You are on page 1of 3

AWTPUT DALAWA PAGBUBUOD NG PABULA

GEROME REY N. LINO


ANG BUOD NG HATOL NG KUNEHO
Mayroong panahon sa daigdig na mayroon pang kakayahang magsalita
ang mga hayop. Isang araw, sa kagubatan, naghahanap ng makakain ang
gutom na tigre.

Ngunit sa kaniyang paglilibot, hindi pagkain ang nahanap niya kung hindi
isang kapahamakan. Nahulog ang tigre sa isang malalim na butas.

Humihingi ng tulong ang tigre. Isang tao ang napadaan at dito siya
nanghingi ng tulong. Alangan man ang tao dahil baka kainin siya ng tigre
ay nagbigay ito ng tulong.

Ngunit akmang kakainin ng tigre ang tao kaya naman nanghingi ito ng
tulong sa puno. Nanghingi siya ng hatol sa puno kung ano ang dapat gawin
ng tigre.
ANG BUOD NG HATOL NG
KUNEHO
Para sa puno, dapat lamang na kainin ng tigre ang tao dahil ito ang dahilan ng
pagkasira ng kalikasan, kabilang ang pagkaunti ng mga puno.

Humingi muli ng hatol ang tao sa baka ngunit magkatulad ang kanilang naging
pasya na dapat ay kainin ng tigre ang tao.

Ngunit nang mapadaan na si kuneho, nanghingi muli ng opinyon at hatol ang tao.
Ikinuwento ng tao kay kuneho ang buong pangyayari. Dahil sa narinig, agad
namang nagpasya ang kuneho.

Ayon sa kaniya, marapat lamang daw na bumalik na lamang sa paglalakbay ang tao
habang mananatili ang tuso at sakim na tigre sa loob ng hukay upang walang
maging suliranin.

You might also like