyong mga pagkain? Mga taon ang binibilang namin upang lumaki.
Kapag kami’y malaki na pinuputol ninyo. Ginagamit ninyo kami sa pagpapatayo ng inyong
mga bahay at pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng
butas na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip, Tigre.Sige pawiin mo ang
iyong gutom.”
“Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula nang kami ay maisilang naglilingkod na
kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin.Inaararo
namin ang bukid upang makapagtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay
tumanda na... pinapatay kami at ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat sa
paggawa ng kung ano-anong bagay. Kaya huwag mo na akong tanungin tungkol sa
pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.”
“Ah! Walang kuwenta! Alam mong ang sagot niya.Pareho lang sa sagot ng puno ng
Pino at ng baka.”
“O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!” sagot ng tigre. Isinalaysay ng tigre
at ng lalaki ang nangyari. Matamang nakinig ang kuneho.Ipinikit ang kaniyang mga mata at
pinagalaw ang kaniyang mahahabang tainga.Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang
idinilat ang kaniyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho.
“Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti
ang aking hatol.”
Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay matapos agad
ang usapan nang makain na niya ang tao.
“Ah! ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi
makaahon. Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang
tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng aking hatol. Ang problemang ito ay nagsimula
nang tulungan ng tao ang tigreng makalabas sa hukay”, paliwanag ng kuneho na tila may
ibang kausap. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang
tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa kaniyang
paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa!”
wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paglukso.
III. Pagtalakay
3.1 Tauhan
Tigre- isang hayop na nahulog sa hukay, humingi man siya ng tulong ay walang nakarinig
sa kanya, ngunit kinabukasan ay may isang lalaking manlalakbay ang nakakita at tumulong
sa kanya. Ngunit ang Tigre ay walang utang na loob sa taong tumulong sa kaniya. Kung
kaya nais niyang kainin ang lalaki. Ang Papel niya ay isang walang utang na loob na Hayop.
Lalaki- Isang manlalakbay na nakakita sa Tigre sa hukay kung kaya tinulungan niya itong
makaahon. Ang Papel niya ay isang matulunging tao.
Puno ng Pino- isang puno na may galit at hinanakit sa mga tao. Isang puno na wala ding
naitulong sa pagmamaka-awa ng lalaki. Siya din ang nagbigay ng opinyon na dapat ngang
kainin ng Tigre ang Lalaki. Ang Papel niya ay isang puno na may galit sa tao.
Baka- isang hayop din na may galit at sama ng loob sa mga tao, isa din sa walang naitulong
sa lalaki.Isa din siya sa nagbigay ng opinyon na dapat ngang kainin ng Tigre ang Lalaki. Ang
Papel niya ay isang hayop na may galit sa tao.
Kuneho- isang hayop na malaki ang naitulong sa lalaki, siya ang nagbigay hatol sa malaking
problemang kinasangkutan ng matulunging lalaki. Sa kanyang matalinong pag-iisip ang
lalaki ay nailigtas sa kamay ng walang utang na loob na Tigre. Ang papel niya ay
tagapagligtas ng lalaki.
3.2 Tagpuan
Kagubatan- kung saan naroon ang lahat ng mga hayop, dito sila naninirahan at matiwasay
silang namumuhay sa kagubatan.
3.3 Simbolismo
Pangil- gaya ng isang tigre dahil sa angkin nitong laki at tapang handa niyang kainin ang
lalaki na walang kamuwang-muwang at iniligtas pa siya nito sa bingid ng kamatayan. At
gaano man pagtakpan ng tigre ang kanyang tunay na pag-uugali ay makikita at makikita pa
rin ito.
Anghel- sapagkat ang kuneho ang siyang naging tagapagligtas ng lalaki kung wala siya ay
makakain na ng tuluyan ang lalaki.
3.4 Teorya
Ang teorya sa Ang Hatol ng Kuneho, sapagkat lingid na sa ating kaalaman na hindi
lang mga hayop ang mapaglinlang at sinungaling mayroon ding mga iilang tao na may
ganoong pag-uugali, at nanaisin pa nilang mapahamak ang isang tao na siyang nagligtas ng
kanilang buhay gaya na lamang ng ginawa ng tigre na kaya nyang kainin ang lalaking
nagligtas sa kanya sa bingid ng kamatayan, hindi man lamang ito tumanaw ng utang na
loob dito. Gaya na lamang dito sa ating mundong ginagalawan ay mayroong mga taong may
ganoong pag-uugali at mayroon rin namang mga mabubuting pag-uugali na taglay ng
kuneho na napakita sa akda na siya ang sumagip sa buhay ng lalaki upang hindi ito makain
ng tigre.
IV. Pagsasanay