Ang nagmamayari sa puso ni Sita Ang pumatay sa Demonyong si Ravana Ako si Rama
Ngayon, ngayon ko lamang naranasan
Ang ganitong kamalasan Kahit ako ay isang bida Hinding hindi pa rin mawawala ang aking mga problema
Isang araw, habang kami’y namamahinga
Sinubok ng pagkakataon ang pagiging tapat ko kay Sita Nag aligid sa paligid ng aming tahanan Isang babaeng Surpanaka ang ngalan
Ngunit hindi tumalab, kahit pumalag
Ang higanteng umuwing may tapyas Kahit pala sa gitna ng kagubatan Aking mga kalaban, hindi mawakas - wakasan
Sa paglipas ng araw mundo ko’y biglang nagbago
Nang aking malaman, Sita kong kinuha ng Demonyo Puso ko’y nagliyab sa galit dahil napakasakit ng aking sinapit Gusto kong sumigaw sa kawalan
Upang mapawi man lang ang aking kapighatian
Nang humupa ang apoy sa aking puso, aking naisip Hindi ko na dapat patagalin Ang pangunglilang iniisip Habang nasa paanan kami ng bundok ni Lakshmanan Nakita namin ang Agilang nag-aagaw buhay Nawari’y may gustong sabihin sa akin Nagpasalamat ako sa ating Diyos
Dahil kahit sa huling sandali
Nalaman ko kung nasaan ang aking Sita Nang mamatay ang aking kaibigang agila Sinunog namin ang bangkay niya
Upang mabigyan, ng payapang kamatayan
Pagkatapos ng pangyayaring iyon Humingi ako ng tulong sa Hari ng mga Unggoy Upang lusubin ang kaharian ng Lanka
Upang bawiin ang aking Sita
At upang patayin ang Demonyong si Ravana Nang lumusob kami sa kanilang kaharian Agad kong Nakita, Sita kong kaawa - awa
Naghalo - halo ang aking mga emosyon
Ako’y naaawa, nagagalit hindi ko alam kung ano dapat, ang dapat kong maramdaman At bigla kong sinunggaban ang aking mga kalaban Ravana ang ngalan, nagging kagila - gilalas ang katapusan
Sa huli aking napagtanto buhay pala’y kakaiba
Maaaring masaya, nakakainis, nakakalungkot o sa simpleng salita Ang buhay pala ay paikot - ikot