You are on page 1of 21

ibalon

Si Baltog, isang bantog na mandirigma, ay mula sa Batavara at naparaan sa Bikol.


Napamahal sa kanya ang Bikol dahil sa maganda nitong tanawin. Lumipas ang mga
taon at siya ay naging hari ng Ibalondia. Siya ay napamahal sa mga tao roon dahil sa
siya’y maunawain, matapang at makatarungan.

Sa gitna ng kasaganaan ay sumipot ang isang dambuhalang baboy-ramo na pumuksa


sa ani ng mamamayan at pumuti ng buhay ng maraming kawal. Si Baltog, ang bayaning
katulad ni Beowulf, ay siyang pumatay sa higanteng baboy-ramo. Nagbalik na muli sa
Ibalondia ang katahimikan.

Nang tumanda si Baltog, sumipot naman sa Ibalondia ang mga higanteng kalabaw,
mga pating na lumilipad at buwayang ganggabangka. Si Handiong na naparaan doon
ang sumagip sa kahambal-hambal na katayuan ng kaharian. Pinagpapatay niya sa
tulong ng kanyang mga kawal ang mga damulag.

May isang kaaway na hindi mapasuko ni Handiong. Ito’y si Oriol na minsa’y ulupong at
minsa’y nakabibighaning binibining nais manlinglang. Siya’y hindi nagtagumpay kay
Handiong. Hindi niya madaya ang bayani kaya kanyang tinulungan ito upang lipulin ang
mga salimaw, ang mga malignong mapanligalig. Si Oriol ay naniniwala sa kasabihang
“Kung hindi talunin, makiisa sa layunin.”

Ang kilabot na si Rabot ay dumating sa Ibalondia. Kung kanyang maibigan, ang mga
tao’y kanyang nagagawang pawang bato. Sapagkat na si Handiong, ang humalili sa
kanya na bagong tagapagligtas ay si Bantong.

Ang dambuhala ay napatay ng makapangyarihang espada ng bagong manunubos.


Dahil sa labanan, ang lupa ay yumanig at umalon ang karagatan. Nang matapos ang
malagim na sagupaan, namalas na may maliliit na pulo sa dagat sa kalapit ng Ibalondia.
Nagbago ng landas ang Ilog Inarinan. Ang bundok ng Bato ay lumubog at ito’y naging
lawa. Namalas sa gitna ng mga sira-sirang paligid ang isang umuusok na bulkan. Iyan
ang Bulkan ng Mayon ngayon.
MANIK BUANGSI

Noon ay may isang sultan na may pitong anak na dalaga. Ang bunso ang pinakamaganda sa
lahat. Ang kanyang pangalan ay Tuan Putli. Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming dugong
bughaw ang lumigaw sa kanya ngunit hindi niya pinansin ang mga ito, sapagkat sa kanyang
panaginip ay nakita na niya ang lalaki na kanyang iniibig. Siya ay si Manik Buangsi.

Datapwat si Manik Buangsi ay hindi isang pangkaranwang tao siya ang nilalang na walang
kamatayan at nakatira sa pook ng mga bathala. Sa panaginip lang niya dinadalaw si Tuan Putli.
Dumating ang araw na hindi na matiis pa ni Manik Buangsi ang kanyang pag-ibig kay Tuan Putli
kung kayat kinausap niya si Allah. Pumayag naman si Allah na bumaba si Manik Buangsi sa
lupa.

Si Manik Buangsi ay nag-anyong isang ginuntuang bayabas. Napasakamay siya ng isang


matandang babae na pulubi. Nang bigyan ni Tuan Putli ang pulubi ng limos ay ibinigay naman
ng pulubi ang prutas sa kanya.

“Itanim mo ito sa hardin,” ang bilin ng pulubi kay Tuan Putli. “ Ang bungang nito ay siyang
iyong kapalaran!”

Itinanim ni Tuan Putli ang bunga. Tumubo agad ito at nagbunga ng marami. Pinitas nito ang
pinakamalaki at pinakamgandang bunga at iyon ay dinala niya sa loob ng kanyang silid.

Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik Buangsi. Sa gabi, nagmumula sa bungang iyon ang
isang kakaibang liwanag. Pagkatapos, lalabas si Manik Buangsi at panonoorin ang mukha isang
magandang dayang-dayang. Saka lamang siya bumabalik sa loob ng bunga kapag tumilaok na
ang manok.

Ngunit sa isang pagkakaton ay nakatulog si Manik Baungsi. Nang magising siya ay nakasikat na
ang araw. Gayon na lamang ang pagtataka ng dalaga. “Kung gayon, isa kang katotohanan!”
bulalas ni Tuan Putli.

Ngumiti si Manik Buangsi. “Oo.” wika niya. “At narito ako upang pakasalan ka!”

Naganap ang kasalan ni Tuan Putli at Manik Buangsi at sa piging na iyon ay bumaba ang mga
bathala mula sa kalangitan upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ni Tuan Putli at Manik
Buangsi. Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli sa lupa. Sa kabilang dako, naninibugho ang
mga kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran. Hanggang sa naisip ng tatlong
dalaga na sirain ang magandang ugnayan ng dalawa.

“Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan Putli. “Maaring isa lamang
siyang masamang espirito!”
“Maganda siyang lalaki,” wika pa ng isa pa. “ Sigurado mo bang ikaw lang ang babaeng
minamahal niya?”

“Sa tingin ko ay isa ka lamang sa mga babaeng dumaan sa buhay niya,” sabi sa kanya ng isa pa,
“Paluluhain ka niya balang araw!”

Dahil sa patuloy sa paninira ng kanyang mga kapatid ay tuluyan nang nalason ang kanyang
isipan. Naging selosa si Tuan Putli sa kalaunan. Palagi na niyang inaaway si Manik Buangsi
hanggang sa dumating ang panahong napuno na si Manik Buangsi.

Ipinasiya niyang bumalik na sa kanyang pinagmulan. Sa kapangyarihang taglay niya ay biglang


lumabas ang isang mabikas na puting kabayo at isang kris. Nagsisi si Tuan Putli at
nagmakaawang isama siya ni Manik Buangsi. Pumayag naman si Manik Buangsi.

Sa kanilang paglalakbay ay biglang binalot sila ng makapal na alikabok. Ang mga dahon ng mga
damo sa paligid ay nagmistulang kris, ngunit buong tapang na sinagupa ni Manik Buangsi ang
lahat. Hanggang sa dumating sila sa isang mahaba at makipot na tulay. Sa ilalim ng tulay ay
isang ilog na kumukulo at mula roon ay maririnig ang daing ng mga nagdudurusa kaluluwa.

Mahigpit ang yakap ni Tuan Putli sa baywang ng asawa.

“Hindi ako magdidilat ng mata,” pangako niya. “ Pipikit ako!”

Nagsimula silang tumawid sa makipot sa tulay, sakay ng kabayo ngunit hindi kaginsa-ginsa’y,
biglang nakarinig ng tinig si Tuan Putli. Siya ang tinatawag nito.

“Tuan Putli! Tuan Putli! Tuan Putli!” daing ng tinig. Ang tinig na iyon at tulad ng kanyang
yumaong ina! Bigla nitong iminulat ang mga mata at tumingin sa ibaba. Dahil sa takot sa nakita
ay nakabitaw ito at nahulog sa kailaliman.

Mula noon mag-isa na lang si Manik Buangsi na nakarating sa kaharian, ngunit malungkot ito sa
pagkamatay ng asawang hindi nakinig sa kanya.

BIDASARI

Buod ng Bidasari (Epikong Mindanao)

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong
ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang
ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga
tao upang magtago sa mg yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka’t ito’y
kumkain ng tao.

SEE ALSO: Humadapnon Buod (Epiko ng Panay)


Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng
Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay
naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at
pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog.

May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa


kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya
itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bidasari. Habang lumalaki si Bidasari ay
lalo pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.

Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal


kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang
sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya’y mahal nito na sasagutin
naman ng sultan ng, “Mahal na mahal ka sa akin”.

Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na


minsan sa sultan, “hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na
maganda kaysa akin?”

Ang naging tugon ng Sultan ay, “Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang
pinakamaganda sa lahat.”

Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng
sultan. Kaya’t karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin
ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.

Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila
Sari.
Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng
sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid
at doon pinarurusahan.

Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin
ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito’y ipinakukuwintas kay
Lila Sari at sa gabi’y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay.
Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.

Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung
gabi. Kaya’t si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala
si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang
magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.

Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang
magandang palasyo. Ito’y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang
mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari.
Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si
Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan
nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga
ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad
niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna.

Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay


matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling.
Ito’y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya
si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng Kembayat.

Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita


ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati
sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si
Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas
dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng
Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na
ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa
INDARAPTRA AT SULAYMAN

Noong unang panahon ay may isang dakilang hari. Siya ay si Indarapatra, hari ng
Mantapuli. Ang Mantapuli ay matatagpuan sa bahaging kanluran ng Mindanao, doon sa
malayong lupain kung saan ang araw ay lumulubog. Si Indarapatra ay nagmamay-ari
ng isang makapangyarihang singsing, isang mahiwagang kris at isang
mahiwagang sibat.

“Hinagud, aking sibat, magtungo ka sa bahaging silangan at lupigin moa ng aking mga
kaaway!” ang makapangyarihang utos ng hari. Pagkatapos magdasal, inihagis niya ang
sibat na si Hinagud nang ubod lakas. Nang makarating na ito sa Bundok
Matuntun, agad na bumalik ito sa Mantapuli at nag-ulat sa kanyang hari.

“Aking dakilang hari, maawa kayo sa mga taga Maguindanao. Sila’y pinahihirapan at
kinakain ng mga walang-awang halimaw. Sinisira ng mga halimaw ang kanilang mga
pananim at ang mga kabahayan. Binabalot ng mga kalansay ang kalupaan!” ulat ni
Hinagud.

