You are on page 1of 2

Ang Hatol ng Kuneho

Isinalin ni Diana Gracia L. Lacano

Buod ni:
Georjinnah Bless Magluyan at Ashley Nicole Tuazon
“Ang Hatol ng Kuneho”

Magluyan: Noong una na nagsasalita pa ang mga halama’t hayop, isang tigre ang naglalakad sa
gubat. Habang naghahanap ng makakain ang tigre, bigla siyang nahulog sa malalim na hukay. Sa
sobrang pagkabalisa, agad niyang sinubukang umakyat at tumalon, ngunit, ang hukay ay masyadong
malalim. Sumigaw siya nang malakas upang makahingi ng saklolo ngunit walang tumugon dito.
Makalipas ang ilang araw, patuloy pa rin siyang humihiingi ng tulong.

Tuazon: Saklolo, saklolo!

Gawad: Naku, tigre!

Tuazon: Maawa ka, tulungan mo ako!

Magluyan: Naaawa ang lalaki sa tigre ngunit natatakot siyang makain nito dahil ilang araw na ring
walang kain ang tigre. Dahil dito, nagdadalawang isip ang lalaki kung tutulungan niya ba ito o hindi.

Tuazon: Pakiusap, ‘wag mo ‘kong iwan! Tulungan mo ako! Hindi kita sasaktan, tulungan mo lang ako!

Magluyan: Tunay nga namang nakaka-awa na ang kalagayan ng tigre kaya bumalik ang lalaki habang
hawak ang isang malaking troso. Umakyat ang tigre at nagkaharap na ang tigre’t lalaki.

Gawad: Teka lang! ‘Di ba’t nangako ka na hindi mo ‘ko sasaktan? Ayan ba ang paraan ng
pasasalamat mo?

Tuazon: Wala akong paki! Gutom na ako!

Gawad: Teka, teka! Tanungin muna natin ang puno ng pino kung dapat mo ba talaga akong kainin!

Magluyan: Agad namang sumang-ayon ang puno ng pino rito dahil sa pagkuha ng mga tao sa
kanilang dahon at kahoy upang makagawa ng mga kagamitan at iba pa.

Gawad: Sandali lamang! Tanungin natin ang baka!

Magluyan: Ipinaliwanag naman ng tigre ang nangyari sa baka.

Cruz: Aba, dapat lang! Ginagamit kami ng mga tao para magbuhat ng mabibigat na gamit, at mag-
araro para lang may makain sila! Kainin mo na ‘yan!

Tuazon: Ano, lahat sila nasa panig ko! Humanda ka nang mamatay!

Gawad: Pakiusap, bigyan mo ako ng huling pagkakataon. Tanungin natin ‘yong koneho na iyon para
sa huling paghahatol!

Tuazon: Para sa’n pa? Alam mo namang mamamatay ka rin!

Gawad: Nagmamakaawa na ako sa’yo!

Magluyan: Kahit labag ito sa loob ni tigre’y pumayag ito. Tinanong ng kuneho kung puwede ba itong
ipakita sa kaniya. Agad namang sumunod ang tigre at tumalon muli sa malalim na hukay.

Valerio: Kung ganun, ito ang nangyari. Sa una pa lang, ikaw ay nahulog, tigre. At ikaw naman, lalaki,
tinulungan mo siya nang marinig ang sigaw niya. Nag-umpisa ang lahat ng ito nang tulungan ng lalaki
ang tigre. Kung papaikliin, hindi magkakaroon ng problema kung ang lalaki ay hindi tinulungan ang
tigre at patuloy sa kaniyang paglalakbay. Kaya para sa akin, dapat ipagpatuloy ng lalaki ang kaniyang
ginagawa, habang ang tigre ay mananatili sa hukay. Sa muling pagkikita!

You might also like