TALK, DUMAKO NAMAN NA TAYO SA ATING PAGBABALIK ARAL PERO BAGO YAN, KAILANGAN NIYO MUNANG SAGUTIN ANG MGA KATANUNGAN INIHANDA KO PARA SA INYO. UNANG TANONG SINO ANG MAKAKAPAGBIGAY NG PAMAGAT NG ATING PAKSA NA TINALAKAY NG GROUP 6 NOONG NAKARAANG LINGGO? AYAN TAMA ANG ATING TINALAKAY NOONG NAKARAANG LINGGO AY ANG EPEKTO NG GLOBALISASYON SA MAMAMAYAN Ang globalisasyon nga ay isang proseso ng ng mabilisang pagdaloy ng mga tao, bagay, impormasyon, at Produkto sa buong mundo. At ang globalisasyon ay may Apat na mukha: TANONG SINO ANG MAAARING MAG BIGAY NG APAT NA IYON? PALIWANAG AYAN MAHUSAY, MARAMING SALAMAT_________ tunay ngang may naintindihan ka noong nakaraang linggo. Katulad nga nang sinabi ni _______ ang Apat na muka ng globalisasyon ay ang: EKONOMIYA • Ito ay anyo ng globalisasyon kung saan Naka sentro ang talakayan sa ekonomiya, (tinatalakay dito ang pagpapalitan ng produkto at serbisyo sa pagitan ng iba't ibang bansa sa daigdig.) Ito ay may positibong epekto Katulad ng paglaganap ng mga bagong pamamaraan sa paggawa at kalakalan. At ang negatibong epekto naman ay ang pagkakaroon ng social inequality. EDUKASYON AT KULTURA • Ang halimbawa naman ng positibong epekto nito ay ang pagdami ng mga estudyanteng nakakapag aral sa ibang bansa na nagiging dahilan din para matutunan nila ang mga iba't ibang wikang banyaga at mga kultura nito. At ang Ilan sa negatibong epekto naman nito ay humihina at nabubura ang pangbansang pagkakakilanlan, umaasa na rin ang mga estudyante sa internet na minsan (Hindi natin alam kung tama ba o mali ang impormasyon na nakakalap natin. ) KAPALIGIRAN • Maganda ang dulot ng globalisasyon ngunit, madalas ay hindi maganda ang epekto nito sa ating kalikasan. Halimbawa na nito ang patuloy na pagkasira ng kalikasan dahil sa hindi mahusay na paggamit nito dahil minsan, inaabuso natin ang ating Likas na yaman. Ngunit, may positibong epekto pa rin naman ito katulad ng mabilis na pagbibigay tugon at tulong ng iba't ibang bansa sa mga nasalanta ng kalamidad (isa rin sa positibong epekto nito ang patuloy na paglago ng mga sangay ng agham na makatutulong sa pagtuklas ng mga bagong gamot.) POLITIKA • Ang globalisasyong politikal ay ang mabilis na ugnayan sa pagitan ng magkaibang bansa. Ang Ilan sa positibong epekto naman nito ay nagkakaroon ng pagkakaisa ang mga bansa. Ang mga negatibong epekto naman nito ay ang panghihimasok o pangingielam ng ibang bansa sa mga isyu at desisyon ng pamahalaan. Cut NGAYON NAMAN AY DUMAKO NA TAYO SA MGA PORMASYONG MULTINASYONAL NA MALAKI ANG TULONG SA GLOBALISASYON. MAYROON AKONG IPAPAKITANG LOGO NG MGA MULTINATIONAL CORPORATIONS AT NAIS KONG IBIGAY NINYO ANG BUONG PANGALAN NANG MGA ITO. MAAARI KAYONG MAG RAISE HAND, AT KUNG WALA NAMAN, KAMI AY MAGPAPAIKOT NG ROLETA AT MAMIMILI SA INYONG MGA MUKHA 3) NAPAKA HUSAY! ANG APEC o ASIA PACIFIC ECONOMICS COOPERATION • ay isang forum na nagtataguyod ng libreng kalakalan sa buong rehiyon ng ASIA pacific. 2) MAGALING! ANG WTO o WORLD TRADE ORGANIZATION • ay isang organisasyon na nilikha upang mapangasiwaan at magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang internasyunal. 1) AYAN TAMA! ANG WORLD BANK o THE WORLD BANK GROUP • Ay may layuning magbigay ng tulong pinansyal at teknikal sa mga umuunlad na bansa sa buong mundo sa pagsisikap na mabawasan ang kahirapan. 4) NAPAKA GALING! ANG IMF o THE INTERNATIONAL MONETARY FUND • ay may layuning matiyak ang katatagan ng pandaigdigang sistema ng pera. Cut AT DIYAN NA NAGTATAPOS ANG ATING BALIK ARAL. MARAMING SALAMAT SA INYONG PAKIKINIG AT PAKIKIISA. NGAYON NAMAN AY MAGHANDA NA KAYO SA AKTIBIDAD NA HATID NI SHANIA. MARAMING SALAMAT DHONA, ____ MAAARI MO BANG BASAHIN ANG SLIDE NA NAKA FLASH SA SCREEN? MARAMING SALAMAT SA IYONG MAHUSAY NA PAGBABASA AYAN • Dahil nga ang globalisasyon ay patuloy na pinapakita ang isang sistematikong pandaigdigang penomenon na may malaking implikasyon sa pamumuhay nating mga tao. Ang globalisasyon nga ay maiuugnay o maididikit natin sa kontemporaryong isyu na tinalakay natin nung unang markahan, dahil ang globalisasyon ay isang isyu na napapanahon Kaya't ito ay maituturing nating isyung panlipunan. ATIN NANG MULING BALIKAN SI DHONA