Nagalit si Indarapatra sa narinig. “Sino ang mga halimaw na iyon na walang-awang


pumapatay sa mga walang kalaban-laban na mga taga-Maguindanao?” galit na tanong
ni Indarapatra.

“Ang una po ay si Kuritang maraming paa at ganid na hayop sapagkat sa pagkain,


kahit limang tao’y kayang maubos,” sagot ni Hinagud. “Ang ikalawa’y si Tarabusao. Isa
siyang halimaw na mukhang tao na nakatatakot pagmasdan. Ang sinumang tao na
kanyang mahuli’y agad niyang kinakain. Ang ikatlo’y si Pah, isang ibong malaki. Ang
bundok ng Bita ay napadidilim sa laki ng kanyang mga pakpak. Ang lahat ng tao’y sa
kweba na naninirahan upang makaligtas sa salot. Ang ikaapat ay isa pang ibon na may
pitong ulo, si Balbal. Walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na mata pagkat
maaari niyang matanaw ang lahat ng tao.” Sunud-sunod na paliwanag ni Hinagud.

Nang marinig ito ni Indarapatra, nagdasal siya at inutusan ang kapatid na si Sulayman,
ang pinakadakilang mandirigma ng kaharian. “Mahal kong kapatid, humayo kayo at
tulungan ang mga taga-Maguindanao. Heto ang aking mahiwagang singsing at si Juru
Pakal ang aking mahiwagang kris. Makakatulong sa iyong pakikidigma ang mga ito.”
Kumuha si Indarapatra ng isang batang halaman at ipinakiskis niya ang singsing na
ibinigay kay Sulayman sa halaman at kanyang sinabi,”Ang halamang ito ay
mananatiling buhay habang ikaw ay buhay at mamamatay ito kung ikaw ay
mamamatay.”

At umalis si Sulayman sakay ng kanyang vinta. Lumipad ang vinta patungong silangan
at lumapag sa Maguindanao. Biglang dumating si Kurita. Biglang tumalon si Juru Pakal,
ang mahiwagang kris, at kusang sinaksak si Kurita. Taas-baba si Juru Pakal hanggang
mamatay si Kurita.

Pagkatapos nito ay kinalaban naman si Tarabusao. “Lisanin mo ang lugar na ito, kundi
ay mamamatay ka!” ang malakas na utos ni Sulayman.

“Lisanin ang lugar na ito! Nagkasala ang mga taong ito at dapat magbayad!” sagot ni
Tarabusao.

“Narito ako upang tapusin na ang inyong kasamaan”” ang matapang na sabi ni
Sulayman.

“Matalo man ako, mamamatay akong martir!” sagot ni Tarabusao. Naglaban sila at
natalo ni Sulayman si Tarabusao.

Naglakad si Sulayman sa kabilang bundok upang sagupain si Pah. Ang bundok Bita ay
balot ng mga kalansay at ng mga naaagnas na bangkay. Biglang dumating si Pah.
Inilabas ni Sulayman si Juru Pakal at pinunit nito ang isang pakpak ni Pah. Namatay si
Pah ngunit nahulog ang pakpak nito kay Sulayman. Namatay si Sulayman.

Sa Mantapuli, namatay ang tanim na halaman ni Indarapatra. Agad siyang nagtungo sa


Maguindanao at hinanap ang kapatid. Nakita niya ito at siya’y nagmakaawa sa Diyos na
buhayin muli ang kapatid. Tumagis siya ng tumangis at nagdasal kay Allah.

Biglang may bumulwak na tubig sa tabi ng bangkay ni Sulayman. Ipinainom ito ni


Indarapatra kay Sulayman at biglang nagising pagkainom. “Huwag kang umiyak, aking
kapatid, nakatulog lang ako nang mahimbing,” sabi ni Sulayman. Nagdasal sila
Indarapatra at Sulayman upang magpasalamat sa Diyos. “Umuwi ka na, aking kapatid,
at ako na ang tatapos kay Balbal, ang huling halimaw,” utos ni Indarapatra. Umuwi si
Sulayman at nagtungo si Indarapatra sa Bundok Guryan at doon nakipaglaban kay
Balbal.
Isa-isang pinutol ni Indarapatra ang mga ulo ni Balbal hanggang isa na lamang ang
natira. Dahil ditto, lumisan si Balbal na umiiyak. Inakala ni Indarapatra na namatay na si
Balbal habang tumatakas. Ngunit ayon sa matatanda ay buhay pa si Balbal at patuloy
na lumilipad at humihiyaw tuwing gabi.

Pagkatapos ng labanan, naglakad si Indarapatra at tinawag ang mga taong


nagsipagtago sa kuweba ngunit walang sumasagot. Naglakad siya nang naglakad
hanggang siya’y magutom at mapagod. Gusto niyang kumain kaya’t pumulot siya ng
isda sa ilog at nagsaing. Kakaiba ang pagsasaing ni Indarapatra. Inipit niya ang palayok
sa kanyang mga hita at umupo siya sa apoy upang mainitan ang palayok. Nakita ito ng
isang matandang babae. Namangha ang matandang babae sa taglay na kagalingan ni
Indarapatra. Sinabihan ng matanda na maghintay si Indarapatra sa kinalalagyan
sapagkat dumaraan doon ang prinsesa, ang anak ng raha. Umalis ang matandang
babae dala ang sinaing ni Indarapatra.

