You are on page 1of 6

MARK JAYSON C.

CURAN KOMUNIKASYON (AKDA)


11-STEM 3 2ND QUARTER

AKDA BILANG 1
1.ALIMUSOM – (HALIMUYAK)
2.PANIBUGHO – (SELOS)
3.MARILAG – (MAGANDA O KAAKIT AKIT)
4.MAHALINA – (MAAKIT O MABIGHANI)
5.HIRAYA – (MALIKHAING IMAHINASYON)

-MGA TANONG AT SAGOT-


1.Sa paanong paraan natutulungan ng turismo ang ekonomiya ng isang bansa?
(SAGOT):Nagbibigay ito ng hanapbuhay sa mga lokal na mamamayan ng isang bansa sa industriyang
serbisyo.
2.Anong positibong epekto ng magaganap kung tatangkilikin ang sariling atin?
(SAGOT):Kapag sinimulan nating tangkilikin ang sariling atin,dadami ang mga negosyante sa ating bansa
at uunlad ang ating bansa at mababawasan na din ang mga filipino na nag tratrabaho sa ibang bansa.
3.Ipaliwanag ang kaisipang ito: “Huwag magiging dayuhan sa sariling bayan”
(SAGOT):Ang ibig sabihin ng dayuhan sa sariling bayan ay isang Pilipino na hindi alam ang kultura at
tradisyon ng sarili nitong nasyon. Para hindi tayo maging dayuhan sa isang bansa, dapat nating bigyang
halaga ang ating kasarinlan, wika, produkto at iba pang katangian.
4.Sa iyong palagay,dapat na bang buksan ang turismo sa kasalukuyang sitwasyon natin
ngayon?(Panahon ng pandemya)Bakit?
(SAGOT):Sa aking palagay nararapat na nating buksan ang ating turismo,subalit dapat may limitasyon
dapat sundin padin ang health protocols dahil nasa kalagitnaan parin tayo ng pandemya at kalusugan at
buhay natin ang nakataya dito kung sakaling hindi tayo sumunod sa health protocols.Dapat nadin natin
buksan ang ating turismo sapagkat kapag ito ay nanatiling sarado posibilidad na magkaroon ng pagbaba
ng ating economy rates atmaaring ito ang maging dahilan ng pagkawala ng trabaho ng mga trabahador
at pagkakaroon ng krisis.
5.Kung mananatiling sarado ang turismo,anu ano kaya ang maaring epekto nito sa atin?
(SAGOT):Kung mananatiling sarado ang ating turismo maraming negosyo ang lulubog at madami din ang
mabubunkrupt at posibleng magkaroon ng matinding kahirapan ang bawat mamayan.

AKDA BILANG 2
1.GULUGOD – (LAKAS)
2.SANDIGAN – (SANDALAN O KAGAPAY)
3.SIKHAY – (SIKAP PUNYAGI)
4.SALALAYAN – (SUPORTA)
5.NALINANG – (NAHASA O NAPAYABANG)

-MGA TANONG AT SAGOT-


1.Gaano kahalaga ang media ngayong panahon ng pandemya?
(SAGOT):Napakahalaga nito,lalo na sa panahon ngayon nagiging takbuhan natin ang social media upang
malaman natin kung ano na ba ang nangyayari sa kasalukuyan at ito din ang ginagamit natin kaya natin
ang nakakausap ang mga taong malalayo sa atin halos parte nadin ng buhay natin ito,kaya napakahalaga
ng media sa atin.
2.Anu-ano ang mabubuti o masasamang dulot nito ngayong nakararanas tayo ng krisis pangkalusugan?
(SAGOT):Ang pinaka masamang naidudulot ng media sa panahon ng pangkalusugang krisis ay ang mga
pagkakalat ng mga pekeng balita o impormasyon at mga balita na wala pang masyadong patunay na
ebidensya.Maari itong makadulot sa mga tao upang hindi pagkatiwalaan ang media at pwede din ito ang
maging dahilan ng sakuna.
3.Sa iyong palagay,ano ang mga mahahalagang tungkulin ng media sa mga mamayanan?
(SAGOT):Ang mahalagang tungkulin nito ay ang pagbibigay ng datos o impormasyon na walang halong
kasinungalingan at may matibay na ebidensya na nagpapatunay na lahat ng kanilang binibigay na
impormasyon ay makatotohanan.
4.Paano maaaring gamitin sa mabuting paraan ang media ngayong nalalapit na ang eleksyon?
(SAGOT):Maaring gamitin sa mabuting paraan ang media ngayong nalalapit na ang eleksyon sa pag gawa
ng pag dedebatehan ng mga balak tumakbo sa darating na eleksyon at bigyan ang bawat tatakbo ng
plataporma upang makapag salita sa kanilang plano at dahilan kung bakit sila tumatakbo ngayong
eleksyon.
5.Sa papaanong paraan mo ginagamit ang makabagong teknolohiya ng media sa panahong ito?
(SAGOT):Ginagamit ko ang makabagong teknolohiya para sa mga impormasyon na aking gustong
malaman halimbawa na dito kung ilan ang mga positibo parin sa virus at kung ilan na ang gumaling at sa
mga balita tungkol sa paaralan kung magkakaroon na ba talaga ng face to face classes at mga balita sa
ibang bansa at iba pa.

