You are on page 1of 1

PANGALAN: ________________________ SEKSYON: __________

Ang Hatol Ng Kuneho


Isinalin ni Vilma C. Ambat

Isang araw, noong mga panahong ang mga hayop ay nagsasalita pa, may isang tigreng
naghahanap ng makakakain sa gubat. Ngunit sa kasawiang palad ay nahulog ito sa isang malalim na
hukay. Walang nagawa ang tigre kaya't nagmamakaawa itong sumigaw upang humingi ng tulong.

Hanggang kinabukasan ay may isang taong napadaan at nakita ang kanyang kalagayan.
Nakiusap ang tigre sa tao ngunit ito ay nagdadalawang isip kung tutulungan ang tigre sapagkat baka
sya ay kainin nito.

Nangako naman ang tigre na hindi nito kakainin ang tao, dahil na din sa awa ay tinulungan ng
tao makaahon ang tigre. Ngunit ang gutom na tigre ay hindi tumupad sa pangako at akmang kakainin
nya ang tao.

Nakiusap muna ang tao sa tigre na baka kung sakali ay humingi ng hatol sa puno kung sya ba
ay dapat kainin ng tigre. Ipinaliwanag ng tao ang nangyari ngunit tila sang ayon ang puno na sya ay
kainin ng tigre sa kadahilanang ang mga tao ang may kasalanan sa pag kaubos ng mga puno.

Muling humingi ng hatol ang tao sa napadaang Baka, ngunit katulad ng hatol ng puno ay
ganoon din ang hatol nito.

Hanggang sa may isang mapadaang kuneho na lumulukso at ito naman ang hiningian ng hatol
ng tao at tigre.

Ang suhestiyon ng kuneho ay muling nilang isalaysay ang nangyari sa pamamagitan ng


pagpunta ng tigre sa hukay upang maibigay ang kanyang hatol.

Muli ngang nagpunta ang tigre sa hukay upang maibigay na ng kuneho ang hatol.

Ang hatol ng kuneho ay, …

You might also like