Paglipas ng ilang sandali ay dumaan nga ang prinsesa at nakuha ni Indarapatra ang
tiwala nito. Itinuro ng prinsesa kung saan nagtatago ang ama nito at nalalabi sa
kaharian nila. Nang Makita ni Indarapatra ang raha, inialay ng raha ang kanyang pag-
aari kay Indarapatra. Ngunit tinanggihan ito ni Indarapatra bagkus kanyang hiningi ang
kamay ng prinsesa.

Sa maikling panahong pananatili ni Indarapatra sa Maguindanao, tinuruan niya


ang mga tao kung paano gumawa ng sandata. Tinuruan niya kung paano maghabi,
magsaka, at mangisda.

Pagkalipas ng ilang panahon pa, nagpaalam si Indarapatra. “Tapos na ang aking pakay
rito sa Maguindanao. Ako ay lilisan na. Aking asawa, manganak ka ng dalawa, isang
babae at isang lalaki. Sila ang mamumuno rito sa inyong kaharian pagdating ng araw.
At kayong mga taga-Maguindanao, sundin ninyo ang aking kodigo, batas, at
kapangyarihan. Gawin ang aking mg utos hanggang may isang mas dakilang hari na
dumating at mamuno sa inyo,” paalam ni Indarapatra.

BANTUGAN
Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe
ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa
pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na
ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang
mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at
siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng
Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si
Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng
pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang
gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si
Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay
Haring Madali.
Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin
ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni
Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni
Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan
at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali.
Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si
Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang
Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran.
Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa
bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik
ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang
pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng
Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni
Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan.
Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring
Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang
panahon.

DARANGAN
ayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak
na lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si Prinsipe
Bantugan. Sa murang edaday nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang
katangian na higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging
sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si Prinsipe Bantugan ay
napakatalino. Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at palaso. Taglay
niya ang lakas na kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong
labanan.
Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo ay nang makita siya
nang mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwaya na nakapatay sa ilang
taong-bayan. Hindi makapaniwala ang mga taong-bayan sa kanilang nakita
pagkatapos ng pagtutuos.

Napakalakas niya! ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang patay na
buwaya.
Paano nakaya ng isang tao na ganito kabata na patayin ang buwaya? Sinasapian
siguro siya ng mga diyos! sabi naman ng isa.
Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw! sabi ng pinuno
ng bayan.
Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging
pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan ang mga
sundalo sa labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian. Ang
kanyang pangalan ay naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na
kaharian. Hindi nagtagal ay wala nang kaharian na nangahas kumalaban sa
kanila. Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil natamo
nilang respeto at pagkilala ng mga kalapit kaharian.
Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe
Madali ang hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta ang mga nasa
ranggo. Nais nila na si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang mga
ordinaryong mamamayan ay nagsasabi na si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-
dapat maging hari sa dalawang prinsipe.
Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas, kaya niya tayong protektahan laban sa
mga kaaway! sabi ng isang matanda sa pamilihan.
Sang-ayon ako sa iyo, sagot ng matandang lalaki.
Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang
karapatdapat na tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa
kanilang dalawa. Siya mismo ang nagpatunay para sa kanyang kapatid.
Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na
niya kung paano magpatakbo ng gobyerno, sinabi niya sa kapwa niya sundalo at mga
ministro sa kaharian. Alam niya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang
panlabas. At marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang buhay ng
bawat mamamayan!
Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng isang
bitak sa pagitan ni Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat si Prinsipe
Bantugan ay hindi lamang matapang at malakas, siya rin ay napakakisig. Maraming
magagandang babae sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya. Kahit ang mga
babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali ay sumuko sa kanyang
gayuma. Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan.
Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking kapatid na si Prinsipe
Bantugan. Sino man ang makita na nakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o kaya ay
parurusahan ng malubha.

Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya ang sarili
na parang mayroong nakakahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit ang
mga kababaihan. Kahit ang mga taong kanyang minahal. Walang gustong
kumausap sa kanya sa takot na baka makulong maparusahan ng hari. Dahil hindi na
niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipe na lisanin ang kaharian at
manirahan sa malayong lugar kung saan siya nanirahan habambuhay.

Ang Darangan ng mga Muslim ay mga salaysay na patula hinggil sa kabayanihan ng mga
nasa Magindanaw, mga gawaing kahanga-hanga at di sukat mapaniwalang kabayanihan at
kagitingan ng mga mandirigmang Muslim. Ang Darangan ay hindi iisang epiko – marami –
ngunit tatatlo lamang ang napasalin pa sa Ingles at ito’y utang sa pagsasaliksik ni G. Frank
Lauback. Ang mga Darangan ay nasusulat sa wikang Maranaw. Ang lalong popular sa lahat
ay ang Bantugan, na paulit-ulit na binibigkas sa dating pagkakakatha sa palibot ng Lawa ng
Lanaw. May ilang mga Muslim ngayon na nakapag-uulit sa kabuuan ng Bantugan.
LABAW DONGGON

Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay


napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng
maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon
upang pumayag lamang na makasal ang dalawa. Inimbita niya ang buong
bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa isang
magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito
at hindi nagtagal ay nagpakasal.