AKDA BILANG 3
1.HIRANG – (MAHAL O SINTA)
2.KALUPI – (PITAKA)
3.HINAGAP – (PAMAHIIN)
4.DALAMHATI – (MATINDING KALUNGKUTAN)
5.DURUNGAWAN – (BINTANA)

-MGA TANONG AT SAGOT-


1.Paano nakaaapekto sa isang lipunan ang pagkagahaman ng tao sa salapi?
(SAGOT):Sabi sa akda,ang epekto sa lipunan ng pagiging gahaman sa salapi ay maraming tao ang
nagpapatayan,marami ring nakukulong sa pagnanakaw at marami ring pamilya ang nawawasak at
maaring gumawa pa ang isang tao ng hindi makataong bagay na magbibigay kapahamakan sa ating
kapwa.
2..Kung maaring kabutihang dulot ang salapi sa buhay ng tao,paano naman ito nakakasama?
(SAGOT):Dito sa mundong ating ginagalawan ang pera ay may kabutihang dulot sa buhay ng tao ngunit
may masama din itong dulot gaya ng kung ikaw ay isang tao na milyonaryo at kilala,maraming tao ang
mag kakainterest sayo,magiging big target ka nila maari kang nakawan,patayin o holdapin ng mga taong
gahaman sa pera upang kunin kung ano ang meron ka.maraming tao ang gumagawa ng hindi makataong
bagay para sa salapi.
3.Sumasang-ayon ka ba na ang salapi ang ugat ng kasamaan sa mundo?Ipaliwanag.
(SAGOT):Oo,Dahil halos karamihan salapi ang nagiging ugat sa pag gawa ng tao ng hindi makataong
bagay.
4.Sa papaanong paraan nakapagdudulot ng kalungkutan at kapahamakan sa isang tao ang salapi?
(SAGOT):Nakakapag dulot ito ng kalungkutan at kapahamakan sa isang tao dahil sa pag gagahaman o
inggit sa isang tao na maaring mag dulot ng hindi mabuting intensyon o hindi makataong bagay sa isang
tao.
5.Ayon sa akda,anu ano ang mga bagay na hindi mabibili ng salapi?
(SAGOT):Ayon sa akda,ang bagay na hindi mabibili ng salapi ay ang pagmamahal,kaibigan na
tunay,pagkakaunawaan,at kasiyahan na hindi matatapatan ng salapi.

AKDA BILANG 4
1.DAGAP – (KABUUAN)
2.ALIPUGHA – (IRESPONSABLE)
3.SAKLAW – (SAKOP,KASAMA,KALAKIP,O KABILANG)
4.DALUBHASA – (EKSPERTO)
5.BATNAYAN – (PILOSOPIYA)

-MGA TANONG AT SAGOT-


1.Ayon sa akda,ano ang pagkakaiba ng Kalayaan sa Kasarinlan?
(SAGOT):Ayon sa nakasaad sa akda,ang kalayaan ay sumasaklaw sa pagsasarili at ang kasiranlan naman
ay may pag sasarili sa paggawa o pag ganap o pagpapasunod ng tungkulin.
2.Bakit hindi dapat isipin na ang Kalayaan ay katumbas ng paggawa ng kahit anong gusto nating gawin?
(SAGOT):Dahil walang kalayaan ang tao na gumawa ng hindi tama sa kapwa.
3.Ipaliwanag ang nakasaad sa akda na:hindi lahat ng kalayaan ay may kaakibat na karapatan.
(SAGOT):hindi lahat ng KALAYAAN ay may kaakibat na KARAPATAN. Bakit? Dahil kapag ginamit mo ito sa
masama man o mabuti, laging may roong resulta at depende sa mga resultang iyon ng iyong
pagpapasiya ang magiging karapatan mo.
4.Sa iyong palagay,lahat ba ng tao sa lipunan ay dapat na may kalayaan sa nais niyang sabihin o
gawin?Bakit?
(SAGOT):Sa aking palagay,mayroong karapatan ang bawat isa na ilabas ang kanilang nais sabihin o
ibahagi ang kanilang opinion at ang tao kay mayroong kalayaang gumawa ng mabuti ngunit walang itong
kalayaan na gumawa ng gawu kung ito ay hindi nakakabuti sa kapwa at mamayan.
5.Sa anu anong pagkakataon naabuso ang kalayaan ng isang tao o lipunan?
(SAGOT):Naaabuso ito sa pamamagitan ng hindi makatao at panglalait sa kapwa.

