You are on page 1of 3

Noong unang panahon nang ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang tigreng

naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa kaniyang paglilibot, nahulog siya sa napakalalim


na hukay. Paulit-ulit na sinubokan ng tigre ang makaahon, subalit siya ay nabigo.
Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng tulong subalit walang nakarinig sa
kanya. Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang
mapaos. Gutom na gutom at hapong-hapo na ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa
lupa. Naisip niyang ito na ang kaniyang kamatayan. Walang ano-ano ay nakarinig siya
ng mga yabag, ang yabag at amoy na kanyang nararamdaman ay tila pamilyar kaya dali
dali syang nag sisisigaw ng "Tulong!Tulong!"
"Ah! Isang tigre!" sabi ng usa habang naka tingin sa hukay. "Pakiusap! tulungan mo
ako!" pag mamakaawa ng tigre. "Alam kong natatakot ka dahil kayo ang aming
paboritong kainin, subalit ipinapangako kong hindi mangyayari iyon at tatanawin ko
itong utang na loob."
"Patawad! Gusto sana kitang tulungan subalit ako'y nangangamba na ako'y kainin mo.
Ayaw kong matulad sa aking nanay at tatay na walang awang kinain ng inyong
lahi."wika ng usa at patuloy na nag lakad. "Sandali! Huwag mo namang isipin yan!
Huwag ka mag alala hindi nila ako katulad, tapat ako sa aking mga sinasabe at
panghahawakan ko ang aking pangako." Tila labis na nakakaawa ang tinig ng tigre
kaya bumalik ang usa upang tulungan ito. Dali dali itong yumuko at inilatag ang
kanyang nag lalakihang sungay. "Dali kumapit ka sa aking sungay at hihilahin kita
pataas, huwag kang mag alala hindi ito mababali!"
Pag ahon ng tigre ay natakam sya sa usang lumigtas sakanya at tila nag papakita ng
aggresibong galaw. "Ah...(nanginginig na boses) Sandali! Nangako kang hinde mo ako
sasaktan tama ba? Ganito ba ang paraan mo ng pag papasalamat?" sumbat ng usa. "Wala
nakong pakialam! Ilang araw na akong di kumakain!" tugon ng tigre "Sandali!
Sandali!" pakikiusap ng usa. "Tanungin natin ang puno ng pino kung tama bang kainin
mo ako." "Sige", wika ng tigre. " “Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin
na kita. Gutom na gutom na ako.” Ipinaliwanag ng tigre at ng usa sa puno ng Pino
ang nangyari.
"Kung ano mang desisyon mo ay hindi nako makikialam, dahil wala naman akong
pakialam. Minsan sila rin ang sumisira sa aming mga puno sa pamamagitan ng
pagkuskos nila ng mga sungay nila sa amin, kaya ikaw na ang bahala sa desisyon mo
tigre." “O, anong masasabi mo doon?” tanong ng tigre habang nananakam at
nginungusuan ang lalaki. Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka. “Hintay!
Hintay!” pakiusap ng usa. “Tanungin natin ang baka sa kaniyang hatol.” Sumang-ayon
ang tigre at ipinaliwanag nila sa baka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang opinyon
ng baka.
"Paumanhin! Ako'y nag mamadali at kailangan ko pang mag lingkod sa aking amo. Baka
mamaya ako'y patayin at gawing pag kain. Nasa sayo na ang desisyon tigre!" “Tingnan
mo, lahat sila ay walang pakialam sayo at ako ang pinag de desisyon kung ika'y
kakainin ko. Humanda kana sa iyong kamatayan!" wika ng tigre habang bumubuwelo
upang sakmalin ang usa. Alam na usa na ito na nga ang kaniyang katapusan. Nang
biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho. “Sandali! Tigre! Sandali!” sigaw ng
usa. “Ano na naman!” singhal ng tigre. “Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling
pagkakataon.Tanungin natin ang kuneho para sa kaniyang hatol kung dapat mo ba akong
kainin.” “Ah! Walang kuwenta! Alam mo na ang isasagot niya. Pareho lang sa sagot ng
puno ng Pino at ng baka. Malamang ay wala rin syang pakielam sayo”
“Pakiusap, parang awa mo na!” pagsusumamo ng lalaki. “O sige, pero huli na ito.
Gutom na gutom na ako!” sagot ng tigre. Isinalaysay ng tigre at ng usa ang
nangyari. Matamang nakinig ang kuneho. Ipinikit ang kaniyang mga mata at pinagalaw
ang kaniyang mahahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat
ang kaniyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho.
“Naiintindihan ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at
magbibigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong
isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan patungo doon.” wika
ng kuneho. Itinuro ng tigre at ng usa ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi mo
nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa itaas”, wika ng kuneho sa
tigre at sa usa. “ Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang mapag-isipan ko
pang mabuti ang aking hatol.” Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais
lamang niya ay matapos agad ang usapan nang makain na niya ang usa. “Ah! ganito ang
kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon. Ikaw naman
usa, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari
na akong magbigay ng aking hatol. Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng
usa ang tigreng makalabas sa hukay”, paliwanag ng kuneho na tila may ibang kausap.
“Sa ibang salita, kung ang usa ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre
sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang usa sa kaniyang
paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong
dalawa!” wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paglukso.