At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong


Yawa Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung
Saragnayan na katulad niya na may kapangyarihan din.

SEE ALSO: Agyu Buod (Epiko ng Mindanao)


“Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa”, sabi ni Buyung
Saragnayan sa kanya.

“Handa akong kalabanin ka”, sagot ni Labaw kay Saragnayan.

Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga kapangyarihan


ngunit hindi mapatay ni Labaw si Saragnayan. Mas malakas ang
kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay Labaw.

Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni


Saragnayan. Samantala ang kanyang mga asawa na si Abyang Ginbitinan at
Anggoy Doronoon ay nanganak sa kanilang panganay. Tinawag ni Abyang
ang kanyang anak na Asu Mangga at si Anggoy Doronoon na Buyung
Baranugun. Gustong makita si Labaw ng kaniyang dalawang anak at nagpasya
na hanapin siya. Sa tulong ng bolang kristal ni Buyung Barunugun ay nalaman
nlla na bihag siya ni Saragnayan. Ang dalawang magkapatid ay nagtagumpay
sa pagpapalaya sa kanilang ama na napakatanda na at ang kanyang katawan
ay nababalutan na ng mahabang buhok.
“Kailangan nyo munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni
Saragnayan bago ninyo siya labanan!” sabi ni Labaw sa kanyang dalawang
anak.

“Opo ama”, sagot ni Baranugun. “Ipapadala ko sina Taghuy at Duwindi kay


Abyang Alunsini upang itanong ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan.”

Nalaman ni Baranugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay itinatago


at pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan. Siya at si Asu
Mangga ay nagtungo sa kabundukan upang patayin ang baboy ramo. Kinain
nila ang puso nito na siyang buhay ni Saragnayan.

Biglang nanghina si Saragnayan. Alam niya kung ano ang nangyari.


Nagpaalam na siya kay Nagmalitong Yawa. Handa na siyang upang kalabanin
ang dalawang anak ni Labaw. Si Baranugun lamang ang humarap sa kanya sa
isang madugong laban. Napatay siya ni Baranugun sa isang mano-manong
laban. Pagkatapos ng labanan ay hinanap nila ang kanilang ama. Nakita nila
na siya ay nakasilid sa lambat ni Saragnayan. Natakot sila sa mga kapatid ni
Saragnayan. Pinatay silang lahat ni Baranugun at pinalaya si Labaw sa lambat.

Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw ay napaiyak


sila sa pighati. Nalaman nilang hindi na makarinig si Labaw, hindi na rin nito
nagamit ang pag-iisip. Pinaliguan nila ito, binihisan at pinakain. Inalagaan nila
ito ng mabuti. Samantala, si Buyung Humadapnon at Buyung Dumalapdap,
mga bayaw ni Anggoy Ginbitinan ay ikinasal kina Burigadang Pada Sinaklang
Bulawan at Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon. Ang dalawang babae ay
ang magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa.

Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa na
nais niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata.

“Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki!” sabi ni Labaw Donggon.

Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa at


dahil mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan nito.
Humiga si Labaw sa sahig at pumatong ang dalawang babae sa kanya,
naibalik ang kanyang lakas at sigla ng isip. Masayang-masaya si Labaw at ang
kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.

TUWAANG

Tuwaang ang pamagat ng epikong-bayan ng mga Manobo, mga taong


nakatira sa hanggahan ng Cotabato, Bukidnon, at Davao, at tungkol sa
pakikipagsapalaran ng bayaning si Tuwaang. Sinasabing may mahigit sa 50
kanta ang mga Manobo tungkol kay Tuwaang. Dalawa sa mga ito ang naitala
at ipinalathala ni E. Arsenio Manuel, ang Mangovayt Buhong na Langit (Ang
Dalaga ng Langit Buhong) at Midsakop Tabpopowoy (Pagdalo ni Tuwaang sa
Kasalan).

SEE ALSO: Indarapatra at Sulayman Buod (Epiko ng Maguindanao)


Buod ng Tuwaang: Ang Dalaga ng Langit
Buhong (Epiko ng Mindanao)
Sa “Ang Dalaga ng Langit Buhong”, pumunta si Tuwaang sa lugar ni Batooy
upang pakasalan ang kararating lamang na dalaga ng Langit Buhong.
Matapos ang mahabàng paglalakbay, nagpahinga si Tuwaang malapit sa
dalaga, at naikuwento nito na may isang higanteng binata ng Pangumanon na
nais siyang pakasalan. Nang hindi pumayag ang dalaga sa kahilingan ng
binata, sinunog ng lalaki ang kaharian ng babae. Tumakas siya sa kalupaan
upang magtago. Nang matapos ikuwento ito ng dalaga ay dumating ang
binata ng Pangumanon, pinatay ang mga tao, at hinamon si Tuwaang sa
labanan. Natalo ni Tuwaang ang taga-Pangumanon.