AKDA BILANG 5
1.MANGATA – (REPLEKSYON NG BUWAN SA DAGAT)
2.PAHIMAKAS – (HULING HABILIN)
3.ALAPAAP – (ULAP)
4.ALPAS – (MAGING MALAYA O MAKATAKAS)
5.MARAHUYO – (MAAKIT O MAENGGANYO)

-MGA TANONG AT SASAGUTAN-


1.Ayon sa akda,paano lumalaganap ang mga impormasyon at ideya sa social media?
(SAGOT):Sa pagsisimula at pagsikat ng social media noong katapusan ng dekada ’90 ay sumasabay sap ag
unlad ng web publishing tools o yaong mga website sa internet na nagpapadaloy at tumatanggap ng
mga kontribusyon mula sa ibat ibang gumagamit nito na hindi naman propesyonal sa larangan ng
kompyuter.
2.Kailan lubusang lumaganap ang paggamit ng social media ayon sa may akda?
(SAGOT):Lumaganap ang paggamit ng social media noong katapusan ng dekada 90’
3.Bakit malaganap din sa ating bansa ang paggamit ng social media?
(SAGOT):Kaya malaganap sa ating bansa ang pag gamit nito dahil napapadali nito ang ating
pamumuhay.Maraming bagay ang nagagawa natin sa social media gaya ng nakakapag aral tayo kahit
nasa kalagitnaan tayo ng pandemya at nagagamit din ito sa pag nenegosyo.
4.Magbigay ng mga positibong ibinubunga ng paggamit ng social media na mababasa sa akda.
(SAGOT):Maraming positibong bunga ang social media,gaya ng pwedeng magbigay ng komentaryo
tungkol sa ibat ibang paksa at usapin.Nakakapagbigay rin tio ng ibat ibang klase ng ideya para sa
edukasyon.
5.Sa papaanong paraan nagiging negatibo ang ibinubunga nito ayon sa pahayag sa akda.
(SAGOT):May positibo ang bunga ng social media ngunit kaya ito nagkaroon ng negatibo dahil sa
abusadong pag gamit nito gaya ng ang mga tao ay nagiging responsable sa kanilang pinopost at sa
kanilang nilalapag na komentryo o balita na walang matibay na sandalan.

AKDA BILANG 6
1.GUNITA – (ALA ALA)
2.PANIMDIM – (PANGAMBA O ALINLANGIN)
3.ALUMPIHIT – (NAMIMILIPIT)
4.PUHON – (PAGPAPAKUMBABA)
5.GALIMGIM – (LUMBAY DAHIL SA PAG IISA)

-MGA TANONG AT SAGOT-


1.Ang SLACKTIVISM sa Social Media ayon sa akda ay:
(SAGOT):Isang petisyon sa online kung saan sila gumagawa ng hakbang upang suportahan ang isyu o
panlipunang sanhi.
2.Ayon sa akda,paano nagiging instrumenting makapangyarihan ang paggamit ng social media?
(SAGOT):Halimbawa nagagamit ito bilang panimula ng isang petisyon tungkol sa tiyak na isyu.
3.Sa iyong opinion,ang isang SLACKTIVIST ba ay maituturing na taong nanggugulo lamang sa isang
lipunan?Bakit?
(SAGOT):Hindi,sapagkat may mga magagandang bagay din ang naidudulot nito halimbawa na dito sa
panahon ngayon,nabibigyan na ng pansin ang ibat ibang hinanaing ng mga mamamayan sa social media
sa tulong ng pag shashare ng artikulo sa specific na isyu.
4.Magbigay ng positibong ibunubunga ang SLACKTIVISM na mababasa sa akda.
(SAGOT):Ang positibong ibinunga nito ay ang pag buklurin ang kamalayan ng mga tao na pisikal na
magkakahiwalay at sa isang banda ay binibigyan nito ng oportunidad ang lahat na lumahok tungo sa
pagbabago.
5.Sang-ayon k aba sa gawaing ito?Pangatuwiranan ang iyong sagot.
(SAGOT):Oo,Sapagkat nakakatulong ito na maging malaya nilang ipahayag ang kanilang mga saloobin at
hinaing sa lipunan.
AKDA BILANG 7
1.SAPANTAHA – (AKALA O HINALA)
2.SANSINUKOB – (UNIBERSA)
3.HAROK – (HILIK)
4.BUSILAK – (PURO O PUTI)
5.BANAAG – (INAABOT NG PANINGIN)

