Professional Documents
Culture Documents
(Pagtatanghal)
TAGAPAGSALAYSAY: Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang
propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya,
natupad ang pangarap niyang maging isang doktor.
EKSENA 1:
(Ang mga aktor ay aaktong nasa graduation ng mga estudyante ng abogasya)
KUYA 1: Kumusta ka Adrian? Anong balak mong kuning kurso sa kolehiya? dalawang taon na akong abogado
at ang kuya mo ngayon at graduate na rin ng abogasya.
KUYA 2: Oo nga, Adrian. Mas maganda kung magiging abogado ka rin tulad namin ni Kuya.
ADRIAN: Maraming salamat po sa suporta ninyo mga kuya ngunit iba ang daan na nais kung tahakin. Nais
kong maging isang magaling na doktor balang araw!
KUYA 1: Sige, ikaw ang bahala kung iyan ang iyong nais. Susuportahan ka na lang namin.
ADRIAN: Maraming salamat po.
EKSENA 2:
(Ang mga aktor ay aaktong nasa graduation rites ng magtatapos sa pagdodoktor)
TATAY : Congratulations anak! Sa wakas ay natupad mo na rin ang iyong pangarap na maging isang doktor.
NANAY: Kaya nga Adrian, anak ko. Binabati kita sa iyong pagtatapos. Mahal na mahal ka namin ng tatay at
mga Kuya mo.
KUYA 1 & 2: Oo nga, Adrian. Maligayang pagtatapos! Masayang-masaya kami para sa iyo. (masayang bati ng
dalawa niyang kuya)
ADRIAN: Maraming salamat po sa lahat ng suportang ibinigay ninyo sa akin. (nag-group hug silang lahat)
ADRIAN: (Haharap si Adrian sa mga manonood) Yes! Maraming salamat mahal na Panginoon dahil
tinulungan mo akong makapagtapos! (masaya niyang sambit)
TAGAPAGSALAYSAY: Ngunit sadya yatang itinadhana na matapos ang dalawang taon mula nang siyang
maging ganap na doktor,pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng
ama na noon ay may sakit na ring iniinda.
EKSENA 3 :
(Malungkot ang lahat at ang ilan ay umiiyak sa pagpanaw ng kanilang ina)
ADRIAN: (Habang umiiyak) Mommy! bakit niyo kami iniwan? Gumising ka Mommy at hindi pa kami
handang lumisan ka. Mommy!
KUYA 1: (Umiiyak din) Mommy. Wag ka munang umalis. Hayaan mo munang masilayan ka ng inyong mga
apo.
KUYA 2: Mommy! pakiusap gumising ka!
KUYA 1: (May malungkot na tono) Pasensya ka na Adrian at kailangan muna naming umalis. Alam mo naman
na may mga pamilya na kami ng Kuya mo at may kanya-kanya ng trabaho. Kailangan na namin bumalik sa
America upang ipagpatuloy ang mga business at trabaho namin.
KUYA 2: Ikaw muna ang bahala kay Daddy. Pakialagaan siyang mabuti. Papadalhan ka na lang namin bilang
pangsuporta sa pagpapagamot sa kanya.
EKSENA 4:
ADRIAN: (Habang nasa harap ng kanyang mesa at nakasuot ng gown na pagdoktor ay malalim na nag-
iisip) Mabuti pa ang aking mga kapatid, may sarili na silang pamilya at may kalayaang gawin ang kanilang nais.
Ganoon din sa aking mga katrabaho, napupuntahan nila ang mga lugar na gusto nilang puntahan. Samantalang
ako, nakakulong sa responsibilidad na hindi ko magawang takasan.
TAGAPAGSALAYSAY: Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras naoperasyon,
nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama.
KASAMBAHAY:(Natataranta) Hello Ser, Ser hello po. Nako! dalian niyo pong umuwi ta hindi ko alam ang
aking gagawin. Si Daddy po ninyo! Nako Ser! bilis. Bilis!!
ADRIAN: Ano ka ba Rosing!! Huminahon ka nga. Ano ba kasi ang gusto mong sabihin?!
KASAMBAHAY: (Natataranta pa rin) Kasi si Daddy niyo po, inaatake ng sakit po niya,Ser!
ADRIAN: Sige, Papunta na ako agad dyan!
TAGAPAGSALAYSAY: Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad, naagapan naman niya ang ama.
Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang
kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang
pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili.
EKSENA 5:
ADRIAN: Hanggang kailan kaya ako mananatili sa ganitong sitwasyon? Inggit na inggit na ako sa aking mga
katrabaho. Siguro ay makakatakas lamang ako kapag tuluyan nang mawala si Daddy. (Napaisip siya ng malalim
at maya-maya ay napabulong sa sarili) Paano kaya kung…..
ADRIAN: “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay
ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala.” (Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na
halos hindi na makapaglakad nang maayos.)
TAGAPAGSALAYSAY: Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik na sumama ang
ama. Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila’y nakarating sa isang lugar, huminto ang kotse at pinasan
ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-
minsan ay tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang
maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak.
ADRIAN: “Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y
nagpapahinga, Dad?,”
DADDY: (nakangiti) “Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak,
palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka
maliligaw.”
ADRIAN: (Umiiyak na niyakap ang Ama) Patawad po Daddy! Patawarin niyo ako sa kasalanang ginawa ko
sa inyo.
Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.