Buod ng Tuwaang: Ang Pagdalo ni Tuwaang sa Kasalan


(Epiko ng Mindanao)
Sa “Ang Pagdalo ni Tuwaang sa Kasalan”, naimbitahan si Tuwaang sa kasalan
ng Dalaga ng Manawon at ng Binata ng Sakadna. Dumating si Tuwaang sakay
ng gungutan, isang malaking ibon. Nang dumating ang lalaki sa Manawon,
minasama ng binata ng Sakadna ang pagdalo ni Tuwaang. Sinabi ni Tuwaang
na isa rin siyang bagani kung kayâ nása kasalan. Nang sinimulan na ang
paghahandog ng mga regalo, hindi naibigay ng Binata ng Sakadna ang
gintong gitara at plawta. Sinagip ni Tuwaang ang binata at siya na ang
nagbigay ng mga ito. Lumabas ang dalaga at inutusan ang lalagyan ng
kaniyang nganga na magbigay nito sa mga bisita. Huminto ang mahiwagang
lagayan ng nganga sa tapat ni Tuwaang. Tumabi pa ang dalaga kay Tuwaang.
Nagalit ang binata ng Sakadna at hinamon si Tuwaang na maglaban. Matagal
ang labanan at nahirapan si Tuwaang bago natuklasan ang lihim ng lakas ng
kalaban. Sakay ng gungutan, umuwi si Tuwaang sa kaniyang kaharian kasama
ang dalaga ng Manawon.

BIAG NI LAM-ANG

Noong unang panahon, may mag-asawang nag ngangalang Juan at


Namongan. Ang mag asawa ay nakatira sa baryo ng Nalbuan.

Noong magbuntis si Namongan ay umalis ang asawang si Juan upang


parusahan ang isang grupo ng igorot.
Habang wala si Juan ay isinilang ni Namongan ang kanilang anak na
lalake. Lubos na kahanga hanga ang sanggol sapagkat pagkapanganak
pa lamang ay marunong na itong magsalita.
Ang pangalang "Lam-ang" ay sya mismo ang pumili. Maging ang mga
ninong at ninang ay sya ring nagtalaga.
Isang araw, nagtanong si Lam-ang kung nasaan ang kanyang ama.

"Nasa bundok ito upang parusahan ang mga igorot" na saad naman ng
ina.

Nalungkot si Lam-ang sapagkat matagal na nyang di nakikita ang ama


buhat ng sya ay isilang.
Isang araw ay nanaginip si Lam-ang na ang kanyang ama ay pinatay
ng mga igorot. Sa galit nito ay nagpunta sya sa kabundukan at pinatay
lahat ng igorot doon.
Ang batang si Lam-ang ay syam na taong gulang pa lamang noon.

Sa kanyang paguwi sa kanilang lugar sa Nalbuan ay napadaan si Lam-


ang sa ilog ng Amburayan. Doon ay pinaliguan sya ng mga kabigang
babae. Ang mga dumi at dugo sa katawan ni Lam-ang ay naging tila
lason na pumatay sa mga isdang nasa ilog.
Nang nasa wastong gulang na si Lam-ang ay nakilala nya si Ines
Kannoyan. Sya ay umibig dito.

Nagpasyang manligaw si Lam-ang sa magandang si Ines. Dala ang


kanyang tandang at paboritong aso.
Lubos na nainis si Lam-ang nang makitang maraming nakapalibot na
manliligaw sa bahay ni Ines kaya't inutusan nya ang kanyang tandang
na tumilaok. Sa tinalok ng manok ay agad na nasira ang bahay ni Ines
at namatay ang lahat ng manliligaw.

Agad namang inutusan ni Lam-ang na kumahol ang aso at tumahol


nga ito. Sa tahol naman ng kanyang aso ay tila himalang bumalik sa
dati ang gumuhong bahay ni Ines.
Lumabas si Ines at ang magulang nito upang harapin si Lam-ang.

Hiningi ni Lam-ang ang kamay ni Ines upang pakasalan. Hindi naman


tumanggi ang mga magulang ni Ines sa isang kondisyon.

Tapatan lamang ang kanilang kayamanan. Hindi naman ito naging


hadlang kay Lam-ang. Umuwi si Lam-ang at bumalik na may dalang
bangka na puno ng ginto. At kalaunay ikinasal din sila ni Ines.

Lumipas ang maraming taon ay dumating ang pagkakataon upang


manghuli si Lam-ang ng isdang "Rarang". Isang obligasyon sa mga
lalaking may asawa ang humuli nito.
Ngunit may pangitain na si Lam-ang na mapapatay sya ng isdang
"Berkahan". Ito ay isang isda na kalahi ng mga pating.

Sa kabila nito ay di pa rin nagbago ang isip ni Lam-ang na hulihin ang


isdang Rarang.
Ngunit nangyari nga ang pangitain ni Lam-ang at sya ay napatay ng
Berkahan.
Lubhang nagtangis si Ines at agad na umupa ng mga maninisid upang
makuha ang mga buto ni Lam-ang.
Agad namang nakuha ang mga buto ni Lam-ang.