Tigre:
"Tulong!Tulong!"
"Pakiusap! tulungan mo ako!"
"Alam kong natatakot ka dahil kayo ang aming paboritong kainin, subalit
ipinapangako kong hindi mangyayari iyon at tatanawin ko itong utang na loob."
"Sandali! Huwag mo namang isipin yan! Huwag ka mag alala hindi nila ako katulad,
tapat ako sa aking mga sinasabe at panghahawakan ko ang aking pangako."
"Wala nakong pakialam! Ilang araw na akong di kumakain!"
"Sige"
“Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na gutom na ako.”
“O, anong masasabi mo doon?”
“Tingnan mo, lahat sila ay walang pakialam sayo at ako ang pinag de desisyon kung
ika'y kakainin ko. Humanda kana sa iyong kamatayan!"
“Ano na naman!”
“Ah! Walang kuwenta! Alam mo na ang isasagot niya. Pareho lang sa sagot ng puno ng
Pino at ng baka. Malamang ay wala rin syang pakielam sayo”
“O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!”

Usa:
"Ah! Isang tigre!"
"Patawad! Gusto sana kitang tulungan subalit ako'y nangangamba na ako'y kainin mo.
Ayaw kong matulad sa aking nanay at tatay na walang awang kinain ng inyong lahi."
"Dali kumapit ka sa aking sungay at hihilahin kita pataas, huwag kang mag alala
hindi ito mababali!"
Ah...(nanginginig na boses) Sandali! Nangako kang hinde mo ako sasaktan tama ba?
Ganito ba ang paraan mo ng pag papasalamat?"
"Sandali! Sandali!"
"Tanungin natin ang puno ng pino kung tama bang kainin mo ako."
“Hintay! Hintay!”
“Tanungin natin ang baka sa kaniyang hatol.”
“Sandali! Tigre! Sandali!”
“Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon.Tanungin natin ang kuneho para sa
kaniyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.”
“Pakiusap, parang awa mo na!”

Puno ng pino:
"Kung ano mang desisyon mo ay hindi nako makikialam, dahil wala naman akong
pakialam. Minsan sila rin ang sumisira sa aming mga puno sa pamamagitan ng
pagkuskos nila ng mga sungay nila sa amin, kaya ikaw na ang bahala sa desisyon mo
tigre."

Baka:
"Paumanhin! Ako'y nag mamadali at kailangan ko pang mag lingkod sa aking amo. Baka
mamaya ako'y patayin at gawing pag kain. Nasa sayo na ang desisyon tigre!"

Kuneho:
“Naiintindihan ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at
magbibigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong
isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan patungo doon.”
“Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa
itaas”
"Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang
aking hatol.”
“Ah! ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi
makaahon. Ikaw naman usa, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang
tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng aking hatol. Ang problemang ito ay
nagsimula nang tulungan ng usa ang tigreng makalabas sa hukay”
“Sa ibang salita, kung ang usa ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre
sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang usa sa kaniyang
paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong
dalawa!”

You might also like