-MGA TANONG AT SAGOT-


1.Ayon sa akda,maituturing na “addiction”ang isang Gawain kung:
(SAGOT):Ayon sa akda,maituturing na “addiction” ang isang Gawain kung ang isang bagay ay pumapasok
sa iyong isipan at hindi ito maalis alis at darating sa punto na hindi mo kakayanin na wala ito sa iyong
buhay.
2.Paano nakaapekto sa buhay ng isang tao ang “addiction” sa isang bagay o Gawain?
(SAGOT):Nalilipasan na ng gutom,laging puyat halos karamihan sa epekto nito ay nakakasama sa
kalusugan.
3.Paano,ayon sa iyong binasa mapagtatagumpayan ang “addiction”sa isang bagay o Gawain?
(SAGOT): Pwede mo itong matagumpayan sa iyong sarili sa pamamagitan ng pag kontrol mo sa iyong
sarili at pagdedesisyon.
4.Anu-ano ang mga bagay o pagkakataong maaring mawala o masayang sa isang tao sa pag kaadik sa
isang bagay o Gawain?
(SAGOT):Ang relasyon sa pamilya at relasyon sa kaibigan,dahil mawawalan ka ng oras para sa mga yan
kung sakalin maadik ka sa isang bagay.
5.Kung mayroon kang kakilala o kaibigang kasalukuyang dumaranas ng adiksyon,ano ang maari mong
maipayo sa kanya?
(SAGOT):Ang maipapayo ko sa aking kaibigan ay itigil nya na ito dahil wala itong magandamg dulot sa
kanya lalo na sa kinabukasan nya at maari din nitong masira ang kanyang buhay at maari din itong
ikaapekto ng kanyang kalusugan.

AKDA BILANG 8
1.PANDARAHOP
2.HAYNAYAN – (BIYOLOHIYA)
3.KAHILOM – (KAAHIMIKAN O KAPAYAPAAN)
4.KURIMAW – (HALIMAW)
5.MARILAG – (MAGANDA)

-MGA TANONG AT SAGOT-


1.Paano nagiging daan sa kaunlaran ng isang lipunan ang edukasyon?
(SAGOT):Kung wala nito,at kung ang mga mamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng matibay
na kaalaman sa edukasyon,magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag unlad.
2.Anu-ano ang maari mong matamo sa iyong buhay sa pamamagitan nito.
(SAGOT):Magkakaroon ka ng sapat na kaalaman at maari kang makatulong sap ag papaunlad ng lipunan
at paglikha ng mga bagay bagay na maaring makatulong sa iyong sarili at sa kapwa.
3.Totoo ban a ang edukasyon ay nakakamit lamang ng mga taong may sapat nap era?Bakit?
(SAGOT):Depende,dahil ang bawat tao ay may ibat ibang problema o sitwasyon na dahilan kung bakit
nakakaya nilang kumuha ng edukasyon at bakit hindi nila makamit ito.At kahit sino maaring magkaroon
ng edukasyon kahit anong antas kapa ng buhay.
4.Sa iyong opinion,may kasiguraduhan baa ng kaayusan at kaunlaran ng isang tao sa pagkakaroon ng
mataas na pinag aralan sa kolehiyo?Ipaliwanag.
(SAGOT):Sa aking opinion,hindi,dahil napapansin nyo poba na maraming nakapag tapos ng pag aaral
ngunit hindi padin umuunlad.Hindi sila umuunlad sa kanilang mataas na pinag aralan at sa kung anong
school sila nakapag tapos.Uunlad ka lang kung ikaw ay magsisikap hindi batayan kung ano ang narating
at natapos mo dahil sa panahon ngayon kung ikaw ay may mataas na pangarap at nagsusumikap ka,sa
tingin ko may kasiguraduhan ang iyong pag unlad.
5.Sa iyong palagay,sa pormal na paaralan lamang ba natatamo ang edukasyon?Pangatwiranan.
(SAGOT):Oo,dahil sa paaralan lamang ang mayroong pormal na programa.Ang pormal na paaralan ay
may magandang benepisyo sapagkat naisasanay tayo nito sa pagsabak sa ating hinaharap na
pamumuhay.

You might also like