Kasama ni Ines ang tandang at aso ni Lam-ang, kanilang dinasalan


gabi-gabi ang mga buto ng asawa.
Hanggang sa isang araw, si Lam-ang ay muling nabuhay.
Mula noon ay namuhay sila ng masaya.
ALAMAT NG BULKANG PINATUBO

Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga.


Maningning ang sikat ng araw .Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman
sa paligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang
kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu. Wala siyang madamang kaligayahan
sa lahat ng namamalas.

Malungkot na nakapanungaw ang Datu.Nakatuon ang mga paningin sa sa bughaw na


kabundukan. Nakakunot ang noo at tikom ang mga labi. Nagbuntong-hininga nang
malalim.

“Malungkot na naman kayo, mahal na Datu,” narinig niya sa may likuran. Bumaling
ang Datu. Nagtanong ang mga mata ni Tandang Limay. Isa ito sa bumubuo sa
“Konseho ng Matanda.”

“Ikaw pala. Nalulungkot nga ako, Tandang Limay. Naalaala ko ang aking kabataan,”
at nagbuntung-hininga muli. Humawak siya sa palababahan ng bintana.

“Nakita mo ba ang bundok na iyon?” nagtaas ng paningin ang Datu.

“Oo, aking Datu, ngunit ano ang kinalaman niyon sa inyong kalungkutan?” tanong ni
Tandang Limay. Napag-usapan na ng “Matatanda” ang napapansin nilang
pagkamalungkutin ng Datu. Siya nga ang naatasang magsiyasat tungkol dito.

“Doon ako sa mga bundok na iyon laging nangangaso. Natatandaan mo marahil na


malimit akong mag-uwi ng baboy-ramo at usa sa aking ama at mahal ko sa buhay.”

“Opo, Kayo mahal na Datu ang kinikilalang pinakamagaling sa pana noon.


Napabantog sa ibang kaharian ang inyong katangian sa pangangaso,” sang-ayon ni
Tandang Limay.

“Iyan ang suliranin ko ngayon. Para bang gustong-gusto kong magawa uli ang mga
bagay na iyon, ngunit napakatanda ko na upang pagbalikan ang kabundukang iyon.
Napakalayo na ang mga pook na iyon para sa mahina kong katawan,” at muling
nagbuntung-hininga ang Datu.

“Hindi na nga ninyo makakayanan ang maglakbay nang malayo. Ngunit maaari
naman kayong magkaroon ng ibang libangan,” pasimula ni Tandang Limay.

“Bahagi na ng aking buhay ang pangangaso. Hindi na rin ako makadarama ng


kasiyahan kung iba ang aking magiging aliwan,” malungkot na umiling ang Datu.
Naging usap-usapan sa buong kaharian ang suliranin ng Datu. Nabalita rin sa ilang
bayan ang pagkamalungkutin ng pinuno ng Masinlok.

Makalipas ang ilang araw, dumating sa palasyo ang isang salamangkero. Matanda na
siya at mabalasik ang mukha. Malaki ang paghahangad niya sa kamay ni Prinsesa
Alindaya, prinsesa ng Masinlok ngunit malaki rin ang pag-ayaw nito sa kanya.

Nagbigay ng kaukulang paggalang ang panauhin.

May magandang panukala ako tungkol sa inyong suliranin kung inyong mamarapatin,
mahal na Datu,” saad ng salamangkero.

“Sabihin mo at handa akong magbayad sa inyong kapaguran,” turing ng Datu.

“Magpapatubo ako ng isang bundok sa kapatagan ng Masinlok na malapit sa inyong


palasyo para sa inyong pangangaso ipakasal lamang ninyo sa akin si Prinsesa
Alindaya,” pahayag ng panauhin.

“Kung matutupad mo ang iyong sinabi ay ibibigay ko sa iyo ang kamay ng aking
anak,” mabilis na pasiya ng Datu.

Madaling kumuha ng isang maliit na batumbuhay ang salamangkero. Ito’y parang


isang batong mutya. Itinanim niya itong tila isang binhi ng halaman. Biglang-biglang
sumipot sa pinagtamnan ang isang maliit na puno. Tumaas nang tumaas iyon. Lumaki
nang lumaki hanggang sa maging isang bundok.

“Aba, anong laking bundok! Di ba iyan tumubo sa itinanim na batong mutya ng


salamangkero?” paksa ng usapan ng mga tao.

Samantala sa palasyo, iniluhang gayon na lamang ni Prinsesa Alindaya ang naging


pasiya ng ama. Ipinagdamdam niya nang labis na tila siya ay kalakal na ipinagpalit
lamang sa isang bundok. At sa lalaki pa naming kanyang kinamumuhian. Laging
lumuluha ang magandang prinsesa. Nagkaroon siya ng karamdaman. Naging malubha
ang kanyang sakit. Dumating ang araw na itinakda ng Datu sa pagkuha sa kanya ng
salamangkero.

“Ikinalulungkot ko na hindi ko mapasasama sa iyo ang aking anak. May sakit ang
mahal na prinsesa. Magbalik ka sa ibang araw,” saad ng Datu sa salamangkero.

Umuwing masamang-masama ang loob ng matanda. Galit na galit siya sa Datu.


Sinapantahan niyang gusto na nitong sumira sa usapan. Nagulong gayon na lamang
ang kanyang loob. Lagi niyang naiisip si Prinsesa Alindaya at ang kanyang kabiguan.
Hindi niya napansing palaki nang palaki ang bundok. Ito’y kanyang nakaligtaan.

“Mahal na Datu, halos natatakpan na po ng bundok ang buong kapatagan. Malapit na


pong humangga ang bundok sa tabing-dagat. Wala na pong matitirhan ang mga tao,”
sumbong ng matatanda sa Datu.

“Hulihin ngayon din ang salamangkero. Putulan siya ng ulo. Lubhang nakapipinsala
sa kaharian ang bundok na pinatubo niya,” mabalasik na utos ng hari. Natakot siya sa
maaring mangyari sa kaharian.

Namatay ang salamangkero ngunit patuloy pa rin sa paglaki ang bundok. Araw-araw
ay pataas ito nang pataas na lalong ikinabahala ng mga tao. Walang maisipang gawin
ang Datu. Palubha nang palubha ang suliranin.

Nakaabot ang balita hanggang sa malalayong kaharian. Nakarating iyon sa pandinig ni


Prinsipe Malakas ng Pangasinan. Balita siya sa taglay na lakas at kabutihang loob.
Agad siyang naglakbay patungong Masinlok. Humarap sa Datu ang matikas na
prinsipe.

“Nakalaan sa inyo ang aking paglilikod, mahal na Datu,” magalang na badya niya.

“Nakalaan akong magbigay ng kaukulang gantimpala. Humiling ka kahit anong bagay


kapag nagtagumpay ka. Lunasan mo ang suliranin ng kaharian, Prinsipe ng
Pangasinan,” pahayag ng Datu.

“Wala po akong hinihintay na gantimpala, aking Datu. Tayo na sa labas.”

Si Alindaya na noo’y magaling na ay naganyak sa tinig ng panauhin. Sumilip siya sa


siwang ng pintuan. Malakas na malakas ang pitlag ng puso ng dalaga.

Nanaog ang Datu pati ang prinsipe. Madali nilang sinapit ang paanan ng bundok.

Sa isang kisapmata, binunot ng prinsipe ang bundok. Parang pagbunot lamang ng


isang maliit na punong-kahoy. At sa isang iglap din, ipinatong niya iyon sa kanyang
likod na walang iniwan sa pagbalikat ng tinudlang baboy-ramo. Mabilis din siyang
humakbang na papalayo at ihinagis ang bundok sa lugal na kinaroroonan nito ngayon.

Bumalik ang prinsipe at ang Datu sa palasyo sa gitna ng pagbubunying mga tao.
Galak na galak ang kaharian. Pagdating sa palasyo, niyakap ng Datu ang prinsipe.
Iniutos niya ang malaking pagdiriwang para sa karangalan ng prinsipe noon ding
gabing iyon.
Gabi ng kasiyahan, nagsasayaw noon ang prinsesa pagkat nahilingan ng amang Datu.
Walang alis ang tingin ng prinsipe sa magandang mananayaw. Nabatubalani siya ng
magandang prinsesa. Walang humpay ang palakpak ng prinsipe matapos ang
pagsasayaw nito.

Kiming umupo ang prinsesa sa tabi ng Datu. Siya’y tahimik na nakatungo.

“Ang aking anak, si Prinsesa Alindaya, mahal na prinsipe, nakangiting pagpapakilala


ng Datu. Yumukod ang prinsipe at ang prinsesa nama’y nag-ukol ng matamis na ngiti.

Walang alis ang paningin ni Prinsipe Malakas sa dalaga. Hindi matagalan ng prinsesa
ang kabigha-bighaning titig ng prinsipe.

“May sasabihin ka, Prinsipe Malakas?” tanong ng hari upang basagin ang
katahimikan.

“Hinihingi ko ang inyong pahintulot na makausap ko ang mahal na prinsesa, mahal na


Datu,” ang hiling ng prinsipe.

“Higit pa sa riyan ang maibibigay ko,” sang-ayon ng Datu.

Hindi nagtagal at nasaksihan sa Masinlok ang marangyang kasal nina Prinsesa


Alindaya at Prinsipe ng Pangasinan. Nagsaya ang kaharian sa loob ng anim na araw.

Samantala, ang guwang na nilikha ng pagkabunot sa bundok ay napuno ng tubig ito’y


naging isang lawa.

Naging maganda at matulain ang lawang ito na tinawag ng mga tao na “Lawa ni
Alindaya” sapagkat nagpapagunita ng kagandahan ng prinsesa at ng pag-ibig niyang
siyang dahilan ng pagkakaron ng Bundok na Pinatubo.

You might also like